Chapter 58

Chapter 58:

Hakuna Miran's Point of View.

Nang makasakay sa sasakyan niya ay nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang sariling ngumiti ng sandaling siya ang mag-kabit ng seatbelt ko.

Nakasandal ako ngayon para mas makita niya dahil sobrang lapit namin sa isa't isa nang matapos siya ay napangiti siya ay ng tumingin sa akin ay unti unting nawala 'yon ng mapatingin siya sa labi ko.

Napaiwas tingin naman ako, "It's inviting me, should I go?"  Tila naging kamatis ang mukha ko ng maramdaman kong mag-init ito dahilan para maitikom ko ang bibig.

"Kidding, let's go." Ang mahinang tawa niya ay nakakaadik pakinggan.

Nang ma-suot niya ang seatbelt niya ay tumingin na ako sa harapan sa mismong daan, napahikab ako ng makaramdam na ng antok.

Sumandal ako sa kumportable niyang upuan sa sasakyan ngunit naudlot ang pag pikit ko ng kunin niya sa kandungan ko ang kamay ko at hinawakan 'yon habang ang isang kamay niya ay nasa manibela.

Nakagat ko ang ibabang labi ng sulyapan niya ako, pigil ngiti akong umiwas tingin. "Hindi ka ba nakainom?"  Tanong ko, nalingon niya ako ng tumigil kami sa stop light.

"Just a little, but I'm not drunk." Paglilinaw niya.

"Coffee tayo?" Anyaya ko.

Tila napaisip siya, "at your house sure," tumango ako at tsaka nanatiling nakahawak sa kamay niya. Nang tumigil sa harapan ng bahay namin ay himala't pinagbuksan niya ako.

Inalalayan niya pa akong bumaba ng sasakyan, matapos no'n ay inalalayan niya ako papasok sa bahay ngunit ganoon ako napatigil sa sala ng punong puno ng regalo.

"Open the gift— uy kuya, dito ka pala." Nakangiting sabi ni Yamato at nakipag-apir kay Laze.

"Si Bullet?" Tanong ni Yamato.

"Kasama ni Jami," tumango si Yamato.

"Mama, kape po." Nakangiting sabi ko.

"Buti wala ang lola mo, kundi magagalit na naman 'yon." Natatawang sabi ni mama kaya naman naupo ako sa sofa at ganoon rin si Laze sa single.

"Unahin mo yung sa akin ate, favorite mo 'yan eh." Inabot ni Yamato ang regalo niya sa aking kahon kaya naman inalis ko ang gift wrap no'n at nang makita na naka-tape ang nanguso ako.

"Magiging aswang ba ako para lang mabuksan 'to? Kuha ka kutsil—"

"Use this," natigilan ako ng i-abot ni Laze ang maliit na kutsilyo galing sa keychain na naka-kabit sa susi ng sasakyan niya.

Dahil doon ay nabuksan ko na 'yon kaya ipinatong ko sa legs ko yung kutsilyo habang kasama ang susi ng sasakyan ni Laze, nang mabuksan ay tumaas ang kilay ko ng may another box na naman.

"Pag prank 'to Yamato, babawasan ko allowance mo." Singhal ko.

"Ate gift 'yan, pahihirapan lang kita buksan." Natatawang sabi niya kaya naman ginamit ko uli ang kutsilyo.

Pagkabukas ay nakita ko ang pulang dress na sobrang revealing.

"K-Kailan ko pa 'to naging fav?"

"Yung kulay ate," turo niya sa dress.

"G-Gago 'to." Naitago ko kaagad 'yon sa kahihiyan kay Laze, sunod ay regalo ni mama ngunit set ito ng earings, kay dad naman ay pair of sandals for my work.

"Yung kay Ate Janella?" Tanong ko.

"Bag ate," napangiti ako ng makita ang itim na bag.

"Yung sa Bautista ate, yung sa basta 'yon bag rin." Tumango lang ako.

"Kay Kuya Yuno naman libro eh, hindi ko alam kung anong klase pero para siyang coloring book from france." Inabot 'yon ni Yamato sa akin at naka-set 'yon.

"Mukhang plano nila ni Kuya Jem, kaya kay kuya Jem coloring materials." Tumango akong muli not until Yamato handed me an envelope.

"Kanino 'to?"

"Mine," matipid na sagot ni Laze.

"Papel? Picture ba 'to?" Tanong ko.

Dumating naman si mama dala ang coffee, na-intriga rin siguro siya kaya naupo siya sa katapat. Binuksan ko ang envelope ngunit nangunot lalo ang noo ko ng mabasa ang nasa envelope.

"Private property?" Sambit ko habang nakakunot ang noo.

"Patingin anak," inabot ko 'yon kay mama at hinintay siyang ipaunawa sa akin 'yon.

"A 3000 square meter land—"

"Lupa?!" Gulat na sabi ni Yamato.

"May contract anak," inabot ni mama ang pangalawang papel na nasa loob.

"Ano 'to Laze?" Kwestyon ko.

"Crizel told me to give you a house and lot, but I only have the land so I'll get you as my architect so we can plan on building your dream house?" Napakurap ako ng maraming beses.

"Gagi joke niya lang 'yon!" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Laze, hala. Ano 'to, hindi ko matatanggap 'to."  Kinuha ko 'yon at inabot sa kaniya pero naglapat ang labi niya at naningkit ang mata habang sinusuri ang envelope.

"I can't have it back anymore, I already gave it to you and it's under your name." Nakagat ko ang ibabang labi tsaka ako napatayo at hindi makapaniwala.

"I'll pay you for this—"

"No, that's a gift."  Seryosong sabi niya.

"Pero sobra sobra 'to—"

"Then my gift too for the past few years that I'm not with you?" Napatitig ako sa kaniya at napaupo na, "Ate ganyan dapat, nauuna ang lupa bago sing sing."  Parinig ni Yamato.

"This is really too much Laze," naitikom niya ang bibig.

"My land is sitting beside yours now," mahinang bulong niya.

"Mama kakausapin ko lang po ha," hinila ko si Laze papunta sa itaas ng bahay sa terrace doon kaya naman ng makarating ay hinarap ko siya.

"Laze," I frustratedly called out his name.

"It's okay, it's okay." Mahinahon niyang sabi.

"H-Hindi ko kasi deserve, lalo na ngayon—"

"You don't need to worry, hmm?" He cupped my face and smiled, "You deserve everything, without hesitation you deserve it. You'll need a land to build your dream house." Lumabi ako ng malambing niyang sabihin 'yon.

"A-Alam kong masama 'tong ginagawa natin, pero pasensya na kung ipinunta kita sa ganitong sitwasyon."  Tumitig lang siya sa akin tsaka niya binitiwan ang mukha ko.

Napanguso ako ng yakapin niya ako at hagurin sa likuran, "Don't be scared 'cause I'm now here, anything you wish will be my priority." Yumakap ako pabalik.

"Thank you," sambit ko.

Napahikab ako kaya naman natakpan ko ang bibig dahilan para mahinang matawa si Laze, "Matulog ka na pagka-uwi ko," mahinahon niyang sabi at isinilid ang buhok ko sa gilid ng tenga ko.

"Shower muna ako, wait mo 'ko." Paalam ko, ngumiti siya at tumango.

Magkahawak ang kamay naming pumunta ako sa kwarto ko, "Pasok ka?" Anyaya ko, natigilan siya at nasilip ang buong kwarto ko.

Bahagyang naningkit ang mata niya at umiling, "Hintayin na lang kita sa baba." Paalam niya, kaya naman binitiwan ko na ang kamay niya.

"Mabilis lang ako," paalam ko.

"Hmm." Tugon niya at nakatitig lang sa akin.

Nang maisarado ang pinto ay napatalon talon ako at tsaka ko ibinagsak ang sarili.

Niyakap ko ang unan at inipit ko ang tili upang hindi kumalat, sobrang saya ko ngayong araw.

Para akong nasa ulap sa saya, kaya naman matapos maisip na totoo ngang mutual ang feelings namin ay dumeretso na ako sa banyo at nagmamadaling naligo.

Pumili rin ako ng ternong pantulog tsaka ako naupo sa harap ng salamin ko at naglagay ng tinted moisturizer, and tinted lip balm para naman hindi nakakahiya ang mukha ko sa harapan niya.

Pagkatapos no'n ay inilugay at sinuklayan ko ang buhok ko tsaka bahagya itong tinuyo, inabot ko rin ang baby cologne at naglagay ako no'n sa katawan ko.

Pagkatapos no'n ay kinuha ko ang pares ng slipper ko na bear ang design, lumabas na ako ng kwarto at dahan dahan na bumaba ngunit nang mapatingin kaagad sa akin si Laze ay nasuri niya ako kaya nakagat ko ang dila upang pigilan kong mangiti.

Yung titig niya ay sobrang nakakaba!

'Yon bang tila pinipigilan niya ang mga labing ngumisi ngunit tinatraydor siya mg dimples niya, prente siyang nakaupo sa sofa at tanging polo na lang ang suot.

Ang tuxedo niya ay nakapatong sa arm rest ng sofa, umayos siya ng upo at ngayon ay nakapatong na ang dalawang siko niya sa magkabilang tuhod.

"Hijo bakit hindi ka pa dito matulog?" Tanong ni mama bigla kaya bahagya akong napalingon kay mama.

Sa kwarto ko?

"No thanks tita, I need to go home and meet my parents." Matipid na sabi ni Laze at ngumiti.

"Osige hijo, nagugutom ka ba?" Ngumiti si Laze at umiling, "Thank you tita, but I'll leave first." Paalam ni Laze at tumayo na ng makalapit ako.

Ang bilis naman?

"Ingat ka, Miran ihatid mo na." Tumango ako kay mama at sinabayan maglakad si Laze.

Nang makalabas ng bahay ay tumigil siya sa harapan ko, napangiti siya this time at lumabas doon ang dimple niya. Nakakatuwa namang titigan ang mukha nito.

"Ingat ka sa pagmamaneho, huwag mabilis." Paalala ko.

"I will," tumango siya.

"Nakakainis naman yung height mo, ngalay na leeg ko." Nakangusong reklamo ko tsaka ako bumuntong hininga.

"We're both adjusting just to see each other faces then, that's adorable isn't it?" Tumaas ang kilay ko ngunit itinaas taas niya ang kilay niya kaya natawa ako.

"Sa atin lang yung mga naganap ngayong araw okay?"  Tumango siya.

"I wanted to tell the world that you're mine, but I can't," he blurted out and reached my hand to hold it.

"Your hand is tiny," mahinang sabi niya at mahinang pinisil 'yon.

"I'm a bit sleepy, we'll see tomorrow again?" Paalam niya.

Tumango naman ako at tiningala ang mukha niya, "See you," ngumiti siya sa akin at halos makiliti ang puso ko ng hawakan niya ang pisngi ko na para bang ang liit liit no'n dahil sa malaking kamay niya.

"I'll see you, goodnight."  Pinisil niyang muli ang kamay ko bago 'yoj binitiwan.

"Goodnight," iwinagayway ko ang palad sa harapan niya kaya naman matipid muli siyang ngumiti at naglakad na papalapit sa sasakyan niya.

Napahikab akong muli, "Happy birthday." He mouthed that made me smile.

Nang makasakay siya sa sasakyan niya ay binuksan niya pa ang bintana, "Go inside." Tumango ako ay humawak sa door knob ng bahay namin.

Nang bumusina siya ng tatlong beses ay kumaway ako muli bago pumasok sa bahay, nang makapasok ay tatalon talon akong pumunta sa kwarto ko.

"G-Ginagawa mo ate?" Naguguluhan na tanong ni Yamato kaya napalunok ako at umiling iling tsaka nagmamadaling pumasok sa kwarto ko.

Nakakahiya!

Humiga na ako sa kama ko at tsaka ako nagbukas ng social media account ko, ngunit natigilan ako ng makita ang IG account ni Laze.

Napakurap ako ng makita na wala siyang profile ang mysterious naman ng lalake na 'to. Naka-private rin ang account niya.

Hindi pa niya inaaccept ang follow request ko? Grabe naman wala na ngang label hanggang IG ba naman.

Jeremiah Laze Sandoval Garcia
@jl.garcia
Architect

Napalunok ako ng makita ang followers niya, ang dami naman yata eh wala naman yata siyang posts? Ngunit mas napalunok ako ng makita ang following niya.

Followers: 28,090
Following: 15

Parang malabo pa yata na makasama ako doon? Ngunit ganoon ako natigilan ng may mag-pop up sa screen ko.

@jl.garcia followed you back.

Napakurap ako ng maalis ang pagkaka-private ng account niya, hanggang sa makita ko ang isang unread message galing sa kaniya.


[Jeremiah Laze Sandoval Garcia]

@jl.garcia: Stalking? I followed you back, didn't realize it was a few years ago.

@hakuna.miran: Sino ba naman ako para i-follow back mo?

@jl.garcia: Oh, I'm really sorry babe.

@hakuna.miran: Anong babe? Maka-babe 'to.

@jl.garcia: Are you mad?

@hakuna.miran: Hindi.

@jl.garcia: Doesn't look that way, I apologize. I'll treat you to an ice cream tomorrow?

@hakuna.miran: Sige, tatlo ah? Yung favorite flavor ko sana. Hehehehehe.

@jl.garcia: Deal, I already got home. I forgot to tell you, goodnight.

@hakuna.miran: Gege.

@jl.garcia: Gege?
        Are you really mad?

@hakuna.miran: Gagi hindi hahahahaha, tulog ka na. Ganoon lang ako mag-chat, 'to naman kabado.

@hakuna.miran: Goodnight!

@jl.garcia: Just worried, goodnight. :*



Napakurap ako ng maraming beses ng matitigan ang sign ng kiss na sinend niya after a goodnight.

Napatitig ako ng matagal doon bago ko napadyak padyak ang paa sa kilig na nararamdaman, but then I didn't notice Terry's text message.


From Terry:
   
      I had no idea if you're home safe, but I hope you are. I'll sleep, goodnight Miran. Happy birthday, I love you.

Bigla ay napabuntong hininga ako at kinonsensya sa ginagawa ko sa kaniya ngayon, naibaba ko ang cellphone ko at hindi na siya nireplyan.

Iniyakap ko ang mga braso sa unan at ipinikit ang mata dahil sobrang inaantok na rin talaga ako.

Kinaumagahan ay matapos kumain ng umagahan ay sabay na kami ni Jem na pumasok sa trabaho, excited ako at hamak na nakaayos ngayon para lang maging mas presentable tignan.

Nang makarating sa rest house ay napalunok ako at kinabahan ng makita na ang sasakyan ni Laze sa parking spot sa rest house.

Kagat labi akong nagpigil ngiti sa hindi maipaliwanag na dahilan, bakit ganito? Parang high school naman kung ma-excite nakakahiya.

"Wow, may kakaiba sa'yo ah?" Napansin ni Jem kaya naman lumunok ako, "Ako lang 'to?" Nag-aalangan kong sabi dahilan para matawa siya.

"Ah by the way, about kay Yuno. Alam niyo ba 'yon?" Natigilan siya at tsaka tumango.

"Oo, magkakasama kami lumaki tatlo." Ngumuso ako.

"Si Yamato alam niya?"

"Hindi, kagabi niya lang din nalaman." Sagot nito at napahikab pa siya na para bang ang aga masyado ng alas syete ng umaga para pumasok.

Nang makapasok sa rest house ay hinanap ng mata ko si Laze, hindi ko siya mamataan sa sala o kusina baka nasa kwarto niya.

"Potek, sakit ng ulo ko sa pa-alak ni Miran kagabi." Lumabas si Crizel palabas ng banyo mukhang may hangover kaya natawa ako.

"Ba't ka kasi uminom ng marami? Broken ka ba?" Kwestyon ko.

"Oo, tange." Nanlaki ang mata ko.

"Seryoso ba?" Ngumiwi siya at tsaka inabot ang tasa ng kape tsaka ininom 'yon.

Si Ruri at Carl ay kapapasok lang rin, ngunit yung gusto ko makita ay hindi ko pa rin nakikita ngayong umaga. Umupo muna ako sa sofa at tsaka naki-nood ng tv.

Hanggang sa bumukas ang pinto at alam kong sa kwarto ni Laze 'yon ngunit hindi ko piniling lumingon para naman kunyare ay hindi ko batid na palabas na siya.

Habang nakatutok ang mata ko sa palabas ay hinihintay kong magsalita si Laze. "Good morning, kumpleto na kayo?" His morning voice is freaking me up!

"Kumpleto na Architect," sagot ni Carl.

"Good morning Architect," sambit ni Jem.

"Hmm, kumain na kayo?" Kwestyon ni Laze at ganoon ako napalunok ng may palad na pumatong sa balikat ko tsaka 'yon mabilis na inalis dahilan para makiliti ang puso ko sa kilig.

Nilingon ko siya at sinalubong ako ng ngiti niya, ngunit hindi siya gaano nagpahalata tulad ng na pag-usapan at nangunot ang noo ko ng may maliit na naka-kahon siyang ibinigay sa akin.

"Ano 'to?" Mahinang tanong ko ng makaupo siya sa mahabang sofa sa kabilang dulo ng sofa na inuupuan ko.

"Mom's gift." Sagot niya at itinutok ang atensyon sa cartoons na pinanonood naming lahat ngayong umaga.

"Pasabi thank you," mahinang sabi ko at binuksan 'yon.

"Itong isa rin?" Tanong ko, umiling siya. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at ibinaba 'yon sa tabi niya, simpleng trousers lang ang suot niya ngayon at dark green na shirt round neck .

Sobrang gwapo niya ngayon, kahit kagigising kasi medyo basa basa pa ang buhok niya at ang fresh niya tignan, agaran akong napaiwas tingin ng lumingon siya sa akin.

Mukha naman akong patay na patay sa kaniya ngayong alam niya na ang nararamdaman ko, Hakuna Miran maghunus dili ka.

Binuksan ko na ang gift ng mommy niya sa akin at ng mabuksan 'yon ay napatitig ako sa nakita. Tsaka ko natitigan si Laze na matipid na ngumiti at umiwas tingin.

"B-Bakit g-ganito?" Pabulong na tanong ko, malakas na kumabog ang dibdib ko.

"Follow me," mahinahon na sabi niya at tsaka nagpaunang tumayo, natignan naman nila akong lahat.

"Hala ka mare, ano na naman ginawa mo." Lumunok ako sa sinabi ni Crizel tsaka ako sumunod kay Laze.

Nang makapunta sa kwarto niya ay napalunok ako, naupo naman siya sa dulo ng kama niya ay tinignan ako. "B-Bakit yung kwintas na 'to? Para sa myembro lang 'to ng mga pamilya niyo 'di ba?" I started.

He stared at me and crossed his arms in front of his well built chest, his gray eyes were looking at me. "So that people will know you're mine, and will be part of my family when you're ready." 

Napakurap ako ng maraming beses at agad na napaiwas tingin ng kiligin, alanganin kong nahawakan ang pisngi ko tsaka tumikhim. "A-Ah, ano itong i-isa ano 'to?" Nauutal kong tanong.

"Open it," he gestured his hand and crossed it on his chest again.

Binuksan ko 'yon at ganoon ako napalunok ng makita ang chocolate, "Akin 'to?" Pabulong na tanong ko.

"Hmm."

"Thank you." Matipid na sabi ko at ngumiti tsaka ko tinikman yung chocolate na binigay niya sa akin.

Napatango tango ako habang hinahayaang mag-melt 'yon sa bibig ko, "Does it taste good?"  Nakangiti akong tumango.

"Tikman mo?" I asked and was about to get a piece pero kinuha niya ang kamay ko at hinawakan.

"I'm sorry Hakuna Miran," bigla ay natigilan ako ng humingi siya ng sorry sa akin. Nagbago na ba ang isip niya? Hindi niya na ba ako gusto?

"B-Bakit?"

"I'm sorry because our lips met first before our feelings," nangunot ang noo ko at napatitig sa kaniya sa sinabi.

Our lips met first before our feelings?

"Right now, I'm apologizing because our lips met again before our relationship label." Napakurap ako ng maraming beses, mukhang seryoso at sincere siya sa sinasabi niya kaya wala akong masabi.

"I don't want you to take it the wrong way, but I am serious about you. Okay?" Ngumiti siya at mahinang pinisil ang kamay ko kaya naman ngumiti ako at tsaka ako lumapit sa kaniya at iniyakap ang braso ko sa mismong leeg niya dahil nakaupo siya sa kama.

Naramdaman ko naman ang braso niyang yumakap sa bewang ko habang nakatayo ako, "Kasalanan ko naman kung bakit nauna ang mga 'yon at hindi yung label natin. Hindi rin bigdeal sa akin kung alin ang nauna," mahinahon na sabi ko habang nanatiling nakayakap sa kaniya.

"Hmm."

Nang bahagya akong humiwalay sa pagkakayakap ay hinawakan niya ang kwintas na siya rin ang nagbigay ng 18th birthday ko. "Can we now change this?" He asked.

Napahawak ako sa kwintas na nasa dibdib ko tsaka ako tumango, dahil doon ay inalis niya 'yon at maagap at maingat niyang inilagay ang bagong kwintas sa leeg ko.

Nang mailagay ay nahawakan ko 'yon, parehas na kami na may ganitong kwintas, ngumiti ako at tsaka dumistansya na. "May dinner pala mamaya ang family Bautista, hindi pwedeng wala ako kaya naman ayon.." Tumango si Laze at umiwas tingin.

"Just tell me the venue so if you need me I can always go to you." Ngumiti ako.

"You're not mad?" I stated.

"Of course not," mahinahon niyang sabi kaya nakagat ko ang ibabang labi.

"Labas na tayo? Baka iba pa isipin nila eh." Ngumisi ang labi niyang magkalapat lang kanina kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.

"Expect to meet me everywhere, so expect to have an escape excuse." Paalala niya kaya ngumiti ako at tumango, tsaka ako lumayo na at kinawayan siya.

"Thank you ulit," paalam ko at lumabas na ng kwarto niya.

Bumalik ako sa kinauupuan kanina, ngumunguya ako ng chocolate at syempre binigyan ko rin sila para hindi lang ako ang kumakain.

"Balik bata na ba tayo? Alagang cartoon network ah." Natatawang biro ni Jem kaya naman natawa rin kami.

"What do you guys want for lunch?" Laze asked, "I'll order."  Pahabol na sabi niya at sumalampak sa sofa.

"Libre ba 'yan architect?" Tanong ni Ruri.

"It's on me, what do you guys want?"  Pag-uulit niya.

"Masarap mag-pasta ngayon architect, tapos may kasamang pork cutlet." Parinig ni Crizel.

"Pasta and pork cutlet, tapos?"

"Creamy broccoli with shrimp, masarap 'yon." Dagdag ni Jem.

"Okay, dessert?"

"Ice cream." Sagot ko kaagad, "Hmm 'yon lang?" He stated after typing on his phone.

"Parang 'yon lang naman," mahinang sabi ko.

"Magandang panghimagas architect yung chicken lollipops, tapos yung dip sauce yung cream cheese parmesan ba 'yon." Napatango si Laze sa sinabi ni Carl kaya humikab ako muli.

Tahimik lang akong nakaupo not until a bell rang, nalingon ko ang main door tsaka sinulyapan. "Ako na," tumayo ako at lumapit sa pinto.

Nang mabuksan 'yon ay nagulat ako ng makita si Terry, "B-Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko.

"I came here to drop by our wedding invitations." Napalunok ako at hinayaan siyang pumasok, isa-isa niyang binigyan sila ng invitations kaya nang magtama ang mata namin ni Laze at nahihiya akong umiwas tingin.

"Sigurado ka bang wala ng atrasan 'to?" Sa sinabi ni Laze ay natigilan si Terry at nilingon si Laze.

"Wala na." Matipid na sagot ni Terry.

"How sure you are?" Ang abong mata ni Laze at blangkong nakatitig kay Terry.

"Why? Who can help her family? Ako lang naman 'di ba?" Sumbat ni Terry.

"Who knows?" Sambit ni Laze kaya naman mabilis akong pumagitna.

"Okay na 'di ba?" Tanong ko kay Terry.

"May work pa kami, huwag ka ng gumawa ng gulo Terry. Okay na." Mahinahon na sabi ko.

"Miran," bumuntong hininga si Terry at tumango.

"I'll go ahead." Paalam niya kaya napaiwas tingin ako.

Narinig ko ang matunog na paghinga ng malalim ni Laze tsaka niya pinunit yung wedding invitation ng kasal namin ni Terry, tsaka niya basta-basta na itinapon 'yon sa kung saan tsaka siya dumeretso sa kwarto niya.

Nakagat ko ang ibabang labi, nang dumating ang order niya ay doon lang siya lumabas kaya napanguso ako ng hindi niya ako kibuin, pagkatapos niyang magbayad ay inilagay niya sa dining ang food kaya para akong batang sumunod.

Nang makaupo ay sa tabi niya ako kaagad naupo, panay ang sulyap ko sa kaniya ngunit seryoso lang siya. Magkalapat ang labi at hindi lumilingon kanino man.

Nagsimula na silang magkuhanan kaya kumuha na rin ako, nang makakuha ng chicken lollipops ay kumuha ako ng tatlo at inilagay sa plato ni Laze dahilan para matigilan siya.

Nang sulyapan niya ako at nag-pout ako dahilan para iiwas niya ang tingin niya ngunit napatitig ako ng ilapag niya ang apat na chicken lollipops.

Ano ibig sabihin no'n?

Napatitig ako sa kaniya, "Wow." Bulong ni Crizel kaya nasiko ko siya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko upang pigilin ang ngiti tsaka ko unang kinain ang binigay niya, habang kumakain ay nag-uusap sila about this project, habang hawak ko ang fork sa kaliwang kamay ko ay ipinatong ko ang kanang kamay ko sa lap ko.

Abala sa pakikinig, nang magsalita si Laze ay tinitigan ko ang kung saan na para bang focused ako doon not until a warm hand held my hand that's on my lap.

Hinawakan niya 'yon pero nagsasalita pa rin siya, tila may kumiliti sa mga lamang loob ko dahil sa ginawa niya ngunit umayos ako ng upo at tumikhim.

Pasimple akong kumuha ng chicken lollipops at pinapak 'yon, nang matapos siyang magsalita ay pinisil niya ang kamay ko bago maingat na binitiwan 'yon at nilingon ako.

"Ice cream?" He asked, kaya dalawang beses akong tumango dahilan para matipid siyang ngumiti at tumayo.

"Ako rin—"

"Get your own," matipid na sabi ni Laze kay Jem kaya naman mahina akong natawa.

Nang makalapit si Laze ay ibinaba niya sa tabi ng plato ko ang ice cream na nasa isang transparent cup at ang spoon nitong maliit ay may disenyong mickey mouse.

Bubuksan ko na sana 'yon pero pinalitan niya yung nilapag niya at ang binigay niya sa akin ay 'yong nabuksan niya na.

"Tignan mo 'to, favoritism." Bulong ni Jem kaya kagat labi akong nagpigil ngiti, sino ba namang hindi?

Matapos namin kumain ay dumeretso na ako sa kwarto ko, habang nakatambay ay biglang tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko 'yon.

It was laze, sa IG pa talaga? Wala ba siyang number ko?



[Jeremiah Laze Sandoval Garcia]

@jl.garcia: Don't forget to send me your location later, I don't trust their family. Things won't be pretty if they harm you.

@hakuna.miran: Noted.

@jl.garcia: Take a picture with the family or video, send it to me.

@hakuna.miran: Masusunod po.


Natatawa kong itinago ang cellphone ko, masyado niya na naman akong iniingatan, ganoon ba ako kahalaga para sa kaniya?

He's making my day good..


///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top