Chapter 57
Chapter 57:
Hakuna Miran's Point of View.
"Laze.." Nasambit ko ang pangalan niya tsaka ako naluha ngunit ngumiti siya.
"Don't cry, you'll waste your make up." Ngumiti siya at pinahid 'yon, "All this time, ikaw siya?" Tumango si Laze.
"H-How?"
"Hindi ko maintindihan, p-papaano?" Naguguluhan kong tanong, nakagat niya ang ibabang labi ay muling sinuot yung maskara.
Naupo siya sa tabi ko at natigilan ako ng kunin niya ang kamay ko. Hinawakan niya 'yon bago siya nagsalita, "I practiced the intermission number with the help of the choreographer." Nang sabihin niya 'yon ay napakurap ako.
"I-I already know that night that it's you, malakas ako makiramdam lahat ng bagay napapansin ko. That night I forgot that I was emotionless." He explained and smiled.
"I only cared about how I felt, it was addicting. You're making my heart skip a beat, you made my heart felt everything I can't feel before." Natulala ako sa mukha niya, naluluha.
"I thought you really like the one you pointed out, didn't know it was me. Because you thought that, that person was me." Bigla ay nahiya ako.
"How can you keep your feelings that well?" Kwestyon niya kaya napaiwas tingin ako.
"Laze, you already know that I'm getting married.." Nanlulumong sabi ko.
"That's why I'm asking you to runaway with me," umiling ako sa anyaya niya.
"I'll continue this marriage, wait for me." Laze stared at me, jaws were clenched and his lips parted in dismay.
"Hakuna naman," nanlulumong sabi niya.
"I'll just need to help my grandparents," umiling si Laze.
"I can't let you marry that man, he's making my blood boil. His family," Laze held my hand and sighed.
"Let's just leave them," nakikiusap na sabi niya.
"Laze hindi ko iiwan na ganoon kagulo ang estado ng pamilya ko—"
"Then what do you want me to ask you? Cheat with me Hakuna Miran? Is that what you want?" Napatitig ako sa kaniya sa sinabi, "Let's not spoil your day and have fun. H-Hindi ako ang sisira sa espesyal na araw mo." Inayos niya ang buhok ko tsaka siya pilit na ngumiti.
"Does Yuno know?" Kwestyon ko.
"Yeah." Napapikit ako sa narinig, "Kung ginusto ko ng lubusan si Sha ang nasa isip ko siya na 'yon." Inis na sabi ko, ngumisi si Laze.
"Since it's your day," napakurap ako ng patayuin niya ako sa harapan niya at halos manlaki ang mata ko ng i-upo niya ako sa kandungan niya, "Let's enjoy this as Sha and Hakuna."
Nag-init ng todo ang pisngi ko ng iyakap niya ang braso sa bewang ko, napakurap ako ng kunin niya ang kamay ko at dahan dahan na alisin ang sing sing ng engagement namin ni Terry.
"Forget him, he'll never notice you anyway." Hindi ko maalis ang titig sa mga mata niya, he really changed!
"I-Ikaw nga siya," hindi makapaniwalang sabi ko. Inaalala ang resembles ni college night guy dahil siya nga talaga siya.
Hindi pa rin ako makapaniwala kaya mabilis kong tinignan ang pulsuhan ni Laze at nang mai-angat ay umawang ang labi ko ng nandito ang tattoo at ang bracelet na binigay ko.
Habang nakaupo ay napakurap ako ng tumunog ang isang kanta na sobrang kalmado, then it lyrics remind me of Sha's letter.
For you i'd fight, have fun doing things you like. I don't know if you'd be mine, but I know I can treat you right.
"So it's a song," hindi makapaniwalang sabi ko na ikinangisi niya.
"Call me your nightlight," sa sinabi niya ay napaiwas tingin ako sa mukha niya dahil sa kaba.
"So are we together now?" Nanlaki ang mata ko.
"You're really asking me to cheat!" Natawa siya sa reaksyon ko at umiling.
"No, 'cause I'll be the original and let's say he's the fake one." Pinigilan kong mangiti sa sinabi niya, lahat ng stress ko biglang naglaho dahil sa kaniya.
"Sana matagal ka ng nagpakilala," inis na sabi ko.
"As if you're gonna accept me if you knew that it was me? I'm sure you'll turn down a great offer." Umirap ako at tumayo na pero pinigil no'n ng kamay niyang nasa bewang ko.
"You can run to me, or I'll run to you. That will be our role, don't be afraid to yank them 'cause I'm here." His stares makes me want to kiss him.
"Mamaya, hahanapin na ako as celebrant and I'll need to remove this mask. Kahit ikaw," hinawakan ko ang mask niya.
"Bakit iba na yung mask mo?" Kwestyon ko.
"Ikaw rin," turo niya sa ilong ko kaya nahawi ko ang kamay niya.
"Bakit nga?"
"I already keep it, just in case you want proofs. I can show you," ngumiwi ako at tsaka tumayo na.
"You're being clingy," sermon ko.
"I am an engaged woman, how dare you." Asar na sabi ko na ikinangisi niya lalo, he looks happy right now, and so do I.
"How dare you, I am a commited man why are you engaged?" Umirap ako at mabilis siyang iniwan doon na nakangisi, nang makapunta sa stage ay napatingin ako sa speakers ng mas lumakas yung nightlight na kanta.
Hinanap ko naman yung parents ko at ng makita sila ay nginitian ko sila tsaka ako bumeso kahit na may mask ako, "You look so happy right now, anak." Nakangiting sabi ni mama.
"I am happy mama, sino pong hindi? I'd get to celebrate my 22th birthday." Ngumiti si mama at tumango, "Yung kapatid mo may kasagutan na naman kanina." Nangunot ang noo ko at hinanap si Yamato.
"Hanapin ko ma, sino ba sa kanila?"
"Janella," sagot ni mama kaya natawa ako at umikot na para hanapin si Ate Janella.
Ngunit natigilan ako ng makita sila sa labas ng bar ni Jem, "Look Janella, I'm trying my best to be a brother but why can't you treat me like I am your brother?!" Nangunot ang noo ko at sumandal sa gilid habang pinanonood sila.
Hindi naman ako nagtatago, kung lilingon sila ay makikita nila ako kaagad. "Ayaw nga kita maging kapatid! Hindi mo ba naiintindihan? Jeremy naman!" Singhal ni Ate Janella.
"Eh ano? Ano pa bang gusto mo?!" Napalunok ako dahil ang seryoso nila.
"Gusto nga kita, mahal nga kita ano bang mahirap doon! Ayoko maging kapatid ka!" Nang marinig ko 'yon ay nagulat ako ngunit umiwas tingin na lang ako.
That will be a big problem for the both of them.
"Gusto mo bang patayin ako ni dad pag pinatulan kita Janella? Nag-iisip ka ba?" Tumikhim ako ng malakas dahilan para malingon nila.
"M-Miran," gulat na sabi ni Jem.
"K-Kanina ka pa?" Gulat na tanong ni Ate Janella kaya matipid akong ngumiti at lumapit sa kaniya.
Nang makalapit ay nagulat siya pero niyakap ko siya at hinagod sa likod, "I won't say a word to them, it will be fine." Nang lumayo ay nginitian ko siya.
"M-Miran," hindi niya alam ang sasabihin kaya ngumiti ako.
Sunod ay nilingon ko si Jem tsaka ko siya niyakap rin at malakas na tinapik sa likod, "Ikaw mamili, sapak o sapok. Huwag mong sigawan ang ate ko," nang humiwalay ay nagulat siya.
"Miran, isa ka rin." Na-stress niyang sabi kaya ngumiti ako.
"Huwag na kayong mag-away, just have fun for tonight and suffer next day." Bigla ay naalala ko ang sinabi ni Laze sa sinabi ko.
Tinalikuran ko ang dalawa tsaka ako bumalik sa loob, ngunit pagkabalik ko sa loob ay natigilan ako ng makita si Yuno na may hawak na vape.
Nasiko ko kaagad siya sa tagiliran dahilan para bahagya siyang mapadaing, "Aray naman." Singhal niya kaya ngumiti ako.
"Problema mo?" Nagkibit balikat siya.
"Hindi ka naman si Sha," natawa siya sa sinabi ko.
"Gusto mo ba ako si Sha?" Kwestyon niya kaya nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling.
"O-Okay na ako s-sa kaniya." Tumango tango pa ako kaya naman nanlaki ang mata ko ng akbayan niya ako at halos mapalo ko siya sa braso ng halikan niya ang tuktok ng ulo ko.
"Gago!"
"Pwede ko namang gawin 'yan," ngumiti siya sa akin.
"Ang ganda mo palagi, huwag ka ng iiyak." Nang mapansin na malungkot siyang ngumiti ay natigilan ako.
"G-Gusto mo ba 'ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Hibang," ngising sabi niya tsaka niya ginulo ang buhok ko kaya naman napalo ko 'yon.
"You'll discover," paalam niya tsaka siya lumingon sa paligid.
"Puntahan mo na yung kabit mo," asar niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko.
"Ang s-sama mo," ngumisi lang siya at tumango.
"Ganoon na nga," tumango siya at naglakad na papalapit sa stage kaya naman hinanap ko kaagad si Sh— Laze.
Habang lumilinga linga ay nakita ko siya sa pwesto niya kanina at umiinom ng kaunti, naupo ako sa tabi niya dahil doon ay naibaba niya ang braso at nilingon ako.
"I saw that," Laze stated and tapped my head twice as if he's removing a dust or germs.
"Si Yuno naman 'y—"
"Not my babe," nag-init ng husto ang mukha ko ng mabilis niyang yukuin ang labi ko at dampian.
Jeeeeeeez!
"Kanina ko pa napapanood yung Bautista na 'yon palinga linga, hindi ka mahanap." Ngising sabi niya at tsaka niya ako inakbayan.
"You're very beautiful not to be noticed, he's blind." Nang sabihin niya 'yon ay bigla akong nahiya, panay ang lunok ko sa sariling laway tsaka ako tumikhim.
Kalaunan ay kinuha na ang atensyon ko kaya naman nagpaalam na ako kay Laze, "I'm sure Terry will stay beside me and he'll be my escort. Let's just see each other if we have time or chance." Paalam ko.
Nakangiti siyang tumango, "I'll find that chance to meet you," his lips rose and my eyes widened as he winked at me, teasingly.
Pumunta na ako sa stage at inalis ang maskara ko habang papunta doon, maraming bumati sa gitna ng paglakad ko sa gitna.
Nang alalayan ako ni Terry pataas ay ngumiti lang ako ng tipid, sa itaas ng stage ay nandoon ang parents ko. "Let's give a round of applause to the celebrant!" Sambit ng emcee kaya naman ng pumalakpak lahat ay ngumiti lang ako.
"Let's wait for his father's speech," nakangiting sabi ng emcee.
Nang lumapit si dad ay inabot sa kaniya ang mic, "To my lovely daughter, happy birthday anak. After your mom, daughters are next to be the most beautiful in a father's eyes." Nagpalakpakan ang lahat.
"I'm always glad that you are my daughter, Miran. Sobrang bait at masunurin mong bata, bagay minsan na nakakainis dahil naabuso ka na ngunit sige ka pa rin sa pagtulong." Napangiti ako sa sinabi ni dad.
Marami pa siyang sinabi, sunod ay si mama at ang mga kaibigan ko pati na sila Yamato. Pagkatapos no'n ay bumaba kami for others announcement.
Ngunit ganoon ako natigilan ng umakyat sila lola at lolo sa stage, "I'm here to introduce you my other apo, I'm glad to have him in our lives since he's successful in his own way. Come here apo," ang malambing na tinig ni lola ay pinagtaka ako.
"May iba pa siyang apo bukod sa amin?" Bulong na tanong ko kay mama.
"Hindi ko alam 'nak." Sagot ni mama.
"May I call you to go here in stage," nakangiting sabi ni lola nakatingin sa crowd.
Nang may umabante ay nangunot ang noo ko ng umakyat sa stage si Yuno. Si Yuno?!
"Let's welcome, Mr.Yuno Lapiz Marshall!" Nanlaki ng todo ang mata ko sa narinig.
P-Pinsan ko siya?!
"Good evening everyone! Thank you, and of course good evening to my lovely cousin. Hakuna Miran, ako lang 'to." Hindi ko maitikom ang bibig sa sobrang pagkabigla.
"S-Seryoso ba 'to?" Bulong ko sa sarili.
Ngumiti si Yuno sa akin, his pleasing smile were so warm. "Hakuna Miran, I wish you a happy birthday. I don't know if you can recall but I've met you a lot when we were young and I'm sorry if I surprised you."
Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kaniya, "I wanted to do my best to protect all of you, specially you and Janella. Because I already failed once you know, so I'm here to be a big brother although I am hard headed." Natawa siya sa sariling bati.
"Happy birthday! Nawa'y mawala na lahat ng malas sa buhay mo," pigil tawa siyang tumigil at kinawayan ako.
"It took us years right?" Ngising sabi niya.
Nang matapos 'yon ay bumaba siya dahilan para mahampas ko siya ng maraming beses, "Pinsan kita?! Hindi ka man lang nagsabi!" Natawa siya at tsaka huminga ng malalim.
"Kasi pag sinabi ko may chance na maisip mo na si Laze si Sha," bulong niya.
"I just returned him a favor, and also to make him jealous and start to move. Bagal eh," ngumuso ako.
"Nakakahiya, nakakadiri." Ngumisi lang si Yuno not until mapunta ang tingin niya sa pamilyang Bautista.
"Remember me?" Tanong ni Yuno rito.
"Well, paano niyo ba makakalimutan ang mukhang 'to?" Sarkastikong sabi niya at tsaka ako inakbayan.
"I don't advise you to trust them," Yuno stated and smirked.
"Kung marumi ang basura, mas marumi ang kaluluwa nila." Bulong ni Yuno na parang pinaririnig niya rin sa pamilyang 'yon kaya natigilan ako.
"Una na 'ko." Paalam ni Yuno.
Nang makaalis si Yuno ay napamulsa kong natanaw si Laze na nakatingin, nag-aalala ako ngunit ngumiti siya sa akin at sumenyas kaya naman natignan ko sila Terry.
"I'll just use a powder room and meet my other guests." Dahilan ko.
"Samahan na kita?"
"Hindi na, salamat." Paalam ko at tsaka ako naglakad papaalis doon.
Sinundan ko kung saan pumunta si Laze kaya lang nawala siya ng nasa powder room na, lumilinga linga ako not until Laze grabbed me by the waist and locked the door.
"S-Sa dami b-bakit sa banyo pa?" Nang mautal ay napaiwas tingin ako sa hiya.
"Wala naman akong ginagawang masama?" Mahinang sabi ni Laze at sumulyap.
"Wala naman tayong ginagawang masama," mahinahon niyang dagdag at halos mapalunok ako ng ilagay niya ang isang palad sa gilid ko.
"Wala pa," sa sinabi niya ay nakagat ko ang ibabang labi.
"Pag tayo nahuli, yari ka sa akin." Banta ko, "Pag hindi tayo nahuli, ikaw ang yari?" Sa sinabi niya ay napatingin ako sa kung saan.
"Happy birthday Hakuna Miran," sa sinabi niya ay napatingin ako sa kaniya, I was about to talk but then he smirks and touched my lips.
"Innocent woman, deserves a wild man?" Nanlaki ang mata ko, "Kidding. I want to have you alone but that's impossible since a lot of guests wanted to see you." He stated.
Inayos niya ang polo tsaka siya ngumiti, "Go ahead." He opened the door kaya mabilis akong lumabas.
Baka may makakita eh. Kabog ng dibdib ko ay hindi ko mapatahan kaya naman lumunok ako at pa-inosenteng naglakad.
Laze and I can't even dance in the dance floor since Terry don't let go of me.
Inabot yung party hanggang 1am, kaya naman ng matapos ay napansin ko na nasa gilid lang si Laze hinihintay makuha ang atensyon ko.
Lalapit na sana ako sa kaniya ngunit humarang si Terry, "Hatid na kita?" Tanong niya.
"Ah hindi na Terry, may kasabay na ako." Dahilan ko, "Sino?" Tanong niya.
"S-Si Yuno." Huminga siya ng malalim at tumango, "Alright, take care then." Yumuko siya para halikan sana ako sa labi pero umiwas ako at pilit na ngumiti tapos ay dinampian siya ng halik sa pisngi.
"Goodnight."
Nang sulyapan ko si Laze ay seryoso ang mga tingin nito kaya napalunok ako.
Nang umalis na si Terry ay dahan dahan akong lumapit sa kaniya, hindi alam ang sasabihin ngunit nakapamulsa siya at nakatitig lang ng seryoso sa akin.
"Ah ano kasi k-kailangan ko magpanggap para makaalis na siya," explain ko. Ngumisi si Laze at tsaka tumango.
"Let's go, at my condo." Napalunok ako ng sabihin niya na sa condo niya kami tutuloy.
"Kidding," tumawa siya at inakbayan ako.
"Ihahatid kita sa inyo, magkita na lang tayo sa rest house bukas or just— we'll see." Sagot niya, nakagat ko ang ibabang labi ko.
Sayang..
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top