Chapter 56
Chapter 56:
Hakuna Miran's Point of View.
Buong gabi ay inisip ko ang sinabi ni Jami sa akin, punong puno ako ng pagtataka. Bakit hindi nagawang sabihin ni Laze na pumunta siya ng kaarawan ko? Nasaan siya nang mga oras na 'yon?
Hindi niya ako nilapitan?
Huminga ako ng malalim at napailing na lang, mabilis na umurong ang oras at kinaumagahan ay sinundo ako ni Terry for breakfast at his condo. I can't say no dahil sa ayokong mahirapan lalo ang kumpanya ng lola ko.
"Kasama yung parents and yung sister mo?" Kwestyon ko.
"Yeah," sagot niya at binuksan ang pinto ng condo niya.
Nang makapasok ay nandoon na yung parents niya pati na yung kapatid niya. "Good morning po." Bati ko.
"Really? Kailangan ka pang sunduin ni kuya?" Napalunok ako sa panimula ng kapatid niya.
"Ah, hindi ko naman sinabing sunduin niya ako." I explained and sat in front of them, "Don't start a fight." Sita ni Terry sa kapatid.
"Sa susunod hija huwag mong gawing walking ATM card ang anak ko," nangunot ang noo ko.
"Mom naman." Sita ni Terry.
"I am just saying anak, binilhan mo na naman siya ng branded bag hindi pa nga kayo kasal." Nangunot ang noo ko sa sinabi ng mommy ni Terry.
"Mom that's supposed to be a surprise." Inis na sabi ni Terry.
"Can you stop doing this to me? You guys are just stressing me." Inis na sabi ni Terry at kumain na lang kaya nahihiya akong lumunok at ngumuya na lang rin.
Pagkatapos no'n ay may biglang tumawag kay Terry at dahil doon ay nagmamadali siyang pumunta doon kaya naiwan ako kasama ang pamilya ni Terry.
"Architect ka?" Tanong ng mommy ni Terry.
"Yes po." Sagot ko.
"Magkano naman kinikita mo diyan? Lumalagpas ba ng 6 digits?" Naitikom ko ang bibig sa tanong niya.
"It depends on a project po." Nahihiyang sagot ko.
"So saan napupunta yung pera na 'yon?" Napatingin ako rito.
"Dalawa pa lang po yung project na hawak ko ngayon dahil kaka-graduate ko lang last last month." I explained.
"Yung son ko yung isang client mo 'di ba? Hindi mo ba siya hinuhuthutan ng pera?" Nangunot ang noo ko at tinitigan siya.
"Tita hindi po." Sagot ko.
"Patas po ako magtrabaho, huwag niyo naman po sana akong tanungin ng mga ganyan medyo off po eh." Tumaas ang kilay nito sa pagsasabi ko ng totoo.
"Ang arte mo rin 'no? Eh ginagamit lang naman kami ng lola mo para umangat kayo, what a shame." Singhal ng half sister ni Terry kaya sumama ang loob ko.
"I am already ashamed by that fact," pagsasabi ko ng totoo.
"Because I should be working hard, but here I am tied with your brother—"
"So anong pinararating mo? Na napipilitan ka sa pamilya namin?" Nangunot ang noo ko ng bahagyang itulak ng half sister ni Terry ang balikat ko.
"Pagkatapos mong makipaghalikan sa ibang lalake, ang kapal rin ng apog mo 'no? Ha ano!" Mayabang niyang pinagduduro ang balikat ko.
"Huwag mo 'kong ganyanin." Sita ko.
"Ano may magagawa ka ba?" Malakas niyang dinuro 'yon dahilan para iritable ko siyang tignan.
"Tama na nga." Umiwas na ako pero mabilis niyang hinablot ang buhok ko.
"Ano ba!" Hinawakan ko ang kamay niya pero nakakaloko siyang tumawa.
"Wala kang magagawa 'di ba? Kasi nakasalalay sa amin ang life line niyo. Kawawa ka naman dahil wala yung ate mong bastos," pabato niyang binitiwan ang pagkakasabunot kaya masama ko siyang tinignan.
"A-Aalis na ako," mahinang sabi ko pero hinawakan niya ang siko ko at ihinarap sa kaniya.
"Subukan mong magsumbong sa kuya ko, sinisigurado kong sisiraan kita para lang hindi matuloy ang kasal niyo at ibig sabihin no'n sira na rin ang kumpanya niyo!" Masama ko siyang tinignan pero sinampal niya ako.
Galit ko siyang tinignan, kumuyom ang kamao ko sa sama ng loob dahil hindi ako makaganti. Ngunit kahit sapuin sa harapan nila ang pisngi ko ay hindi ko ginawa kahit ang sakit no'n, lumabas ako ng condo ni Terry at tsaka maluha luhang sumakay sa elevator papaalis.
Nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang bugso ng puso kong nasasaktan at nahihirapan, akala ko'y wala ng makakapanakit pa sa akin ngunit nakakapagod rin pala.
Pumara ako ng taxi para makapunta ako sa rest house, nang makababa ay nakita ko kaagad si Laze na nakaupo sa harapan ng site at tinitignan ang ginawang model na parang nasa blueprint.
Nang makababa ay nalingon niya ako pero blangko lang ang mga tingin niyang iniiwas 'yon tsaka niya inabala ang sarili. Pumasok ako sa rest house at nandoon sila Jem, naramdaman ko naman na kasunod ko lang si Laze.
"Mare, ba't may ano ka rito?" Turo ni Crizel ganoon ko kabilis na natakpan 'yon.
"Kiss marks ampota." Sambit ni Jem.
Kaya napalunok ako, agaran kong nasulyapan si Laze pero nakakunot lang ang noo niyang nasulyapan 'yon bago nagtama ang mata namin tsaka siya walang ganang umiwas tingin.
Dumeretso siya sa kwarto niya kaya nanlumo ako, pagod na talaga ako. Kinagabihan ay nanatili ako rito at natulog lang sa kwarto, medyo masama ang pakiramdam ko ngunit nagising na lamang ang diwa ko sa mahinang pagkatok sa pinto ko.
"Pasok." Mahinang sabi ko, nang bumukas 'yon at sumilip si Laze ay nagtaka ako.
"Dinner," anyaya niya kaya nanlalata akong tumayo.
Nang makalabas ay napansin ko na wala si Ruri at Carl, naupo ako sa harapan nila at tahimik lang na itinuon ang atensyon ko sa kinakain. "Malapit na birthday mo, countdown na." Nakangiting sabi ni Jem.
"Hmm." Tugon ko lang.
"Kumusta naman yung family ni Terry? Are they good?" Kwestyon ni Crizel.
"O-Oo." Pagsisinungaling ko.
"Talaga? Balita ko yung half sister ni Terry masama ugali eh. Sabi ni Janella," wika ni Crizel.
"Medyo pasmado lang yung bibig." Sagot ko.
"Sabihin mo pag may problema ha, huwag mong solohin." Tumango na lang ako, matapos namin kumain ay tumayo na kaagad ako para magpaalam bumalik sa kwarto.
Tatlong araw ang nakalipas ay nandito ako ngayon sa condo ni Terry, ngunit nandito na naman yung mommy at half sister niya kaya wala akong magawa kundi manatili sa pwesto ko.
"I'll just buy us some food, I'll be back in a minute." Paalam ni Terry at tsaka nginitian ako kaya naman tumango ako, habang nakaupo ay sinimulan na naman ng mommy niya at ng sister niya na kawawain ako.
"Miran, oh." Inabot ng mommy nito ang envelop sa akin kaya nangunot ang noo kong tinanggap 'yon.
"Ano po ito?"
"Tignan mo," nang binuksan ko 'yon ay natigilan ako ng makita ang isang pakete ng isang libo, ngunit alam ko na isang daang libo lang ito.
"Ano po ito?" Tanong ko.
"Huwag mo ng huhuthutan ng pera ang anak ko, sabihan mo rin yung lola mo na huwag gamitin ang kumpanya namin para maisalba ang sa inyo." Umawang ang labi ko at tsaka binitiwan yung inabot niyang envelop dahilan para kumalat ang pera doon.
"Kung ganoon huwag ho ako ang kausapin niyo, una sa lahat hindi ko ginagamit yung pera ng anak niyo dahil may sariling pera ako." Mariing sabi ko, nakagat ko ang ibabang labi ng lumapat ang palad nito sa pisngi ko.
Nahawakan ko ang pisngi ko at tinignan siya. "Wala rin po kayong karapatan sa sampalin ako." Nang gigigil kong sabi ngunit sinampal ako nitong muli, at hindi lang.
Gigil niya akong sinabunutan ngunit napayuko ako ng bumagsak ako ng sumama ang anak nitong babae dahilan para pigilan kong maluha.
"Ano? Iiyak ka na lang!" Sigaw nito at malakas na hinila ako at agaran kong nasapo ang ulo ng iuntog nito ang ulo ko sa pader.
Ngunit pagod na pagod na akong sumigaw ng tama na at magmakaawa, panay ang kalampag ng katawan ko sa kung saan saan sa pang-aabuso nila.
Nang may kumatok ay natigil sila at dahil doon ay inayos ko kaagad ang hitsura, "Buksan mo yung pinto. Huwag na huwag kang magsusumbong," banta nito kaya napalunok ako at lumapit doon.
Pagkabukas ay natigilan ako ng makaharap ang hindi ko inaasahan na lalake, halatang nagulat rin siya ng makita ako. "L-Laze." Gulat na sambit ko.
"What's happening?" Kwestyon niya at pilit dinudungaw ang nasa loob kaya naisarado ko 'yon.
"Wala, naglilipat kasi k-kami ng furnitures. M-Maingay ba?" Huminga siya ng malalim at tumango.
"Sa ibabang condo lang ako, I can't sleep because of the banging." Napahawak ako sa leeg ko at napaiwas tingin.
"Pasensya na," mahinang sabi ko.
"Hindi ko alam na dito ka na pala nakatira," sambit niya nagkibit balikat na lang ako, "Bumisita lang ako kay Terry." Tumango siya.
"Do you need help?" Umiling ako bilang sagot.
"Pasensya na ulit, sige." Paalam ko at tsaka ako pumasok na sa loob, tumango lang siya at umalis na.
"Sino 'yon?" Tanong ng nanay ni Terry.
"Yung taga ibaba po, nagreklamo kasi maingay po." Sagot ko, "Ikaw kasi.." inis na sisi nito sa akin kaya bumuntong hininga ako.
Dahil hindi ko na matagalan ang presensya nila ay lumabas na ako at pumunta sa elevator, nang bumukas 'yon ay natigilan ako ng makaharap ko si Laze kaya naman pumasok na ako at tinalikuran siya.
Tahimik lang kaming dalawa, kung ganoon siya yung nasa ibaba ng condo ni Terry in short siya yung sinasabi nilang mayaman?
Nasapo ko ang noo ng sumakit ang ulo ko, dahil siguro sa pagkaka-untog ko kanina. Natigilan ako ng may humawak sa kamay ko dahilan para gulat kong malingon si Laze.
"B-Bakit?" Naguguluhan na kwestyon ko.
"Is he hurting you?" Agaran akong napaiwas ng subukan niyang hawakan ang nasa bandang panga ko at napaatras.
"Hindi." Sagot ko.
"Where did you get this bruise?" He pointed my jaw that made me swallowed hard, but then I pretended to be okay.
"Katanga—"
"You'll tell me you bump your jaw at the sink? At the toilet? At the bed?" Naitikom ko ang bibig ko sa sinabi niya, "Laze hindi talaga siya ang nagbigay nito—"
"That man.." Halos manlaki ang mata ko ng pindutin niya ang elevator pabalik doon.
"Laze, anong gagawin mo?" Kwestyon ko at hinarap siya.
"Mauna ka ng umalis." Sambit niya ngunit nangunot ang noo ko ng may isuot siyang singsing sa kanang daliri niya.
"Laze."
"Get off." He opened the elevator and pointed the exit pero umiling ako.
"Saan ka pupunta?" Kwestyon ko.
"Laze huwag mo ng patulan, hindi talaga siya ang nagbigay nito." Tumalas ang tingin niya sa akin, "Sino?" Kwestyon niya.
"Aksidente 'to—"
"That's bullshit," mahinang sabi niya at umiwas tingin.
"Gusto mong manood?" Tanong niya kaya tumaas ang kilay ko.
"Laze naman."
"Okay." He pushed the button, doon ko napagtanto na sa floor ni Terry ito nang makarating doon ay basta basta na lang siyang lumabas kaya mabilis akong humabol.
"Huwag na Laze." Pakiusap ko at pinipigil siya sa braso.
"Laze please." Natigilan siya at ubos na ubos ang pasensyang hinarap ako.
"Sabihin mo kung sinong nagbigay niyan, sabihin mo na." Tila ubos na siya sa tono ng pakikiusap niya.
"Y-Yung kapatid niya, nakaaway ko lang. H-Huwag kang mag-alala kasi n-nakaganti na ako." Tinitigan niya ako ng mabuti, hindi naman ako magsisinungaling.
"Babae?" Tanong niya kaya tumango ako.
He licked his lips and clenched his jaw, "Ihahatid na kita. Saan ka pupunta?" Naitikom ko ang bibig at umiling na lang.
"Uuwi muna ako sa bahay, hindi mo na ako kailangang ihatid. Nagpasundo ako kay Yuno." Napatitig siya sa akin at tumango, "Okay."
Nauna niya akong tinalikuran kaya naman umalis na ako, nang makita ang sasakyan ni Yuno ay itinulak na lang niya ang pinto mula sa loob kaya sumakay na ako.
"What happened to you?" Kwestyon niya.
"Pagod na ako Yuno, ihatid mo na ako sa bahay." Mahinahon na sabi ko, nangunot ang noo niya at pinagmasdan ako.
"Sinasaktan ka ba ng bobo na 'yon?" Kwestyon niya at tinignan rin ang nasa panga ko.
"Yung kapatid niya," matipid na sabi ko.
"Ano? Yung babae? Gago dapat sinapak mo." Ngumiwi ako.
"Tara na." Anyaya ko, nang nasa harap na ng bahay ay bumaba na ako at ganoon rin siya.
"Lika nga," hinarap ko naman siya.
"Magsabi ka nga sa akin, inaabuso ka ba?" Umiling ako.
"Hoy Kuna yung totoo, kilala kita yamot na yamot na ako sa kakatago mo sa mga pinagdadaanan mo." Singhal niya kaya napatitig ako sa kaniya hanggang sa mamuo ang luha sa dulo ng mata ko.
Nag-alala naman ang tingin niya kaagad, "Seryoso ba?" Tanong niya.
"A-Ayoko na sa setup na 'to, Yuno." Mahinang sabi ko at mabilis na pinahid ang mga luha ko.
"G-Gusto ko ng sumaya, ayokong pakasalan si Terry." Napaiwas tingin siya sa akin tsaka niya nasapo ang bibig gamit ang isang palad at tsaka niya nahawakan ang baba niya at tinignan ako muli.
"Alam ko na hindi mo 'ko gusto, kasi malabong mangyari 'yon. Pero, sige teka. Pumasok ka na sa loob, may kakausapin lang ako." Paalam niya at pinahid pa ang luha ko.
"Lola kasi manhid." Inis niyang sabi.
Third Person's Point of View.
Mabilis na pinapasok ni Yuno si Miran sa loob bago siya umalis, huminga siya ng malalim habang nagdadrive papunta sa isang condo building.
Nang makarating doon ay bumaba siya ng sasakyan at dala ang cellphone niya ay dumeretso siya sa isang floor, at pumunta sa isang condominium bago niya pinindot ang bell.
Nang buksan 'yon ay mabilis niyang hinablot ang kwelyo nito at idiin sa pader sa loob mismo, "What are you planning to do Laze?!" Sigaw ni Yuno dahilan para magtaka si Laze sa inasta nito.
Mabilis na inalis ni Laze ang pagkakahawak sa kwelyuhan niya, "What are you talking about?" Singhal ni Laze at inis na hinarap si Yuno.
"Wala kang gagawin? Wala kang gagawin para kay Miran?" Kwestyon ni Yuno.
"What am I gonna do, Yuno?" Sumbat ni Laze.
"She's neglecting me, she's making me leave her alone. Anong magagawa ko?"
"Tangina, umamin ka na kasi sa kaniya!" Galit na sigaw ni Yuno.
"Dahil kung wala ka pang gagawin ako na, ako na ang gagawa ng paraan! Wala kang kwenta tangina," galit na sigaw ni Yuno at nahampas ang pader sa sama ng loob niya.
"Umamin ka na, aminin mo na sa kaniya. Dahil kung wala ka pang gagawin hinding hindi mo na makikita si Hakuna Miran," banta ni Yuno.
"Laze, gago yung pamilyang 'yon. Yung pamilyang 'yon mga demonyo, kaya ako na yung nakikiusap sa'yo. Ilayo mo siya sa pamilyang 'yon, bago pa siya masiraan ng bait." Napayuko lang si Laze at tumango.
"Kahit hindi mo naman sabihin, may gagawin ako." Sambit ni Laze.
"Wala akong pakialam kung labag sa batas niyo ang gagawin mo, wala rin akong pakialam kung makakasama sa'yo yung gagawin mo pero importante sa akin 'yong babae na 'yon." Tumango si Laze.
"Oo." Tugon niya lang sa sinabi ni Yuno.
"Hindi tayo ang mag-kaaway ngayon, pero pag pinabayaan mo siya magiging matalik na kaaway mo 'ko. Huwag kang duwag," mariin na sabi ni Yuno na tango lang ang isinagot ni Laze dito.
Umalis na si Yuno at naiwan na lang na tulala si Laze.
Hakuna Miran's Point of View.
Pagkauwi ko ay lumapit kaagad sa akin si Yamato, "Ate, letter galing kay Sha." Ngiwing sabi ni Yamato at ibinigay 'yon sa akin kaya nangunot ang noo ko at kinuha 'yon.
Umakyat na ako sa kwarto ko at naupo sa harapan ng study table ko, binuksan ko yung letter ngunit nangunot lang ang noo ko sa nabasa.
For you I'd fight, Have fun doing things you like. I don't know if you'd be mine, But I know I can treat you right. Show me your mind. Stay up cause you stay on mine. Count sheep just to pass the time, But you ain't getting sleep tonight. We're alone but we're living, Day to day i'm missing you and if you feel it too.
-SHA
Nangunot ang noo ko sa nabasa ngunit nauunawaan ko ito, what does he mean by it? Gusto niya ako? Miss niya na ako? Ang tagal naming hindi nagkita.
Nasapo ko ang noo, ngunit kinagabihan ay may paninagong sulat na naman ang dumating galing sa kaniya.
Call me your nightlight and call me up when you like. Sorry you've been losing sleep for far too many nights. Call me your nightlight, I pray that you're doing fine. She said what's the motive, I just wanna get to know you, and if it's love you're looking for then I can show you.
-SHA
Is he telling me a story about how we met? By asking what's the motive and he just want to get to know me back then?
Nasapo ko ang noo at tsaka ko itinago ang mga sulat na 'yon, that only means he know where I live and maybe it's Yuno?
Mabilis na lumipas ang araw at kaarawan ko na, sa lahat ng papasok ay may imbitasyon na ipapakita bago sila pumasok, at hindi ko alam kung sino sino ang pinagbigyan nila ng imbitasyon.
Magandang dress ang suot ko, habang ang maskara ko ay ako mismo ang may gawa. Hinigpitan ko ang pagkakalagay no'n at tsaka ako humarap sa salamin.
Tinitigan ko ang pagbakat ng tela sa hulma ng katawan ko at tsaka ako huminga ng malalim dahil sa oras na aalisin na ang mga maskara ay sana makilala o mahanap ko na si Sha.
Because I'm desperate to know who he really is, pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto sa inupahan namin na venue sa mismong bar na sikat at malawak.
Provided ng parents ko ang lahat, plano rin ni Ate Janella with help of Yamato. Nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ko tinanaw ang mga bisita na nagsisiyawan at nagsasayawan.
Naglakad ako at wala silang idea na ako ang celebrant dahil sa maskarang suot ko, tulad ko ay hindi ko rin sila makikilala. Maingay ang music at nakikita ko rin ang mga regalong sobrang dami sa mismong stage, ang isang malaking cake na galing sa mismong parents ko.
Pati na ang cake na galing sa ibang mga tao ay nandoon, may mga envelopes at sa tabi no'n ay may isang guard na nakabantay. Habang naglalakad ako ay natigilan ako ng makita ko ang isang lalake na nakaupo sa sulok.
May hawak siyang bouquet of roses, panay rin ang tingin niya sa orasan niya kaya naman huminga ako ng malalim. Long sleeves black polo ang panloob niya at may nakapatong na tuxedo sa ibabaw no'n.
Napalunok ako ng magtama ang mata namin na ilang metro ng layo mula sa kinatatayuan ko, ganoon ba kalakas ang pakiramdam niya sa tuwing natititigan ko siya?
Mula sa maskara niya ay nakita ko ang pag-ngiti niya pati na ang pag-tayo niya, ngunit napatitig ako sa kwintas niyang suot na katulad ng pag-aari ni Laze.
Naglakad ako papalapit, nang makalapit ay inabot niya sa akin ang bulaklak ngunit hindi ko tinanggap 'yon at niyakap ko siya ng mahigpit.
Natigilan naman siya sa ginawa ko hanggang sa marinig ko ang mahinang tawa niya ay pamilyar 'yon sa pandinig ko, tila may katulad. "You missed me?" Pabulong niyang sabi ay naramdaman ko rin ang pagtapik ng isang palad niya sa bandang balikat ko sa likod.
Lumayo ako at tinaliman ang tingin sa kaniya, "Hindi mo na ako binalikan ulit, bakit ngayon lang?" Nagtatampo kong tanong ngunit ngumiti siya.
"I'm sorry." Sagot niya.
"Happy birthday, flowers. I know how much you love white roses." Napangiti ako at tinanggap 'yon, "Thank you, Sha."
"Sit down," anyaya niya kaya naupo ako sa tabi niya.
"How have you been?" I asked.
"I'm good, but I had disaster in here." He pointed his heart and smiled, kaya naman ngumiti rin ako.
"I-Ikakasal na ako," mahinang sabi ko.
"I know," sagot niya.
"Your necklace," sambit ko at tinitigan 'yon.
"Naalala mo ba yung lalakeng gusto ko noon? Bumalik siya, tapos nakita ko na parehas kayo ng suot akala ko nga ay ikaw siya pero malabo." Mapait akong ngumiti.
"Really?" He stated.
"Oo." Matipid na sabi ko.
"Sandali, hahanapin ko siya. Ipapakilala ko siya sa'yo pag nakita ko, pero hindi harapan ha ituturo ko lang baka nakalimutan mo na kung sino siya eh." Natatawang sabi ko at tsaka ako tumayo at dala ang bulaklak ay ipinatago ko 'yon.
Tinanaw tanaw ko kung nasaan si Laze, panigurado nandito na siya dahil nandito na yung family niya. Ngunit hindi ko siya mahanap kaya naman huminga ako ng malalim.
Habang naglalakad ay natigilan ako ng may magtakip ng mga mata ko. "Hakuna Miran," sambit nito sa pangalan ko kaya huminga ako ng malalim.
"Naka maskara na nga ako, tatakpan mo pa yung mata ko." Reklamo ko at dahil sa mahina niyang tawa ay natawa na rin ako ngunit pagkalingon ko ay natigilan ako ng alisin niya ang maskarang suot.
"Y-Yuno." Sambit ko.
Kung ganoon hindi siya si Sha? "Happy birthday," sambit niya.
"T-Thank you, nakita mo ba si Laze?" Tanong ko.
"Ewan ko doon." Matipid na sabi ni Yuno.
"Sige na, have fun hanapin mo na yung prince charming mo, ganyan ka naman eh." Natawa ako at nahampas siya sa braso, nag-ikot ikot ako not until may kumuha sa bewang ko at hilain ako sa kung saan.
"S-Sha?" Gulat na sabi ko, nang makapunta kami sa madilim na parte ay ngumiti siya.
"I miss your lips." Nanlaki ang mata ko sa hiya ng itingala niya ang ulo ko ng bahagya at halikan ang labi ko habang marahan niyang hinahaplos ang pisngi ko.
Napapikit ako ng mariin, ngunit pamilyar ang mga labi niya at gulong gulo na ako ngayon. Dahil sa abo niyang mata, sa suot niyang kwintas, nagdadalawang isip na ako.
Napakurap ako ng tumagal ang halikan na 'yon at halikan niya ang tuktok ng ulo ko. "I'll be back," mahinang paalam niya at inayos ang hitsura ko.
Matapos niya akong titigan ay muli niya akong nginitian at tinalikuran, naitikom ko ang bibig. Parang lutang akong naglakad hinahanap si Laze pero si Jami ang nakita ko.
"Jami, yung kuya mo?" Kwestyon ko ngunit natuod ako sa kinatatayuan ng makita ang kwintas na suot niya, uso ba talaga 'to?
"Si Kuya? Kanina pa po siya nandito ate," luminga linga siya.
"Jami, yung kwintas mo. Saan mo nabili?" Nakangiting tanong ko, natigilan siya at niyuko 'yon kahit na hirap siyang makita 'yon tsaka siya ngumiti.
"Ate, handmade po ito. Hindi po nabibili sa kahit saan dahil kami lang po ang may kwintas na ganito." Napakurap ako sa narinig.
"Kayo lang? H-Hindi ba pwedeng mabili rin 'yan ng ibang mga tao?" Kinakabahan kong tanong, ang tibok ng puso ko ay sobrang lakas at sobrang bilis.
"Ate, tip lang po. Kung gusto mo po ng ganito, dapat mapabilang ka sa family namin." Nang-aasar niyang sabi ngunit natulala ako sa nalaman.
"Hindi ko maintindihan, J-Jami. E-Exclusive?"
"Ate, ganito po ha. Ie-explain ko, lola at lolo ko po ang nagbigay sa amin nito, at hindi po talaga siya mabibili kahit pa milyon ang ibayad niyo kasi kami lang po ang may karapatan na mag-suot ng kwintas na 'to." Nakangiti pang explain ng mahinahon niyang boses.
H-Hindi ako sigurado, parang malabo pa rin.
"S-Sige." Sambit ko.
Nakatulala akong naglakad, iniisip ang sinabi ni Jami hanggang sa matigilan ako dahil kaharap ko ngayon si Sha, ngunit pinagmasdan ko siya. Pilit akong ngumiti, hindi pinahahalata ang nalaman ko.
"K-Kailan ko makikita yung mukha mo, Sha?" Matipid na tanong ko.
"Hindi ko alam," sagot niya.
"Can you hold my hand?" I asked, he smiled and grabbed it.
I tried my best to not confront him, I smiled at him once more and faced his face.
"Yung kwintas mo, saan mo nakuha?" Kwestyon ko na ikinakunot ng noo niya.
"My grandmother gave it to me," nang sabihin niya 'yon ay nabatid ko na hindi talaga siya nagsisinungaling.
Nakagat ko ang ibabang labi at kahit anong isipin ko kahit anong itatak ko sa isip ko hindi ko alam kung papaano.
Pero hindi talaga ako kumbinsido, not until he lifted his sleeves and faced me.
"B-Bakit?" Kwestyon ko.
"Let's runaway from your wedding," mahinang sabi niya at ganoon ako natulala ng sandaling alisin niya ang maskara, ang tali nito.
Napatitig ako sa kaniya, dahil kahit na nasa madilim kaming parte at may ideya ako ay sobra akong kinabahan.
Nang alisin niya 'yon ay natulala ako sa mukha niya, napalunok ako at tsaka ako pekeng tumawa.
"Imposible." Bulong ko at napaiwas tingin, hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano.
"Hindi ko maintindihan, papaanong—" natakpan ko ang bibig at tsaka ako napaupo sa sofa.
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top