Chapter 54

Chapter 54:

Hakuna Miran's Point of View.

Bago pa man ako tuluyang antukin ay ginising ako ni Laze. "I'm done." Mahinahon niyang sabi, ngunit napalunok ako ng naka-suot lang siya ng bathrobe.

Nakasarado naman 'yon bagay na ayos lang, kinuha ko ang gamit ko tsaka ako pumasok sa banyo inaantok. Siguro nga ay nakapikit na rin akong nag-shower. Kasama hanggang ulo dahil ang tagal ko rin sa site.

Pagkatapos no'n ay inaantok kong sinuot ang robe na provided ng hotel, itinali ko 'yon sa bewang ko tsaka ko tinuyo ang buhok nasa loob pa lang ng banyo.

After drying my hair lumabas na ako ng kwarto pero natigilan ako ng pagbukas ko ng pinto ay nakaharap si Laze sa bandang banyo dahil katapat ng kama niya ang banyo.

Wala namang kita kaya hindi masama 'di ba? "Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kaniya, nagkibit balikat siya at hinawakan ang buhok niya kung tuyo na ba.

"Tulog ka na," mahinang sabi ko. Nakaupo na ako sa kama hanggang sa biglang may tumawag sa akin napatitig ako doon dahil papaano kung marinig siya ni Terry?

Nalingon ko si Laze. "Don't say a word." Mahinang pakiusap ko dahilan para bahagyang tumaas ang kilay niya, sinagot ko ang tawag at tsaka tumikhim.

"Hello Terry," panimula ko at tsaka ako huminga ng malalim.

"Did you find a room to stay in?" Panimula niya kaya naman nalingon ko si Laze.

"Yes, I'm already here. I'm tired na rin kasi Terry, let's talk tomorrow na lang." Pilit kong inayos ang boses ko.

"Alright, rest well. Goodnight, I love you." Tumaas ang kilay ko at alanganin na tumikhim.

"Sige, goodnight." Pinatay ko na ang tawag tsaka ako napatitig sa cellphone.

"You didn't tell him we're together?" Tanong ni Laze.

"If I do it will be a big war, ayoko ma-stress." Ngumisi si Laze.

"Alright, this will be a secret between us." Nang sabihin niya 'yon ay bahagyang lumaki ang mata ko, "That doesn't so good to hear, wala naman tayong ginagawang masama." Paalala ko sa kaniya, napatitig siya sa akin ngunit ng mangiti siya bago umiwas tingin ay tumaas ang kilay ko.

"What are you thinking?"

"Do you know that in a relationship, if you don't tell real facts that's cheating?"  Humiga na siya at yakap ang unan niya ay nakaharap siya sa akin.

"I am not cheating—"

"Did you tell him how I kissed you at your own engagement party?" Sa sinabi niya ay sobrang nag-init ang mukha ko, pakiramdam ko ay mapapansin niya ang pamumula ng mukha ko.

"L-Laze." Hindi mapaniwalang sambit ko sa pangalan niya pero nakakaloko siyang ngumisi at itinago na ang mukha sa unan kaya umawang ang labi ko at dinampot ang unan ko.

Lumapit ako sa kaniya at hinampas siya ng unan, "Pag 'yon talaga Laze!" Hinampas ko siya muli ngunit tumawa lang siya na para bang hindi ko siya sinaktan.

"One more," inilabas niya sa pagkakatago ang ulo at humarap sa akin dahilan para mapaupo ako sa kama niya na handa ng humampas.

"One more time I kissed you in front of the rest house, does he know?"  Nanlaki ng todo ang mga mata ko at hinampas siya dahilan para gumulong siya papalayo at makaiwas sa hampas ko.

"Gosh." Hindi makapaniwalang sabi ko at hiningal, naupo siya sa kama niya at tinitigan ako. Naningkit ang mata ko habang nakatitig sa kaniya not until he grabbed my bathrobe and closed it.

"Go back to your bed," nayakap ko ang sarili at doon ko na-realize na kakahampas ko ay bumubukas na yung pagkakasara ng bathrobe sa dibdib ko.

Gago Miran!

Napaatras ako at bumalik sa kama ko habang hindi makapaniwalang tinitigan si Laze. "I didn't see it, don't over react kaya nga inayos ko." Paglilinaw niya at nahiga na sa kama niya.

"Goodnight." Sambit niya at nagkumot.


Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sunod sunod na tawag sa cellphone ko, ng makita na si Terry 'yon ay nanlaki ang mata ko ng mapansin ang oras.

"Terry, Hello. Sorry, late ako nagising." Mabilis na sabi ko at bumangon na.

"It's okay, I just called you since kailangan ka sa construction but take your time. No need to rush, eat your breakfast before working. Nasa company pa ako," mahaba haba na sabi niya.

"Okay, thanks." Paalam ko.

"Keep safe," naririnig ko rin ang pagtawag sa kaniya sa background niya mukhang busy rin siya.

"You too," pinatay ko na ang tawag at nagmamadali not until mapansin ko na tulog na tulog pa rin si Laze.

Napailing iling na lang ako at mabilis na nag-ayos.

Nag-taxi ako papunta sa site at hindi na ginising si Laze, pagkarating sa site ay nagmamadali akong pumasok pero binigyan naman nila ako ng PPE.

Nang umaga na 'yon ay sinimulan ko na din magtrabaho, itinutok ko ang buong atensyon sa pag-uukol ng mga kailangan nilang gawin. Dumaan ang tanghali ay nagtaka ako ng marinig ang sasakyan ni Laze na matunog dahil sa paharurot niya.

Hindi pa siya umuuwi?

"Architect Lapiz," pormal siyang lumapit sa amin dahil kasama ko ang mga ibang workers.

"Kasama niyo po siya ma'am?" Tanong nila.

"Ah yes, he's also an architect." Binati nila si Laze ngunit matipid na ngiti at tango lang binigay ni Laze.

"I bought your lunch, before I leave and your things are in my car." Maayos niyang sabi at inabot sa akin ang paper bag.

"Thanks, kumain ka na?" Tanong ko, tumango siya bilang sagot.

"I'll go ahead, if there's anything you need you can call me." Bahagya pa akong napailag ng ipatong niya ang palad sa tuktok ng ulo ko.

"I'll drop off your things at rest house."  Tumango na lang ako, "Salamat ingat pabalik." Ngumiti siya at tsaka tinanaw ang buong site.

"Great start.."  He stated and smiled, after that he looked away and left.

Kinain ko naman ang binili niya para sa akin, matapos kong kainin 'yon ay natapos na ang trabaho ko rito kinahapunan at si Terry ang sumundo sa akin. Ihinatid niya ako sa rest house kaya pagkababa ay napahikab ako.

"Ingat ka pauwi," matipid na sabi ko.

"Alright, good bye. Take care," mabilis siyang humalik sa pisngi ko kaya pilit akong ngumiti at tinalikuran na siya.

Pumasok na ako sa loob ngunit pagkapasok ko ay nagtaka ako ng makita si Jami natigilan rin siya ng makita ako. "Ate Miran," bati niya kaya matipid akong tumango at ngumiti.

"Nandito ka pala, wala kang pasok?" Kwestyon ko.

"Wala po, half day lang. May sasabihin lang po ako kay Kuya Laze," napatango ako at natanaw ang kwarto ni Laze.

"Lumabas na ba?" Baka sakali ko.

"Hindi pa po eh, pwede niyo po bang tawagin?" Tumango ako at ngumiti, ibinaba ko ang gamit sa kwarto at pumunta doon sa kwarto ni Laze.

"Laze." Pagtawag ko habang kumakatok.

"Wait," tugon niya.

"Si Jami hinihintay ka, lumabas ka na riya— uy gago!" Gulat na sabi ko ng biglaan niyang buksan ang pinto at hilain ako papasok sa loob.

"B-Bakit?" Gulat na sabi ko nakapa ko pa ang dibdib sa gulat.

Napatitig ako kay Laze na nakasuot lang ng sando ngayon at jogging pants dahilan para manlaki ang mata ko at matignan siya ng derekta sa mata. "Bakit?" Pag-uulit ko.

"Huwag kang maingay," mahinang sabi niya at isinenyas ang daliri.

"Ha? Bakit nga?" Bulong ko rin.

"I hid her bird." Nanlaki ang mata ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"To inspect it, ginagawa niyang spy yung alaga niyang maingay." Pigil ngiti ako ng parang ma-stress siya ng sabihin 'yon.

"Kinidnapp mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes." Nanlaki lalo ang mata ko at napalo siya sa braso.

"Eh nasaan yung ibon niyang madaldal?" Kwestyon ko.

"Nasa kwarto mo." Umawang ang labi ko at napalo siya sa braso.

"Bakit sa kwarto ko?!"

"Gagi ka ba ha? Bakit sa kwartooo ko!" Pabulong na singhal ko, ngumisi siya.

"Kasi hindi papasok si Jami sa kwarto mo." Sambit niya, "Lumabas ka na nga doon. Hinila mo pa ako rito sa kwarto mo ng ganyan suot mo. Payatot," pabulong na sabi ko na ikinasalubong ng kilay niya.

"Mahilig ka kasi sa fatty foods. Kaya ayaw mo sa buto-buto." Umirap ako at binuksan na ang pinto niya, "Pasukin mo na yung kuya mo," sambit ko kay Jami.

"Okay po ate." Pumasok na ako sa kwarto at doon ko nakita yung ibon na nasa kulungan habang may nilalaro sa kaniyang mga tuka, may sing sing itong ibon sa kanyang paa.

Dumaan ang gabihan ay umuwi na rin si Jami, may kumatok sa kwarto ko kaya nilingon ko 'yon. Nang makita si Laze ay tumango siya at tsaka lumapit sa ibon.

"This bird is a good spy, I might knock it off for saying things." Napapailing na sabi ni Laze kaya natawa ako.

"Pati ibon naman," bulong ko.

"It's not a normal bird, it was trained." Turo niya sa ibon.

"Speak." Utos niya pero yung ibon ay biglang iniiwas ang ulo niya at halos manlaki ang mata ko ng para itong tao na pumito.

"See, with that attitude. Hindi na dapat kita binigay kay Jami kung ganyan ka Spy." So spy yung name ng ibon?

"Kumain na, hayaan mo na 'yan."  Utos ko kay Laze dahilan apra sumunod siya papalabas ngunit pagkalabas ko ay natigilan ako ng makita si Terry.

Natigilan rin siya ng lumabas si Laze sa kwarto kasabay ko, napalunok ako. "W-What are you doing in her room?" Naguguluhan na tanong ni Terry.

"T-Terry hindi ganoon yung iniisip mo, tinignan niya lang yung ibon sa loob ng kwarto ko."  Turo ko pa sa kwarto, prente lang na nakapamulsa si Laze at sumipol.

"Depende sa iniisip mo, kung anong pwede naming gawin?" Sa sinabi ni Laze ay tinaliman ko ang tingin sa kaniya tsaka ako lumapit kay Terry. Bumuntong hininga si Terry, "Sige."

"Terry," bahagya niyang iniiwas ang tingin sa akin tsaka tumango.

"Mauuna na ako, sa susunod na lang Miran." Nang umalis siya ay nakagat ko ang ibabang labi, huminga ako ng malalim at nasapo ang noo.

"Laze, mali na ganoon yung ginawa mong iparating sa kaniya." Hinarap ko si Laze pero seryoso lang na tumitig sa akin si Laze.

"You can't have me protecting that man's feelings, Hakuna Miran." Seryosong sabi niya, pinagkrus ang braso sa dibdib bahagya niyang inilapit ang mukha sa akin, "I will never adjust myself just to protect his heart, while mine was wounded." 

Nakagat ko ang ibabang labi sa lalim ng sinabi niya, tila hindi mabura bura ang sama ng loob sa kaniyang puso. "Paano kung nasasaktan rin—"

"Enough." Mahinang sabi niya at tinalikuran na ako.

Kumain kami ng hindi kumikibo si Laze, halos nasa plato niya din lang ang atensyon niya. "Hoy malapit na kaarawan mo," natigilan ako at napatingin kay Crizel.

"Ako?" Gulat na tanong ko.

"Next month na, gaga. Birthday mo 'di mo alam, mas kabisado mo pa birthday ni— ni ako." Lumunok ako at inalala kung anong araw na ba ngayon.

"Makaka-attend ka na rin sa wakas Laze, ikaw yung never pa naka-attend sa birthday niya,"  natigilan si Laze at sinulyapan ako.

"Hindi niya naman ako kailangan doon," sa sinabi ni Laze ay umawang ang labi ko.

"Kailangan niyan ng bisita, huwag ka na magtampo. Bigyan mo na ng house and lot." Pagbibiro ni Crizel.

"Okay."  Nang umoo si Laze ay tumaas ang kilay ko.

"Kailan kaya bibisita si Sha ulit? O si Yuno yata 'yon eh. Kulit na Yuno." Kwento ni Crizel kaya naman ng matapos kumain ay nagpahinga lang ako sandali.

Mabilis na nag-daan ang araw at hindi kami gaano nagkakausap ni Laze dahil parating nasa paligid si Terry, malapit na rin ang birthday ko ngunit madalas ay nakakalimutan ko 'yon sa dami ng isipin.

Ngayon ay nandito si Terry, madalas siyang may dalang pagkain para sa lahat ngunit si Laze lang ang hindi kumakain o nakikisalo. Kinagabihan ay may gathering kaming pupuntahan at napansin ko na nakabihis rin si Laze.

Siguro ay pupunta siya, kaya naman napatitig ako sa likuran niya ng kunin niya sa bulsa ang susi ng sasakyan at pindutin ang nandoon dahilan para tumunog ang sasakyan niya at umilaw.

Huminga ako ng malalim at naghintay ng taxi sa harapan ng rest house, not until Laze looked back that made me gulp. "B-Bakit?" Kwestyon ko.

Huminga siya ng malalim tsaka siya naglakad pabalik, nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang kamay ko at dalhin ako sa sasakyan niya. "Sumabay ka na, your useless fiancé can't even pick you up." Iritableng sabi niya.

Nang makasakay sa sasakyan niya ay lumunok ako ng alisin niya ang suot na jacket dahilan para makita ang itim na branded niyang shirt na naka-tucked in sa pantalon niyang itim.

Ipinatong niya yung jacket niya sa legs ko na nakikita dahil sa tumataas yung fitted dress na suot ko. Pagkasarado niya ng pinto ko ay umikot siya sa driver's seat.

"Seatbelt." Sambit niya, kaya inayos ko 'yon.

"Where's your fiancé?" Kwestyon ni Laze.

"Nagtalo kami."  Mahinang sagot ko.

"Tsk, even if we're not okay I'm still gonna give you a ride. Your fiancé is a real thug." Nanlaki ang mata ko sa harsh na sinabi niya.

"G-Grabe ka naman," pabulong na sabi ko.

Nasa kalagitnaan kami ng daan ay nasulyapan niya ako. "You're beautiful," napalunok ako at mabilis na nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"A-Ah, you also look good." Mahinang sabi ko.

"Good?" Kwestyon niya.

"Handsome.." Nahihiyang sabi ko, nang malapit na kami sa venue ay huminga siya ng malalim.

"I'll commit a sin, that only you and me will know." Biglang sabi niya habang nagpapark kaya nangunot ang noo ko.

"Papatay ka ba? Accomplice ako?" Ngumisi siya at umiling.

"I'll commit a sin, that I love." Dagdag niya at nang maka-park ay inalis ko ang seatbelt at hinarap siya.

"Ano 'yon?"  Kwestyon ko muli.

"Come closer," para siyang bubulong kaya naman bahagya akong lumapit at hinintay siyang may ibulong ngunit halos manlaki ang mata ko ng mabilis niyang dinampian ang labi ko.

"One more kiss, and I'll fight him to have you." Ngumisi si Laze at tinitigan ang mukha ko bago niya inalis ang seatbelt at bumaba ng sasakyan.

"Laze!" Singhal ko ng makalapit siya para pagbuksan ako ng pinto.

"Sin right?" Pigil niyang hindi pinangingisi ang sariling labi at nakakagwapo 'yon lalo sa kaniya dahil hindi makakapaglihim ang dimples niyang nagmamayabang.

Bumaba ako ng sasakyan niya ngunit habang naglalakad ay muli niya akong sinulyapan. "You don't need a blush to make your cheeks red, you just need this." Laze stated and pointed his lips that made my eyes widened.

"Stop it." Nahihiyang sabi ko.

"God will never allow me to enter his home because of you Laze." Mariing sabi ko ngunit mahina siyang natawa at napailing iling.

"I'll let you enter my home then," he stated that made my eyes widened one more time.

"Laze enough," banta ko.

Nang makarating sa harap ng mga magagarbong pamilya ay nakita ko kaagad ang sa amin, sobrang dami namin at hindi ako makapaniwala na sa iisang table kami nila Laze, terry at ng isa pang hindi ko kilala na pamilya.

Nang makapunta sa vacant seat kung saan ako ay napalunok ako ng paghilaan ako ni Laze ng upuan at kahit seryoso ang hitsura niya ay hindi niya maitatago ang nang-aasar niyang tingin.

Nang makaupo ay nag-thank you ang lolo ko sa kaniya. Naupo naman siya sa katapat ko, not until I noticed the lipstick stain on his lips, pinanlakihan ko siya ng mata at tsaka pasimple kong sinesenyas ang labi.

Nang makuha niya 'yon ay pinunasan niya ang labi at pasimple niyang kinagat ang ibabang labi sa harapan ko kaya napatingin kaagad ako sa inumin.

That sin, I can't snap my mind out of it.

Terry was sitting beside me, tahimik lang siya. Habang kumakain ay biglang nagsalita yung family na hindi ko kilala. "Since the grandson of Sandoval is single, are we going to arrange to marry them with my granddaughter?"

Awtomatiko akong natigil at nasulyapan yung babae na tinutukoy nila. Maputi ito at tila may ibang lahi kaya pasimple kong nasulyapan si Laze na sinulyapan yung babae na tinutukoy.

"That will depend on my grandson, dahil hindi namin ugali na ipagpilit ang kasal para lang sa ikabubuti namin o nino man." Matipid na sabi ni Ma'am Miyu kaya napalunok ako.

Buti pa siya..

"What do you think apo?"  Kwestyon ng lola ni Laze.

"I don't know," sagot ni Laze at uminom sa kupita habang tinitignan yung babae.

"She looks galant." Sambit nito kaya napalunok ako at natigilan ako ng hawakan ni Terry ang kamay ko.

Really Laze? Galant?

"Ikaw apo?" Kwestyon naman ng isa sa babae.

"He looks great, and hot. I am fine with marrying someone like him." Namumula pa ang mukha nito kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiwi.

"Really?" Kwestyon ni Laze kaya pasimple akong napairap, binawi ko ang kamay kay Terry at tsaka ko pasimpleng hinawakan ang knife and fork to get some steak.

After dinner, they continued the gathering and I needed air so I asked Crizel to call me kunyare para may dahilan ako pumunta sa terrace dahil maganda yung terrace dito.

Nang tumunog ang cellphone ko ay tinignan nila ako lahat, "I'll just answer this important call, excume me. Thank you." Tumayo ako at umatras tapos ay sinagot ang tawag.

Nagmadali akong pumunta sa terrace, "Napano ka?" Tanong ni Crizel.

"I just feel suffocated beside Terry," mahinang sagot ko.

"Gaga, sige na pahangin ka na diyan. Kala ko naman namiss mo 'ko." Natawa ako sa nagtatampo niya kunong sinabi.

"Mamimiss kita pag isang araw hindi tayo nagkita, ikaw pa nga nag-ayos sa akin." Singhal ko na ikinatawa niya.

"Ganoon ba, edi wow."

"Ingat ka diyan gaga, sige na mare iniistorbo mo 'ko." Natawa ako at pinatay na ang tawag tsaka ako huminga ng malalim.

Sandali akong pumikit ng sinalubong ko ang hangin, nakahawak ako sa railings ng terrace. Nagmulat ako ng maramdaman ko ang pagtayo ng isang tao sa gilid ko, nalingon ko ito at kumabog pa ng mabilis ang puso ko ngunit nakangisi siyang nakapamulsa.

"Laze."  Nagtatakang sabi ko.

"Bakit ka nandito?"  Dagdag ko.

"To commit another sin?" Nanlaki ang mata ko at awtomatikong natakpan ang bibig ko sa sinabi niya, tumalas ang tingin ko sa mga abo niyang mata.

"Tigilan mo na, ikakasal na tayo." Mabilis na sabi ko at naturo siya.

"Really? Ikakasal? Tayo?" Napalunok ako at tumikhim, "Ang ibig kong sabihin Laze, ikakasal na tayo sa kaniya-kaniya nating mga fiancé."  Paglilinaw ko sa nga inulit niyang sinabi ko.

"Gusto mo ba talagang makasal doon?" Mahinahon niyang tanong, "Do you really love or like him? Kasi if yes, I can't do anything but to respect you if you really feel that way." Paglilinaw niya, napaiwas tingin ako.

"Hakuna Miran," nang tawagin niya ako ay hinawakan niya ako sa balikat at ihinarap sa kaniya.

"Kaya kong gawin lahat, huwag lang matuloy ang kasal. Just ask me to do it, I'll help you."  Napakurap ako ng maraming beses at umiwas tingin tsaka pekeng tumawa.

"Hindi ko naman 'to sisimulan kung hindi ko siya mahal?" Tanong ko, "Kilala mo naman siguro ako," mahinang sabi ko.

"Then why do you keep on letting me be close like this? Knowing you, You'll distance yourself just to be faithful." Nang sabihin niya 'yon ay nai-awang ko lang ang labi dahil hindi ko alam ang idadahilan.

"Basta Laze," sagot ko na lang pero sinapo niya ang pisngi ko tsaka siya ngumiti.

"You've never felt real love right ?" Napatitig ako sa kaniya, lumaki ang itim niyang mata dahilan para mas gumanda ang pagka-abo no'n.

Ang pagtitig niya sa akin ay biglang naging blangko, naging magkalapat rin ang labi niya. Bigla ay nanumbalik sa akin nang unang beses kaming magkita.

Bigla ay naging emosyunal ako dahil gusto ko na lang bumalik sa panahon na 'yon, panahon na nagagwapuhan ako sa kaniya ngunit nawiwirduhan.

"Hakuna Miran, do you know what did the volcano say to the mountain?"  Nangunot ang noo ko ng ilapit niya ang mukha ngunit hindi ko nagawang lumayo.

"A-Ano?"

"It says I lava you." Umawang ang labi ko ngunit ngumiti siya at inilapit ang mukha sa mukha ko, nang dumampi ang labi niya ay pumikit ako at hinayaan siyang halikan ako.

Bahagya siyang lumayo at muling pinagdampi ang labi namin kaya ng bitiwan niya 'yon ay nanghihina ang tuhod kong napaupo sa sarili kong mga paa.

Why does this kind of sin makes me want to commit it everyday?

Nakagat ko ang ibabang labi, pumikit ako at huminga ng malalim. "S-Sorry talaga Laze," mahinang sabi ko at tsaka ko pilit na itinayo ang katawan ko.

Napatitig siya sa akin ngunit halos masaktan ako ng matipid siyang ngumiti at tumango, naglakad na ako papaalis sa harapan niya at tsaka ako bumalik sa table namin. Napaupo ako doon at tsaka ko inabot ang kupita ng alak.

"What happened?" Tanong ni Ate Janella kaya pinilit kong huwag maluha, huminga siya ng malalim at mula sa ilalim ng mesa ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Usap tayo mamaya." Matipid niyang sabi, tumango naman ako. Maya-maya ay bumalik na si Laze sa harapan ko ngunit hindi niya na ako gaano sinulyapan.

"Are you okay?" Mahinang tanong ni Terry kaya matipid akong tumango at uminom na lang dahil pakiramdam ko kailangan ko nito sa ngayon.

Gustong gusto ko siya, gustong gusto ko na makasama siya, pero bakit parang ang hirap niyang piliin? Bakit parang pag pinili ko siya itinakwil ko ang lahat ng inaasahan sa akin ng pamilya ko?

Gusto ko rin namang sumaya, pero yung hindi ko kailangang mamili.

///

@/n: Any thoughts? Ako lang 'to guys huwag kayo mahiya 🥲😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top