Chapter 50
Chapter 50:
Hakuna Miran's Point of View.
Naglapat ang labi ko ng mapansin na nilalabanan na lang ni Laze ang antok para lang masabayan ako, tumikhim siya ng kamuntikan na namang mapatagal ang pagpikit niya, nakagat ko ang ibabang labi dahil panigurado ay ngalay na siya ngunit nanatiling nakaakbay ang kamay niya sa akin.
Para nga siyang nakayakap ngunit nasa braso ko ang kamay niya. Kaparehas na nakapatong ang paa ko sa mesa sa harap ng sofa na inuupuan namin habang tutok sa tv.
Ngunit ganoon ako napalayo kaagad ng biglang bumukas ang pinto, kahit diwa yata ni Laze ay nagising dahil sa nakakagulat kong pagtalon. "Lasing na," ngiwing sabi ni Jem at inalalayan si Crizel.
"Saan mo dadalhin 'yan? Doon 'yan sa kwarto ni Janella." Sabi ko, natigilan si Jem at tsaka lumunok.
"S-Sige." Alanganin na sagot niya.
"Punta ko na doon," paalam niya at tsaka isinarado ang pinto. Nang tignan ko si Laze ay nakataas na ang isang paa niya sa sofa at ang siko niya ay nakapatong sa tuhod niya habang ang kamay niya naman ay nasa pisngi niya.
"Inaantok ka na?" Tanong ko.
"Hindi pa." Sagot niya at tsaka pinagpag ang tabi niya na para bang pinauupo niya ako doon.
Tumayo naman ako at bumalik sa tabi niya, "Do you have a home here?" Kwestyon ko nag-aalangan, natigilan siya at tsaka matipid na tumango.
Habang nanonood ay biglang may nag-vibrate at dahil doon ay nalingon ko si Laze na kinapa ang cellphone niya sa bulsa ng pajama niya, ngunit ganoon nangunot ang noo ko ng makita ang caller no'n.
My Cute Amora.
"Sino 'yan?" Natigilan siya at sinulyapan ako.
"Wait," paalam niya at sinagot ang tawag.
"Amora." Panimula niya sa kabilang linya habang nakatayo siya at nakaharap sa balcony ng hotel room.
"Okay, where are you this time?" Kwestyon ni Laze, mukhang seryoso ang usapan.
"Alright, I'll go to you. Calm down, I'll be there." Matapos no'n ay bahagya siyang nataranta sa kung anong unang gagawin.
"Punta ka na," matipid na sabi ko.
"You can come with me." Biglang sabi niya kaya natignan ko ang suot.
"T-Tignan mo kaya yung damit ko?" Turo ko.
"I have no time to change, let's go." Dahil doon ay napatayo na lang ako at sinabayan siya, lakad takbo ang ginawa naming dalawa akala ko ay gagamit kami ng sasakyan ngunit naglakad takbo lang rin kami ng makalabas sa hotel.
Ganoon ako natigilan ng makita ang dalawang malaking bahay na magkatabi, maganda rin ito, ngunit may panibago pang bahay sa likod na malaki rin. Binuksan ni Laze ang gate using his fingerprint.
Pumasok na rin ako, ngunit napalunok ako ng makita ang teen na nakaupo sa hagdan. "What happened?" Tanong ni Laze rito, so siya yung caller?
"Oppa, someone's banging down there." Itinuro nito ang parang daan papunta sa basement.
"My brother left me alone here, I'm scared." Huminga ng malalim si Laze at pinantayan ang tangkad nito.
"Do you remember the lion I told you about? It's down there." Turo ni Laze sa basement kaya nanlaki ang mata ko.
May lion dito?!
"So it's the lion oppa?" Bigla ay nabura ang takot sa mukha nito.
"Then I can tame it oppa? I want to see—"
"T-Tame?" Hindi makapaniwalang sabi ko, dahil doon ay napatingin sa akin si Amora.
"Who are you?" Her sweet tone made my lips parted.
"She's my girlfriend, Amora. She's Hakuna Miran." Nanlaki ang mata ko sa pakilala ni Laze sa akin, "A-Anong girlfriend," wika ko sa mahinang paraan.
"I can't lie." Matipid na sagot niya.
Amora pouted as she heard what Laze just announced, "You're not gonna make him not see me, right?" Malambing ang tinig niya kahit na ang hitsura niya ay nagtatampo.
"I-I don't have the right." Nahihiyang sagot ko.
"Alright! Do you want to see my pets?" Nakangiting sabi niya at wala pa man akong sagot ay hinawakan niya na ang kamay ko ay hinila ako papunta sa taas.
"Careful, Amora. Lampa 'yan." Nanlaki ang mata ko at nilingon si Laze at tinignan ng masama hanggang sa makarating kami sa iisang kwarto.
"Anong pets ba meron ka?" Nakangiting sabi ko.
"Is it a hamster?" Umiling siya.
"Nope, wait a minute eonnie." Lumunok ako, eonnie? Ano 'yon? Mani? Nuts?
Nang buksan niya ang kwarto ay halos mapatalon ako paatras sa takot ng makita ang kulay puting ahas na may kalakihan, "A-Alaga mo 'yan?" Takot na takot kong sabi.
"Yes eonnie, she's Archery." Lumunok ako sa pangalan nito.
"Archery, come." Halos kumabog ng malakas ang dibdib ko ng gumapang ang ahas dahilan para magtatatalon ako paatras.
"T-Takot ako!" Mabilis na sabi ko.
"Huh? She's beautiful." Nagtataka na sabi ni Amora at halos umawang ang ko ng haplusin niya 'yon na parang pusa o aso lang.
"She's not gonna bite you not until I tell her so, eonnie." Ngumuso si Amora dahilan para umiling iling ako.
"Just try." Malambing na sabi niya, nang lumapit ang ahas at nasa kamay niya na ay tinitigan ko 'yon ngunit hindi ko kayang labanan ang takot at basta basta na lang akong naluha.
Nasapo ko ang mukha at pigil hikbi, "Hala. I'm so sorry eonnie, I-It's my fault," naramdaman ko ang paghawak niya sa akin.
"What's happening?" Tanong ni Laze kaya naman nahihiya akong nagpahid ng luha at lumabas na ng kwarto na 'yon.
"I didn't know she's really scared of snakes oppa. I'm sorry," malambing ma sabi niya kaya pinahid ko ang luha.
"It's alright, she's not gonna bite you." Laze stated.
Pinabalik na si Archery sa loob ng kanyang tinitirahan at tsaka kami nag-stay sa sala ng bahay, "I'm really sorry, eonnie. Didn't know you're that scared of it, is it a phobia?" Kwestyon ni Amora kaya umiling ako.
"Takot lang."
"Amora, not all people are the same as you, okay? You are very unique. Everyone is scared of snakes, they can't hold a lion or even tame it. That's why you are amazing, because you are brave enough to touch what they normally fear." Napatitig ako kay Laze kung papaano niya iniingatan ang bawat salita na ginagamit.
He'll be a good father someday, sinamahan namin si Amora at tunay ngang may kumakalampag sa basement. Hihintayin kasi namin yung parents nila o kahit yung kuya man lang ni Amora.
Maya maya ay may tumigil ng sasakyan kaya naman ng biglang pumasok yung magandang babae ay namangha ako dahil naka-suot ito ng hospital coat. Ngunit nanlaki ang mata ko ng makita si Attorney Sandova— I mean Prosecutor Sandoval.
"Prosecutor, d-dito ka po nakatira?" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya.
"Ms.Lapiz, nandito ka pala." Ngumiti ang labi nito sa akin, umawang ang labi ko at tsaka tumikhim hindi ba siya tumatanda? Sa tuwing magkikita kami ang napapansin ko lang ay mas gumagwapo siya.
"Daddy you know her? Girlfriend siya ni Kuya Laze." Nakangiting sabi ni Amoraat humalik sa pisngi ng mga magulang niya.
"Oh girlfriend." Napangisi ang labi nito, tumikhim naman ang mommy ni Amora.
"What happened here?" Matipid na ngumiti ito ng dumapo sa akin ang tingin niya.
"Arkeb left her here." Matipid na paliwanag ni Laze, lumapit siya doon at bumeso.
"She's scared of the basement since it seems like the lion is freed from its tie." Natigilan ang dalawa at ngumiti kay Laze.
"Alright, thank you for being with our youngest. You want some hot chocolate?" The beautiful lady offered, "Sure tita, I miss your homemade hot chocolate." Nagtaka ako ng walang emosyon ang mga mata ni Laze habang sinasabi 'yon.
"You've really changed, Laze. I believe you look better right now." Tumango si Laze.
"I guess, tita."
"Prosecutor ibig po ba sabihin no'n magkakilala po kayo ni Laze?" Pabulong na tanong ko dahilan para matigilan ito at mangiti.
"I really don't hold cases like yours, since I have a little bit of trauma about that." He explained.
"If I didn't get the chance to hold your case, your ex step father might be freed and you'll lose. But no worries since it's me—"
"Yabang, love." Biglang singit ng maganda nitong asawa at ibinaba ang hot chocolate sa harap namin na amoy pa lamang nito ay gusto ko ng lagukin kung hindi lang mainit.
"Pero totoo, let me tell you a secret Miran. Miran 'di ba?" Tumango ako at matipid na ngumiti.
Nasa banyo kasi si Laze, naghilamos dahil inaantok na raw siya. "Laze came here a quite long time ago, to ask for help. To help you before he left the Philippines." Umawang ang labi ko sa nalaman.
"Love, secret lang daw 'yon. Ang daldal Saji Argelia." Seryosong sabi ni prosecutor kaya natulala ako sa kawalan.
He expected it to happen so he advanced?
"Bakit mo kasi chinismis sa akin kung secret." Sumbat nito sa asawa dahilan para ngumiwi si prosecutor at ngitian na lang ako.
"Kapatid ko yung mama niya, kalma ako lang 'to." Napakurap ako at napaiwas tingin.
"Pag pasensyahan mo na Miran, medyo bubuyog kasi 'yan. Chismoso." Ngising sabi nito sa akin inaasar ang asawa.
"Love, yung panganay mo nga sabihan mo." Nauubusang pasensya na sabi ng mommy ni Amora.
Nang bumalik si Laze ay napatitig ako sa kaniya, I've never get the chance to acknowledge his effort and here I am still using him for myself.
Why am I that selfish not thinking I am hurting him.
Pagkatapos namin maubos ang hot chocolate ay umalis na rin kami, hindi ko alam kung papaano i-oopen up yung secret na nalaman ko kanina baka malaman niya na sinabi na nila sa akin ang ginawa niya years ago.
Hinatid niya na ako sa kwarto ko kaya naman nang manatili siyang nakatayo sa harapan ng pinto ay huminga ako ng malalim. "You'll sleep na?" Kwestyon ko.
Matipid siyang tumango, "Can't fight it anymore."
"Alright, goodnight Laze." Ngumiti ako, tumango siya at ngumiti rin.
"Goodnight," he was about to fix the hair strands in my face but then I threw myself like a kid and reached his neck for a hug that made him adjust his height so I could hug him.
"Thank you." Pumikit ako at hindi pinansin ang iisipin niya sa akin.
"Ah w-what for?" Naramdaman ko ang marespetong pagtapik niya sa likuran ko habang nakayakap ako sa kaniya.
"For everything," pumikit ako muli at nanatili sa ganoong puwesto.
"You're making it hard for me to leave," mahinang sabi niya at mahina ring tumawa.
"I'm sorry, because I might hurt you again." Nang tumayo siya ay halos nanlaki ang mata ko ng lumutang ako ng bahagya sa ere at nakayakap naman ang mga braso niya sa bewang ko.
"Expected." Mahina siyang tumawa at muli na akong ibinaba.
"Get to bed," turo niya sa kama ko matapos humiwalay sa yakap.
"I'm really sleepy, I might sleep with you if you continue this." Pagbibiro niya kaya ngumiti ako at kinawayan na siya.
"Goodnight."
Tumango siya, "Goodnight." Nanigas ako sa kinatatayuan ng yumuko siya at dampian ng halik ang pisngi ko bago siya umatras at siya na mismo ang magsarado ng pinto ko.
Kinaumagahan ay kinailangan kong kitain si Terry dahil sa sinabi ng grandparents ko. Naupo ako sa harapan niya at tumikhim, "Good morning." Matipid niyang bati.
"Good morning, by the way, about the engagement. Why are you doing this?" Kwestyon ko, nangunot ang noo niya bago tumikhim.
"For our company, also." Sa sagot niya ay bumuntong hininga ako.
"Same here."
"Well, I guess they're old enough to understand us so what could we do?" He explained, "Nothing but to obey their will, I can't imagine I said yes to this." Mahina akong natawa at napatango.
"Same here, what could we even do?" Bulong ko at kinuha ang tasa ng kape na nakalatag sa harapan ko.
"Yeah, just don't mind me while you're on vacation. I'll be back in the city today, enjoy your vacation. Let's work on this after your vacation. Keep safe." Ngumiti siya at tumayo na rin, kaya tumayo na ako.
"Thank you."
"Don't thank me, you're getting married to me without a will." Ngumisi ako at tumango.
Nang makaalis siya ay napayuko ako sa mesa, I guess we can just file a divorce after the problem is fixed? Yeah.
Tumayo na ako at naglibot libot muna, may mga bazzaar rin sa gilid gilid ng hotel malapit sa side walk, kung hindi lang siguro ako tamad baka pati hanggang sa mall nilakad ko na lang rin.
Matapos ko bumili ng meryenda ay bumalik ako sa hotel room namin to rest and to think of how I could break off this after the problem is fixed. Nang makapasok ay natigilan ako ng makita si Laze na nandito sa kwarto namin kaharap si Jem at Yamato.
"Si Janella?" Tanong ko.
"Wala, tulog pa." Sagot ni Crizel.
"Nalasing ba 'yon kagabi?" Kwestyon ko, at naupo sa nag-iisang sofa sa pagitan ng mahabang upuan at isang dalawahan.
"Oo, mas marami siyang nainom sa akin pero ginawa niyang makauwi unlike me." Nakangusong sabi ni Crizel.
"Pabuhat ka nga, bigat mo." Singhal ni Jem.
"Si Yuno?" Biglang tanong ko dahilan para mapatingin sa akin si Laze, seryoso ang mga titig at ang kilay ay bahagyang interisado sa susunod kong sasabihin.
"Ah kasama ko sa kwarto si Yuno, susunod siya rito." Sambit ni Jem.
"Mare, lika nga." Hinila ako ni Crizel palabas sa hotel room kaya natigilan ako at nakisabay.
"Bakit?"
"Anong setup meron kayo mi Laze?" Sa sinabi niya ay naitikom ko ang bibig.
"One night stand, relationship edition nga lang." Nanlaki ang mata ni Crizel.
"Tuloy tuloy niyo na gaga, ang tagal na rin. Malay mo may feelings pa, hindi naman kayo papayag kung wala na?" Konklusyon niya kaya huminga ako ng malalim.
"Experience lang raw," bulong na sabi ko.
"Mare, tuloy niyo na. May gusto ka pa naman kay Laze eh," huminga ako ng malalim at umiling.
"Ikakasal na ako." Mahinang sabi ko, nanlulumo.
"Ha?"
"Anong ikakasal? Ikakasal na kayo agad?!" Malungkot akong umiling.
"Si Terry, siya yung ipagkakasundo sa akin ni lola at lolo." Nanlaki ang mata ni Crizel at nahampas ako sa braso.
"Gago seryoso ba?"
"Gago." Hindi makapaniwalang sabi niya at natakpan ang bibig.
"Lola at lolo naman lakas makasira ng love life." Inis na sabi niya.
"Mare para sa business naman natin eh, para sa last name natin." Huminga ng malalim si Crizel na para bang alam niyang wala rin siyang magagawa.
"Hindi ka dapat pumayag at the first place." Napayuko ako sa sinabi niya.
"I'd never had an expectation that he would come back, and be close to me again, Crizel. I can't move on so last year I agreed to marry someone, akala ko matutulungan ako." Ngumiwi si Crizel.
"Pag humindi ako, it's either Yamato or Janella will suffer." Ngumiwi siya lalo.
"Ikaw na naman magsasakripisyo." Bulong niya.
"Hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ni Laze, kaya nga experience lang. May girlfriend rin siya," bulong ko.
"Kung may girlfriend siya sa tingin mo ba gagawin niya 'yan? It's cheating." Sumbat ni Crizel.
"Slow mo talaga mare, huwag mo na nga ako kausapin." Reklamo niya kaya mahina akong natawa, bumalik kami sa hotel room na tinutuluyan namin at tsaka ako napahikab.
"Aga mo umalis pala, saan ka galing?" Tanong ni Jem.
"Wow, galing ako sa kliyente ko KUYA." Sarkastikang sabi ko na ikinatawa niya.
"I really thought that both of you were together." Sa sinabi ni Laze ay natigilan kami.
"Sinadya ko 'yon," sambit ni Jem.
"Okay." Matipid na sagot ni Laze.
Matapos namin mag-usap usap ay umalis sila kaya naiwan na naman kaming dalawa ni Laze, "Kumain ka na?" Tanong ko at tsaka ako tumayo at tinanaw ang ref.
"Yes, how about you?" Tugon niya, napansin ko naman na naka-suot lang siya ng black cotton shorts at navy green shirt na round neck.
"Oo, kanina. I met with Terry Bautista." Kwento ko.
"You didn't even bid a bye at me," sa sinabi niya ay naitikom ko ang bibig at nanatili lang na nakatingin sa kaniya.
"Kidding, want to do anything?" Kwestyon ni Laze.
"Matatapos na ang araw mamaya," dagdag niya at ipinatong ang maliit na pillow sa lap niya at sumandal.
"I'm really sleepy for no reason," he yawned as he covered his mouth and laid his back on the sofa.
Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya dahil nakapikit siya. "Laze." Mahinang tawag ko sa pangalan niya habang pinagmamasdan siya na nakapikit.
"Hmm?" Tugon niya.
"Wala." Matipid na sabi ko at tsaka tahimik na lang rin na naupo.
Mabilis na nag-daan ang araw at bumalik na kami sa trabaho, naging busy rin kahit sa bakasyon dahil nagka-problema sa site. May isa sa mga workers ang nagkaroon ng injury sa gitna ng construction.
Ngayon ay inaasikaso namin ang lahat pati na ang nangyaring aksidente, mabuti na lang at naagapan. Heat stroke ang natamo nito sa gitna ng mainit na pag-gawa nila para lang mapabilis.
Sapat naman at sobra ang mga gumagawa ngunit ayon nataon lang, dahil doon ay nag-provide yung owner ng malaking freezer for their water, and to stay hydrated.
Huminga ako ng malalim at tsaka ako nagulat ng may palad na pumatong sa tuktok ng ulo ko habang nakatayo ako at minamasdan ang gumagawa. Natigilan ako ng makita si Laze, himala't nilapitan niya ako ngayon?
"Bakit?"
"You look stressed," he stated and handed me a bottle of cold water that I accepted, "Thanks." I stated, he removed his palm and looked closer to the site.
"It will be done by next week, and the construction will change. Ready your site blueprint para may masunod yung engineer mo." Tumango naman ako sa suhestyon niya.
"Mauuna ka naman 'di ba?"
"Sabay tayo." Mahinang sabi niya at kinuha ang ininuman kong tubig, ganoon nanlaki ang mata ko ng uminom rin siya doon. May tumulo pa sa gilid ng labi niya papunta sa leeg niya dahilan para umiwas tingin ako.
"Namumula ka na, mainit ba?" Lumunok ako at tumango.
"Yeah."
"Let's go inside, I'll start a meeting for plans." Sumunod ako sa kaniya, dahil doon ay nag-construct siya ng meeting at mabilis naman namin na nakuha ang lahat ng 'yon.
In the middle of the meeting, nagtaas ako ng kamay. "I have plans, will it be okay if I will be out for a day?" Napatitig si Laze sa akin.
"About your other client?" Tumango ako.
"Sure, just balance your time." Ngumiti siya sa akin dahilan para matigilan ang lahat, agaran niya namang nabawi ang ngiti at umiwas tingin.
"Ang sweet." Bulong ni Crizel kaya malakasan ko siyang siniko.
"Something's odd—"
"Keep what's on your mind that is not related to work." Seryosong sabi ni Laze at tsaka niya mahinang ipinalo ang stick sa white board to get our attention in to it.
After that meeting, Laze started talking to me when he had the chance to do so. Biglang drop ng topic and then we'll start talking or sometimes we debate on a fact to make the information deeper.
A week later, I started distancing myself from him. Terry started working for our setup, and I can't adjust yet he lets me do what I want to.
One day from that week, we had fun celebrating the first construction of our project. They ordered a lot of food, cook, and drinks to celebrate. That day, hinayaan kong maging masaya ako muli. Sinubukan kong kalimutan ang problema.
"I am so tired, but not in having fun! Hooooo! Asan na yung alak!" Natawa ako ng makita si Crizel na lumilinga linga.
"Kung pagod ka na, nandiyan si God para sa'yo. Kung gusto mo sumama ka na—"
"Ano sabi mo Jem!" Sigaw ni Crizel at mabilis na sinugod si Jem kaya ngumisi ako.
Habang hawak ko ang magandang baso na naglalaman ng alak ay tatalikod na sana ako sa kanila ngunit nakaharap ko sa paglikod ko si Laze na may hawak rin.
Ngunit hindi man lang siya nababahiran ng gulat, "Want to have fun?" As he asked that question, my heart started to race.
That's what he asked me last time, and I've experienced the fun I'd never want to go away.
///
"You already gave me up,"
@/n: What kind of fun it will be? Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top