Chapter 5
Hakuna Miran's Point of View.
Tatlong linggo na ang nakalipas at madalas kong nakakasama si Laze sa pag gawa gawa ng plates, hindi naman siya nagrereklamo dahil kahit kausapin o sagutin ang tanong ko ay wala siyang sinasabi.
Tatlong linggo na rin akong nags-struggle sa course ko dahil bukod sa mahirap ay kulang ang gamit ko ang naipon ko ay mabilis na nauubos dahil sa materials. "Laze!" Mabilis na tawag ko ng makita ko siya sa bus stop but then nilingon niya lang ako at hindi na pinansin.
Matangkad talaga siya, para siyang yung papa niya sobrang tangkad habang ako wala no comment. "Pwede sumama ulet?" Nakangiting tanong ko.
"What's the use of having my permission, sasama ka pa rin." Napangiti ako sa sagot niya at tumango tango.
"Tama ka diyan!" Hindi ako makapaniwalang naging close ko siya hindi naman sobra pero hinahayaan niya ako sa paligid niya kahit na ang dami dami kong tanong.
"Laze—"
"One more call and I'll make your every day worst." Alanganin akong tumawa sa banta niya at tumango tango.
"Sabi ko nga tatahimik na." Hinintay namin ang bus kahit 9PM na ng gabi. Katatapos lang kasi ng shift ko.
Napatingin naman ako sa braso ko, parati na lang akong naka longsleeve. Wala akong magawa kundi itago ang mga pasa at sugat na dulot ng tito ko, ngunit anong magagawa ko? I have to protect my family.
"Miran."
I have to protect them at all cost. "Ah!" Natigilan ako ng magaan lang naman na hawakan ni Laze ang braso ko ngunit nasaktan ako agad.
"H-Huh?"
"The bus." Nang makita ang bus sa harap namin ay sumunod agad ako sa kaniya ngunit napatingin ako sa braso ko na naging sensitive kahit sagi ay masakit na.
"Did I grabbed you hard?" Napalingon ako kay Laze na awtomatikong naupo sa tabi ko ngayon kaya naman mabilis akong umiling.
"Nagulat lang ako, iniisip ko kasi yung architectural design na sinasabi ni sir." Pagsisinungaling ko pa.
"Alright." Reply niya kung kaya't tumahimik na ako dahil sa tumatakbo sa isip ko.
Nang makarating sa comic book store ay napangiti ako ng makita si Yamato na nakatutok sa libro niya mukhang nag-aaral rin talaga siya ng mabuti. "Kuya Laze hi! Ate!" bati niya ng makita kami.
Tinanguan lang siya ni Laze kaya naman naupo na kami at inilabas ko na ang plates, napatitig ako kay Laze na tahimik lang buong nagdamag.
Nang mapansin niya ako ay natigilan siya tapos blangkong tinignan rin ako. "What?" umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Habang gumuguhit ay bumuntong hininga ako ngunit ganoon na lang ako napasigaw ng malakas na may humablot sa braso kong namamasa.
"Aray ko po!" Daing ko ng hablutin ako ni Tito Jubal.
"Uuwi na tayo! Yamato sumunod ka na ngayon na!" Maluha luha akong hinila ni Tito Jubal ngunit ganoon na lang nanlaki ang mata ko kasabay ng pagsalampak ko sa sahig ng may malakas na pumigil sa kamay ni Tito Jubal.
"Sir." Napatingala ako kay Laze na nakatitig kay Tito Jubal.
"Huwag kang makialam sa pamilya namin hijo." Nagbabantang sabi ni Tito Jubal at pilit binawi ang kamay niya ngunit napalunok ako ng sa pwersang paghila ni Tito Jubal ay bigla siyang binitiwan ni Laze dahilan para mawalan siya ng balanse.
"You're starting a mess inside the book store sir. You need to leave before I call the police." Mahinahon 'yon ngunit blangko ang tingin ni Laze. Lumapit si Yamato sa akin at tinulungan akong tumayo ngunit aksidente niyang nahawakan ang pasa ko dahilan para mariin akong mapapikit.
"Ate," wika niya at inupo ako sa kinauupuan kanina.
"Hindi pa tayo tapos Miran." Banta ni Tito Jubal kaya nasapo ko ang noo.
Umalis na siya batid sa narinig ko ngunit natigilan ako ng hawakan ni Laze ang kamay ko dahilan para kabahan ako ng sobra. Ngunit mabilis kong nabawi ang kamay ng bahagya niyang itaas ang sleeves ng suot ko.
"Miran give it back," wika niya kaya naman itinago ko 'yon lalo.
"Ayos lang siya Kuya Laze ako na ang bahala," wika ni Yamato.
"Are you being beaten?" Tanong niya kaya umiling ako kaagad.
"Then let me see your arms." Hamon niya kaya muli akong umiling bilang sagot.
Narinig ko ang pag buntong hininga niya dahilan para tignan ko siya ngunit nangunot ang noo ko ng makita ko ang emosyon sa mukha niya. "Y-You have your emoti—" awtomatiko akong natigilan ng bumalik sa blangko ang tingin niya sa mata.
"What?"
"Wala." Sagot ko agad.
"We have to go home already, T-Thank you." Pagpapasalamat ko at tumayo na tapos ay inayos ang gamit ko wala naman siyang nagawa at hinayaan ka, binuhat lahat ni Yamato ang gamit ko.
Nang makauwi ay natigilan ako ng may basag na kung ano sa sahig at naririnig ko ang sigawan mula sa kwarto nila mama kung kaya't mabilis kaming pumuslit ni Yamato sa kwarto niya dahil pag sa kwarto ko ay baka biglang pumunta doon si Tito Jubal.
"Patingin ate," wika ni Yamato at nilihis ang sleeves ko.
"Hala ate, kailangan mo 'tong gamutin." Bumuntong hininga ako at nasapo ang sariling noo.
"Ito ba yung dahilan kaya ka nilagnat noon ate?" Napatitig ako kay Yamato at dahan dahan na tumango dahilan para bumuntong hininga siya.
"Ang tagal ko kasing lumaki," nagmamaktol na sabi niya.
"Ate isumbong na natin sa pulis?" Tanong niya.
"Wala tayong magagawa may koneksyon si Tito Jubal sa police dahil police yung kapatid niya 'di ba?" Napanguso si Yamato.
"Kay Kuya Laze? Patulong tayo sa kaniya ate. Feel ko kaya niyang labanan si Tito Jubal." Suhestyon ni Yamato kaya umiling ako.
"Baka madamay lang siya, hindi pepwede."
"Ate naman," nagrereklamong sabi ni Yamato.
Kinaumagahan ay pinilit kong iwasan si Laze hanggang sa klase ay hindi ako tumabi sa kaniya, ang tinabihan ko ay ang kaklase na si Crizel. "Bakit hindi ka naupo sa tabi ni Laze?" Tanong niya.
"Wala gusto lang kitang katabi," wika ko at tahimik na nagsulat na lang ng dinidiscuss ni sir.
"Miran pa-tignan nga ng plates ko kung pantay ba," napalingon ako sa isang kaklase at kinuha ang plates niya pati na ang panukat. Pinapatignan niya kung may dapat ba siyang ayusin kung kaya't ng makita ko ang isang mali ay itinuro ko 'yon.
"Gaanan mo yung pagbura bura, ayaw ni sir sa maduming plates." Paalala ko at nagsulat na muli sa notebook ko.
"PE class niyo tomorrow," paalala ni sir.
"Next week swimming class." Ngumuso ako at inalala ang mga pasa ko na hindi pa rin gumagaling.
Makalipas ang ilan pang linggo ay hindi ko ginawang magpapansin kay Laze, hindi ko rin sinasalubong ang maari niyang daanan. Natatakot akong baka mapansin siya ang mga pasa ko. Dumaan ng dumaan ang linggo hanggang sa inabot ng isang buwan na hindi ko siya ginawang kausapin.
Papasok na ako sa part time ko ngayon, inaayos ko ang gamit ko sa bag bago ilagay sa locker. Napabuntong hininga ako ng mapansin na wala na pa lang load ang card ko para sa bus.
"Hindi ba pumasok si Jem?" Tanong ko sa kasamahan na part timer rin.
"Busy siya sa engineering course niya kaya naman bukas na raw siya papasok." Tumango na lang ako at nagbihis na ng uniform namin sa work.
Matapos kong ibutones ang longsleeve polo na white ay itinuck-in ko ito sa black slacks na uniform namin at isinuot ang apron na nakatali sa waist namin. Inipit ko ang buhok at lumabas na ng staff room para makapagsimula na.
"Ay Miran, pahatid nga kay Sir Laze." Utos ni Ate Sandra kaya napalunok ako.
"Ate pwede bang ikaw—"
"Please? May inuutos kasi sa akin si Ma'am Miyu." Bumuntong hininga ako at tumango tapos kinuha ang tray na para kay Laze.
"Thank you!" Ngumiti ito at patakbong umalis mukhang nagmamadali nga siya. Habang dala dala ang order ni Laze ay hinanap ko ang table niya at dahan dahan na naglakad papunta sa kaniya.
Nang makarating ay abala siya sa libro na binabasa ukol sa arkitekto rin naman. "Good day sir, this is your order." Pinilit kong ngumiti at dahan dahan na ibinaba ang order niya.
"How's your model?" Napalunok ako ng itanong niya 'yon habang ibinababa ko ang order niya.
"It's not yet done sir." Sagot ko.
"The deadline is nearly 2 days." Matipid niyang sagot kaya tumikhim ako at tumango bilang sagot.
"I know sir," wika ko.
"Did you buy the new materials our professor marked?" Natigilan ako at napalunok tapos ay tinignan siya.
"M-Meron?" Kinakabahan kong tanong.
"Mm."
"May namiss ba akong klase? Notes? Bakit hindi ko alam?" Kwestyon ko.
"Go back to work, I'll tell you later." Tumango ako at maingat na umalis na, maraming orders akong kinuha kung kaya't nakakapagod at nakakangalay rin.
"Pay day ngayon, mukha kang malungkot." Napatingin ako kay Ate Sandra at matipid na ngumiti.
"Ang mahal kasi ng materials sa architecture ate, pakiramdam ko kukulangin yung weekly salary ko mabili lang 'yon." Inakbayan ako ni Ate Sandra at ngumiti.
"Hiram ka muna sa akin gusto mo?" Nakangiting suhestyon ni Ate Sandra kaya mabilis akong umiling.
"Hindi na ate, ayos lang. May natira pa naman sa salary ko last week." Nakangiting sagot ko.
"Osya sigurado ka? Lapit ka lang sa akin kung may problema ka." Ngumiti ako at nag-thank you.
Lumipas ang ilan pang mga oras ay na-receive ko na ang pay day ko kaya muli akong napangiti, inayos ko na ang gamit ko para makaalis na ngunit natigilan ako ng may tumabi sa akin sa bus stop. Napalunok ako ng makita si Laze. "I'll buy the materials, how about you?" Tanong niya kaya dahan-dahan akong tumango.
"Oo," wika ko at nag-iwas tingin.
"Alam mo na ba?"
"H-Hindi pa," nahihiya kong sagot.
"Then go with me," he suggested kaya naman wala akong choice kundi tumango bilang sagot.
Nang makasakay sa bus ay napalunok ako ng tabi na lang niya ang available space dahilan para doon na ako maupo. Nakikiramdam ako sa paligid ko lalo na sa katabi ko, sana ay nakalimutan niya na ang incident noon. "Is your parents not worried that you're going home late?" Kwestyon niya.
"They are, pero college na ako." Bulong ko pa.
"Okay," matipid niyang sagot kaya naman tumahimik na ako.
Nang dumating kami sa harap ng mall ay nauna akong bumaba. Sabay kaming pumasok sa mall sa school supplies agad kami dumeretso sumunod lang ako kay Laze na halatang alam na alam na kung saan siya pupunta.
"Anong hinahanap mo?" Pabulong kong tanong kay Laze dahilan para lingunin niya ako.
"Copic markers." Napalunok ako sa sagot niya kaya naman sumunod lang alo hanggang sa bigla siyang tumigil ay muntik na akong tumama sa likuran niya.
Naupo siya at pinantayan ang tangkad ng markers na tinutukoy niya ngunit ganoon na lang ako napatitig sa presyo no'n. "A-Ang mahal naman niyan," nakanguso kong reklamo.
"Yeah." Sagot niya.
"Kailangan ko pa ata ng 3 weeks bago makabili ng isang buo," reklamo ko at sumalampak sa harap no'n hinawakan ko ang case nito. 72 Copic Ciao Markers naka sale pa 'yan amp.
Saan ako kukuha ng 13,650 pesos?
"Hmm.." Napanguso ako habang nakatingin kay Laze na inilagay na 'yon sa basket niya ngunit nangunot ang noo ko ng dalawa ang ilagay niya.
"Bibilhin mo lahat 'yan?" Nanlalaki ang mata kong sagot.
"One for me, one for you right?" Nanlaki ang mata ko at umiling.
"Hindi! Wala pa akong pera kulang pa." Reklamo ko at ibabalik na sana pero pinigil niya ang kamay ko.
"It's sale today, the last time I saw this on sale was last year." Ngumuso ako.
"Pero wala pa akong pera Laze," wika ko.
"Then pay me weekly, 500 pesos or 1000 your choice." Napalunok ako at tinitigan siya.
"S-Seryoso ka? Baka ubos na yung allowance mo niyan." Mahinang bulong ko.
"Tch just buy it and pay me weekly." Nang umalis na siya ay mabilis akong sumunod at doon ako napanguso ng may kailangan pa pala bilhin, kumuha siya ng pen for architecture plates yung iba iba yung taba ng ano bang tawag doon yung point tama.
"Ang mamahal naman nila," bulong ko at hinawakan ang mga 'yon.
"Think of me as your loan card. I don't put interest," nagpigil ngiti ako sa sinabi niya kaya naman sumunod lang ako sa kaniya.
"What else? May kulang pa ba? Check it on the list and tell me. Mark it if it's already here," wika niya at napalunok ako ng i-abot niya ang cellphone sa akin.
"We need nothing, it's all done." I announced. He nodded and walk to the counter to pay.
Panay silip ako dahil ang tangkad niya kaya naman dahil nakatalikod siya sa akin ay sumilip na lang ako sa bandang tagiliran niya not until he turned around and that was the time when his chest is facing my face that made me stood up straight.
"Sorry sumisilip lang," bulong kong sabi.
Matapos no'n ay sinabi ni Laze na separate bags kung kaya't sumilip ako muli but then he glanced. "Why are you peeping? Why don't you stand here?" Itinuro niya ang tabi kaya alanganin akong tumawa at sumunod.
Matapos ayusin ang gamit ay sabay na kaming umalis. "Thank you," pahabol kong sabi but then hindi siya tumugon at dumeretso sa labas sa bus stop.
"Hindi mo kasama si Bullet?" Mahinahon kong tanong.
"Nauna na siya sa Comic Bookstore." Matipid niyang sagot kaya tumango ako.
"New sched next week, are you aware?" He asked.
"Oo 2 days whole day, the rest half day."
"Monday and Tuesday," tumango ako at saktong sa bus stop ay may tumigil na bus kaya nagmadali kaming sumakay.
Magtatap na sana ako ngunit nag-red ito dahilan para marealize ko na hanggang one ride na lang pala yung natira, nasapo ko ang noo at kukuha na sana ng bayad sa wallet ko pero dalawang tap ang ginawa ni Laze at sinenyas na umabante na ako.
"I'll pay you sorry talaga," kinakabahan kong sabi.
Muli ay hindi na siya tumugon, pagkarating namin sa Comic Bookstore ay tumahol agad si Bullet kaya napangiti ako ang tagal ko ring hindi nakapunta rito dahil iniiwasan ko siya. "Bakit pala madalas ka rito?" Pabulong kong tanong.
"I like it here," wika niya pa.
Tumango tango ako at naupo na dala dala ang paper bag. "Compute muna tayo para alam ko kung magkano ang babayaran ko sa'yo." Tumango siya at ibinaba ang paper bag kaya naman kinuha ko ang resibo doon at inilabas ang mga gamit na nasa akin.
Kasama na ang mamahalin na set na hawak ko, may ilang sets pa 'to pero wala akong pambili kaya ito muna. "Grabe ang mahal naman ng Copic Multiliner SP 425 per piece?" Ngiwing sabi ko at napailing iling.
"It's your lifetime use, just buy those refills." He's so calm and so emotionless pero sa tuwing mahuhuli ko siyang may emosyon kusa iyong nawawala.
"Ang dami kong utang shems," bulong ko sa sarili.
"Pati water color, yung sa kapatid ko nga tig kinse lang sa bangketa." Reklamo ko.
"Miya Himi Solid Watercolors Palette Traveling set of 24. M-Maganda naman siya bagay sa presyo," nakangusong sabi ko at hinawakan ang tag na 1,300 pesos.
"How come nabili mo lahat ng 'to? Utang ko na ata 'to lifetime." Nanghihina akong naupo sa harapan ng mga gamit na hawak ko.
"What the hell ang babayaran ko ay 19,200 pesos hala." Napatakip ako sa bibig at tinignan ang online money bank ko sa work.
"For how many weeks do you want to pay that?" Tanong niya kaya naman napaisip ako.
"30 weeks, weekly will be six hundred and forty." Mahinahon niyang sabi kaya napalunok ako, ang bilis niya naman mag-compute.
"25 weeks, seven hundred and sixty eight." Hinintay ko lang siyang tapusin ang sinasabi. Gusto ko makita ang math skills niya without calculator.
"20 weeks, nine hundred and sixty. 15 weeks, one thousand and two hundred eighty." Tinitigan ko siya habang sinasabi 'yon.
"10 weeks, one thousand and nine hundred twenty. You choose." Sinabi niya 'yon na para bang propesyunal talaga siya kaya nakakabilib.
"Let me compute my weekly first ha, kalma lang boss." Natatawang sabi ko at tinignan ang laman ng bank ko.
"Next week with schedule na tayo 'di ba?" Tango lang ang sagot niya kaya naman nag-isip ako.
"May ipabibili pa ba si sir?"
"Of course, he's meticulous." Maarteng sagot niya kaya napangisi ako, bigla bigla talagang lumalabas ang hindi ko inaasahan I mean ugali, reaksyon.
20 weeks na lang?
"Sa 20 weeks na tayo," alanganin kong sabi ngunit tumango lang siya.
"Alright—"
"Hala." Natigilan ako ng makita ang note na nasa bag.
"Halaaaaaaaaaaaaaa—"
"Hey." Sita niya.
"I forgot to buy charcoal pencils! Lagot ako kay sir—"
"Now calm down," nanlaki ang mata ko ng lapagan niya ako ng isang kahon sa harapan ko kulay violet 'yon at maganda.
"P-Papaano ka? Babayaran ko na lang—"
"I bought it online, don't bother. Sobra nabili ko," wika niya kaya napalunok ako at tinignan na iba iba ang klase ng set na ito.
"Miya Himi rin yung brand, parang ito." Itinuro ko kay Laze ang watercolors.
"Hmm," tugon niya at magsimula na.
Napalunok ako ng tumayo siya at may kinuha sa binabayarang locker rito sa comic book store, pwede ka kasing mag-rent o bumili ng books rito. Kung sa rent ka doon ka sa nabuklat na at kung bili doon ka sa sealed pa.
Umawang ng tuluyan ang labi ko ng makitang nilabas niya ang sets ng Copic markers dahilan para matakpan ko ang bibig. "Complete set?" Gulat na tanong ko.
"Borrow anything you need," tipid niyang sabi kaya napangiti ako.
"Thank you!"
///
@/n: Talaga ba Mareng Kuna at Papi Laze? 😂 Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top