Chapter 47
Chapter 47:
Hakuna Miran's Point of View.
May suot akong safety cap na binibigay sa tuwing papasok o lalapit ka sa site dahil hindi nga naman alam ang mga aksidente mabuti ng handa. Habang naglilibot ay tumaas ang kilay ko ng muli na namang makita yung girlfriend ni Laze.
She's slightly making my blood boil.
Maganda siya, I admit, yung fashion taste niya maganda, pero ang attitude niya. Panay ang ngiwi ko ng matanaw si Laze na lumapit doon, "Jami's birthday is coming, anong balak mo?" Nang sabihin 'yon ni Crizel ay nalingon ko siya.
"Ako?"
"Oo, ikaw. Invited tayo lahat eh," sagot ni Crizel.
"Buy her a gift?" Patanong kong sabi.
"Natural, pero for sure overnight 'yon dahil sa Palawan ang venue." Mukhang excited si Crizel dahil nabanggit niya ang Palawan.
"Edi pupunta." Sagot ko.
"Sasama Yamato?" Kwestyon ni Crizel.
"Alangan ng maiwan 'yon, unless 'di siya invited." Bumungisngis su Crizel at tsaka mahina akong nahampas sa braso dahilan para mangunot ang noo ko, "Invited whole fam." Bulong niya.
"Seryoso?" Tumango si Crizel kaya napa-ah na lang ako dahil wala na akong masabi.
Habang nakatitig sa site ay sinusuri ko ang pagkakagawa nito kahit na mas maalam ang mga engineer pag dating sa ganitong bagay, not until Jem called me. Nang senyasan niya ako ay lumapit ako, ngunit ganoon ako napangiti ng makita si Dad.
"Dad." Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya, "Ano po ginagawa niyo rito?" Hindi naalis ang ngiti sa labi ko ngunit nagtaka ako ng makita ang isang lalake na nasa likuran niya.
"Ah he needs an architect," turo ni dad.
"Maybe your first solo project?" Nakangiting sabi ni dad kaya ngumiti ako.
"Ah sure dad, but maybe set an appointment with me." Suhestyon ko.
"Busy po kasi ako sa site kaya hindi ko pa mahaharap." Maayos kong sabi, "But I am Hakuna Miran Lapiz, you are?" Inilahad ko ang kamay mabilis niya namang kinuha 'yon.
"Terry Bautista," ngumiti ako at ganoon rin siya. Mas matangkad siya ng kaunti kay dad at maayos naman ang pormahan at hitsura niya.
"I thought you only have one beautiful daughter, Mr.Lapiz. I guess you have 2," umawang ang labi ko at sinabayan ako tawanan nila.
"Then my appointment is set for tomorrow?" Kwestyon ni Terry kaya tumango ako.
"9 AM." Tumango siyang muli kaya inabot ko ang business card ko.
Matapos no'n ay umalis na rin si dad, buti nga't may dala siyang pasalubong para sa akin, kahit matanda na kami ni Ate Janella ay binibigyan niya pa rin kami ng sobra sobrang allowance.
"Sino 'yon mare?" Tanong ni Crizel, nakita ko naman si Laze na nakatingin rin sa site mukhang umalis na yung girlfriend niya.
"Ah si dad—"
"Bobo, alam ko na daddy mo 'yon kasi tito ko 'yon. Yung isa mare, yung pogi?" Ngumiwi ako dahil pogi na naman sa mata niya ang lalakeng 'yon.
"Terry Bautista," sagot ko.
"Ah, client?" Tumango ako.
"Kukunin yata akong archi." Matipid na kwento ko.
"Ayan, sige basta pogi. Tina-topic, mga babae nga naman." Pagpaparinig ni Jem kaya umirap ako.
"Talaga ba?" Singhal ni Crizel.
"Talaga ba?" Jem mocked.
"Alam mo Engineer Soriano, sana maging single ka buong buhay mo. Punyeta ka," natawa ako sa asaran ng dalawa kaya parehas ko silang inawat dahil kasama namin si Laze.
"Taken na ako," ngising sabi ni Jem at pinanlakihan ng mata si Crizel dahilan para maintindihan ko ang kalokohan nila kay Laze.
"Talaga ba? Hindi pa nga kayo tapos ni Yuno." Asar ni Crizel.
"Gago, bulok 'yon. Dad ba tawag niya sa tatay ni Miran? Hindi 'di ba." Ngumisi na lang ako.
"At least tito tawag niya, tse ikaw kupal." Umiling iling na lang ako.
"Tama na nga 'yan," singhal ko.
Nang tumigil sila ay nag-lunch kami sabay sabay ngunit tahimik lang si Laze na kumakain sa sariling plato niya, "Si Bullet pala kumusta?" Kwestyon ni Crizel.
"He'll be with me in two days." Matipid niyang sagot at tinuhog ang karne matapos niyang hiwain 'yon ng liempo.
Habang kumakain ay napaubo ako dahil nabulunan napasobra yata ang kanin at sumabay ang karneng walang sing kunat. "Pag pasensyahan na, patay gutom—"
"Crizel." Inis na sita ko at uminom ng tubig.
"Ah by the way Architect Garcia and Architect Lapiz, naging past lovers kayo?" At dahil doon sa tanong ni Ruri ay muli akong nabulunan, nalunok ko ang karne ng 'di nangunguya.
"Ha?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Us?" Kwestyon ni Laze.
Nakatitig siya sa akin dahilan para mangunot ang noo ko, "She liked me so much—"
"Ang kapal mo ha!" Mabilis na singhal ko.
Palihim niyang nakagat ang labi tila natutuwa sa naasar kong mukha, "Hinde! Hindi naging kami." Inis na sagot ko.
"Wow naiinis ka pa ha, Laze na 'yan mars." Asar ni Crizel kaya ngumiwi ako.
"A-Ano naman, hindi naging kami. Kung ano ano yung chismis na umaabot sa inyo." Napipikon kong sabi.
"Sabi kasi ng friend ko na naging classmate niyo." Lumunok ako at umiling.
"We're friends." Mariing sabi ko.
"Back then—"
"Friends with feelings." Ngising sabi ni Laze at ipinakikita no'n ang dimples niya dahilan para maging pamilyar ang mga labing 'yon.
Imposible pero.
"A-Anong friends with feelings?!" Singhal ko.
"What are you thinking? Friendship is also relationship, and relationship involves feelings Hakuna Miran. Are you thinking of anything else?" Ang nang-aasar niyang tinig ay pinahihiya ako, shit.
"A-Alam mo dapat ikaw nag-abogado ka, mas madahilan ka pa sa abogado eh." Napapahiyang sumbat ko.
"Really? Should I take your advise then?" Inis kong nakagat ang ibabang labi.
At dahil sa asar niya ay hindi ko siya pinansin ng mahabang panahon mga 3 hours. Nakakairita, hindi ko alam kung dapat ay natutuwa ako dahil ngumingisi at ngumingiti na siya pero hindi niya alam mas lalo akong naiinis kasi pinabibilis niya ng sobra ang tibok ng puso ko!
Kinaumagahan ay kinita ko si Terry Bautista sa cafe, maayos ang suot niya. "Good morning, Architect Lapiz." Nakangiting bati niya kaya muli kaming nagkamayan.
"Good morning Mr.Bautista." Tumango pa ako at naupo sa harapan niya.
"Let's start?" Nakangiting panimula ko, "Alright, My plan is to build a house in this lot." Ipinakita niya sa akin ang parte ng lupa na nais niyang tayuan, nangunot ang noo ko at sinuri ang lupain.
"Can we visit this next time?" Tumango siya.
"It's in tagaytay." Tumango rin ako at tsaka ko ipinakita ang ibang blueprint designs ng mga dinisenyo at ginuhit kong bahay mapa-interior at hanggang sa labasan nito.
"This lot is 3,000 square meters, you want a 4 parking slot, a little garden for your future wife, a 300 square meters pool," I paused and looked at the plan he wanted and I assigned it on every piece of the land so we could divide.
"Do you have an engineer already?" Tumango si Terry.
"The 4 parking slot will eat about 300 square meters, the house should be 2,000 square meters right?" Tumango siya kaya huminga ako ng malalim.
"Two story house, it's considered mansion." Ngumisi ako at matapos planuhin ang bahay niya for 2 hours ay masasabi kong nag-eenjoy ako kasi maganda ang plano at taste niya hindi na ako gaano nahirapan.
After that, nag-stay ako sa cafe sandali dahil kumain rin ako ng sweet, hanggang sa biglang may maupo sa tabi ko dahilan para mangunot ang noo ko. "What are you doing?" Sumbat ko.
"Getting back at you? We sometimes call it revenge." Ngising sabi niya kaya napaiwas tingin ako at inis na ibinaba kuno ang dessert spoon.
"If you don't stop teasing me, I'll be sure to kick you." Mariing sabi ko.
"Really?"
"You're so annoying, sana tahimik ka na lang ulit." Inis na sabi ko, "oh you want me timid?" Nang-aasar niyang tanong.
"Yes, be back at being so super serious to the point that I can't be mad at you because you're scary, get it?" Matipid siyang ngumiti sa akin, at tsaka tumingin sa kung saan.
"I want it this way," sagot niya bigla.
"I hate the old me," ngumiti siya muli at ang abo niyang mata ay tumitig sa akin.
"I hate that I can't understand emotions, I hate that I can't feel anything but pain and nothing." Lumunok ako at hindi na umimik.
"Why are you not mad at me, Laze?" Sambit ko, ngunit nakagat ko ang ibabang labi ng maalala na hindi na pala pwedeng ganoon ang itawag ko sa kaniya dahil kung susuriin mas mataas ang posisyon niya sa akin pagdating sa trabaho.
"Huh? I am just teasing you." Sambit niya.
"So you'll suffer," huminga ako ng malalim at tinitigan siya.
"You're not making me suffer," wika ko.
"I want you to regret about hurting and not choosing me before," tinitigan ko siya sa sinabi.
He's playing with me.
"I won't regret it," matipid na sabi ko.
"I'll make you," ngumiti siya muli at tsaka tumayo matapos kuhanin ang ice cream ko na nasa cup. Umawang ang labi kong sinundan tingin siya ng kainin niya 'yon habang papalabas ng cafe.
G-Gago ba siya?!
Mas umawang ang labi ko ng maiwan pa sa bibig niya ang maliit na kutsara ng ice cream dahilan para mamula ang buong mukha ko, h-hindi ba siya nandidiri?!
Muli ay lumipas ang araw na 'yon at inaayos ko ang gamit ko para sa birthday ni Jami sa Palawan, sabi ni Crizel sobrang ganda raw doon parang paraiso kaya nagdala ako ng ilang dadamitin. Itinago ko na rin ang regalo ko para kay Jami.
Wala nga akong maisip kasi pakiramdam ko nasa kaniya na ang lahat katulad ng kuya niya. Isang private plane raw ang gagamitin namin, provided ng lola at lolo nila.
Habang nasa airport ay inaantok antok pa ako dahil sa sobrang excited ko hindi ako gaano nakatulog, tumulala lang ako sa kisame dahil first time ko makakapunta doon. First time ko rin sasakay ng airplane.
Atat ako ngunit ganoon ako natigilan ng makita si Laze na nakasuot ng sun glasses at magulo ang buhok ngunit ang suot niya ngayon ay hindi ko alam pero bagay na bagay sa kaniya. Sobrang simpleng gray cotton shorts na limang pulgada ang taas sa tuhod niya at ang puting sapatos niya ay bumagay sa puting longsleeve na suot niya.
Nakataas rin ang medyas niya kaya naman lumunok ako at mabilis na umiwas tingin, he might caught me looking.
"Let's go," anyaya niya bahagya pa siyang natigilan ng makita ako pero nang bahagya niyang ibaba ang salamin upang tignan ako ay alam kong nang-aasar na siya.
Here we go again.
Nang mag-board na kami ay namangha ako sa private plane nila, at dahil bida bida ako ay naupo ako malapit sa may bintana tsaka ako dumungaw kahit hindi pa kami nakakaalis. "That's my seat," natigilan ako ng makita si Laze na ilagay sa taas ang kaunting gamit niya.
"I got here first." Pagmamatigas ko.
"What a stubborn one," pabagsak siyang naupo sa katabing seat kaya hindi ko siya pinansin, alam kong mas matutuwa siya kung makikita niya akong naiinis at naasar sa kaniya.
Matapos maupo ay nag-suot siya ng AirPods at sinunod ang sinasabi ng flight attendant, ganoon rin naman ako, nang makalipad na ay na-excite ako lalo ngunit ang katabi ko ay tila lantang gulay na sumandal sa kinauupuan niya.
"Ma'am, baka gusto niyo po lumipat ng seat?" Tinignan ko yung flight attendant na babae at nahihiyang tinanaw ang parte ng bintana.
"Bakit po?" Nanlulumo kong tanong.
"Every flight po kasi dapat solo ni Sir Laze ang spot na 'yan." Nahihiyang sabi no'n.
"Let her be," matipid na sabi ni Laze dahilan para mag-sorry 'yon at umalis na.
Nang makarating kami sa isla ay namangha ako ng sobra sa sobrang ganda rito, para siyang isang buong city! Umawang ang labi ko dahil sa natatanaw ko pa lang ito ngunit kitang kita na kung gaano kasaya doon.
Nang makababa ng plane ay dumeretso kami sa isang yate, mukhang pag-aari rin nila ito dahil sa may sumundo sa amin na kakilala ni Laze. Habang tinatahak ang daan papunta sa isla na 'yon ay hindi maiwasang mamangha ng mga mata ko.
"Ang ganda rito ate," nakangiting sabi ni Yamato kaya tumango ako.
Matapos no'n ay bumaba na kami sa yate at dumeretso habang sinusundan si Laze na nangunguna sa linya, nang makarating sa hotel ay kinausap niya ang mga 'yon. Maya maya ay huminga ng malalim si Laze at isa isa na inabot sa amin ang key card.
"First rules, I am allowed to go inside your rooms so please make it tidy and spotless." Umawang ang labi ko sa sinabi ni Laze, "Not because I invade your privacy but because I need to check up on you since nandito kayo sa Palawan." Tumango ang lahat.
"Kahit mag-stay ka pa sa room ko kuya," ngising sabi ni Yamato.
"That would not do, sa iisang room kayo ng ate mo, one room but different rooms." Napatango si Yamato at ngumiti.
"Okay lang kuya," tumango si Laze.
Matapos no'n ay isa isa na kaming pinapunta sa mga kwarto at magkakatabi lang naman pala, "I'll stay in this room, call me if you need help, and only emergency." Paalala niya at tsaka pumasok na sa kwarto niya.
Pagkapasok sa kwarto ay may magkahiwalay pa na kwarto, inaantok ako. "Idlip muna ako Yamato," paalam ko.
"Sige lang ate," sagot niya.
Naalimpungatan ako ng marinig ang maraming boses sa kwarto ko, nakangiwi kong nilingon ang paa ko ng may nakadagan doon at naka-ulo nga si Jem doon habang dinadaldal si Yamato at Crizel.
May makapal na comforter naman kaya hindi matigas ang paa ko. "Pwede kayo maglasing mamaya basta walang gagawa ng kagagahan, malinaw?" Mahina akong natawa at tsaka niyakap muli ang unan.
Nasa kalapit lang si Crizel at si Yamato ay bahagyang nakadapa sa kama ko. "Ayos kayo mag-meeting, sa kwarto ko pa." Ngumisi si Jem.
"Tagal mo gumising eh, hinampas ka na ng unan tulog pa rin." Kwento pa niya.
Ngunit ganoon ako nagulat ng may dalawang katok at pumasok na sa kwarto, natigilan kaming lahat ng makita si Laze. "That's the reason why I can't find the two of you." Turo niya kay Crizel at Jem.
"Nakipagchismisan lang, sali ka?" Ngumiwi si Laze sa anyaya ni Crizel, ngayon ay naka-slacks na itim si Laze at kulang na lang ay magpapalit na siya ng pantaas dahil naka-medyas na rin siya.
"Get ready already, the party will start at 6pm but I'll give you all a little tour." Dahil doon ay na-excite si Crizel at Yamato.
"Labas na kami." Paalam ni Jem at sumunod sa kanila.
Naiwan naman si Laze sa kwarto ko kaya napalunok ko siyang tinitigan, "What?" Tanong ko.
"Who's behind you?" Halos kumaripas ako ng gapang papaalis sa kama at dumeretso sa likuran niya, "W-Wala naman ah." Bulong ko at sinisilip pa ang kama ko.
"You just added numbers on your age, but you're still a kid." Ngiwing sabi mi Laze kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Lumabas ka na nga!" Inis na sabi ko.
"Oh ano papanoorin mo 'ko maligo?" Ngiwing sumbat ko na bahagyang ikinalaki ng mata niya.
"Nood lang? Don't you want me to join?" Sinabi niya 'yon at ibinulsa ang kamay, umawang ng sobra ang labi ko ng sakyan niya ang biro ko.
"Labas na Architect Garcia." Naniningkit ang mata kong sabi, ngumisi siya at tsaka lumabas ng kwarto.
Gago ba siyaaaaaa?!
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top