Chapter 45

Chapter 45:

Hakuna Miran's Point of View.

Habang kumakain kami sa iisang hapag kainan ay natigilan ako sa tanong ni mama kay Laze, "Kayo ba'y naghiwalay ni Miran?" Nakagat ko ang ibabang labi tapos ay bumuntong hininga.

"Mama, wala naman pong kami. Paano po kami maghihiwalay?" Pagsagot ko, bigla ay nawalan ako ng gana. Bakit ba pinupush nila ako sa taong taken? Isa pa nasaktan ko na yung tao noon.

"T-Tapos na po ako kumain," matipid na sabi ko matapos maka-subo ng tatlong kutsara lang. Walang ano ano ay magalang pa rin akong umalis doon at pumunta na lang sa kwarto ko.

Nasapo ko ang noo at tsaka ko inayos ang mga gamit. Mabilis na lumipas ang oras at hindi na kamu nagka-abutan ni Laze ng lumabas ako para pumasok sa trabaho, sa condo muna siguro ako mag-stay.

"Sumabay ka na sa akin," anyaya ni Jem at sinabayan ako sa paglabas ng bahay. Ngumuso ako at inunahan siya sa sasakyan niya, "Kapal." Bulong niya kaya natawa ako.

Nang makaalis kami ay dumaan pa kami sa drive thru. "Hindi ka kumain kanina eh, baka isipin ni Laze affected ka." Bigla ay nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Talaga ba? B-Bakit niya naman maiisip 'yon eh hindi naman ako umamin." Mahinang sabi ko at lumunok.

"Malay mo lang naman," sagot niya at inabot sa akin ang pagkain kaya kinakain ko na 'yon habang nasa byahe.

"Si Crizel?"

"Wala, sa van raw siya sasabay eh." Sagot niya habang nagmamaneho, simpleng maong shorts lang ang suot niya at polo shirt na white. Ako naman ay nag-suot lang ng black jeans at black sleeveless na may patong na white cardigans.

Suot ko naman ang kwintas na regalo ni Sha sa akin ng 18th birthday ko, every year of my birthday may gifts ako na natatanggap and letter coming from him, but then it stopped when I turned 20 years old.

Nang makababa ng sasakyan ay kasabay lang namin huminto ang isang magandang sasakyan, ngunit iniiwas ko na ang tingin ko doon at dinampot sa likod ng sasakyan ni Jem ang revised blue print for the resort.

"Tara na," anyaya ko at sinabit 'yon sa balikat ko.

"Atat, may gusto masilayan?" Kwestyon niya sa mahinang paraan kaya siniko ko siya kaagad, habang naglalakad sa buhangin ay bahagya akong uminat dahil sumakit ang likod ko sa sasakyan niya.

Habang naglalakad ay ipinatong ni Jem ang palad niya sa tuktok ng ulo ko at parang pinatungan 'yon. "Pwede ba, huwag mo ngang insultuhin yung height ko." Singhal ko.

"Ay talaga ba? Insulto ba 'yon?" Nang-aasar niyang sabi kaya ngumiwi ako.

"Jem isa pa—"

Halos matigil kami sa pag-aasaran ng may mabilis na naglakad sa gilid ko at dahil 'yon sa malalaking hakbang niya sa haba ba naman ng legs niya.

Napatitig ako sa likuran niya, nakapamulsa ang isang kamay niya habang ang isa ay nilalaro ang susi sa daliri niya. Sasakyan niya yung maganda at mamahalin na 'yon?

Nang makarating sa sinisilungan namin ay ibinaba ko ang gamit ko, ngunit nakaupo na sila Crizel, Laze, Ruri at Carl doon kaya naupo na rin ako. "Construction will begin tomorrow," sambit ni Laze at tumayo, sobrang simple ng suot niya at wala akong masabi.

Hindi ko alam kung nasa bahay ba siya, pero ang suot niya ay navy green shirt and a short that is 4 inch above his knee, tapos slides in slipper lang? Jusko.

"Does my outfit makes you uncomfortable Architect Lapiz?" Halos matignan ko ang mukha niya ng sabihin niya 'yon bigla, lumunok ako at hindi makapaniwalang sinalubong ang mga mata niya.

"No, Architect Garcia." I confidently answered.

"Then why are you looking at my clothes, as if you hate it?" Nakagat ko ang ibabang labi, hindi naman damit niya kundi yung kwintas niya na nakita kong suot ni Sha.

"I don't have a problem with your outfit, Architect Garcia." Deretsong sagot ko ulit.

"Are you sure?" Nahihiya akong bumuntong hininga at tumango.

Nagtama naman ang mga mata namin ni Crizel, tinatanong kung maayos lang ba ako. Kaya tumango lang ako, "What a shame," nang bumulong si Jem ay halos sipain ko siya ngunit ngumiti siya not until Laze cleared his throat.

"Wanna know what you mean by that?" Laze strictly asked on Jem.

"I was just teasing her, Architect Garcia." Sagot ni Jem at umayos ng upo.

Lakas ng pandinig.

"Can't we just start the discussions instead of pointing out things that are not significant?" Pag-singit ko at tsaka ako tumayo at kinuha ang blue print.

"Excuse me, Architect Garcia." Kalmadong sabi ko at inilagay ang blue print ng construction.

"The construction tomorrow will start on this part of the island, we'll need a few stock of thick debris so the hotel itself will stay." Umatras si Laze ng pumunta ako sa side niya upang makita ng lahat ang tinutukoy ko.

Ngunit nawawala ako sa focus dahil sa bango ng pabango niya, shit.

After explaining everything, we went on a simple lunch with everyone. Habang kumakain ay na-topic nila ang sasakyan ni Laze, pakiramdam ko ay papunta na rin sa buhay niya. "Did you buy that car yourself Architect?" Kwestyon nila.

"Uhm nope, my dad gave me that as my 22th birthday gift." Matipid niyang sagot at ininom ang mango juice na nasa tabi ng plato niya.

"Sana all," bulong ni Ruri.

"What car did you first buy using your own money?" Kwestyon ni Carl.

"BMW." Napatango ang lahat sa kanila, "The BMW Sedan?" Kwestyon ni Carl.

"Yeah." Sagot lang ni Laze.

"The worth 2-3 million?" Nangunot ang noo ko ng sambitin ang presyo ang mahal naman.

"Let's not talk about price," sagot ni Laze at kumain na.

Matapos no'n ay sandaling nag-paalam si Jem na may pupuntahan siya kaya naman naiwan akong mag-isa kasama silang lahat. "First time work mo ba 'to as an architect, Architect Lapiz?" Kwestyon ni Ruri.

"Ah oo," sagot ko.

"Mayaman rin siguro ang pamilya mo 'no?" Mabilis akong umiling, "Hindi. Hindi naman," pagsasabi ko pa.

"Pansin ko lang, medyo close kayo ni Jeremy 'no?" Nang banggitin 'yon ni Ruri ay lumunok ako at tumango, ngunit bago pa man ako may sabihin halos manlaki ang mata ko ng may humalik sa pisngi ko ng mabilisan at tumawa.

"Syempre naman close na close, 'di ba?" Nanlaki ang mata kong pinanlakihan ng mata si Jem nakasama si Crizel, "Gago 'to." Bulong kong mura sa kaniya ngunit ngumiti siya at kinindatan ako.

"Got your back lil' sis." Bulong ni Jem at sinulyapan si Laze na prenteng nakaupo at nakatutok ang mga mata sa cellphone niya.

Ngumisi naman si Crizel, "Close na close talaga 'yang dalawa, nahihiya na nga ako kasi para akong third wheel sa relasyon nila." Nanlaking muli ang mata ko at napainom ng tubig, mahina namang tumawa si Jem.

"Ay hala, akala ko single." Bulong na sabi ni Ruri, ilang beses na yata akong lumunok dahil sa mga sinasabi nila.

"Jem, maiiwan ako mamaya. Ako kasi yung kumausap sa construction para bukas, tutuloy na lang ako sa rest house or if kaya papasundo na lang ako sa'yo." Nakangiting sabi ko.

"Ay wow VIP 'yan?" Nakangising sabi niya kaya natawa ako at umirap na lang para tarayan siya kahit papaano, inabot na siguro kami ng 5pm ng hapon matignan lang kung tama ba yung materials na nandidito na gagamitin para bukas.

Huminga ako ng malalim at pumunta sa rest house sa kung saan ako tutuloy, allowed kaming mag-stay rito dahil owner nito yung owner rin ng island. "Ma'am ikot ikot lang po kayo, pwede naman po." Nakangiting sabi ng housekeeper kaya ngumiti ako.

"Ang ganda naman po ng pagkakagawa ng rest house, bagong gawa lang po ito parang month ago lang po 'no?" Pagbabakasakali ko.

"Ay opo ma'am, paano niyo po nalaman?" Ngumiti ako sa tanong nito.

"Architect rin po kasi ako, kaya medyo nasasabi ko kung luma o bago pa ba ang bahay." Namangha ang tingin nito sa akin, "Sobrang ganda naman ang pino ng interior niya." Hinawakan ko ang sulok ng rest house.

I am amazed, never seen one of this kind.

"Ang ganda po 'no ma'am?" Tumango akong muli.

"Unang beses ko po makakita ng ganito kagandang rest house, kakaiba ang pagkakagawa at ang mga combination ng materials hindi biro. Kung tao lang po ang rest house na 'to baka na-in love na ako." Nakangiting sabi ko.

"Pwede namang sa architect na lang kayo ma in love ma'am." Natatawang biro ng housekeeper kaya natawa rin ako.

"Sino po ba siya? Kilala niyo po ba?" Kwestyon ko.

"I know," gulat akong napalingon ng biglang may magsalita ngunit naka-sandal ang balikat niya sa pader na para bang kanina pa nakikinig at nanonood.

"Ah sir, nandiyan po pala kayo. Inayos ko na po yung kwarto niyo," nakangiting sabi ng housekeeper dahilan para mangunot ang noo ko.

"You'll also stay here?" Kwestyon ni Laze matapos tanguan ang housekeeper.

"Siya po pala yung architect ma'am, nakaka-in love rin po 'di ba? Parang yung rest house." Umawang ang labi ko sa asar nito bago umalis, muli ay nalingon ko si Laze na ganoon ang pwesto at magkakrus pa rin ang braso, flexing his well built shoulders.

"Y-Yes, I am staying since ako yung in charge of construction for tomorrow. How about you?" Nangunot ang noo ni Laze sa sagot ko.

"What part of the construction?" Kwestyon niya.

"T-The first layer, 24 hours kasi ang construction. Kaya kailangan ako rito," paglilinaw ko at hindi ko alam kung sasalubungin ko ba ang abo niyang mata o iiwasan.

"Ah yeah, I got it. I'll start with the flooring," dahan dahan akong tumango.

"Copy, Architect Garcia." Matipid na sagot ko, makakasama ko siya in one roof? That's not a good idea, sana ay hindi ako mawalan ng oxygen.

"U-Umalis na ba sila?" Tanong ko.

"Kanina pa," tumango ako sa sagot niya.

"What do you think?" Natigilan ako sa tanong niya, inalis niya ang pagkakakrus ng braso at tumayo sa harapan ko glancing at each side.

"S-Saan?"

"About the rest house, did I do well?" Nakagat ko ang ibabang labi at nahihiyang luminga linga sa bawat interior ng rest house.

"Yes, it's good, it's great." Pagsasabi ko ng totoo ngunit bahagyang natataranta.

"Ano, maganda yung interior niya hanggang sa outdoor interior design. Yung walls kahit umulan o mabasa hindi mag-momoist." Tumango siya at hinawakan 'yon, "You have an eagle eye huh." Nangunot ang noo ko.

"Huh?"

"Eagle eye, means in one glance you can see every detail of how it's made. That's a compliment." Nagtama ang mata namin kaya napaiwas ako at tumikhim, "Salamat." Tumango siya at nilingon ang ibang parte.

"This is my first project in Philippines, this rest house. I'm glad it satisfied someone's eye." Matipid akong ngumiti dahil bakit siya mag-aalala? Magaling siya noon pa man.

"You're a great architect, that's nothing to wonder." Sagot ko.

"Really?" Halos umawang ang labi ko ng nakangisi niyang sabihin 'yon, mabilis akong napaiwas tingin at pekeng tumawa ngunit ninerbyos ako sa ngiting 'yon.

"Naman." Tumalikod ako sa kaniya at kunyare ay naghahawak hawak ng kung ano anong pader.

Nang muling humarap sa kaniya ay seryoso na siyang nakatingin sa akin, dahilan para bahagya akong mailang. "Your necklace is beautiful, how precious is it for you?" Bahagya akong napaatras ng hawakan niya ang pendant no'n.

"It's precious. It's a gift." Lumayo ako sa kaniya at tsaka huminga ng malalim.

"I'll check my room," paalam ko at tsaka nilampasan na siya.

Nang makapasok ng kwarto ay nakapa ko ang dibdib, kaya ayokong hawakan niya ang pendant dahil pakiramdam ko ay maririnig niya rin ang tibok ng puso ko sa lakas no'n. Napaupo ako sa maliit na sofa sa harapan ng kama.

Maganda ang kwarto, parang master's bedroom ang laki pero ang kama hindi. Ngunit nang maalala na wala akong damit ay mabilis kong inabot ang cellphone ko upang tignan kung may nearby store.

Nang makita na meron ay lumabas ako ng kwarto, nakasalubong ko naman yung housekeeper. "Ah babalik rin po ako kaagad, bibili lang po ako ng masusuot. Nakalimutan ko po kasi sa bahay, diyan lang po." Paalam ko.

"Ingat ka kung ganoon, wala gaanong taxi na pumapasok sa isla na 'to." Tumango ako at ngumiti.

"Lalakarin ko na lang po." Paalam ko pa at lumabas na dala ang wallet ko.

Habang naglalakad sa buhangin ay ganoon ako natigilan ng makita si Laze na naka tambay sa balcony ng rest house, nangunot ang noo ko ng mapansin na umiinom siya ng chocolate drink na chuckie.

Natigilan siya ng makita ako at umayos ng tayo. "What?" Kwestyon niya kaya umiling ako at dumeretso ng lakad, bahagyang naiilang dahil pakiramdam ko ay pinanonood niya akong maglakad.

"Architect Lapiz!" May kalakasan niyang tawag kaya nalingon ko siya, "Bakit?" Tanong ko pabalik.

"Where are you heading?" Lumunok ako.

"I'll buy clothes. Nakalimutan ko magdala, bakit?" Huminga siya ng malalim, "Don't bother, I'll let you borrow some." Biglang sabi niya kaya nangunot ang noo ko.

"Huh?" Kwestyon ko.

"Hindi na, bakit ko naman hihiramin yung damit mo." Gulat na sabi ko.

"Because you need it?" Balik sabi niya kaya umawang ang labi ko not until may magandang car na mabilis mag-maneho ang tumigil sa parking lot.

"There," itinuro niya yung sasakyan na 'yon at naglakad.

Natigilan ako ng makita ang babaeng bumaba ng sasakyan, napalunok ako ng sa tingin ko ay mas bata ito ng kaunti kay Laze ngunit may sarili na siyang magandang sasakyan.

Pinanood ko sila ngunit lumunok ako ng mabilis na umakap ito kay Laze at humalik sa pisngi niya, "You left me huh, you're so mean." Nangunot ang noo ko, kailangan ba talaga pag babati ganoon?

Masyadong PDA, siya siguro yung girlfriend.

"I bought your clothes and also I bought these new clothes, bakit pala need ng girl's clothes?" Kwestyon nitong babae, at ganoon siya natigilan ng masulyapan ako bahagya pang naningkit ang mga mata niya na para bang hindi niya ako makita.

"Ah my colleague need one," napatango yung magandang babae na ang kulay ng buhok niya ay mala mahogany at medyo kulot ang dulo no'n.

Bumagay rin sa kaniya ang suot niyang high waisted maong at plain white sleeveless, ngumiti siya muli kay Laze at inilahad ang kamay. "What?" Kwestyon ni Laze.

"You're so ungrateful, fetch me next week. Or else I'll stay at your condo and make your life miserable because of my loudness. I'll go now, may undies diyan new lang for her." Bahagyang namula ang mukha ko ng ngumiti sa akin yung magandang babae at kumaway.

"Nakakahiya pero, bye." Muli siyang humalik sa pisngi ni Laze ngunit kinailangan niyang tumingkayad dahil sa height niya, mas matangkad ako sa kaniya I guess 3 inches?

Ngumiti si Laze dahilan para bahagyang tumaas ang kilay ko, "Will you drive moderately? I can't lose you for being so kaskasera." Binuksan ng babae ang bintana ng sasakyan niya at kumindat.

"Of course you can't lose me, and I will drive not so moderate." Nang sabihin 'yon ng magandang babae ay umawang ang labi ko ng mabilis niyang patakbuhin ang sasakyan sa puntong pati mga buhangin ay nilipad.

Woah.

Nang lumingon si Laze ay inabot niya ang isang paper bag sa akin, "I didn't look at that, sorry for her attitude." Matipid na sabi ni Laze kaya napalunok ako at alanganin na inabot 'yon.

"I'll pay for this—"

"She paid for that, ask her." Biglang sabi niya at inunahan ako maglakad kaya naman nasapo ko ang noo at mabilis na sumunod, nang makapasok ay hinabol ko siya.

"Thanks for this, but I'll pay this after I met her again." Mabilis kong sabi at pumasok na sa loob ng kwarto ko, maganda nga naman yung girlfriend niya. Mata pa lang gusto ko na lang pumikit sa inggit.

///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top