Chapter 42

Chapter 42:

Janella's Point Of View.

Huminga ako ng malalim habang tinititigan ang kapatid kong si Miran na, nakangiting pinanonood si Yamato at si dad na naglalaro ngayon. Napangiti ako ng bigla siyang akbayan ni Jem, ang dalawa ay parang magkapatid na nag-aasaran.

Ngunit nalingon ko si Laze na deretso at blangko ang tingin sa kapatid ko, is he jealous? Sabagay hindi niya nga naman pala talaga alam ang tungkol doon.

"Laze," tawag ko sa kaniya.

"Tara?" Anyaya ko, nalingon niya ako at tsaka siya tumango at sumunod sa akin na lumabas na ng bahay. Sinabayan niya ako sa paglalakad habang nakapamulsa.

"Are you really leaving?" Tanong ko, nalingon niya ako at tsaka siya tumango.

"Bakit Laze?" Kwestyon ko.

"You're somehow a special friend to me, Janella. I care for you as my sister," mapait akong ngumiti sa sinabi niya.

"If you're gonna leave because you're hesitating that I might get depressed again, I am okay Laze. If it's for me, I can't stand still and let you." Natigil kami sa gitna ng kanto at hinarap ko siya.

"I am selfish but I love my sister more than I do love you," ngumiti akonat pinigilang maluha ang nga titig niya sa akin ay tumatagos hanggang sa puso ko.

"I like you very much Laze, I would do anything to have you, to get you but if it's my sister I will back off." Nang sabihin ko 'yon ay naging emosyonal na ako, "Gagi s-sorry, sandali." Mahina pa akong tumawa at pinahid ang luha ko.

"I will step backwards, and let you love my sister. Hakuna Miran is so hard to tame Laze, kaya niya akong piliin nang kaibigan pa lang ang tingin niya sa akin papaano pa kaya ngayong kapatid niya na ako?" Sambit ko.

"So I'm asking you not to gave her up, and try until she's soften. But it's your choice still, I can't hurt my sister for loving you. She was there when everyone doesn't understand you. She's so kind that she'll keep on thinking about me—"

"Just like how you think of her, because you're a good sister." Napatitig ako kay Laze sa sinabi niya, napanguso ako at tsaka ko natakpan ang mukha ng maiyak ako sa sinabi niya.

I've never heard those words..

Napahikbi ako dahil inaamin ko na masakit magparaya pero mas mahal ko yung kapatid ko, "Don't push me to edge, Laze. Ang hirap magparaya, don't impress me no more. Unintentionally," inis na sabi ko.

"So please be patient with my sister, don't leave her yet. She might hurt you a thousand times, she might push you hundred times, just be sincere." Habilin ko.

"Alam kong aalis ka for good, hindi mo 'ko maloloko." Gitil ko, "Huwag kang ganon."

"Laze, piliin mo ang kapatid ko dahil sobra na ang pinagdaanan niya. Aminin niya man o hindi alam kong sa ugali niya na hahayaan niyang sumaya ang iba kesa sa sarili niya." Huminga ako muli ng malalim, "Iba ang awa at konsensya sa pagmamahal."

"At isa pa noon pa man alam ko na ako lang ang may gusto sa'yo pero naging makasarili ako at hinayaan ka dahil kahit sandali gusto ko sumaya sa piling mo." Matipid akong ngumiti sa sinabi.

"Hindi madali makuha si Miran, kaya maghintay ka o subukan mo na ngayon. Desisyon mo pa rin lahat." Tumango si Laze sa sinabi ko, "Salamat sa lahat." Nang sabihin ko ang huling kataga ay doon ko na-realize na tuluyan ko na talaga siyang pinapakawalan.

"Hindi ako magiging kontrabida sa sariling kasiyahan ng kapatid ko, at may tiwala ako sa'yo." Suminghot ako ng maluha.

"I'll help myself recover quickly, so you guys won't think of me. I'll love someone who's gonna love me back." Pampalubag loob ko sa sarili upang hindi na ako maiyak at malungkot lalo.

Bumuntong hininga si Laze, "Come here." Nang yakapin niya ako na parang bata ay mas naiyak ako at pinalo siya sa kaniyang likod.

Para akong si Jami kung yakapin niya, parang apat na taon na batang pinaiiyak. "Nakakabwisit ka," umiiyak at humihikbing sabi ko.

"I know," bulong niya at tinapik tapik ang likod ko.

"Don't cry so much, Janella. I don't deserve those tears," sa sinabi niya ay mas naiyak ako lalo dahil tinutulungan niya lang naman akong kalimutan siya.

"You'll meet someone who can't watch you cry," pumikit ako at ngayon ay hinayaan kong yakapin ko siya sa huling pagkakataon.

"I love you but I'll forget these feelings and remember our friendship." Humihikbing sabi ko, nang lumayo na ako ay pinahid niya ang luha ko sa mata.

"Don't cry anymore, I won't forget our friendship." Nang sabihin niya 'yon ay kahit masakit sa damdamin ngunit gumaan ang nararamdaman ko.

We're meant to be friends, not to be lovers.

Hakuna Miran's Point of View.

Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob ng bahay matapos sila makitang magyakap, wala namang masama sa yakap, pero hindi pa talaga ako handa lalo na't hindi naman ako ganoon kasama at ka-atat para lang makasama siya.

Kung kami siguro ay kami talaga, masyado pa naman kaming bata.

Umakyat na ako sa kwarto, at humiga doon. Bigla ay naramdaman ko ang antok. Kinaumagahan ay naalimpungatan ako at nagmamadaling pumasok sa school kasi male-late na ako.

Mabilis na natapos ang araw at kinahapunan ay natigilan ako ng makita ko si Laze na hinihintay ako sa harap ng condo ko. "Laze." Sambit ko sa pangalan niya.

"Hakuna Miran," tumango ako ng tawagin niya ang pangalan ko kaya naman binuksan ko ang condo at pinapasok siya.

Naupo ako sa single sofa dahil doon siya nakaupo sa mahabang upuan, hinintay ko siyang magsalita. "I'm gonna ask you one last time," panimula niya kaya pinanood ko ang bawat galaw niya at ang mukha niya.

"Do I have the chance?" Napalunok ako, if I said yes he'll court me. That will hurt my sister big time kahit na sabihin niyang okay lang siya, kahit na sabihin niyang masaya siya. Kasi kung ako ang magsasabi no'n nagsisinungaling ako.

"Wala Laze." Matipid na sagot ko, "Huwag ka na munang umasa sa akin." Huminga siya ng malalim at tumango.

"I understand." Lumunok ako sa simpleng sagot niya.

"I like you still, and I don't have any idea how long it will last." Tumango ako at umiwas tingin.

"You'll be leaving next week right?" Kwestyon ko.

"Yes." Tipid niyang sagot, nakita kong magkahawak ang kamay niya habang nakaupo siya.

"I'll respect you and your decision, Hakuna. But if you'll change your mind, Just ask me to stay." Napatitig ako sa mukha niya ng sabihin niya 'yon.

"You'll must be gone for a few weeks right?" Kwestyon ko.

"I guess." Matipid niyang sagot.

"Don't have hope in me, Laze. Try not to grow your feelings for me, try to forget me. I'll be at ease," mahinahon na sabi ko.

"Okay." Sagot niya.

"I understand." Dagdag niya at tumango.

"Keep safe, Hakuna Miran." Nang tumayo na siya ay nanlamig ang palad ko.

"M-Mag-iingat ka rin, palagi." Tumango siya at halos mapapikit ako ng yumuko siya at alalayan ang likod ng ulo ko hanggang sa maramdaman ko ang pag-dampi ng labi niya sa noo ko.

"Goodbye." Pabulong na sabi niya at nanatili ng ilang segundo bago siya dahan dahan na lumayo at hindi na hinintay ang mga sasabihin ko tapos ay lumabas na ng condo ko.

Natulala ako at nasapo ang sariling mukha, be strong Hakuna Miran! You need to be strong because if love is really strong, time will come and you'll like each other again.

Lumipas ang isang linggo at hindi ko na muli pang nasilayan si Laze, bawat araw ay hinahanap siya ng mga mata ko, bawat klase ay kinakapa ko ang presensya niya. Babalik ba siya 'di ba?

Isang araw ay sobrang dama ko ang lungkot at pagka-ulila sa presensya niya, bigla ay naiiyak na lang ako kakaisip sa kaniya. Halos sa isang araw ay pag wala akong ginagawa natutulog ako ng mahigit sampung oras derederetso.

Ang bilis ng araw.

Ngunit kahit na mahirap ay ginawa ko ang lahat upang nagpatuloy, nag-aral ako ng mabuti, pumapasok pa rin ako sa part time kahit na may allowance ako. Sila mama at dad ay maayos naman kahit na medyo masungit si mama ay natitiis 'yon ng daddy namin.

Madalas magkasama si Yamato at Jem ngunit madalas kasama ko sila Crizel at Janella na halatang tulad ko ay hindi dinadamdam ang mga problema. Ilang araw ay sumapit na ang kaarawan ko, si Crizel at Janella ang nag-organize ng party at dahil gusto nilang hanapin si Sha.

Inaamin kong nalulungkot ako dahil wala si Laze, hindi siya makakadalo. Hinanda nila ako sa kaarawan ko, isa iyong masquerade party dahil paborito ko raw 'yon. 18 na ako at masaya ako na kumpleto ang pamilya namin.

Habang nasa party ay nakaupo lang ako dahil as a celebrant ayokong magpakita o pakilala muna. Madilim rito pero nanatili lang akong nakaupo sa sulok.

Hanggang sa makita ko si Sha, tumitig ako sa kaniya at ganoon rin siya. Ang kwintas niyang gold at maliit ang pendant ay pinukaw ang atensyon ko. This time he didn't wear all black, he wore something white.

Napakurap ako ng maupo siya sa harapan ko. "The celebrant don't look happy at all," huminga ako ng malalim at tumango.

"I am not happy, it feels like something bad will happen." Sagot ko, napatitig siya sa akin ngayon ay abo ang mga mata niya at tsaka siya nag-lean back at sumandal sa kinauupuan.

"You think so?" Seryosong tanong niya, tumango naman ako.

"Then be alert of your surroundings, things might really happen babe." Napatingin ako sa kaniya ng gulat sa sinambit niya, b-babe?

"You should have fun, You'll never turn 18 next year. This is only once, I'll just be quick." Napatitig ako sa kaniyang labi sa sinabi, mabilis lang siya?

"I just came here to drop your gift," huminga ako ng malalim at tumango.

Lumipas ang oras at maya-maya ay tumayo na siya kaya napatayo ako, "A-Aalis ka na?" Bahagya pa akong nautal bagay na ikinahiya ko, natigilan siya at tinitigan ako.

"Yes." Matipid niyang sagot, huminga ako ng malalim at tsaka dahan dahan na tumango.

"Come here," mahinang sabi niya kaya lumapit aio at napapikit ako ng yakapin niya ako at dahil sa height difference namin ay ang liit ko lalo. He tapped my back three times, "Happy birthday Hakuna Miran, see you again." Mahinang sabi niya at humiwalay na, napatitig ako sa kaniya habang nakatingala ngunit kumabog ang dibdib ko ng mabilis niya akong yukuin at dampian sa labi dahilan para manghina ang tuhod ko.

Bago pa man 'yon at inilapag niya ang rectangular box na maliit at tsaka siya ngumiti at nag-paalam na sa akin, nanghihina akong napaupo sa upuan.

Third Person's Point Of View.

Mula sa party ni Hakuna Miran ay kumpleto rin ang mga bisita rito, nandito si Miyu, Vince, at si Jami nakikihalubilo sa siyahan. Hanggang sa magkabangga si Yamato at si Jami ay agaran nilang nakilala ang isa't isa.

"K-Kahit kailan talaga ay harang ka 'no?" Asar ni Yamato kay Jami ngunit ngumuso si Jami.

"Kuya Yamato, tigilan mo po ako." Naiirita na sabi ni Jami kaya naman napangisi si Yamato.

Ngunit agaran na natigilan si Jami ng makita ang isang pamilyar na naglalakad na paalis pa lang, nagtaka siya ngunit nakilala niya kaagad ito dahil lubusan itong malapit sa kaniya.

"Oppa!" Humawak si Jami sa siko nito at dahil doon ay natigilan ang lalakeng naka-puti't maskara.

Ang blangko nitong mata ay tumitig sa kapatid. "You caught me." Matipid na sabi nito.

"But why are you here oppa? I thought you're outside the country." Nagtataka ng sabi ng nakababata na kapatid ni Laze.

"I was, I just came back for a moment. I'll go back now," paalam ni Laze.

"Hahatid na kita hanggang sa sasakyan mo oppa." Tumango si Laze at nang nasa sasakyan na ay dahan dahan na inalis ni Laze ang maskara at dahil doon ay tumambad ang mukha nitong bahagyang pinawisan dahil sa maskara.

"Ingat ka oppa, I'll see you. Bibisitahin kita doon," yumakap si Jami at dahil doon ay tinapik ni Laze ang likuran ng bunsong kapatid at tumango.

Nang sumakay sa sasakyan si Laze ay malalim siyang nag-isip at binalikan ang mga sandaling nakasama niya ang dalagang si Miran, binalikan niya ang unang beses na nagtagpo ang landas nila bilang hindi kilala.

Ngunit bumuntong hininga na lang siya, pumunta siya sa Palawan upang bisitahin ang mga magulang niya. "Laze anak," nagulat si Mia ng makitang hinihintay siya ng panganay na anak sa kaniyang opisina.

Napansin kaagad ni Mia ang hitsura ng anak niya, sumunod naman na pumasok si Luke na nabigla rin. "K-Kahahatid ko lang sa'yo last week?" Kwestyon ni Luke.

"Don't you like to see me dad?" Mabilis na natawa si Luke at umiling tapos ay sinenyasan na tumayo ang anak.

"Mag-iingat ka doon, hindi biro ang misyon mo. Gusto ko na walang kahit anong galos ang makikita ko sa'yo pag bibisitahin kita." Inakbayan ni Luke ang panganay na si Laze at ngumiti.

"I'm with Bullet dad," sagot ni Laze.

Luke sighed, "You're getting old, I can't even baby you anymore." Hindi makapaniwalang sabi ni Luke at ginulo ang buhok ng panganay.

"I understand that you'll be very busy, don't forget to update us if anything bad or good happens." Tumango si Laze.

"Is Tito Kent here?" Tanong ni Laze.

"Yes, in their home of course. Why?" Kwestyon ni Mia.

"I need his help mom." Matipid na sabi ni Laze.

"Ah I'll tell him in advance." Aniya ni Mia at tinawagan ang kapatid, matapos no'n ay pumunta na doon si Laze. Sinalubong naman siya kaagad ng nakababatang pinsan na si Arkahel Sebastian.

"Hyung," nakangiting tawag nito sa kaniya.

"Where is Bullet?" Kwestyon ni Arkeb.

"He's staying at my place outside the country." Sagot ni Laze.

"Laze, come here." Anyaya ni Kent Axel.

"What is it?" Kwestyon ni Kent Axel.

"Remember the friend I told you last time tito?" Nangunot ang noo ni Kent Axel sa sinabi ng pamangkin.

"Ah yes, what is it?" Tanong ni Kent Axel.

"I am not sure but if anything happens to her tito, please make sure you'll punish the one who deserved to be punish. I trust you," tumango si Kent Axel.

"I will do my best, Laze. You can count on me." Tumango si Laze at nakahinga ng maluwag, "I'll be leaving tito." Tumango si Kent Axel at tinapik si Laze sa likod.

"Keep safe, always."


///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top