Chapter 40

Chapter 40:

Hakuna Miran's Point of View.

Nalilito kaming nagkatinginan ni Yamato ngunit nanatiling nakatingin si Laze sa ibang bagay na para bang hindi niya gustong makinig ngunit wala siyang magawa marinig ang mga usapan nila. "Jusko Alejandro! Hindi ako makapaniwalang pinabayaan mo siya—"

"Hindi ko siya pinabayaan, Janine. S-Sinubukan ko ang lahat upang maging ama niya ng walang kulang. But it's not enough because she needs a mom." Naguguluhan ko silang tinitigan, umatras ako ngunit nagulat ako ng masagi ko ang vase dahilan para mabasag ko 'yon at tignan nila ako.

"M-Miran anak," nag-aalala na tawag ni mama ngunit umatras ako dahilan para hindi ko sinasadyang makaapak ng bubog ngunit mariin lang akong pumikit ng bumaon 'yon.

"A-Ate yung paa mo," lumapit si Yamato at sumunod kaagad si Laze.

"This is dangerous, let's get you to the hospital to remove the glass." Napakurap akong tumitig kay Laze ngunit binuhat niya ako ng hindi tinitignan ang magulang ko, sumunod naman si Yamato.

"Sasama ako." Mabilis na sabi ni mama.

"Hindi na, maiwan ka na rito ako na ang sasama sa kanila." Mabilis na sabi ng daddy ni Janella at sumama sa amin ngunit gamit niya ang sariling sasakyan habang ako ay tulala pa rin.

"Ate, bakit kilala ni mama yung tatay ni Ate Janella?" Punong puno ng pagtataka si Yamato ngunit hindi ko rin alam ang isasagot.

"It's better to ask your parents for confirmation," mahinang sabi ni Laze at lumiko papalabas ng kanto namin ngunit nanatili akong tulala sa labas ng bintana ng sasakyan.

Tila hindi kinakaya ng isip ko ang mga narinig at nalaman ngayong araw, nang makarating sa hospital ay para akong bata na binuhat ni Laze at iniupo sa wheel chair tapos ay itinulak papunta sa emergency room, napanood ko kung papano tumulo ang mga dugo sa paa ko dahil mas nadiin 'yon kanina ngunit tila hindi ko ramdam ang sakit.

"Anong nangyari sir?" Tanong ng nurse habang sinusuri ang paa kong dalawa, ngunit nakatitig lang ako sa kaniya.

"Ma'am pipisilin ko po rito, pakisabi po kung masakit." Marahan akong tumango, nang pisilin niya ang bandang itaas ay wala pa akong naramdaman ngunit ng malapit na sa ibaba ng ankle ko ay naramdaman ko ang hapdi at kirot no'n.

"Masakit ma'am?" Tumango ako dahil ang tinig nito ay nakakakalma, hindi nakakakaba. Nanatiling nakatayo sila Laze at Yamato ngunit natanaw ko yung daddy ni Janella.

"Ma'am, lilinisin po at aalisin natin 'to without anesthesia. Tutusukan na rin po namin kayo ng for tetanus shot." Hindi ko alam ngunit panay tango lang ako, maya-maya ay dalawang nurse ang nagdala ng stainless container with tweezers na for medical.

"M-Masakit ate?" Tanong ni Yamato habang pinanonood kaya naman tumango ako.

"Ang dami." Hindi makapaniwalang sabi ni Yamato ay napaiwas tingin pa na para bang siya ang nasasaktan.

Inabot siguro kami ng 30 minutes maalis lang lahat ngunit halos mapapikit ako ng mariin ng may dahan dahan sila na ibuhos sa paa ko at tsaka sila may pinahid na mahapdi. "Doc, bibigyan po ba namin ng pain reliever?" Kwestyon ng nurse.

"I'll write down the pain reliver, after that put some bandage above the ankle." Sinunod nila yung doctor, kaya naman sumandal muna ako sa hospital at pumikit sa pagkakasandal.

Ate ko si Janella? Papaano nangyari 'yon? H-Hindi nagkakalayo ang agwat namin.

"Nagugutom ka ba?" Nabuksan ko ang mata ng marinig ang tinig ng daddy ni Janella, mabilis akong umiling at muling pumikit.

"Bibilhin ko muna ang gamot niya, huwag niyong iwan." Bumuntong hininga ako ng matapos bendahan ang paa ko.

"Ate may kamukha yung daddy ni Ate Janella, parang minsan ko ng nasulyapan." Nagtatakang tanong ni Yamato.

"Hmm." Tugon ko lang, maya-maya ay bumalik ang daddy ni Janella at inilagay sa tabi ko ang gamot ngunit ayoko siyang tignan sapagkat hindi ko alam ang mararamdaman at kung paano siya pakikisamahan.

"Pwede ka ng umuwi, pero kailangan mo itong inumin sa loob ng tatlong araw. Every 8 hours, it has 9 tablets." Itinuro yung reseta sa akin kaya napakurap ako at nakinig.

"Pag namaga ang paa, tutusukan ka ulit namin ng tetanus shot." Tumango akong muli, "Pa-settle na lang sa billing station yung bills." Hinayaan ko silang gumalaw habang si Yamato ay nakatayo sa gilid ko.

"Ate, ang mahal ng gamot mo." Bulong na sabi ni Yamato, "Ate nagugutom na ako." Lumunok ako sa kadaldalan ni Yamato.

"Kumain ka mamaya," bulong ko.

"Walang pera," sagot niya kaya napangiwi ako at tsaka napakamot sa gilid ng sintido ko.

Kulit ng bata na 'to.

Pagkatapos no'n ay isinakay ako sa wheel chair upang makauwi na. "Pwede ko na ba itapak yung paa ko?" Mahinang tanong ko, parehas kasi itong may benda.

"Ah wait," tumigil si Laze at bumalik sa loob. Matapos ang tatlong minuto ay bumalik na siya sa amin. "You can, as long as it doesn't worsen or hurt your feet." Tumango ako at huminga ng malalim, wala nga ako gaanong maramdaman na sakit dahil yata sa isinaksak nilang gamot.

"Get in my car—"

"It's better if I'll take them home sir, let them rest even for a moment just to think. I hope you won't take it wrong." Laze stated confidently, hands were on the handle of a wheel chair pushing me near his car.

"Alright, take care." Matipid na sabi ng daddy ni Janella, inalalayan ako nila Yamato at Laze na sumakay sa likuran ng sasakyan.

Tapos ay sumakay sila sa harap, sinindi ni Laze ang makina at bahagyang pinainit ang makina bago pa man niya binuksan ang aircon ng sasakyan. Habang bumabyahe ay nagtaka ako ng tumigil kami sa fast food drive thru.

"A-Anong gagawin?" Tanong ko, nagtataka, hindi sumagot si Laze at binuksan ang bintana ng sasakyan niya.

"What do you want to have?" Biglang tanong niya kaya naman lumunok ako at nasulyapan si Yamato na hindi rin alam ang sasabihin, "I-Ikaw bahala kuya." Nahihiyang sabi ni Yamato, tumikhim si Laze at nilingon ako pero umiling ako huminga siya ng malalim.

"I'll get the 8 pieces bucket of chicken, the combo one." Laze stated, "Is it the one with 5 spaghetti servings or the one with a tray of spaghetti sir?" Halatang napaisip si Laze kung anong sasabihin.

"The family combo." Lumunok ako ng wala sa choice ang sinabi niya.

"Okay sir, 8 pcs bucket chicken with 2 trays of spaghetti serving, 2 large fries and 8 pcs choice of your drink?" Napakunot ang noo ko, "Pineapple juice." Sagot ni Laze.

"Alright sir, anything else?" Kwestyon ng babae mula sa speaker.

"Kuya, may mango pie?" Sa bulong ni Yamato ay tumikhim ako ng malakas.

Nalingon ako ni Yamato at alangin na tumawa, "And 2 mango pie please, that's all." Napailing iling ako ng ilabas ni Laze ang pambayad, wala kasi wallet ko ano ba 'yan.

Nang makuha ang pagkain ay hinawakan 'yon lahat ni Yamato, kaya pag-uwi sa bahay ay ayoko na sana magpaalalay pero inalalayan ako ni Laze. Nakita ko naman si mama na nasa sala at may hawak na gamot, "Para saan 'yan mama?" Tanong ko.

"Nilalagnat yung ate mo," mahinang sabi niya kaya napatingin ako sa itaas.

"Nasa kwarto siya mama?" Tanong ko.

"Si Ate Janella nilalagnat?" Kwestyon ni Yamato.

Hindi pa pala alam ni Yamato.

"Umuwi na si Crizel," sambit rin ni mama.

"Sige po," mahinang wika ko.

"Kumusta ang paa mo anak?" Kwestyon muli ni mama at pinaupo ako sa tabi niya at tinignan 'yon.

"Paano ka makakaligo nito anak?" Nagkibit balikat ako.

"The bandage needs to be change every day ma'am." Biglang sabi ni Laze at inilapag ang paper bag sa mesa sa kung saan nandoon ang ibang mga gamot.

"Naku, hindi ako marunong magpalit—"

"I can do it for her ma'am, if you'll allow me." Nalingon ko kaagad si Laze ng may pagtataka, "Oh sige, sandali at aakyat ko lang ang gamot ha." Paalam ni mama, habang si Yamato ay nasa dining na inaayos ang mga plato.

"Hindi mo kailangang gawin 'yon, Laze. Sapat na yung ginawa mo salamat—"

"It won't hurt you to bear with my presence for 5-10 minutes, Hakuna." Dismayado niyang sagot kaya napaiwas tingin ako.

"Thank you pero ayos lang, kaya ko—"

"Don't push me this much, as if this is bothering you?" Sumbat niya kaya ngumiwi ako.

"Masyado ng magulo ang paligid ko huwag mo ng dagdagan." Mahinang sabi ko.

"You and your sister will be fine," nang marinig siya ay natitigan ko siya.

"Y-You knew?" Gulat na tanong ko.

Natigilan si Laze, "Yes."

"K-Kailan pa?" Gulat na tanong ko, sasagot na sana siya pero mabilis na bumaba si mama panay ang buntong hininga. "Ayaw niya uminom ng gamot, ayaw niyang kumain, ayaw niya ng may kausap." Bumuntong hininga si mama kaya napakurap ako.

"Kakausapin ko mama," bulong na sabi ko.

"H-Hindi na anak, baka magtalo pa kayo. H-Hindi ba't may gusto rin siya sa nobyo mo?" Halos malaglag ang panga ko sa tanong ni mama habang nakatingin kay Laze.

"N-Nobyo?" Nahihiyang sabi ko, "Mama." Matipid na tawag ko sa kaniya, "Huwag na po muna nating pag-usapan ang mga bagay na 'yan." Dagdag ko at maingat na tumayo.

Pumunta ako sa kwarto sa kung nasaan si Janella, ngunit pagkabukas ko ay napaupo siya kaagad ng makita ako. Galit siya sa akin? Dahil ba sa naiparamdam sa kaniya ng mga tao sa paligid namin?

"M-Miran," bahagya siyang namaos at kasisigaw niya siguro.

"J-Janell—" natigil ako ng malaman na ate ko siya, huminga ako ng malalim.

"H-Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa'yo, can't we just stay at being so comfortable using our endearments?" Naiilang na sabi ko, "Hindi ko pa alam, hindi pa malinaw sa akin ang lahat." Dagdag ko.

"I-Ikaw bahala kung saan ka kumportable," sagot niya kaya tumango ako.

"Kumusta yung nararamdaman mo?" Hinawakan ko ang kamay niya at pinakiramdaman ang init no'n, mainit nga siya.

"O-Okay lang ako," naiilang kami sa isa't isa at hindi ko na alam ang sasabihin pa.

"Anong nangyari sa paa mo?" Kwestyon ni Janella at sinilip 'yon, umiling ako at ipinakita 'yon sa kaniya, "May naapakan lang ako na bubog." Ngumiti ako at tinitigan siya, hindi ko alam ang mararamdaman sa mga sandaling ito.

"Hindi ka nag-iingat," bigla ay parang ate siyang nansermon sa akin kaya mas napangiti ako.

"Dito ka muna kay mama, mas maalagaan ka niya." Suhestyon ko, "Nandito rin kanina yung daddy m-mo." Lumunok ako at bahagyang umiwas tingin.

"S-Sige, pahinga ka muna." Dagdag ko ng wala siyang masabi.

"Salamat, Miran." Tumango ako at maingat na tumayo, pero pagkalabas ko ay nakita ko si Laze na papaakyat.

"Saan ka?" Tanong ko.

"Kumain ka na sa baba, susunod ako." Matipid na sabi niya, kaya nalingon ko ang pinto at tumango sa kaniya, baka pupuntahan niya si Janella.

Nang makababa ay naupo ako sa mesa at tumulala sandali, nagkatinginan kami ni mama pero sabay namin nalingon si Yamato ng may sabihin siya. "Parang nakita ko na talaga yung daddy ni Ate Janella eh, hindi ko maalis sa isip ko mama."

"Ah, pag-usapan natin bukas." Matipid na sabi ni mama.

"Nasaan na ba si Laze?" Tanong ni mama at tinatanaw sa taas kaya naman hindi na ako umimik, "Ikaw nga'y pinatawag ko siya naman ang nawala. Tawagin mo Miran at sabay kayo bumaba." Utos ni mama kaya naman tinatamad akong tumayo.

"Mama naman." Reklamo ko, ngumiti si mama.

"Tawagin mo na nobyo mo." Umawang ang labi ko.

"Mama hindi ko nga boyfriend 'yon." Reklamo ko sa nang-aasar niyang tinig.

"Eh basta." Sagot niya pa kaya pumunta na ako sa itaas at tatawagin na sana si Laze pero nasilip ko sila na magkayakap kaya napakurap ako at mabilis na lumayo sa pinto.

Pero huminga ako ng malalim at nagpanggap na kaka-akyat lang, sumisipol sipol. "Laze!" Malakas na tawag ko, "Kakain na raw asan ka ba?!" Pasigaw na sabi ko.

"I'm here, wait." Tugon niya.

"I'll visit you some other time, Janella. Get well soon." Nang lumabas si Laze sa kwarto ay naghintay na ako sa hagdan, "Kakain na raw ang tagal mo." Masungit na sabi ko at naunang bumaba.

Sana all yakap hehehehehe.

Matapos kumain ay nag-paalam na rin si Laze na uuwi na siya dahil anong oras na, "I'll go first, ma'am." Matipid na sabi ni Laze kaya naman tumango si mama at ngumiti.

"Ingat ka hijo, late na rin. Miran ihatid mo sa labasan—"

"Mama naman masakit kaya yung paa ko," maktol ko at nakanguso, sinulyapan ni mama ang paa ko at ngumiti tapos tinaasan ako ng kilay.

"Mawawala 'yan kung ihahatid mo nobyo mo sa sasakyan niya," asar ni mama lalo kaya napairap ako, "Nakita ko 'yon Hakuna Miran." Sita ni mama kaya ngumuso ako.

"Hindi ko nga siya boyfriend mama, wala akong boyfriend! Wala." Singhal ko at inis na itinulak ng mahina si Laze upang makalabas na, "Dalian mo umuwi." Inis na sabi ko.

Nang nasa sasakyan niya na ay pinagkrus ko ang mga braso at nakangiwing tinignan si Laze. "So you don't have a boyfriend huh," nanlaki ang mata ko at mabilis siyang pinanlakihan ng mata.

"M-Meron!" Singhal ko.

"Si Yuno! Hindi kilala ni mama!" Tumango si Laze at pinatunog ang sasakyan niya tapos ay dahan dahan na sumakay sa sasakyan niya kaya mas nairita ako.

"Uwi na!"

"Okay." Tugon niya, "Get well later," umawang ang labi ko lalo sa kaniyang pahabol kaya tinalikuran ko na siya dahil masyado ng nakakahiya. Pagkabalik sa loob ay napaupo ako sa sofa at ngumuso.

Kinaumagahan ay nagising ako ngunit makirot ang paa ko, ganoon pala pag matagal na hindi naapak naninibago ang paa kaya sumasakit. Bumaba ako at napanguso ng maamoy ang umagahan dahil kumalam ang tyan ko.

"Ate, wala kang ligo 'no?" Umirap ako sa tanong ni Yamato ngunit ganoon ako natigilan ng makita ang daddy ni Janella na may dalang bulaklak, prutas at iba pang pagkain.

Ano 'to? May naospital?

"Ano't kailangang may suhol?" Sumbat ni mama kaya medyo nagkatinginan kami ni Yamato at pinanlakihan ng mata ang isa't isa, nagchichismisan sa mga tingin.

"S-Suhol? It's clearly not suhol." Sinundan ko ng tingin yung daddy ni Janella.

"Mag-uusap dahil kailangang maunawaan ng mga bata, hindi kailangan ng ano mang ganyan—"

"Mama sabi mo masama tumanggi sa grasya, ikaw naman eh. Akin na po hehehe," halos umawang ang labi ko ng tulungan ni Yamato yung daddy ni Janella at ilagay sa mesa.

"Yamato," sita ni mama.

"Mama, bisita po siya kaya proper etiquette na po 'yon sa kanilang mayayaman ang magdala ng kahit anong pagkain." Explain pa ni Yamato at tumikim ng ubas, halos masipa ko siya ng subuan pa niya ako.

Naupo kami sa dining at maya-maya ay bumaba si Janella at naupo sa tabi ni Yamato, bahagya pang namumutla ang mukha at labi niya ngunit mukhang maayos naman siya. "Paniguradong hindi pa lubusang alam ni Miran, ngunit walang alam ang bunso ko." Matipid na sabi ni mama kaya napakurap ako.

"Ano ba meron mama?" Tanong ni Yamato.

"Kapatid mo si Janella, anak. Panganay na kapatid," nangunot ang noo ni Yamato.

"Nakakapagtaka naman po pag siya naging bunso, hehehehe." Umawang ang labi ko at kahit masakit ang paa ko ay pasimple kong inabot ang paa niya at sinipa.

"Yamato, seryoso nga." Sita ko, natigilan siya at tinignan si Janella at ang daddy nito.

"Prank po ba 'yan?"

"Nagsasabi ako ng totoo, anak. Siya ang tunay niyong ama," mahinahon na sabi ni mama.

"Huh? P-Papaano po 'yon 'di ba po si Ate Miran yung unang anak niyo? Kapatid po namin siya sa ama?" Madaldal talaga si Yamato at masuri.

"Tatlo kayong anak ko, ngunit umalis ako noon dahil tuluyan kong masisira ang buhay ng ama niyo. Ngunit walang wala rin ako kung kaya't iniwan ko si Janella sa kaniya dahil kailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon." Tahimik lang akong nakatitig sa plato ko.

Ganoon pala ang kwento.

"Hindi ko masabi sa inyo dahil alam ko na kakasuklaman niyo akong tatlo. Ngunit kahit na ganoon pumunta naman ako sa operasyon ni Janella upang alamin kung ayos siya ngunit hindi na ako nagpakita." Lumunok ako at tumitig sa plato, wala rin akong masasabi.

"Kaya patawarin mo ako muli, Janella anak." Dahil doon ay nasulyapan ko si Janella na nakatitig lang kay mama.

"Inaamin ko po na masama ang loob ko at gusto kong magalit sa inyo, pero hindi ko na po 'yon iisipin. Basta isama niyo na ako," huminga ako ng malalim sa desisyon ni Janella.

"Iiwan po natin siya?" Turo ni Yamato sa daddy ni Janella.

"P-Pwede mo akong tawaging papa, tatay, o dad, daddy, erpats sa kung saan ka masaya." Naglapat ang labi ko sa narinig.

"A-Ah, iiwan ka po?" Huminga ako muli ng malalim, seryoso ba si Yamato?

"Depende sa mama niyo," sa sagot nito ay ngumiwi ako.

"Hindi na tayo lalayo, kailangan niya pa ring maging ama sa inyong tatlo." Matipid na sabi ni mama.

"P-Papaano niyo po pala nakumpirma na anak niyo kami?" Tanong ni Yamato.

"Nang kailan lang, lumapit sa akin yung binatang Garcia. Ilang buwan ng nakalipas, hindi ko inaasahan na siya mismo ang hahanap sa akin upang sabihin na balikan kayo, na may naghihintay sa akin. Ngunit hindi namin nagawang lapitan kayo dahil baka lumayo kayo ulit." Umawang ang labi ko at natitigan sila.

"Si L-Laze?" Gulat na sabi ko.

"Yung panganay na apo ng Sandoval." Paglilinaw ng daddy ni Janella kaya natakpan ko ang bibig sa pagkagulat, kaya ba alam niya na magkapatid kami ni Janella?

B-Bakit hindi niya sinabi?

///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top