Chapter 38

Chapter 38:

Hakuna Miran's Point of View.

Naalimpungatan ako nang marinig ang tunog sa kusina, naningkit ang mga mata ko nang mahirapan pa akong imulat ito dahil sa liwanag. "Crizel," inaantok na tawag ko ngunit halos magising ang buong diwa ko ng makita ang tao na magkakrus ang braso sa harapan ko habang nakasandal ang balikat sa book shelves.

"L-Laze." Gulat na sabi ko.

"You're a pain in my head. Don't you ever drink again, damn." Blangko ang tingin niya sa akin kaya mabilis akong namula at pinakiramdaman ang paligid.

"B-Bakit ka nandito? S-Saan ka natulog?" Hindi makapaniwalang tanong ko, hanggang sa sumilip si Bullet at Yamato.

"Ate, nakakahiya ka. Sobra." Hiyang hiya na sabi ni Yamato kaya natignan ko ang sariling katawan.

"Oh, huwag ka assuming ate. Asa ka namang papatulan ka ni Kuya Laze." Nanlaki ang mata ko at galit na binato si Yamato ng unan ko.

"Bwisit ka!" Singhal ko.

"Hehe, slight." Nag-peace sign ito at bumalik sa sofa.

"B-Bakit kayo magkasama?" Tanong ko, nahihiya ako kay Laze ngayon.

"Mag-sipilyo ka muna ate, ambaho mo." Naiinis kong tinignan si Yamato tsaka ko siya sinunod, nagmadali akong maligo at aaminin ko sobrang sakit ng ulo ko.

"Sino nagluto?" Tanong ko, walang sumagot sa dalawa at naupo sa maliit kong dining.

"Sino yung Sha na sinasabi mong humalik sa'yo ate? Lagot ka kay mama niyan—" mabilis akong nabulunan sa sinabi ni Yamato, sinabi ko ba sa kanila 'yon?!

"A-Anong halik," naiilang kong tugon.

"Sabi mo kagabi, bukang bibig mo nga, kaya nang sunduin ako ni Kuya Laze sumama na ako akala ko napano ka na." Kwento ni Yamato at tumuhog ng nuggets.

"Ayon pala hindi ka lang maalalayan kasi yakap ka ng yakap sa katawan niya—"

"A-Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"A-Ako yayakap? Hindi—"

"Ate hindi naman ako sinungaling," sagot ni Yamato habang ngumunguya kaya nahihiya kong sinulyapan si Laze na tahimik na kumakain.

"Muntik na nga kitang ihulog sa tulay." Natatawang sagot ni Yamato kaya nasapo ko ang noo.

"Hindi mo ba naalala?" Kwestyon muli ni Yamato.

"Hindi ko alam, wala akong maalala." Reklamo ko, "Huwag mo na ako tanungin."

"Attitude," bulong ni Yamato at inabutan si Bullet ng nuggets na star pa ang shape.

"Hindi kita isusumbong kay mama ate, pero kwentuhan mo 'ko." Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa kinakain ko.

"Kuya ano ba nangyari?"

"Her friend called me," nang magsimula si Laze ay sandali ko siyang sinulyapan dahil hindi ko matagalan ang tingin niya sa akin.

"She got drunk, and then I fetched her outside the pavilion. She sat on my car and didn't throw up gladly." Nang tamarin siyang mag-kwento ay 'yon ang mga parteng hindi malinaw sa ala-ala ko.

"In front of her condominium, she throw a little drunk words." Humigpit ang kapit ko sa kutsara.

"Just make her remember, I'm tired talking." Umawang ang labi ko at uminom na lang ng juice.

"Wala ka ng nakahalikan niya 'yon? Sino ba 'yon kuya dapat inaway mo papaano kung manloloko. Mas okay pa kung ikaw na lang pero hinde—"

"Ano bang sinasabi mo?" Sita ko kay Yamato.

"She can kiss anyone she likes," sa matipid na sinabi ni Laze ay nakatingin lang siya sa kinakain niya.

"I like your sister." Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng bigla niyang aminin 'yon sa harap ng kapatid ko, nag-init ng todo ang mukha ko at hindi siya makapaniwalang tinignan tapos si Yamato naman ay parang hindi na nabigla.

"Ay noon pa naman 'di ba kuya?" Kwestyon ni Yamato kaya nangunot ang noo ko.

"Ha?"

"Yeah." Sa sagot ni Laze ay umawang lalo ang labi ko, anong noon pa naman?

"Anong noon pa naman?"

"Kaya nga siya pumupunta sa atin—"

"Yamato." Natigilan si Yamato sa pag-awat ni Laze, nangunot ang noo ko.

Matapos ang umagahan ay bumalik ako sa kama at inayos ang gamit ko sa school, "Ate balik po ako wait lang." Paalam ni Yamato kaya ngumiwi ako, kaming dal'wa na naman ang naiwan.

"Hakuna," napapikit ako nang sandaling tawagin niya ang pangalan ko. "Ano?"

"Ano na naman, ano na namang sasabihin mo," nadidismayang sabi ko ngunit ang totoo ay nahihiya ako.

"You forgot what happened last night?" Sa tanong niya ay umawang ang labi ko at tumayo sa harapan niya.

"Look. Hindi kita gusto, kung ano man yung sinabi ko kagabi it's not all true!" Napatitig siya sa akin, hindi alam kung anong reaksyon ang gagamitin.

"That didn't answer the question," pinanood ko siyang pasimpleng hawakan ang batok na para bang nahihiya siya kaya bahagyang namula ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

"Yes, I guess I forgot it at the moment." Pilit kong inaalis ang panginginig ng labi ko dahil baka mautal ako.

"Okay." Matipid na sagot niya.

"W-Wala kang balak umuwi?" Kwestyon ko.

"I do have, after a talk." Bumuntong hininga ako, "Ano na naman bang pag-uusapan?" Nauubusang pasensya kong tanong, ang bata bata ko pa nababaliw na ako sa stress.

Nanatili siyang nakatitig sa mukha ko. "Ano na sasabihin mo?" Bahagya akong nakaramdam ng hiya sa presensya niya.

"You're single right?" Tumaas ang kilay ko sa tanong niya, "Single?" Paglilinaw ko.

"Yeah," nangunot ang noo ko sa pagkalito. "Hindi kita maintindihan," pagsagot ko.

"Because someone kissed you and it's not Yuno." Nangunot ang noo ko at nanatiling pinanonood ang mukha niya.

"It's not Yuno? How sure you are? Nandoon ka ba?" Pambubusisi ko, "Sort of." Biglang sagot niya kaya tumaas ang kilay ko.

"Let's cut off the chase, ayoko sa'yo Laze. We're supposed to be friends and not lovers, I don't see you as a guy who'll be in a relationship with me." I stated, fiercely.

"Una sa lahat hindi kita gusto, pangalawa parang mag kapatid lang tayo, you're keeping me safe, and just like a brother that's all. Hindi ko nga maisip na magiging tayo, ni hindi sumagi sa isip ko 'yon." Halos kagatin ko ang dila ng maraming kasinungalingan na inilabas ang bibig ko.

Kaunti pa, hindi na ako tatanggapin sa langit.

"Mas importante sa akin ang friendship, so I won't consider your feelings. Baka nalito ka lang kasi nandito ako parati para sa'yo, baka nalito ka lang kasi kinukulit kita parati. Hindi ganoon 'yon, mag-isip kang mabuti. Huwag mong sirain yung relasyon na meron kayo ni Janella." Paglilinaw ko sa mga bagay bagay, hindi niya inalis ang tingin sa akin.

"There is no relationship between me and Janella, if it has it could be friendship." Sinalubong ko ang tingin niya sa mata ko matapos sabihin 'yon.

"Keep on telling those words to be, wala naman akong pakialam. Ayoko rin na masaktan pa si Janella dahil sa akin, kaya tama na kabibigay mo ng sakit sa kaniya. Ayokong umabot na naman sa punto na masiraan siya dahil sa'yo, hindi kita mapapatawad." Mariing sabi ko.

"Si Janella na lang—"

"Janella, Janella, Janella, what about me Hakuna?" Tila nagsasawa na siyang naririnig ang ngalan na 'yon kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"What about you?" Sumbat ko.

"What about what I want?" Pagsagot niya rin, kaya natitigan ko siya.

"Kaya nga gustuhin mo na lang ulit si Janella." Mariing sabi ko, "Huwag mo na akong bigyan ng problema kasi gusto ko ng payapa." Gitil ko.

"Hakuna," huminga siya ng malalim matapos sambitin ang pangalan ko at nasapo ang noo bago ako muling tinignan, "You're driving me crazy all day, all night. How can I be friends with you?" Nanlulumo niyang tanong.

This time, his emotions were visible and eyes were saying how sad he is. Napaiwas tingin ako dahil lahat ng sinasabi niya ay may epekto sa puso ko, gusto ko, gusto kong magrebelde at itakas na lang siya pero ayokong masira ang buhay ni Janella.

"Sa tingin mo ba magiging masaya ako na nasasaktan ko kayong dalawang kaibigan ko?" Sumbat ko, "Hindi ko na rin alam yung gagawin ko sa inyong dalawa kaya pwede ba kayo na lang!?" Pilit kong tinatagan ang boses.

"I already told Janella everything," mahinang sabi ni Laze.

"I explained everything for your peace of mind even though I don't have to, why do I need to be responsible of other's feeling?" Napatitig ako sa kaniya, may punto siya naiintindihan ko pero hindi ko na alam ang idadahilan ko.

"Laze, can you not like me anymore?" Kwestyon ko.

"I can't." Two words and my heart melts for him.

"Ayoko talaga Laze, ayoko. Ayoko ng ganito," pabulong na sabi ko. Hindi ko alam kung maiiyak na ako dahil sa konsensya na nararamdaman ko. "Ayoko ng saktan ka, kaya tama na please?" Hindi ko inalis ang titig sa kaniya habang nakiki-usap ako.

"Please Laze, napapagod na akong ganito parati. Gusto ko na lang ng katulad noon, yung normal lang tayo, hindi na ako maka-focus sa studies ko dahil sa nangyayari." Nasapo ko ang mukha.

"Hindi ko nga alam kung maipapasa ko pa yung exams dahil walang araw na natahimik ang araw ko, ayoko ng ganito kaya tama na." Napaupo ako sa kama ko at pasimple kong pinahid ang luha ko.

"Laze, isuko mo na lang 'yang nararamdaman mo please?" Habang nakatitig siya sa akin ay pakiramdam ko ay kumirot ang puso ko ng may luha na tumulo sa mata niya habang nakatitig sa akin.

"Hakuna.." His lips were trembling and I can't take it, ayoko namang gawin 'to.

"Kung hindi ka titigil, hinding hindi na ako mag-aaral." Natigilan siya at hindi makapaniwala akong tinignan.

"What?"

"I won't finish this college course, I won't study anymore. Hindi ako nagbibiro, tignan mo." Mahinang sabi ko at tsaka ako tumayo, "Makakaalis ka na." Matipid kong sabi.

"Seriously Hakuna Miran?" Hinawakan niya ang braso ko at hinarap ako sa kaniya, seryoso ko siyang tinignan. "Watch me." Mariing sabi ko at binawi ang braso ko, lumabas na ako ng condo ko at dahil sa desisyon ko ay magtatrabaho na lang ako sa cafe.

Hindi niya na ako sinundan at makalipas ang isang linggo ay hindi ako pumasok sa school, pinanindigan ko ang desisyon ko hanggang sa isang araw ay bumisita si Crizel. "Mag-usap nga tayo, Hakuna Miran." Gigil na sabi niya at tinangay ako sa gilid sa papuntang banyo.

"Ano?"

"Ano't hindi ka pumapasok? Gusto mo bang mawala yung scholarship mo? Teh sasabak na tayo sa trimester. Nagagalit na si prof kasi absent ka na ng isang linggo." Sermon niya kaya ngumiwi ako.

"Para saan pa ba," bulong ko.

"Miran!" Sita niya sa akin.

"Pag-aaral 'yon, doon naka-depende yung future mo anong inisiip mo?" Kwestyon ni Crizel.

"Ayoko na mag-aral." Mahinang sabi ko.

"Gago naman, anong ayaw? Ang swerte mo kasi napag-bigyan ka mag-aral tapos sasayangin mo? Para kanino? Para sa dalawa? Para kay Janella at Laze?! Hayaan mo na sila, huwag mong gawin na sila yung dahilan para masira yung buhay mo." Galit na sabi niya, natigilan ako ng i-abot niya sa akin ang isang pirasong papel.

"Gawin mo 'yan, tapusin mo 'yan sa loob ng isang linggo. Pag hindi mo natapos sasamahan kitang ibagsak yung trimester." Banta niya kaya napalunok ako at hindi siya makapaniwalang tinitigan.

"Crizel."

"Seryoso ako gaga." Pinagkrus niya ang braso.

"Kausapin mo rin si Laze may sasabihin siya sa'yo." Dismayadong sabi niya, "Mamaya, hihintayin ka niya sa harap ng condo mo." Paalala niya at umalis na kaya naman napaupo ako sa gilid at huminga ng malalim.

Nang matapos ang work ko ay pagod akong umuwi, ngunit bigla akong natigilan ng makita si Laze sa harap ng condo ko. Napatitig ako sa kaniya, nawala sa isip ko yung sinabi ni Crizel.

"P-Pasok ka." Mahinang sabi ko at inipit ang buhok ko ng makapasok sa condo, nag-hugas muna ako ng kamay bago pumunta sa sala sa kung saan siya nakaupo.

"Come back to school, Hakuna." Nanatili akong nakatingin sa kaniya, dama ko na ang antok dahil sa pagod sa araw araw na nilulugmok ko ang sarili sa trabaho.

"Go back to school and finish your degree." Huminga siya ng malalim at sandaling umiwas tingin.

"Don't worry about me, I won't bother you anymore." Napatitig ako sa kaniya ng sabihin niya 'yon na para bang hirap na hirap siya sa desisyon na 'yon.

"I'll respect your decision, hmm? Just be happy and focus on your dreams. I know you'll reach everything you want," napaiwas tingin ako sa kaniyang sinabi.

"If ever you need me, you know how to reach me right?" Tumango ako bilang sagot, nang tumayo siya ay tumayo na rin ako. Nilingon niya ang pinto ay nang makahakbang siya ay nalungkot ako, ngunit nilingon niya ako muli.

"I'll go ahead," napalunok ako at tumango bilang pagtugon.

"I-Ingat."

"Hmm, likewise." Matipid niyang paalam, tapos ay derederetso ng naglakad papunta sa labas. Maingat niya rin na isinara ang condo ko kaya napaupo akong muli sa sofa.

Kung ako ang gusto niya bakit nang kailan lang hinalikan niya si Janella sa sofa na 'to mismo?

Janella's Point of View.

Napaayos ako ng tayo ng papasukin ni Crizel si Laze, napalunok ako at tinignan siyang mabuti. "Can you leave us for a moment?" Kwestyon ni Laze tumango naman si Crizel at hinayaan kaming dalawa.

"I need to talk to you, Janella." Tumango ako at itinuro ang upuan sa harapan, naupo siya doon at tsaka huminga ng malalim.

"Are we in a relationship?" Sa tanong niya ay dahan dahan akong umiling.

"Do you like me?" Kwestyon niya muli kaya napatitig ako sa kaniya at umiling, "I'm in love with you, Laze." Seryosong sagot ko, tumango siya at umiwas tingin.

"You can't do this to me, Janella. All I did is to keep both of you safe, but why am I suffering?" Sa isinumbat niya ay nahihiya akong yumuko.

"I respect your feelings, I do respect you also but I don't understand. I am sorry for what happened few years ago, I didn't want that to happen that's why I want to make it up to you." He explained, I know he doesn't like talking a lot.

"H-Hindi mo ba ako ginusto kahit sandali?" Nagbabakasakali kong tanong, "Kahit sandaling panahon Laze wala ba talaga? Ako lang ba yung nag-assume?" Tanong ko, naluluha.

"I like you, I really do Janella. I like both of you, I like Hakuna Miran and I like you but in different ways," nanatili akong nakatitig sa blangko niyang tingin.

"I like you because you're like Jami, soft and sensitive. It makes me want to protect you, but I like Hakuna Miran as a lady, not as my sister, not as a friend." Nang marinig ko ang sinabi niya ay naluha kaagad ako kaya tinakpan ko ang mukha.

"I like her as she is, she's not like Jami, She's not like you, I like her because of who she really is. I like to see her everyday, I want to make her smile, I want to make her laugh, I want to keep her safe." Tumango tango ako habang patuloy na tumutulo ang luha sa mata ko.

"I'm sorry Janella." Umiling ako sa sinabi niya.

"You don't have to apologize for not liking me, I took everything wrong Laze and it's never your fault." Pabulong na sabi ko, hindi mapigilan ang hikbi.

"I know something is off, I know it from the very start but I was so excited, I was so confident that this time I can make you mine. I was selfish, not knowing what you really want, not asking what makes you happy. I only wish you were mine and that's the difference between me and Hakuna Miran." I stated, tearing up, sobbing in devastation.

"I was selfish and she was selfless." Matipid akong ngumiti, parang tanga dahil nanlalabo na ang paningin ko sa kakaiyak, nahihirapan na akong huminga dahil sa paghikbi ko.

"I am so jealous, Laze. I am so jealous of Hakuna Miran, I wanted everything she have but I was lucky I have her." Nasapo ko ang mukha ko ng hindi kayanin ang pag-iyak ko. Lumipat siya sa tabi ko at mas naiyak ako ng mahina niyang tapikin ang likuran ko dahilan para mas maramdaman ko ang sakit sa dibdib.

I am so jealous.

///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top