Chapter 36

Chapter 36:

Hakuna Miran's Point of View.

Natulala ako sa nalaman, i-ibig sabihin no'n matagal na kaming magkaibigan ni Janella? 'yon ba? "B-Bakit hindi mo sinabi?" Kwestyon ko, huminga ng malalim si Crizel at tinignan ako.

"Dahil noong sasabihin ko na ay pinutol ni Janella yung sasabihin ko, kaya naisip ko na baka may dahilan siya kung bakit hindi niya ipapaaalam at dahil siguro sa inyo ni Laze 'yon." Matapos ipaliwanag sa akin ay hindi ko pa rin maintindihan.

Mas lalong hindi ko matanggap na nasaktan ko yung matagal ko ng kaibigan, "P-Pwede ko bang malaman kung anong nangyari kay Janella noon bago sila maghiwalay ni Laze?" Napatitig sa akin si Crizel.

"Hindi ko naman alam ang buong kwento dahil wala ako noon," wika niya kaya huminga ako ng malalim.

"Yung nalalaman mo, sabihin mo sa akin." Tinitigan niya ako at tumango.

"That time Janella left our house because she wants to meet her mom, she hated her dad. She happened to get the scholarship provided by the school because of her good school records," Crizel pauses maybe thinking if she's okay telling me this story.

"To cut the story short, she became friends with Laze since Janella is a victim of bullying. A-Actually they both like each other as i've heard, that time they're not yet on the right mind since minors." Napayuko si Crizel.

"H-Hindi ko alam kung ako ba ang dapat na magsabi nito pero Janella was molested and raped," tila gumuho ang mundo ng marinig ang masakit na kwento. "L-Laze is the l-last man she called for help but L-Laze was late and it happened already." Nang tumulo ang luha sa mata ni Crizel ay natakpan ko ang bibig.

Hindi ko nakayanan ang kwento niya, napaiwas tingin ako at huminga ng malalim dahil hindi ko mapigil ang pagtulo ng luha. "S-She suffered t-that much," bulong ko sa sarili.

Nanikip ang dibdib ko para sa kaibigan, "J-Janella was in a severe trauma and d-depression. That's why they left Philippines." Nang bumukas ang pinto ay nalingon ko 'yon, nang makita si Janella ay tumayo ako at mabilis na lumapit sa kaniya upang yakapin siya.

"Ah—"

"H-Huh?" Tila nagulat siya ngunit isinubsob ko sa balikat niya ang mga mukha ko.

"B-Bakit? O-Okay ka lang ba? Bumalik na naman ba yung step father mo?" Ang pag-aalala sa tinig niya ay hindi nagbago, ngunit dahil sa nalaman ko ay gusto ko siyang sumaya.

"Crizel, ano nangyari?" Humahagod ang palad niya sa likuran ko.

"S-Sorry Janella." Mahinang sambit ko.

"Ha?"

"Sorry, h-hindi ko alam. K-Kung alam ko lang sana u-umiwas na ako noon pa lang, sorry. H-Hindi ko sinasadyang masaktan ka," humihikbi kong sabi ngunit nang bahagya akong ilayo ni Janella at sapuin sa mukha ay hindi ko siya magawang titigan dahil pinapahid niya ang luha ko.

"H-Huwag ka umiyak, a-ano ka ba mare." Ngumuso ako ng pilit pa siyang ngumiti.

"Ano ba nangyari Crizel?" Kwestyon ni Janella.

"N-Nalaman niya na yung sa kababata niya," naguluhan naman si Janella.

"Anong kababata?"

"Yung sa picture yung batang may butas sa puso, ikaw 'yon 'di ba?" Natigilan si Janella.

"B-Bakit hindi mo sinabi?" Kwestyon ko.

"H-Hindi ko alam kung paano sasabihin," mahinang sabi ni Janella.

"Magpahinga ka na muna doon, huwag ka na umiyak. Ayos lang ako, masaya a-ako." Ang pilit niyang ngiti ay madali kong nahulaan dahil madalas ko siyang nakikita na ngumingiti at ngayon ay pilit 'yon.

Pumunta na ako sa kama, mabilis na dumaan ang oras at hindi ako makapaniwala na si Janella ang nakababatang kaibigan ko kaya natutuwa ako.

P-Papaano niya kaya nakayanan 'yon? Nagahasa siya at namolestya, kaya ba ganoon kalaki ang galit niya kay Tito Jubal?

Kagat labi akong naglalakad papunta sa classroom namin ngunit natigilan ako ng may tumikhim sa tabi ko dahilan para lingunin ko 'yon at nanlaki ang mata ko ng makita si Laze.

"A-Ano na naman?" Kwestyon ko.

"Let's have a talk later," mabilis na sabi niya at inunahan akong maglakad. Sumunod ako sa kaniya at normal na natapos ang klase, mas humihirap ngayong first year dahil maraming adjustments ang need namin.

May part time job pa pala ako, tumayo ako at nagmamadaling ipinasok ang mga ginamit ko sa bag ko pero bago pa man makaalis ay natuod ako sa kinatatayuan ng may humawak sa kamay ko, nalingon ko si Laze na inaayos ang gamit niya gamit lamang ang isang kamay.

Sinubukan ko naman alisin ang pagkakahawak niya pero hindi siya nagpatinag. "Laze," mahinang sambit ko sa pangalan niya.

"Wait for me," three words and it made my heart flutter for more than 3 seconds. Huminga ako ng malalim, "I have a work," pagpapaalala ko sa kaniya.

"Wait for me," pag-uulit niya at nang matapos siya ay doon niya lang binitiwan ang kamay ko tapos ay naglakad na ako, sinabayan niya naman ang maliliit kong hakbang.

"Ano bang pag-uusapan?" Kwestyon ko.

"I like you a lot," nang sabihin niya 'yon ay hindi ko siya makapaniwalang tinignan, "I didn't want this to happen, it just happened naturally."

"What are you trying to say?" Sumbat ko.

"Give me a chance," wika niya sobrang tipid no'n at nag-iwas tingin na siya na para bang nahihiya siya sa akin.

"Laze, hindi pa ba sapat yung sinabi ko sa'yo? Papaano kita bibigyan ng pagkakataon kung may iba akong gusto na gusto rin ako?" Mariing sabi ko, ang blangko niyang titig sa akin ay hindi ko gustong tanggapin.

Dahil ang mga blangko na 'yon ay maraming sinasabi sa akin.

"You just met him—"

"It's not because of I just met him, we like each other." Pagsisinungaling ko.

"Why are you doing this to me? Why are you doing this to us, hindi pa ba sapat na nasaktan mo na si Janella noon? Wala ka noong kailangan ka niya." Mariing sabi ko, na ikinatigil niya.

"I didn't want that to happened to her, Hakuna. I tried my best to go and save her but I was late. I was late." His eyes were hurt and he seems tired of explaining himself.

"Because you're late, horrible things happened to her." Umawang ang labi niya na para bang may gusto pa siyang sabihin pero nakagat niya ang ibabang labi na para bang ayaw niyang magsalita.

"I loathe someone l-like you." Mariing sabi ko, lying.

Bakas ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko, hindi lang gulat kundi sakit na rin at pagkabigla. "T-That's why you're b-blaming me." Mahinang sabi niya, masyado ba ako? Masyado ba akong naging masama?

"I see," matipid na sabi niya.

"Kaya lumayo ka na sa akin, dahil sa tuwing nakikita kita naiinis lang ako. Pumapangit yung araw ko, nasisira yung buong araw ko. T-Titignan lang kita bilang kaibigan kung aayusin at babawi ka kay Janella—" naitikom ko ang bibig ng panoorin ko siyang talikuran ako.

I guess I was insensitive.


Janella's Point of View.

Prente akong nakaupo sa silid aklatan, hindi ko maalis sa isip ko ang mukha ni Laze, hindi ko makalimutan kung papaano niya ako pinagtanggol noon. Sana nga ay naging mahina na lang rin ako baka maulit yung pagkakataon na tignan niya muli ako nang ganoon.

Panay ang buntong hininga ko hanggang sa biglang may maglapag ng libro sa harapan ko, tiningala ko ito at bumuntong hininga ako lalo ng hindi siya ang gusto kong makita. "Sinabihan na kita," mahinang sabi ni Yuno at iiling iling.

"Alam niya na ba?" Kwestyon ni Yuno kaya tumango ako.

"Nalaman niya na, si Crizel kasi." Mahinang kwento ko.

"Hindi niya dapat nalaman 'yon, hindi niya dapat nakita 'yon in the first place." Nanlulumo kong sabi, "Ayokong mas kaawaan niya pa ako, ayokong dalhin niya 'yong konsensya na hindi naman dapat." Ngumiwi si Yuno sa sinabi ko.

"Hindi ko na rin sana sinimulan ulit," bulong ko at nasapo ang mukha ko.

"Alam mo ba? Alam mo ba na ganito ang mangyayari para sisihin mo yung sarili mo. Umasa ka lang naman dahil nagbigay siya ng motibo, siya naman ang unang lumapit ng iniiwasan mo na siya." Sambit ni Yuno ngunit umiling ako.

"Kasalanan ko," bulong ko.

"Hindi mo puwedeng sisihin si Laze—"

"Tama na nga kakatanggol mo sa lalake na 'yon, ako na yung nayayamot." Inirapan ko si Yuno.

"Hindi mo naiintindihan, nag-assume ako na 'yon yung mangyayari. Ang sinabi niya gusto niyang bumawi hanggang sa mapatawad ko siya, pero hindi naman ako nagalit sa kaniya ni minsan." Pabulong na sabi ko, sa tuwing naalala ko ay naluluha ako.

"H-Hindi ko naman alam na gusto niya rin si Laze, u-una pa lang wala akong intensyon na saktan sila ni Crizel lalo na kung gusto nila si Laze." I explained, binasa ko ang labi ko dahil nanunuyo 'yon.

"Kaya nga tinanong ko sila," mahinang sabi ko.

"Ano sinisisi mo na naman sarili mo kahit na alam mong wala ka naman ding kasalanan—"

"May kasalanan ako—"

"Parehas kayo ni Hakuna matigas ang ulo, pag-untugin ko kaya kayo?" Inis kong tinignan si Yuno ngunit mukhang hindi siya nagbibiro.

"Umasa ako kasi hinalikan ako ni Laze nang college night," bulong ko.

"K-Kaya akala ko may gusto pa rin siya sa akin, pero nakalimutan ko yung simula namin. Ako lang naman yung nagkagusto sa kaniya, ako lang naman yung naunang nahulog, siguro ay naawa siya sa akin kaya niya ako hinayaan sa paligid niya? At inakala ko siguro na gusto niya rin ako." Mahinang gitil ko, mahina naman na tumawa si Yuno.

"Ang babata niyo pa para mamroblema sa pag-ibig," bulong niya.

"Halik lang naman 'yon, ako rin naman may hinalikan—"

"Si Miran, gago ka." Gitil ko.

"Luh, huwag ka ngang maingay baka iba isipin nila." Sita niya kaya napairap ako.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Yuno." Nasapo ko ang mukha at sumandal sa likuran ng upuan.

"Nagkausap na kayo ni Laze?" Tanong niya.

"Sakto lang, h-hindi ko pa siya kayang harapin. Ang sakit eh," bulong ko.

"K-Kasi bakit h-hindi na lang ako? Pero at the same time hindi ko maalis sa isip ko si Miran." Naluha ako at ngumiwi naman si Yuno at lumipat sa tabi ko upang akbayan ako at patahanin.

"I-I came back not expecting to meet the man whom I love to see the most, p-pero ang hirap talaga niyang deadmahin, hindi ko siya makalimutan, hindi ko siya maalis sa isip ko. N-Nababaliw na ako," panay ang buntong hininga ni Yuno mapatahan lang ako.

"N-Nang makita ko siya ulit, m-muntik ko ng makalimutan kung anong ipinunta ko rito ulit, nakakaligtaan ko na." Pinahid ko ang mga luha at yumuko sa mesa.

"Tumahan ka na," sita ni Yuno.

Tinatamad akong umuwi sa condo dahil ngayon na ang alis namin ni Crizel, "Tapatin mo nga ako Janella, kaya ba ayaw mong malaman niya dahil galit ka sa kaniya?" Nangunot ang noo ko ng pigilan ni Crizel ang pulsuhan ko.

"Alin?"

"J-Janella hindi ako tanga, hindi rin ako bulag, sa tingin mo ba wala akong alam sa ginagawa mo? Huwag ka mag panggap na maayos ka lang, kung galit ka sabihin mo sa kaniya!" Napaiwas tingin ako at bumuntong hininga.

"Alam kong nahihirapan ka, alam kong nasasaktan ka pero mali eh. Kung masama ang loob mo kay Miran, ipadama mo, kung galit ka sa kaniya sigawan mo siya at murahin dahil ayokong panoorin ka na naman na nagkukulong sa sariling kwarto at halos patayin na ang sarili." Huminga ako ng malalim at tsaka ko ikinuyom ang kamao ko sa inis.

"Sa tingin ko mas matatanggap niya 'yon kesa pinakikita mong ayos ka lang," umiling ako.

"Hindi lang ganoo—"

"Magkababata kayo, dahil kay Laze magkakalabuan kayong dal'wa?" Sumbat niya habang nakaturo sa kung saan.

"N-Nagpapalipas lang ako."

"Ayon na nga ang masama, kakapalipas mo baka gustuhin mo na naman lumipas ka papuntang langit." Pranka niya at naiintindihan ko siya, dahil nauwi na ako sa ganito noon.

"Sa tingin mo hindi ko alam na umiiyak ka ng palihim sa banyo? Na hindi ka nakakatulog ng maayos? Tapos maaga ka pa umaalis, ano papatayin mo sarili mo?" Umiling ako sa sinabi niya.

"H-Hindi, hindi ganoon." Mahinang sagot ko.

"At sa tingin mo hindi niya nararamdaman 'yon? Sinisisi niya yung sarili niya kasi nasaktan ka, kasi akala niya nasira niya kayong dalawa ni Laze kahit na wala naman talagang kayo kundi 'yang nararamdaman niyo." Napaiwas tingin ako ng sampalin niya ako ng katotohanan.

"Alam ko na alam mong may gusto si Laze kay Miran, dahil panigurado iniisip mo na hindi naman siya naging ganito sa akin, iniisip mo na bakit kaya ganoon siya kung tumingin kay Miran, bakit mas masaya siya pag kasama si Miran—"

"Tama na." Mariing sabi ko.

"Tama na Crizel, alam ko. Oo alam ko, pero kahit na alam ko, kahit na kinwestyon ko 'yon pinaniniwala ko yung sarili ko kahit na alam kong sandali lang." Tumulo ang luha sa mata ko ngunit nanatili siyang nakatitig sa akin.

"Gusto ko maging makasarili at agawin si Laze sa kaniya, yung atensyon niya, pero noong hindi ko pa alam ang nararamdaman ni Miran. At kahit isumpa ko yung sarili ko inaamin ko gusto ko pa rin si Laze!" Umawang ang labi ko dahil nahirapan akong makahinga sa sobrang sama ng loob ko.

"Gustong gusto kong agawin si Laze sa kaniya, gusto kong mahulog sa akin si Laze, pero alam ko na ang pag-bawi na sinasabi ni Laze ay ang pagiging kaibigan lang. Pero binalewala ko 'yon, pinaasa ko yung sarili ko. Ang tanga ko, oo alam ko." Nasapo ko ang sariling noo dahil hindi ko na mapigilan ang emosyon.

"Makasarili akong tao, sobrang makasarili akong tao, at kaya ko rin gumawa ng masama Crizel. Kaya kong sirain silang dalawa, kaya kong sirain si Miran pero ginawa ko ba para lang sa lalake?!" Maluha luha niya rin akong tinignan, nakukuha at naiintindihan ang sinasabi ko.

"Nakita mo yung ginawa ko kay Laze? Yung konsensya dinala niya ng buong taon dahil nagahasa ako ng wala siyang nagawa! At sa tingin mo yung pagkagahasa sa akin ang naging sanhi ng nangyari sa akin?" Nakagat ko ang ibabang labi dahil humahangos na ako sa galit sa sarili.

"Crizel, hindi! Kundi yung binigay kong trauma sa tao, 'yon yung hindi ko makakaya! Yung mahirapan yung isang tao dahil sa akin, yung sisihin ng tao yung sarili niya dahil sa akin!" Humikbi ako nang maalala ko ang hitsura ni Laze ng mga pahanon na 'yon.

"H-Hindi ko na nga alam yung gagawin ko, hindi ko na alam kung papaano pa ako titigil sa imahinasyon kong baka nga ako yung gusto ng tao pero hindi eh!" Singhal ko sa harapan niya.

"Si Miran, si Miran yung gusto, yung isa sa importanteng tao para sa akin. Kaya sabihin mo anong gagawin ko? Para lang hindi ako matuluyan? Dapat ba awayin ko si Miran? Dapat ba isumpa at kasuklaman ko siya?" Kwestyon ko, tumatangis ngunit yumuko si Crizel at pinahid ang luha na tumutulo sa mukha ko.

Dahilan para mas maiyak ako, para akong isang punong baso na kaunting kalabit o galaw ay tutulo na. "Nababaliw na ako, hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isip ko, hindi ko na alam kung papaano ko kakalimutan yung sakit, kung kailan siya lilipas. Nahihirapan ako," humihikbing sabi ko na para bang nagsusumbong ako sa sarili kong nanay.

Hindi ko na alam.

///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top