Chapter 35

Chapter 35:

Hakuna Miran's Point of View.

Nang makarating sa condo ko ay si Crizel pa lang ang nandoon, malamang sa malamang ay magpapahangin muna si Janella, magpapakita sa amin na masaya siya kahit na ang totoo ay hindi.

Napaupo ako sa sofa at pumikit. "Napano ka?" Crizel asked, huminga ako ng malalim at nagkibit balikat.

"Hanapin natin yung lalake sa ball." Pabulong na sabi ko.

"Mare—"

"Siya na lang ang pag-asa ko, nalingat lang si Laze. Nasanay lang siya na ako yung nakakaunawa sa kaniya." Inabot ni Crizel ang pakwan at inabot sa akin.

"Sigurado ka diyan?"

"Oo," mahinahon kong sagot.

"Sure ka—"

"Crizel hanapin na lang natin 'yon, makikilala ko siya pag nagkaroon ulit ng masquerade party. Pag nangyari 'yon magpapakilala na ako," huminga ng malalim si Crizel sa gusto kong mangyari.

"Kailangan mo pang ipakulong yung stepfather mo, hindi na tama ang death threats na binibigay niya papaano kung totohanin niya?" Tanong ni Crizel.

"Hindi ko pa alam." Mahinang sabi ko.

"Sige, gagawa ako ng party for you. Makikilala mo ba siya?" Napalunok ako at huminga ng malalim.

"If he wears the same clothes and those gray contacts. I might." Napatitig sa akin si Crizel.

"Hindi ba si Laze 'yon?" Nangunot ang noo ko at umiling.

"Laze didn't participate at the intermission, hindi siya sumama sa practice natin. While that man joined and became my partner." Tumango siya at huminga ng malalim.

"Ako na bahala, ipopost ko sa group natin. Architect and engineering." Hindi na ako nagsalita at malalim na nag-isip.

Kalaunan ay biglang bumisita si mama sa condo at naaubutan niya ang mga kaibigan ko, "Magandang hapon po tita." Nahihiyang bati ni Crizel.

Napapansin ko naman na medyo nahihiya si Janella kay mama, "Magandang hapon po."

"Magandang hapon mga magagandang dalagita, maayos naman ba kayo rito?" Nakangiting kwestyon ni mama at ibinaba ang dala niya para sa amin.

"Spaghetti, at shanghai. Niluto ko 'yan dahil yung kapatid mo top 1 ngayong first grading nila." Napangiti ako.

"Matalino talaga 'yon mama, mana kay papa siguro—"

"Anak ka ng tatay mo, maasar." Natawa kaming lahat sa bawi niya kaya naman tinulungan namin siya ngunit bigla siyang natigil.

"Kayo ba'y hindi pa maayos sa mga magulang niyo?" Naitikom ko ang bibig dahil mukhang kinakausap niya si Janella.

"H-Hindi pa po." Sagot naman ni Janella.

"Alam mo 'neng, ang mga tatay talaga ay strikto. Mas mabuti ng strikto ang tatay mo kesa walang pakialam sa'yo. Ang mga magulang talaga ay naghihigpit sa mga anak nila dahil nag-aalala sila rito. Sana ay huwag niyong masamain kung kaming mga magulang kung minsan ay masakit magsalita." Napatitig ako kay mama sa aral na binibigay niya.

"Kahit na ganoon ay nakokonsensya kami sa mga nasasabi namin sa tuwing galit kami, panigurado ay nag-aalala na sa'yo ang ama mo. Hindi na kami bumabata hija." Naiintindihan ko ang punto ni mama sa totoo lang ngunit wala eh mahirap talaga ang sitwasyon.

"Mahal ka no'n." Nakangiting sabi pa ni mama.

"Si papa kaya mama, mahal ako?" Biglang sabi ko dahilan para matigilan siya.

"Oo naman, kahit pa hindi kayo nagkasama siguro ay hindi ka makakalimutan ng papa mo dahil mabuti siyang tao." Nakangiting sabi ni mama.

"Balikan niyo na mama," asar ko.

"Hindi ganoon kadali ang nangyari anak," matipid na sagot ni mama kaya tumigil na ako dahil sumeseryoso na ang tono ng pananalita niya.

"Oo nga pala, 'nak. 'Di ba hinihingi mo sa akin yung litrato niyo noong mga bata kayo? Dala ko na. Lagay mo sa frame dahil iniingatan ko 'to." Nakangiting sabi ni mama at inabot 'yon sa akin.

"Patingin mare," panchichika ni Crizel at nakangiting tinignan 'yon pero napansin ko bigla ang pagtataka sa mata niya.

"'Di ba—"

"Ang cute niyo naman," nakangiting sabi ni Janella at hinawakan ang litrato kaya napangiti ako.

"Ano 'yon Crizel?" Tanong ko, may sasabihin yata siya eh.

"'Di ba ikaw 'to?" Turo ni Crizel sa batang katabi ni Yamato at ng nakababatang kaibigan namin.

"Oo, ako nga." Sagot ko.

"Tapos itong isa sabi ni mama kababatang kaibigan ko raw. Ang ganda niya 'no?" Nakangiting sabi ko pa.

"O-Oo, hehehehe. Cute niyo," sangayon niya at tinitigan lalo ang litrato.

"Pero bakit may oxygen tank sa gilid? Mas asthma ka ba mare?" Tanong ni Crizel at itinuro 'yon na ngayon ko lang napansin sa litrato.

"Mama! Bakit may oxygen tank sa picture? May asthma ba ang isa sa amin?" Tanong ko habang nakangiti.

"Ah yung nakababatang kaibigan mo kasi may butas sa puso noong bata pa siya," napakurap ako sa sagot ni mama.

"B-Butas sa puso mama?"

"Oo anak." Sagot ni mama.

"B-Buhay pa kaya siya?" Bulong ko sa sarili at biglang nalungkot.

"Oo 'yan mare. Ikaw naman pinapatay mo na," pagbibiro ni Crizel kaya matipid akong ngumiti.

"Gusto ko siyang makilala ulit." Tumikhim lang si Crizel at alanganin na tumawa.

Mabilis naman na dumaan ang araw at habang tumatagal ay mas nalulungkot ako, lalo na para kay Janella. Habang naglalakad sa hallway ay nagulat ako ng may mukhang bumulaga sa harapan ko. "Y-Yuno." Gulat kong sambit sa pangalan niya.

"Hi." Nakangiting bati niya.

"Bakit?" Kwestyon ko kaagad, kinekwestyon ang presensya niya.

"Wala, wala kang kasama parati eh." Nakangiting sabi niya, natigilan ako ng akbayan niya not until I noticed that Laze was walking in front of us, napalunok ako.

"I know what you're planning to do," bulong ni Yuno at mas hinapit ako dahilan para manuyo ang lalamunan ko dahil sa blangkong titig ni Laze.

Ngunit bago pa man namin siya lampasan ay pinigil niya ako matapos hawakan sa pulsuhan. "I can't stand this," mahinang sabi niya ngunit mabilis na inalis ni Yuno ang pagkakahawak ni Laze sa akin.

"Mind if you don't touch my girl?" Napatitig ako kay Yuno ngunit pabor ako sa ginagawa niya.

"Your girl?" Sumbat ni Laze.

"Yeah, her." Yuno stated, and pulled me closer.

"Why? Do you claim yourself to be the man at the college night to be his man?" Napatitig ako ng mabakasan ng sarkasmo ang tinig ni Laze, blankly staring at Yuno.

Pero nanatili lang na nakatitig si Yuno at bahagya pang gumilid ang ulo na para bang pinagmamasdan niya si Laze. "Why?" Balik tanong ni Yuno.

"You're afraid that I am that man?" Dagdag niya kaya napalunok ako.

"Quit playin' games with me," nagulat ako ng abutin ni Laze ang kwelyuhan ni Yuno dahilan para kabahan ako.

"Laze." Gitil ko at hinawakan ang pulsuhan niya, isang kamay lang ang gamit niya ngunit malakas siya.

"Tumigil ka Laze," mahinang sabi ko dahilan para sandali niya akong sulyapan at muling titigan si Yuno tapos ay bitiwan.

"Don't treat me this way, Hakuna. I-I'm begging," nang sabihin 'yon ni Laze at maingat na kinuha ang kamay ko at pakiramdam ko manghihina ang tuhod ko. Ang mga tingin niya ay hindi tulad ng dati dahil nararamdaman ko ang nararamdaman niya ngayon.

"L-Laze." Nanlulumo kong sambit sa pangalan niya at bumunrong hininga.

"Let's just be friends, please." Mahinang pakiusap ko.

"I can't just ruin our friendship, si Janella na lang. Si Janella na lang kasi nauna mo naman siyang ginusto." Mahinang pakiusap ko.

"Okay?" Hindi naalis ang titig niya sa akin at tsaka siya napakurap lang.

"I'm not gonna give up yet," mahinang sabi niya bago dahan dahan na binitiwan ang kamay ko at muling sinulyapan si Yuno bago siya muling maglakad papalayo.

"Hatid na kita sa room niyo," mahinang sabi ni Yuno kaya nanlulumo akong sumunod.

"Nasasaktan ka kasi nasasaktan mo siya?" Natigilan ako at napatitig kay Yuno, huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti.

"Kalmahan niyo lang, mga bata pa kayo. Hindi pa naman masasabi kung kanino kayo babagsak sa huli." Sa iwinika niya ay umaasa ako, sana nga ganoon na lang.

Sana ganoon ang mangyari, hindi pa naman katapusan ng mundo para magka-gulo ang lahat. Nang makapasok sa room ay natigilan ako ng makita si Laze na nakatutok lamang sa libro niya.

Habang si Crizel ay tahimik na sinenyasan akong lumapit kaya naupo ako sa dati kong upuan ng walang ano-ano na sinasabi kay Laze kahit pa magkatabi lang ang upuan namin.

Dumaan ang oras at break time na kaya ibinalik ko sa bag ko yung mga ginamit kong pens, marker and pencil I was about to close my bag but then Laze grabbed my hand that made me glance at him in the midst of a shame.

"I'll grant you your birthday wish," matipid niyang sabi habang nakatitig ang blangko niyang mata sa akin. Napakalamig no'n at dama ko na may sama siya ng loob sa akin.

"W-What wish?" Nagtatakang sabi ko, pero binitiwan niya na ang kamay ko at sinuot ang bag niya.

Umawang ang labi ko ng maglakad na siya papaalis, "Woah, kakausapin niya ako tapos aalis na lang siya basta basta matapos bigyan ako ng isipin?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Grabe." Nakagat ko ang ibabang labi sa inis.

"Gusto ka naman pala no'n, 'di mo palagan?" Kwestyon ni Crizel.

"Paano si Janella? Respeto na lang sa nararamdaman niya. Nalito lang 'yon si Laze." Paglilinaw ko, nagkibit balikat si Crizel at inaya na ako lumabas. Dumeretso kami sa cafeteria ngunit hindi namin nakita sa upuan namin si Janella.

"Maayos pa sila," wika ko.

"Masyado ka ng mabait mare, dapat nga ay iniisip mo rin ang sariling ikakasaya mo. Dapat nga ay natutuwa ka na ginusto ka ng taong gusto mo." Pagsasabi ng totoo ni Crizel kaya lang hindi ako gaanon na klase ng tao.

Tahimik lang kami na kumain, habang kumakain ay napansin ko naman si Laze na nakaupo sa isang silya, tahimik at kaharap lamang ang kinakain niya ni lingon o ano man ay wala.

Bumuntong hininga ako dahil aminin ko man o itanggi ay nakokonsensya ako sa ginagawa sa kaniya, naglapat ang labi ko ng biglaan ay may lalakeng humampas sa ulo niya ng isang chocolate milk na nasa-pack.

Pumutok 'yon sa ulo niya dahilan para matigilan siya, nagigitla kong pinanood kung papaano tumulo ang inumin na 'yon sa buhok niya pababa sa suot niyang uniform. Ni hindi pa nga siya makagalaw.

A-Anong nangyayari?

"Hala mare," gulat na sabi rin ni Crizel.

"Gago 'yon ah." Hindi makapaniwalang sabi ni Crizel at pinanood rin kung paano ang magiging tugon ni Laze.

"Nakakaastig ba sa'yo?" Nangunot ang noo ko sa galit na sigaw ng lalakeng gumawa no'n sa kaniya.

"Nakakaastig ba sa'yong hindi magpakita ng emosyon!?" Nakagat ko ang ibabang labi ng mabanggit ang kalagayan ni Laze.

"Tangina mong robot ka! Sumagot ka! Harapin mo ako!" Sigaw muli ng
lalake ngunit si Laze at nanatiling hawak ang kutsara niya ngunit nang panoorin ko kung gaano karumi ang hitsura niya ngayon ay gusto kong magalit.

"Sino ka ba para bastusin ako! Patas tayo rito! Nag babayad ang magulang ko tapos bawal ka kutsain kung kailan namin gusto!?" Hindi ko alam ang nangyari ngunit hindi tama na ganyan ang gawin sa kaniya.

Nang ibaba ni Laze ang utensils ay tumunog 'yon at 'yon pa lamang ay pinakakabog na ng todo ang puso ko. "L-Laze." Mahinang sambit ko sa pangalan niya, "Mare anong gagawin natin? Tutulong tayo?" Kwestyon ni Crizel.

"Mare!" Pabulong niyang bulyaw.

"S-Siguro," naguguluhan kong sagot at sa susunod na pagkakataon na may ihahampas na naman yung lalake na 'yon ay sumigaw si Crizel.

"Hoy!" Sigaw ni Crizel.

"Subukan mong makialam rito, madadamay ka rin!" Balik sigaw ng lalake kay Crizel kaya kinakabahan kong pinanood kung papaano huminga ng malalim si Laze at dahil sa pag-usod ng upuan niya ay gumawa 'yon ng tunog sa tahimik na cafeteria dahil intense.

"Tigilan niyo na nga 'yan! Kung may problema kayo idaan niyo sa d-dean." Pilit nilakasan ni Crizel ang loob niya pero lumapit yung lalake at nagulat ako ng parehas niya kaming sabunutan.

"Ano ba!" Reklamo ni Crizel.

"'Di ba sabi ko huwag kayo makialam?!" Gitil ng lalake kaya masama ko siyang tinitigan.

"Sa ugali ka na nga lang babawi, hindi mo pa magawa." Pilit kong inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa buhok ko ngunit tinawanan niya ang sinabi ko at mas diniinan ang paghawak sa buhok ko.

"Ayaw mong bitiwan?!" Galit na sigaw ko.

"Sabi ng bitiwan—"

"Let go of them," nang marinig ang tinig ni Laze na hindi ko alam kung galit ba o walang pakialam ay ang mahalaga ay yung sinambit niya. "Nagsalita ka rin, alin ba sa mga 'to ang kahinaan mo?" Kwestyon ng lalake hindi mabitiwan ang buhok namin.

"Sabi ng bitiwan mo kami eh!" Sigaw ni Crizel at nanlaki ang mata ko ng sabunutan niya ang lalake kaya wala akong nagawa kundi maki-sabunot.

"Tangin-tangina!" Sigaw ng lalake ay binitiwan kami kaya naman nang galit niya na kaming sugurin ay mabilis na hinablot ni Laze ang kwelyuhan no'n at halos mapalunok ako ng blangkong titigan ni Laze yung lalake na 'yon na para bang sobrang gaan nito.

"I don't mind you hurting me, but putting a mess in my clothes. I can't forgive you for that," natakpan ko ang bibig ng gamit niya ang isang kamay ay pahagis niyang binitiwan yung lalake na 'yon na tumama ang likod sa mga mesa.

"Gago ka ha!" Sigaw ng lalake at pinilit tumayo pero mabilis kong hinawakan ang braso ni Laze ng hindi ko man lang siya makitaan ng hesitasyon na sipain yung mukha ng lalake.

"Tama na," awat ko.

"Laze, mali yung gagawin mo." Paalala ko at dahil doon ay bahagya siyang natigil at umatras, dahan dahan kong bitiwan ang braso niya at umatras rin.

"You're lucky," wika ni Laze at galit na inabot ang bag niya at tsaka derederetsong lumabas ng cafeteria.

"Jeez, I forgot that it's Laze. H-He even hates a dust!" Bulong ni Crizel at tinangay ako papaalis dahil baka kami ang pag-initan no'n.

"He hates dust?" Gulat na tanong ko, sino ba may gusto sa alikabok?

Common sense..

"Gaga! Tagal mo na nakakasama, ayaw no'n sa rumi. Pag marumi ka hindi ka hahawakan no'n kahit mga malinis ka eh. Hindi mo ba napansin kung gaano siya kalinis sa sarili pati na sa aso niya? Jusko mare. Bugok ka naman, hindi ka observative." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Wala namang word na observative." Paglilinaw ko.

"Ay tse, huwag mo 'ko kausapin." Inis na sabi niya kaya napailing iling ako.

Naalala ko naman na ayaw niya ipahawak si Bullet sa akin ng nadapa ako.

Bumalik na kami sa classroom, nagsimula ang klase ng wala si Laze ngunit makalipas ang sampung minuto ay nahuli siya sa klase ngunit nakita ko na basa pa ang buhok niya at naka-suot na siya ngayon ng PE uniform namin.

Ang fresh at ang gwapo niya tignan— Hakuna Miran naman..

"Mr.Garcia—"

"I got in a little accident, that's why I took a bath because I was dirty sir." Walang emosyon niyang sagot kaya alanganin na napakamot si sir sa gilid ng kilay niya at tumango na lang.

Nang nasa harapan ko na si Laze ay mabilis kong naamoy kaagad ang damit niya, ang bango. Bahagya akong umusad paatras upang makadaan siya. Napausad ako sa sariling upuan ko ng magsagi ang dalawang braso namin ng makaupo siya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko, mabilis na natapos ang klase at dahil naunang umalis si Crizel ay hindi ko mapigilan na mag-alala kay Laze. Nauna siyang tumayo kaya ng malakas siya ay mabilis akong sumunod at nang mapansin niya ako ay napansin ko na bahagya niyang binagalan ang paglalakad.

"O-Okay ka lang?" Pinilit kong huwag mautal at dahil sa tanong ko ay hinarap niya ako at tinitigan. "Why?" Nangunot ang noo ko sa kanyang tanong, hindi ba dapat ay oo at hindi ang sagot doon?

"A-Anong why?" Naguguluhan na tanong ko.

"Why bother worrying if you don't like me?" Naitikom ko ang bibig ng malumanay niyang sabihin 'yon habang malamya ang pagkakatitig sa akin, hindi ko alam ang isasagot. "Stop giving me false hopes, Hakuna Miran." He stated, staring at my eyes but then it felt awkward when his gaze were on my lips and then he looked away.

Pinaaalala niya na naman sa akin ang ginawa niya! Nakakahiya.

"P-Pwede n-namang mag-alala sa k-kaibigan," napaiwas tingin ako ng maraming beses akong mautal. Shuta ka nakakahiya ka Hakuna Miran.

"I don't like you to be my friend, since the beginning." Umawang ang labi ko ng parehas niyang ibulsa ang kamay sa suot na jogging pants at sulyapan ako bago umalis kaya naman inis kong sinamaan ng tingin ang likod niya.

Ang arte, nag-aalala lang!

Habang nasa condo ay wala pa si Janella kaya naman pinanonood ko si Crizel na ayusin ang mga gamit nila dahil makakabalik na sila sa condo nila bagay na ikinalulungkot ko dahil mas masaya nang nandito pa sila.

"Mare," nanlulumo kong tawag sa kaniya.

"Huwag na muna kayo umalis," nakangusong sabi ko.

"Mare, hayaan mo pag maayos na lahat magsasama sama naman tayo ulit eh. Bigyan mo lang ng sapat na panahon si Janella," alanganin na sabi ni Crizel habang nakabukas ang maleta niya sa harapan niya.

"Mare.."

"Oh ayan tignan mo na yung photo album ko ng bata ako, huwag mo lalaitin sa'yo ko lang ipapakita 'yan ah." Dahil sa sinabi ni Crizel ay napangiti ako.

"Talaga ba? Patingin!" Tila napipilitan pa siya na ipakita ang photo album niya kaya natawa ako.

"Bungi kasi ako noon mare, pag tumawa ka automatic sakal." Nakagat ko ang ibabang labi dahil pagkabukas ko ng album ay bungi talaga ang batang babae na nakaipit habang may yakap na doll.

"Mare sige tumawa ka," banta niya kaya pilit kong ginawang seryoso ang mukha ko habang nasa harapan niya at inililipat ang album.

Inaayos niya naman ang gamit niya ngunit natigilan ako ng nasa gitna ay nakita ko ang pamilyar na bata, natulala ako at tinignan si Crizel. "'D-Di ba yung bata na 'to yung nakababata ko?" Itinuro ko ang batang kayakap ni Crizel na may nakasuot pang oxygen sa kanyang ilong.

"H-Huh?" Gulat na sabi ni Crizel at mabilis na inagaw ang album.

"Shit." Ang reaksyon niya ay hindi ko maintindihan.

"A-Anong ibig sabihin nito C-Crizel?" Hindi makapaniwalang sabi ko, hindi ko maunawaan ngunit mas naging payat ang nakababata ko sa picture.

"M-Mare ano kasi—"

"Sino 'yang bata na 'yan Crizel? Bakit may litrato rin kayong dal'wa? Kilala mo ba ako? Alam mo na ba nang nakita mo 'yang bata na 'yan na kasama ko?" Balisa siyang nakatitig sa akin, hindi alam ang sasabihin.

"M-Mare kasi ano eh, h-hindi ko alam yung dahilan pero kasi—"

"Sino yung bata na 'yan? Nasaan na siya ngayon?" Derederetso kong tanong, nasapo ni Crizel ang noo at huminga ng malalim.

"S-Si Janella." Nang sabihin niya 'yon ay natulala ako sa mukha ni Crizel, hindi ako mapaniwala.

S-Si Janella ang nakababatang kaibigan ko noon? S-Siya?

///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top