Chapter 32

Chapter 32:

Hakuna Miran's Point of View.

Mabilis na lumipas ang linggo at ngayon ay abala na naman kami sa paghabol sa deadlines, lalo na ako dahil may na-miss ako dahil na-excuse ako kasi sa nangyari sa akin. Ngayon ay magkakasama kaming kumakain nila Janella at Crizel.

"Sabihin mo ten times yung word na father," utos ni Crizel kaya naman napaisip ako at sinunod namin siya ni Janella.

"Father, father, father, father, father, father, father, father, father, father.." Sabay naming sabi.

"Anong english ng pari?" Napalunok ako at nag-isip.

"Father." Sagot naman ni Janella, nag-aalangan.

"Father." Sagot ko rin.

"Mali."

"Tanga, father 'yon. Kaya nga pag magsisimba tatawagin natin silang father." Explain pa ni Janella kaya mas napaisip ako, father naman talaga 'di ba?

"Mga gaga, anong father. Priest ang english ng pari," bigla ay na-realize namin kaya natawa na lang kami.

"Nan-tanga pa 'to," hinampas ni Crizel si Janella kaya matapos kumain ay naghiwalay na kami.

Pumasok na ako sa klase kasama si Crizel, bahagya pa nga akong inaantok dahil ilang araw na akong puyat kakagawa sa pinagagawa ni sir. Binuklat ko naman ang libro ko at bahagyang yumuko doon ngunit natigilan ako ng may mahinang tumapik sa balikat ko kaya nilingon ko si Laze.

"Bakit?"

"Be my partner." Nangunot ang noo ko at tinitigan siya.

"Saan?" Kwestyon ko.

"Wala namang—"

"See, you're lacking. Hindi ka nakikinig." Umawang ang labi ko sa sinabi niya, "P-Parang wala naman kasi t-talaga," pabulong kong sabi at umiwas tingin.

"Si Crizel na partner ko—"

"Luh mare, na-taken na ako. Sabi kasi ni Laze kayo partner," naguguluhan na sabi ni Crizel kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ano ba 'yan," bulong ko.

"Ah so you're avoiding me?" Blangko man ang tingin niya ay pakiramdam ko naasar ako sa sinasabi niya, may ah pa eh akala mo namimikon 'tong mannequin na 'to amputi puti.

"Hindeeeeeeee," mahabang sagot ko at hindi na siya pinansin.

Matapos ang klase ay napayuko ako sa sariling mesa, naipon sa utak ko yung inaral namin ngayon. Halos lahat ng laman ng isip ko ay mga inaral namin, inayos ko na ang gamit ko at tumayo.

"Crizel tara na—"

"I'll join you both," biglang singit ni Laze kaya ngumiwi ako at pasimpleng napairap.

"Nasa cafeteria na si Janella," wika ko matapos ma-receieve ang text niya, pumunta kami doon at ng makarating ay natigilan ako ng may kasama si Janella na naka-uniform rin at lalake.

Mukhang iba ang course niya, napatingin naman yung lalake kaagad sa akin at ngumiti. "Good morning," mahinang bati niya kaya nangunot ang noo ko.

"H-Hello po," bati ko.

"Uy pogi," bulong ni Crizel.

Nakasunod sa likod namin si Laze, sabi niya punta lang siya sandali sa washroom. "Pakilala mo," mahinang senyas ni Crizel kay Janella.

"Yuno Marshall," natigilan ako ng ilahad niya ang palad sa harapan ko pero mabilis na kinuha 'yon ni Crizel.

"Crizel, pinsan ni Janella." Nakangiting pakilala ni Crizel kaya mahina akong natawa.

Nakakita na naman ng pogi ang gaga.

"Ah nice to meet you, actually kilala na kita." Alanganin na ngumiti si Yuno at dahil doon ay napataas ang kilay ni Crizel at napangisi na lang.

"Syempre medyo famous ako—"

"Ikaw si Hakuna Miran?" Natigilan ako ng banggitin ni Yuno ang buong pangalan ko kaya wala akong nagawa kundi tumango at abutin ang kamay niya.

"Nice to meet you po." Nahihiyang sabi ko.

Ngunit muli siyang ngumiti sa akin at dahil doon ay nasamid ako lalo na ng may kaparehas siya ng ngiti, bigla ay napakurap kurap ako dahil medyo pamilyar talaga siya sa akin.

Nahihiya akong bumalik sa pagkakaupo kakaisip kung sino siya, hindi kaya siya yung— hala!

Napaiwas tingin ako ng magtama muli ang mata namin, nang dumating si Laze ay bahagya pa siyang natigilan. "I remember at the ball, sumakit yung mata ko sa contacts kaya nag-alis ako sandali pero—"

"No one's asking," nanlaki ang mata ko sa pagsingit ni Laze habang nagsasalita si Yuno.

"Ah yeah," sangayon na lang ni Yuno at tinitigan si Laze.

Nakagat ko ang ibabang labi ng mapatingin na naman sa akin si Yuno at ngumiti bago tumingin sa iba kaya napuno ako ng pagtataka. What the hell?

Nang dumating ang pagkain ay naging awkward ang hangin dahil kay Laze at Yuno. "Anong course mo pala?" Nakangiting tanong ni Crizel kay Yuno.

"Ah Mechanical Engineering." Nang marinig na kasama siya sa engineering ay bahagya akong kinabahan, baka siya nga?

"So kasama ka sa performance? Noong intermission number sa ball?" Dahan dahan na tumango si Yuno kaya napalunok ako at malalim na nag-isip.

Baka kaya pamilyar siya?

Napatitig ako sa body built niya at agad na umiwas tingin ng parati siyang tumitingin sa akin, "We're you wearing a necklace back then?" Mahinang tanong ko, nahihiya.

"Why do you ask? You think we've met that night?" Nang ngumisi siya ay natuyo ng todo ang lalamunan ko, alanganin na tumawa at nagkibit balikat.

"N-Natanong ko lang," nakagat ko ang ibabang labi sa hiya.

Mukhang alam niya, kung siya man yung lalake na 'yon mukhang alam niya kung sino ako ngayon. "You're 17 right? Still a minor?" Nakakahiya man ay tumango ako.

"Janella, pahiram ako notes mo mamaya." Biglang sabi ni Yuno kay Janella.

"Sure, bigay ko na lang sa'yo mamaya." Sambit ni Janella at dahil doon ay sinulyapan ko si Laze na tahimik lang habang umiinom.

Matapos kumain ay tumayo na ako pero biglang tumikhim si Yuno kaya napatingin ako sa kanya kaagad pero ngumiti na naman siya dahilan para mapaiwas tingin ako, siya ba talaga?

"I've seen you somewhere," napapaisip niyang sabi dahilan para matigilan sila Laze, Janella at Crizel habang nakatingin kay Yuno.

"Ako?" Tanong ko habang nakaturo sa sarili.

"Hmm, yeah." Awtomatiko ko naman siyang tinitigan, ako rin naman.

"You might, let's go." Halos mahawakan ko ang sariling bag ng hilain 'yon ni Laze habang nakasuot sa akin.

"We'll go first, she's my partner." Paalam ni Laze kaya inabot ko ang kamay niyang nakahawak at pinalo palo 'yon.

"Ano ba! L-Laze!" Gigil na reklamo ko pero hindi siya tumigil, narinig ko pa ang tawa ni Crizel.

Nang bitiwan niya ako ay hinampas ko siya sa likod pero agad kong narinig ang daing niya kaya nagulat ako. "Hala! Sorry, n-napalakas ba?" Nag-aalalang sabi ko ngunit ang blangko niyang tingin ay umiwas tingin lang.

"You're so hard on me, that's why I don't want to be friends with you at first." Natigilan ako at napanguso.

"You're taking me for granted," napailing iling pa siya na para bang dismayadong dismayado siya sa akin.

Si Yuno kaya yung lalakeng 'yon?

Nang makalabas ng school ay halos humiwalay ang kaluluwa ko ng may magsalita ng gilid ko na matangkad rin, "Yuno." Mahinang sambit ko sa pangalan niya.

Nagkatinginan naman sila ni Laze. "Hi," bati ni Yuno sa akin ay ibinulsa ang kamay sa slacks niya.

"Are you guys friends or lovers?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Yuno.

"Friends." Mabilis na sagot ko.

"Alam mo namang si Janella ang ano niyan," bulong ko pa at inayos ang buhok.

"Ah really?" Pabulong niya rin na tugon kaya bahagya akong nahiya.

Matangkad siya at may magandang pormahan, itim rin ang buhok niya ay bahagyang maputi rin, may matangos na ilong at manipis na labi. Kaya hindi ko maalis sa isip ko ang ngiti siya at yung lalake sa ball.

"Let's go, we'll use my car." Muling hinila ni Laze ang likod ng bag ko kaya napanguso ako at kinawayan na lang si Yuno na nakangiti.

Nang makasakay sa sasakyan niya ay napanguso ako. "Seatbelt," senyas niya tapos pinainit muna yung sasakyan niya bago binuksan ang aircon.

"Buy the materials," tumango ako sa malamig niyang tinig.

"Pinagseselosan mo ba si Yuno?" Kwestyon ko kay Laze dahilan para nagitla siyang lingunin ako.

"Selos?"

"Selos, nagseselos, jealous?" Bahagyang umawang ang labi niya at halos mapatili ako ng mabilis niyang paandarin yung sasakyan niya.

"Hoy!"

"Halaaaaaaaaa!"

"Shhh." Reklamo niya at lumiko na papunta sa mall.

"Nagseselos ka yata kasi magkasama sila ni Janella eh, hindi mo man lang pinansin si Janella." Nakangiwing sabi ko.

"I don't have anything to say," wika niya at bahagyang binagalan ang pagpapatakbo.

"Kahit na, if you like someone you'll do everything to talk to her or have a time with her." Pagdadahilan ko pa, hindi niya na ako pinansin at ng makababa sa mall ay pinatunog niya pa muli.

Habang naglalakad ay wallet na lang ang dala ko, "Eto na naman sa projects, simot sweldo." Reklamo ko at sinalubong ang malakas na buga ng aircon bago kami dumaan sa guard sa entrance.

"You have work?" Kwestyon ni Laze.

"Yup, wait mo na lang ako or gawin mo na tapos yung matitira sa akin na." Suhestyon ko habang naglalakad, kumuha naman siya ng basket hawak niya 'yon at dahil doon ay masasabi kong maganda ang kamay niya kahit pa payat 'yon ay makikita mo ang ugat at mga bakat ng buto ng daliri niya.

Iniiwas ko na ang tingin doon, nang makuha ang nga kailangan namin ay nag-insist akong bayaran ang mga 'yon. "Ako na ah, may utang pa nga ako sa'yo eh. Hindi pa bayad," natatawang sabi ko at inabot ang card ko kay ateng cashier.

"You're loud." Sa sinabi niya ay nalingon ko siya kaagad habang nakangiwi.

"Ikaw ng tahimik, mapapanis ang laway sayang." Pailing iling kong sabi pero ipinatong niya lang ang palad sa tuktok ng ulo ko at bahagyang ginulo 'yon.

"Laze." Reklamo ko at iniiwas ang ulo ko, nagulo tuloy buhok ko.

Binuhat niya 'yon at tsaka ko siya sinabayan maglakad. "Oo nga pala yung kinain natin sa architectural trip, ano lasa?" Kwestyon ko.

Natigilan siya at tinitigan ako. "I didn't ask you to pay," wika niya kaya nangunot ang noo ko, "A-Anong connect?" Nagtataka kong sabi.

"I told you that you'll be the one to pay if it doesn't taste good for me, I didn't ask you to pay so it means it's good for me." Napatango tango ako at ngumiti.

"Syempre, masarap talaga 'yon." Nakangiting sabi ko pa at naglakad na.

"Do I even have to talk a lot for you," bulong niya kaya nangunot lalo ang noo ko.

"Ha?" Nangunot ang noo niya at umiling na lang, bumalik na kami sa parking lot. Maingat niya naman na inilagay ang gamit sa mismong likuran ng sasakyan kaya nang makasakay ay isinuot ko na ang seatbelt ko.

Pero nang masuot niya ang seatbelt niya ay kinuha niya ang cellphone niyang tumutunog. "Yes, Jami?" Panimula niya, napangiti ako dahil imagine may kuya kang maasahan sa kahit saan.

"You need what?" Parang naguluhan pa si Laze dahil kahit na nasa manibela ang isang kamay niya ay nakatulala lang siya sa harapan.

"Blood? What blood?" Nalilitong sabi ni Laze kaya nag-alala na ako bigla.

"I don't understand," wika ni Laze at nalingon ako.

"There's a blood in where? What is it doing there?" Nakurap ako habang nakatitig kay Laze na bahagya pang nakaawang ang labi na parang ang lalim ng iniintindi niya.

"Does it hurt? Does it have wound?" Mas nagtaka ako sa tanong niya.

"Damn, I don't get it. W-What will I g-get— Liezel Jami." Parang nadismaya si Laze at tinignan ang cellphone niya mukhang pinatayan siya ni Jami ng call.

"Girls are really weird." Reklamo niya kaya napalunok ako.

"Ano raw ba 'yon?" Takang tanong ko.

"She's asking me to get a pad, what pad? Pad of paper? Pad of wood? Pad of bandages? I'm asking if there's a wound she answered me none and it's bleeding too much." Napakurap ako, tinitigan lang ang mukha niya.

"Masakit ba yung tyan niya?" Nag-aalala na tanong ko.

"Yes, and her lower back." Nang sumagot si Laze ay nasapo ko ang noo.

"It's the monthly visitor, yung menstruation. Pinag-aralan 'yon sa science bakit hindi mo alam, hindi ka nag-aral mabuti 'no?" Napatitig siya sa akin at tsaka umiwas tingin.

"T-Then she have it already? She's just 13." Hindi makapaniwalang sabi ni Laze kaya natawa ako.

"Tumigil tayo sa pharmacy, may pads doon." Suhestyon ko na agaran niya naman na sinunod.

At dahil hindi niya alam ay tinuruan ko siyang bumili. "Sabihin mo, sanitary napkin with wings." Bulong ko pa habang nasa gilid niya ako, bahagya siyang yumuko ng sulyapan ako.

"Tapos bilhan mo rin siya no'n, yung disposable underwear, pati na yung wipes." Sinunod niya naman ako bagay na nakakatuwa, nang sabihin niya 'yon ay nagulat pa yung nagbebenta pero ibinigay niya rin. Inayos ko 'yon sa loob ng paper bag at tsaka kami pumunta kay Jami.

"Magiging masakit 'yon kasi first time, magpahinga muna siya, huwag magbuhat ng mabigat." Tumango si Laze at nang mai-abot ko kay Jami 'yon ay nagpasalamat siya.

"Thank you ate," ngumiti ako at tumango.

"Been there," nahihiyang sabi ko.

"Si Kuya kasi ang slow." Reklamo niya at dahil doon ay hindi na umimik si Laze.

"Dapat ba ate sabihin ko pa na dumudugo yung ano ko, ang weird kaya no'n." Natawa ako ng mahina sa sinabi niya.

"Pahinga ka muna sa clinic." Nag-paalam ito at bigla ay napansin ko ang kulay gray-blue na ibon na pumatong sa balikat niya.

"S-Sa kaniya 'yon?" Tanong ko tinuturo yung yung ibon.

"Ah yeah, her friend since she was three." Nanlaki ang mata ko, ibig sabihin 10 years old na yung ibon na 'yon?!

"Woah, si Bullet?" Tanong ko bigla.

"He's studying." Sa sagot ni Laze ay nanlaki ang mata ko.

"Joke ba 'yan?"

"He's studying, seriously." Napalunok na lang ako sa sinabi ni Laze, mukhang wala ngang biro.

Pumasok na ako sa work ko at si Laze naman ay may iba pang pinuntahan, babalik na lang raw siya mamayang out ko. Pagkatapos ko mag-trabaho ay mag-text sa akin si Crizel.

From Crizel:

Good afternoon mare, out muna ako sa condo mo. Doon kami sa bahay ng partner ko gagawa, si Janella naman kasama niya partner niya sa condo mo. Ipinapaalam niya na rin hehehehe, pag hindi raw okay lipat na lang raw sila ng cafe. Ingat!

Napangiti ako at inalis na ang apron ko, lumabas na rin ako ng cafe sakto namang katitigil lang ng sasakyan ni Laze kaya sumakay na ako. Nang nasa condo ko na ay tinulungan ko siya sa ibang buhatin bago ako nanguna sa condo.

Mabilis ko naman na nabuksan yung condo at nang makapasok ay nakita ko kaagad si Janella sa sofa. "Mare, May delivery for you. Ipinasok ko na," nakangiting sabi niya at nagtanguan sila ni Laze.

"Ay kanino galing?" Tanong ko.

"Discreet package mare," sagot niya at inayos yung nasa mesa.

"Sa dining na lang kami gagawa mare," paalam niya.

"Sure mare—"

"Oh, you're here." Natigilan ako ng marinig ang pamilyar na boses ng lalake at nanlaki ang mata ko ng makita si Yuno na mukhang kagagaling ng banyo.

"So?" Tugon ni Laze kaya mahina ko siyang nasipa sa paa.

"Hi." Bati ni Yuno at kumaway kay Laze, napailing na lang ako at tinangay ang may kalakihang karton sa kama ko at doon binuksan.

"K-Kanino galing 'to?" Nanlalaki ang mga mata kong tanong.

Mahal 'to ah.

"Anong meron mare?" Lumapit si Janella at nakisilip.

"AD The Original Chartpak Markers," pagbasa ni Janella.

"Maganda 'to mare," napakurap ako.

"S-Sino kayang sender?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"My dream marker pens." Nayakap ko 'yon sa tuwa.

"Whoever the sender is mare, I'm sure he/she knows how much you deserve it." Nakangiting sabi niya at inayos pa ang buhok ko.

"Enjoy mare," paalam ni Janella.

Ngunit sa ilalim no'n ay inabot ko ang note.

I'm very fond of you, Hakuna Miran. Reach your dream.

Napakurap ako sa sulat, sino kayang sender? Huminga ako ng malalim at bumalik na sa sala ngunit napaupo si Yuno sa single sofa kaya napalunok ako dahil nakatingin siya sa akin ngayon. "Bakit?" Kwestyon ko.

Ngumiti siya at umiling, "Anong sisimulan natin?" Kwestyon ko kay Laze, inabot niya sa akin ang isang board. "Color this, using those alcohol markers." Sinunod ko naman siya at sa carpet ako naupo.

"Yuno, simulan mo na 'to." Tumayo naman siya kaya hindi ko na gaano pinansin. Sinulyapan ko naman si Laze pero magkahawak ang kamay niya habang blangko na nakatingin kay Yuno.

Nagseselos kaya siya sa dalawa?

"Nagseselos ka sa kanila 'no?" Bulong ko kay Laze at bahagyang umusod sa gilid niya para ma-chika ko siya.

"Nonsense." Mahinang sagot niya.

"Bili na muna ako ng dinner natin," paalam ko sa kanila at tsaka inabot kay Laze ang layout.

"Hakun—"

"I'll join you then," biglang sabi ni Yuno at tumayo.

Napalunok ako at nasulyapan si Laze at Janella. So they could talk? Sure..

"Tara." Anyaya ko at inabot ang wallet ko, tapos tumayo na.

Sinabayan ako ni Yuno maglakad papalabas ng condo at habang naglalakad ay bahagya akong nahiya. "I know one of your secret." Nang bigla niyang sabihin 'yon ay nanlaki ang mata ko.

"A-Ano?"

"H-Hindi naman ako nagsabi ng sikreto ah.." Nag-aalangan na sabi ko.

"Sure ka?" Kwestyon niya pa.

Nang ngumisi siya ay lumabas ang dimple niya dahilan para mapalunok ako at mapaiwas tingin. Siya ba talaga 'yon?!

"Sure ka na diyan?" Napakurap kurap akong tinitigan siya pero tumawa siya at tsaka ipinatong ang palad sa tuktok ng ulo ko dahilan para matulala ako sa kanya.

Siya nga..

///

@/n: Any thoughts? Chill muna kayo for now ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top