Chapter 29
Chapter 29:
Hakuna Miran's Point of View.
Hindi ko magawang harapin si Laze sa hiya, ngunit dahan dahan akong lumingon at nakita ko lang siyang nakatitig sa akin. "A-Ano?" Nahihiyang tanong ko.
"Tapos na ako!" Nang sumingit si Crizel ay hindi na kami nakapag-usap, bumalik naman na kami sa kwarto namin at nagpatuyo ng buhok gamit ang fan dito sa kwarto, habang si Laze ay towel lamang ang gamit dahil hindi naman mahaba ang buhok niya.
Pagkatapos no'n ay tinuloy namin ang model. Nang maunang makatulog si Crizel ay inayos ko ang pagkakakumot sa kanya dahil nasa paanan niya na yung kumot, bumalik ako sa harap ni Laze.
"I wanted to see the tree." Sa biglang sinabi niya ay nangunot ang noo ko, mukhang hindi naman siya nagbibiro.
"B-Bakit?"
"Let's go, I need to see it's land." Wala akong nagawa kundi sundan siya papalabas at makikita ko na may mga students pa na nag-uusap at nakapalibot sa apoy na para bang nasa camp site sila.
Tahimik lang si Laze at ginamit na flash light ang cellphone niya sa daan ngunit masasabi ko naman na may ilaw sa paligid kulay dilaw yata 'to o orange. Nang nasa harap na ng puno ay napalunok ako at hindi lumayo kay Laze.
"Meow~"
"AYYY!" Napatili ako at napatalon sa tabi ni Laze, ang tibok ng puso ko ay kulang na lang tumigil na dahil sa gulat ko sa pusa na malaki mukhang alaga dahil mataba siya.
"Poor kitten, how could you shout Hakuna." Ngumuso ako at ng mapansin na nakahawak ako sa bandang bewang ni Laze ay mabilis akong napabitaw ngunit sa biglaang bitaw ko ay nawala ako sa balanse at dahil doon ay madudulas na sana ako ngunit naagapan kaagad ni Laze ang braso ko.
"You're so— let's go back." Halatang iritable siya at itinayo ako ng maayos bago naglakad na muli kaya napanguso ako.
"Laze." Habol ko at pasimpleng kumapit sa laylayan ng shirt niya sa likuran niya pero natigilan siya at nakakunot ang noong nilingon ako.
"Why are you gripping so hard?" Kwestyon niya tinutukoy ang kamay ko.
"H-Huh?"
"There is no ghost Hakuna," mahinang wika niya at natitigan ko ang kamay niyang inalis ang kamay ko sa shirt niya pero halos malunok ko ang dila ko ng hindi niya bitiwan 'yon at deretso lang na naglakad.
Nag-init ng sobra ang mukha ko, at hindi ko maintindihan kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Para akong aatakihin! Shit kasalanan..
Mariin akong napapikit ng maalala si Janella ngunit sa huli ay hinayaan ko si Laze na hawakan ang kamay ko dahil marahan at hindi naman mahigpit ang pagkakahawak niya doon.
Pwede kong hilain ang kamay ko kung tutuusin!
Pero natunton na namin ang kwarto ay doon ko lang naisipang bawiin ang kamay ko at maunang pumasok. "T-Tulog na ako," mahinang sabi ko at nagmamadali at tataranta na pumunta sa kama ko matapos ay nagtalukbong ng kumot.
Kinaumagahan ay naligo na kami ala sais pa lang ng umaga, paunahan pero itong si Laze naunang naligo mag-isa niya pasikat pa lang ang araw kaya sinamahan niya na lang kami.
Maybe he cares about girls kasi may bunso siyang kapatid na babae. Wala pa ako sa wisyo kahit nakaligo na ako, pipila kami for breakfast ngayon pero one student per group ang kukuha para hindi makalat and guess what..
"Laze ikaw pumila dali, para makakuha tayo kaagad. Malakas ka naman sa kanila eh," deretso ang tingin ni Laze kay Crizel na para bang napipikon na siya pero tumango siya at pumunta doon at tulad ng karagatan na nagawang daanan ni Moises ganoon ang nangyari sa mga estudyante ngayon.
Magaganda ang mga ngiti, mga pa-good shot. "Simula ngayon si Laze na kaagad kukunin natin sa grupo, lahat nagiging basic." Nasiko ko si Crizel.
"Masama 'yan, ginagamit natin yung tao." Ngumisi siya at tinaas taas ang kilay.
"Hehe, sorry lord." Mas nasiko ko siya sa sinabi, ng makalapit si Laze ay hindi na kami bumalik dahil habang kumakain ay nagsimula ng magsalita si sir dahil mamayang hapon ng alas kwatro na ang uwi namin.
Sa umagahan ay itlog at tocino ang ihinanda nila tapos ay may buttered corn tapos rice, nasulyapan ko naman si Laze na ngumunguya ngunit nakatikop ang bibig napakalinis niyang tignan.
Nang sumulyap siya ay mabilis akong tumingin kay sir at nagpatay malisyang ngumuya. Inabot naman ni Crizel ang tropicana na drinks galing rin sa kanila, pagkatapos kumain ay tinapos namin ang model namin ng dalawang oras at dahil doon malaya kaming makakagala at makakakuha ng mga litrato kasama ang sarili namin.
"Kayo muna ha, balik ako! Nababanyo ako!" Paalam ni Crizel at dahil doon ay nahihiya kong tinignan si Laze na wala lang ako kung tignan. "Let's check the hanging bridge." He stated kaya wala akong nagawa kundi tumango at sumunod.
Naglakad kami papunta sa sinasabi niya kasama si Bullet, sa daanan ay napatigil ako ng makita ang ihawan at nakita ko rin na may ibang estudyante doon. Nalingon ko si Laze ngunit derederetso siya kaya mabilis akong humabol at hinawakan siya sa braso.
"Wait lang," nagtataka niya naman akong tinignan.
"Gusto ko 'yon," nahihiya kong itinuro 'yon ngunit tinanaw niya lang at binawi ang braso huminga siya ng malalim at tumango kaya naman masaya kaming lumapit doon. Kinapa kapa ko ang bulsa ng nasa harapan na ng pilian ngunit cellphone ko lang ang nakapa ko.
Napapikit ako ng mariin. "Dito ka lang kukunin ko wallet ko," habilin ko at aalis na sana pero ipinatong niya ang palad sa tuktok ng ulo ko at muling iharap sa piliian.
"I'll pay, if it tastes good you don't have to pay me back but if it's not pay mine too." Umawang ang labi ko at natawa tapos ay tumango tango, kumuha ako ng ipapaihaw kasama na doon ang hita ng manok na kanina pa gustong kainin ni Bullet.
Kumuha rin ako ng isaw at yung balunbalunan ng manok na masasabi kong masarap pag inihaw. "Magkano po lahat?" Nakangiting tanong ko, binilang naman 'yon ng babaeng nag-iihaw at matapos sabihin ang presyo ay inabot ni Laze ang bayad.
"Inumin niyo ma'am?" Tanong ng babae at itinuturo ang buko kaya tumango ako.
Kumuha kami ng dalawa at matapos no'n ay dinala namin sa daan yung pagkain na nasa lagayan na may sawsawan na rin habang papunta kami sa hanging bridge.
"Alam mo rito ibig sabihin no'n naikot mo na 'to?" kwestyon ko kay Laze ngunit umiling siya.
"I stared at the map before I go to sleep and I memorized the way to get there." He explained, trying to drink the buko juice while walking so I paused for him.
"Inom ka muna."
Nang makarating sa bridge ay nasiyahan ako dahil sa baba nito isang malinis na ilog, ngunit pwede ka ring bumaba sa ilog na 'yon ngunit hindi dito ang daan kundi sa kabila pa.
Mahaba pa naman ang oras at kung tutuusin ay balak ko pumunta sa ilog. Habang nakatayo sa gitna ng hanging bridge ay mahina akong napatili ng sadyain ni Laze na galawin ang bridge.
"Baka bumagsak tayo dito." Singhal ko.
"That's quite impossible, as an architect you should know it better." Napahiya ako sa sinabi niya, pointing sa safeties of the bridge.
"K-Kahit na, kahit alam ko natatakot pa rin ako." Bulong na sumbat ko.
"Scaredy-cat." Umawang ang labi ko at uminom ng buko pero naglakad siya dahilan para mapunta sa ilong ko ang kaunting iniinom.
"Laze!" galit na sigaw ko, nalingon niya ako agad at bahagyang nanlaki pa ang mata niya ng makita na basa ako.
"It's not my intention." Naapapikit ako sa sagot niya, sarap sakalin rin nito hindi na lang mag sorry.
"Gaanan mo kasi ang pag-apak." Inis na sabi ko at mas naglakad pa sa gilid.
"It's a hanging bridge, no matter how light my steps will be this bridge will move. It will even move by just a wind." He explained that made me rolled my eyes more.
"Ano pinaglalaban mo?" Napipikon kong sumbat.
"Ikaw." Sa biglang pagsagot niya ay umawang ang labi ko.
"A-Anong ako?" sambit ko.
"Ikaw, ikaw ang kalaban ko." Paglilinaw niya dahilan para mapakurap ako ng marami, huminga ako ng malalim para bahagyang kumalma ang puso ko.
"You're not fluent in Tagalog." Iritableng sabi ko at tinalikuran na siya, sabi ko anong pinaglalaban niya kailangan ko ng subject, ng reason hindi IKAW! Iba 'yon.
Iba pa tuloy ang tumakbo sa isipan ko.
Pagkatapos kuhanan ng litrato ang iba't ibang magandang tanawin ay pasadya at pasimple kong kinuhanan si Laze ng hindi niya nalalaman. "Let me take a picture of you," Laze insisted.
"H-Hindi na ayos la—"
"Show it to your mom, and brother." Hindi na siya nagsalita pa at dahil doon ay nahihiya kong tinakpan ang bibig sa camera.
"Look away." Utos niya kaya sinunod ko.
"Touch the floor of the bridge, face your leg in left." Sinunod ko 'yon at tinignan rin ang hinawakan.
"Now look at the camera," wika niya sunod sunod ko naman na narinig ang tunog ng camera niya, "Do it fierce." Nahihiya man ay ginawa kong seyoso ang sarili.
Pagkatapos no'n ay akala ko tapos na pero lumapit siya sa akin at tumabi, itinalikod niya ang camera at pagkapindot ay nasilaw pa ako.
"Do it properly." Ngumiti na lang ako at tinignan siya bigla kung nakangiti ba siya pero hindi. "Baka ampanget ko diyan ah." Reklamo ko.
"Guess what," sa sinagot niya ay inis io siyang hinampas sa braso at dahil doon ay muntik na mahulog ang camera niya pero agaran niya 'yon na nasalo. Sumama ang tingin niya sa akin, "This camera is precious to me, if you ever damages it I'll never forgive you." Hindi niya naman galit na sinabi 'yon pero nahawakan ko ang noo ng pitikin niya.
"Clumsy," naglakad na siya papaalis kaya naman sumunod ako habang patalon talon sa dinaraanan. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng mapansin na iba ang dinaraanan naming dalawa.
"River." He answered that widened my eyes, pinangunahan ko siya dahil nakita ko na ang daan kanina. Excited ako ang tagal ko rin ng huli akong makapunta sa ilog sa probinsya pa 'yon.
Nang makarating ay hinubad ko kaagad ang suot kong sapatos. "Be careful, you might hurt your feet." Paalala ni Laze at maingat na ibinaba ang camera sa malaking bato na flat ang ibabaw.
"Tara dali!" Excited kong sabi, maya-maya ay sumunod si Crizel at ang ibang estudyante. Hindi naman malalim dito at ang nakakatuwa ay may mga isda na hindi ko wari kung ligaw o kusang inilagay.
"Laze dali!" Napailing iling siya bago nag-alis ng sapatos at sunod na nagtampisaw sa hanggang tuhod na tubig, malinis at tila bukal.
Si Crizel naman ay tumalon na parang ngayon kang nakaapak sa ganitong biomes. "Ang lamig ng tubig!" Excited niyang sabi at halos manlaki ang mata ko ng wisikan niya ako ng tubig at dahil doon ay gumanti ako.
"You just took a bath an hour ago," paalala ni Laze pero wala eh nabasa kami kaya binasa ko na rin sila. Nadamay si Laze at ang loko ay natutong gumanti, natuwa ako ng makita si Bullet na tumatalon talon rin sa tubig at mukhang humuhuli pa ang loko ng isda.
Tawang tawa kami ni Crizel at ngayon ay kung titignan ko si Laze makikita ko sa mga mata niya na masaya siya at nararamdaman niya 'yon. He would maybe have the brightest smile if only he would choose to.
Bahagya kaming naglakad lakad, nagpaiwan si Crizel doon dahil nandoon ang iba niyang kaibigan. Kasama namin si Bullet kung kaya't nakakatuwa dahil ang linaw ng tubig, may mga maliliit pang alimango sa gilid gilid as in maliliit.
Habang naglalakad ay tumigil kami ng lumampas na sa tulay na nasa taas, inabot ko naman yung dahon na nasa gilid at pinalutang 'yon. Panay ang ngiti ko at sinasalo 'yon bago pa man makalampas kay Laze.
"Is your step father bothering you?" Mahinahon ang pagkakatanong niya, dahil nabasa ang buhok niya ay napanood ko kung paano niya itinaas 'yon.
"Hakuna," nagising ako sa katotohanan at umiling.
"H-Hindi na," pagsagot ko.
"Nakakatuwa nga kasi hindi ko na nakikita kahit anino niya, mukhang gumana yung pagbanta mo sa kanya." Nakangiting sabi ko, napansin ko naman ang tila damo na napunta sa balikat niya kakawisik siguro namin.
"That's good." Matipid niyang sagot, kaya tumingkayad ako at halos mahila ko siya papunta sa tubigan ng dumulas ako sa bato ngunit ang mas nagpakaba sa akin ay ang distansya ng mga mukha namin dahil napayuko siya para lang hindi ako tumuloy sa pagsalampak.
Napakurap ako, at mas lalong kinabahan dahil sa titig niya sa mata ko. "Hakuna," nang sambitin niya ang pangalan ko ay mas kinabahan ako. Ngunit mas lumala ang kaba ko ng dumapo ang mga makasalanan kong mata sa mapula pula niyang labi.
M-Mali 'tong ginagawa ko 'di ba?
Nang tignan ko siya ay alam ko sa sarili ko na wala na akong pwedeng irason ngunit ganoon na lamang ang kaba ko ng mapansin na nasa labi ko ang mata niya. Kumabog ng sobrang bilis ang puso ko lalo na ng marahan niyang mas inilapit ang mukha at sa mariin kong pagpikit ay si Janella ang pumasok sa isip ko.
"Laze." Mabilis kong sinabi ang pangalan niya at nanghihinang tumayo ng maayos.
"E-Engkanto, umalis na tayo rito b-baka mabati tayo." Pag-iwas ko at tsaka nilabanan ang mahihinang alon, ngunit ganoon ako natigilan ng sa pagharap ko sa lalakaran ay nakaupo si Crizel at nakatingin sa akin.
Mas lalo akong kinabahan, a-ano na lamang ang iisipin niya?
Nasapo ko ang noo at naglakad na lalo papalapit sa kanya, galit kaya siya?
"Crizel." Nahihiyang sabi ko.
"Hmm okay lang." Ngumiti siya sa akin at natigilan ako ng akbayan niya ako.
"Wala namang masama mare, wala pa dahil wala pang namamagitan sa kanila. H-Hindi naman masama ang nararamdaman mo," wika niya kaya nanghihina akong napapikit dahil sa kaba.
"Natatakot ako." Bulong na sabi ko.
"Hmmm huwag ka matakot, wala ka namang ginagawang masama." Paniniguro niya sa akin.
"Ano na lang sasabihin ni Janella, traydor ako.." Pabulong kong sabi pero pinalo ako ni Crizel sa braso.
"Gaga, fair fight! If want niyo siya both edi may the best woman win? Although friends pa rin kayo." Nakangising sabi ni Crizel ngunit pakiramdam ko ay masasaktan si Janella sa oras na malaman niya ang kamuntikan na iyon at ang paghawak niya pa sa kamay ko.
Hindi niya ba naiisip si Janella? Bakit hindi niya ibahin ang pagtrato sa aming dal'wa? Dahil ba hindi niya alam? Hindi niya alam na masakit?
Kahit anong sabihin ko ay may kasalanan pa rin ako, hinayaan kong mapunta sa ganoon ngunit ang mahalaga ay hindi naganap. Nakabalik kami sa kwarto at nagbihis habang wala pa si Laze, pagkatapos magbihis ay napaupo ako sa sariling kama at niyakap ang unan habang nag-iisip.
Nakakahiya Hakuna Miran.
"Huwag mo na masyadong isipin mare, that's life. Feelings develop, hindi agad agad kaya hindi mo inaasahan." Tinapik pa ni Crizel ang legs ko at kinumutan kaya humiga ako at pumikit.
"Iidlip muna ako mare," paalam ko at isinubsob lalo ang mukha ko sa unan.
Why did he lean over though?
///
@/n: Any thoughts? 😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top