Chapter 28

Chapter 28:

Hakuna Miran's Point of View.

Kagat labi kong tinititigan ang cellphone ko na marami ng nakuhang litrato kasisimula pa lang ng first activity, may isang oras kami ulit para mag-ikot sa buong lugar. Habang nag-iikot ay tahimik at mukhang sentro ang isip ni Crizel sa ginagawa.

I can say na kahit pa malikot siya minsan ay hindi pa rin niya nakakalimutan magseryoso sa pag-aaral.

Bullet is waggling his tails while tailing his owner, Laze.

After the first activity, we're assigned to sketch in theme historic connected in our architectural trip. "Sir, can we have people in our sketch or not?" Kwestyon ng isa sa mga estudyante.

"Just make sure that it doesn't cover the exact measurement of the structure you sketched." Inexplain ni sir, he's only holding walkietalkie since wala namang signal for calls and texts even wifi's. They can use the telephone in the middle if they wanted to contact someone, for emergencies libre for not hindi syempre.

Nagkahiwalay hiwalay kami dahil doon, humanap ako ng gusto kong iguhit ngunit halos makalahati ko na ang buong lugar ay wala akong mapilit. Hanggang sa matanaw ko si Laze na nakatayo habang hawak ang sketch pad at isang kamay lang ang pinang-guguhit.

Napangiti ako ng sukatin niya ang ginuguhit gamit ang lapis at muli na namang titingin sa sketch pad, dahil doon ay napansin ko kung gaano kaganda ang nasa gilid niya kung kaya't ginawa kong upuan ang malaking bato at tsaka ko sinimulang iguhit 'yon kasama siya.

Nakagat ko ang ibabang labi dahil mas dumali ang pag-guhit ko dahil hindi siya gumagalaw na para bang pag nalingat siya ay mawawala siya sa sukat. Sobrang blangko ng tingin niya doon pero parang masasabi kong namamangha siya dahil 'yon ang napili niya.

Halos matawa ako ng trenta minuto ko lang siya na ginuhit. "Do you like him?"  Halos mapatayo ako ng deretso ng makita si sir na sumulpot sa gilid ko.

"P-Po?" Gulat kong sabi.

"Gusto mo ba kako yung nakikita mo?" Makahulugan ang ngiti niya habang nakatanaw sa ginuhit ko.

"O-Opo."

"Eh yung nakatayo?" Nanlaki ang mata ko at sasagot pa sana pero masamid na ako sa sariling laway ko.

"K-Kaibigan ko po siya." Sagot ko.

"Gusto mo nga?" Pag-uulit niya sa tanong habang nakatingin na kay Laze.

"Mag-kaibigan po kami sir," wika ko.

"Gusto mo siya?" Ang kulit naman ni sir!

"Sir, magkaibigan nga ho kam—"

"Ano naman? Madalas sa madalas nagkakagusto tayo sa mga kaibigan natin, hindi inaasahan. Pero hindi mo masagot ng hindi ang tanong ko," ngumisi siya at dahil doon ay awtomatikong nag-init ang pisngi ko at umiling iling.

"Sir, nagkakamali po kayo. Hindi po ganoon—"

"Took time for you to realize, you'll just make an excuse to hide your real feelings. But I get it actually, girls have a pride to protect or else other guys will call them an easy one." Nakagat ko ang ibabang labi sa sinabi niya.

I just admire him.

"Sir, I'm just admiring him because of his achievements, personality." Paglilinaw ko.

"Nothing else," nahihiyang sagot ko.

"And that's the start actually, when you started to admire the little things you shouldn't have admired first." Nahawakan ko ang nanghihina kong kamay dahil baka mahulog ko ang lapis na hawak sa kaba.

Hot seat ba 'to sir?

"B-Baka po crush lang—"

"Maybe it's better to use the term like, than crush. If you like them, it's a sincere feeling, but if you call then crush felt like we're a lot." Ngumiti si sir at tinignan ang sketch pad ko.

"What made you see the beauty of that structure?" Itinuro ni sir ang iginuhit ko.

"For me it looks so normal, the measurements are easy to have and the only unique is you have a real model that made the structure stand out." Natigilan ako ng hiramin ni sir ang ballpen ko.

Mahina siyang natawa at ibinalik 'yon sa akin, "What's the barrier between you two?" Napakurap ako at napahawak sa sintido.

"Sir, admiration po. Hanggang doon lang 'yon," nakangiting sagot ko.

"Wala na po, okay po? Friends. Bata pa po kami at malayong malayo po kami sa isa't isa." Pagsasabi ko ng katotohanan ngunit nagkibit balikat si sir.

"Sabi mo eh," ngingisi ngisi siyang umalis at palinga linga sa dinaraanan niya kaya nanghihina akong napaupo sa bato at nasapo ang dibdib ko sa sobrang kaba.

Ganoon ba kahalata 'yon?

"What are you doing there?" Ganoon na lang ako napatalon sa kinauupuan ng magsalita bigla sa gilid ko si Laze at ending ay nasa damuhan na ako.

"C-Can't you stop giving me a heart attack?!" Gulat na sabi ko, napatitig siya sa mukha ko at inilahad ang kamay niya upang tulungan ako tumayo pero tumayo ako on my own at nakangusong tinalikuran siya.

Nakakahiya!

Dumaan ang hapon at kahit harapin si sir ay nahihiya ako, dahil siya lang ang nakakaalam no'n siya ang unang nakatuklas, siya ang unang nakahula. Binigyan namin ng pirma ang mga ginuhit at pangalan bago ipasa.

For the 4 PM ti'll night sisimulan naming planuhin ang model na gagawin kasama si Laze at Crizel kaya buong magdamag kaming tumitig sa mga gamit na nasa harapan namin hanggang sa abutin ni Laze ang hard cardboard at sinukat 'yon.

"May plano ka na?" Tanong ni Crizel.

"Hmm," tugon ni Laze. He grabbed his sketch pad and then I found out hindi lang iisa ang ginuhit niya kanina kundi may iba pa.

"The big tree in the middle, it has a story." Panimula ni Laze, napaupo naman kami ng maayos.

"Ano?"

"Anong kwento?"

"I'm tired talking." Mahinang sabi ni Laze kaya napalo ko ang kama at dahil doon ay napatingin siya.

"You need to tell us." Mariing sabi ko.

"Oo nga, 'to naman tamad." Nakangusong sabi ni Crizel pero ng tignan siya ni Laze ay agad siyang napabawi, "Kako nga biro lang."

"Can I just tell you tomorrow?"

"Ngayon na, Laze naman." Reklamo ko.

"Tsk."

"Arasseo— I mean okay." Napalunok ako dahil hindi ko naintindihan ang unang sinabi niya, anong aso? Si Bullet ba 'yon?

"Tagalog please." Mabilis na sabi ni Crizel.

"The tree in the middle was once a meeting place of a couple who can't be together since both of the families are enemies. They both love each other until their last breath, but the love they have is the one who killed them." Nanlaki ang mata ko at agad na napalipat sa tabi ko si Crizel kumapit sa braso ko.

"Mare, akala ko ba romance? Ba't horror?" Bulong niya kaya napalo ko siya sa tuhod.

"Shh."

"Ibig ba sabihin no'n tinraydor nila ang isa't isa?" Tanong ko.

"Listen to me first." Pangunguna ni Laze.

"Eh kasi kinwento mo na kaagad yung ending," nakanguso na sabi ko.

"Spoiler?"

"It's not a fiction, I don't like making your hopes high asking for a happy ending for the both of them. This is based on real life." Paglilinaw niya kaya napanguso ako, galing manermon amp.

"The hidden love story of them was found out by the girl's family. They tormented the girl, threatened it. To separate the two, pero hindi nakinig yung babae at sarili niyang pamilya ang kinalaban niya for the guy." He stated tamad na tamad.

"Oh?"

"Nagalit ng sobra both sides, kinulong yung mga anak nila para hindi makapagkita. Pero nang isang beses na makatakas yung dalawa, sa puno sila nagkita." Lumunok ako paano nila nalaman 'yon kung sikreto?

"P-Papaano nalaman kung sikreto?"

"Yung bunsong kapatid ng babae, sa 15 year old brother." Napalunok ako at napatango.

"Hindi siya nagsumbong?"

"Hindi, dahil kasundo niya ang kapatid niya." Napatango kami ni Crizel.

"The younger brother was so curious to the point that every time her sister goes out he follows it to make sure it's safe. But then the last escape was so painful to watch." He paused and cleared his throat.

"The couple decided to be free, and meet in their next life. They decided to kill each other with poison, the younger brother was so confuse why did the two fell asleep after drinking. The tree was dying that time, but after the two died in that tree it became healthy and the fruits were believed to be magical." Napakurap ako, seryoso ba 'yon?

"Magical?" Kwestyon ko.

"Yes, it's sweet. But it's sweetness can make you cheer up, maybe the two was happy so the fruit of the tree can make you cheer up for a moment or happy." Napatango ako.

"Woah."

"Ang deep ha," hindi makapaniwalang sabi ko.

"So I wanted to make it our model, it has a painful story but a real freedom for the two. The girl wrote on her diary wanting to die so they could meet again soon without any barrier." Napalabi ako at tumango.

"Magandang ideya," sagot ko.

"True," sangayon ni Crizel.

Sinimulan namin ang plano ni Laze, ganoon pa man ay hindi naging mahirap dahil mukhang naka-save sa utak niya yung hitsura ng gagawin namin na model. "Pag nasawi ang puso ko in the future, pupunta ako dito after a year para malaman ko kung sawi pa ba o hindi na." Napatingin sila sa sinabi ko.

"Sus mare, ikaw ang manakit huwag sila." Ngising sabi ni Crizel.

"Pag si Janella at Laze ang end up pupunta akong japan, pero pag hindi magpapakain ako ng food worth 100,000 pag mayaman na ako." Natawa ako sa sinabi ni Crizel.

"Nonsense," bulong ni Laze.

"Seryoso 'yan?" Bulong ko kay Crizel.

"Promise mare," mahina akong natawa at tsaka tinulungan na lang si Laze gumupit at magdikit dikit.

Nang gabihan na ay lumabas na kami para kumuha ng food, "Bili tayo hot water para sa ramen mo mare," suhestyon ni Crizel at ipinakita ang wallet niya na punong puno ng barya.

"I heard kasi na dapat sa tindahan barya ang gamit para hindi na mahirapan suklian that's why nagpa-barya ako sa bank before going here." Umawang ang labi ko.

"Sa bank pa mismo?"

"Oo, doon lang naman meron eh." Napakamot ako sa pisngi, sa tindahan, sa kahit saan meron ah kahit sa pagasolinahan.

Pumila kami for the food, and then after we got our food bumalik na kami sa kanya-kanyang kwarto at kumain. "Hot water nga pala," paalala ni Crizel.

"Ako na bibili mamaya," sagot ko at tsaka kumain na magkakaharap kaming tatlo at sa totoo lang mas masarap talaga yung ulam ni Bullet. Kasi hindi siya nawawalan ng meat.

Pagkatapos kumain ay tumayo na ako para bumili sana ngunit halos mapabalik ako sa kinauupuan ng hawakan ni Laze ang pulso ko. "I'm on it," mahinang sabi niya at tsaka kinuha ang styro na kinainan namin at derederetsong lumabas ng pinto.

"I'm on it? Anong I'm on it?" Pagtanong ko kay Crizel, nagkibit balikat siya at napahawak sa baba.

"Baka siya na magtatapon? O 'di kaya bibili ng hot water?" Panghuhula niya kaya nagtaka rin ako at hinintay na lamang namin makabalik siya at saktong 10 minutes ay may dala nga siyang thermos.

"They waited for it to boil so I waited," ibinaba niya 'yon sa harapan namin kaya kinuha ko 'yon at sinilip.

"A-Anong binayad mo?" Kwestyon ko.

"They told me I look great and gave it for free." Deretsong sagot niya kaya nanlaki ang mata ko.

"Wow. Advantage." Bulong ni Crizel.

"Try ko nga bumili if bigyan ako ng libre. Pag hindi baka malandi yung nagbebenta." Natawa ako sa sinabi ni Crizel kaya naman kinuha ko na ang ramen na nasa sarili niya ng lagayan at ibinuhos doon ang mainit na tubig.

Habang gumagawa ng model ay kumakain kaming tatlo, bawal mag-ingay kasi magagalit yung boss namin char, magagalit si Laze ayaw sa maingay akala mo naman lilindol pag nagsalita kami.

"I need to shower," bulong ni Crizel.

"Shower? Ako rin, nanlalagkit ako." Bulungan lamang kaming nag-uusap, kaya dahan dahan kaming tumayo at inayos ang sabonera tapos ang damit pang palit namin.

"Where are you two going?" Kwestyon ni Laze at tumayo, ibinulsa ang isang kamay niya sa jeans na suot.

"M-Maliligo?" Nangunot ang noo niya at tsaka siya lumapit sa banyo and then realization hit him, "What a rest room, is it hard to put a shower." He whispered, napatitig pa muna siya sa amin na parang nag-iisip.

"T-They're genius, k-kahit faucet wala." Mahinang sabi ni Crizel.

"That's why they put up a public shower so tourists could pay every bath, shower or what so ever." Napalunok ako at pinanood si Laze na nagsasalita, mariin akong napapikit ng bumilis ang tibok ng puso ko.

"Okay lang 'yan, tara na." Anyaya ko.

"I can't let you two go alone." Tila dismayado siya ngunit kahit anong emosyon sa kanyang mukha ay wala.

"How is that alone, where we are two?" Sinenyas ko pa ang sarili at Crizel, tinitigan naman ako ni Laze na para bang gusto na lang niyang takpan ang ilong at bibig ko para hindi na makahinga.

Mahina naman akong kinurot ni Crizel na halatang takot kay Laze. "My point, every group has a guy. To keep them safe since it's dangerous to go out here at night. Too big, and too dark." Lumunok ako at sumangayon na lang.

"Oo."

"Oo, what?" Parang hahambalusin niya na ako sa sobrang sutil ko.

"O-Oo, d-delikado." Napaiwas tingin siya sa akin at sinulyapan ang model bago inabot ang bag niya at sinuot 'yon.

"Let's go." Senyas niya kaya natutuwa kaming sumunod dahil sasamahan niya kami, nilakad namin ang papuntang public bath. Maraming pinto ng shower ang nandito, ngunit isang linya kung kaya't magkakasama ang babae at lalake pero may sarili namang cubicle.

The awkward thing is they talk dirty, with girls.

Habang nasa loob ng cubicle. Malinis naman ang bawat cubicle dahil kahit na bato ang walls nito ay marble ang floorings niya. Bamboo shower kaya maganda at malinis ang tubig, bago pa man namin mabuksan ang isang banyo ay kukunin namin ang susi at may sampung minuto kami para gamitin ang banyo.

"10 minutes?" Hindi makapaniwalang sabi ni Crizel.

"F-For 50 pesos, 10 minutes?" Dagdag ko ng nasa harap na ng ale na nasa taong trenta.

"That's the cheapest payment I ever heard." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Laze, seryoso ba siya?!

"10 minutes? Sobrang liit ng time." Reklamo ni Crizel.

"Is it automated by that computer?" Tanong ni Laze.

"Opo, sir." Sagot naman ng babae.

"Then we can pay for the time?" Kwestyon ni Laze.

"Yes sir, pag lumampas na po sa oras magkukusa po na mag-unlock yung pinto." Nakagat ko ang ibabang labi, ba't ang high tech! Ang mahal pa.

"So where do we pay?" Kwestyon ni Laze.

"Sa machine po sa tabi ng door knob," tumayo yung babae at ipinunta kami sa cubicle at itinuro ang machine doon na pwedeng papel o barya ang gamitin.

"Mare, dala ko na yung barya ko hehehehe." Mukhang natuwa si Crizel at ipinakita ang coin purse niya na tig sasampu ang laman.

"Libre ko na," masayang sabi ni Crizel at siya ang naglaglag ng barya sa magkakatabi na cubicle.

"I'll go with just ten minutes." Laze stated.

"Oh ikaw humawak nito tapos hulugan mo kami pag lumampas kami ng sampung minuto." Inabot ni Crizel ang coin purse niya at excited na pumasok sa loob, napailing iling ako at pumasok na lang rin para makapagsimula na.

"Just ten minutes?" Tanong ni Laze.

"Yup! Ligo ka na!" Sagot ni Crizel kaya napailing ako at naligo na lang, may oras rin pala na makikita sa loob led ito at hindi nababasa.

Binilisan kong maligo, kasi natatakot akong magbukas ng kusa yung pinto. Pagkatapos ay halos kasabay ko lang si Laze na lumabas ng banyo habang si Crizel ay rinig na rinig pa ang tunog ng shower niya.

Sandali kaming naghintay ngunit hindi pa siya tapos kaya naghulog ulit si Laze bago kami bahagyang lumayo sa cubicle. Ang dami pang students, habang naghihintay ay naupo si Laze sa sementong upuan. Ako naman ay nanatiling nakatayo kahit na may upuan.

Nakabalot pa ang buhok ko ganoon rin naman yung ibang mga babae, bahagyang malayo si Laze at mukhang tumitingin lamang siya sa kalawakan. Napanguso ako ngunit napatingin kaagad ako sa umakbay sa akin at sa gulat ay naalis ko kaagad 'yon.

"Ano ba," mahinang reklamo ko.

"Ang sungit naman miss, para akbay lang eh." Dumating naman yung mga kaibigan niya na bahagyang pinalibutan ako, tumayo ako ng maayos.

"Aalis na ako." Mahinang sabi ko at iiwas na sana sa kanila pero pinigilan ako ng isang lalake.

"Mabilis lang, usap lang naman. Gusto mo maligo ulit?" Umawang ang labi ko, dahil section two sila sure ako.

"Hindi na." Mariing sagot ko.

Si Laze naman kasi tinalikuran pa ako. "Mabilis lang," kinindatan pa ako nito.

"Hindi nga." Mariing sabi ko.

"Ang arte mo naman, pumayag nga yung iba ikaw pang mukhang mahirap ang ayaw?" Umawang ang labi ko at mahinang tumawa.

"Ako pang maarte ngayon?" Sumbat ko.

"Ayoko nga 'di ba?" Dagdag ko pero mas nainis ako ng alisin nito ang twalya ko sa ulo at iangat.

"Ibalik mo nga 'yan!" Bulyaw ko.

"Mas maganda ka naman pala pag wala 'to, akala ko kasi dwarf ka. Mabilis lang, it's not for free." Inalis ko kaagad ang kamay nito na pumatong sa balikat ko.

"Are you stupid or just deaf?" Natigil sila ng marinig ang boses ni Laze, mabilis naman akong lumapit sa kanya at nagtago sa likuran niya tapos sinilip yung apat na lalake.

"W-What?" Gulat na tanong ng isa.

"I guess you're deaf," Laze stated.

"Anong deaf? Siraulo ka b—"

"And I guess you're the stupid?" Laze added that made me swallowed hard, scary!

"Gago 'to ah, ba't ka ba nakikialam ha?" The other guy was about to push Laze of his shoulder but Laze didn't even flinched by the guy's push.

"Porket nagg-gym ka sa tingin mo ba kaya mo kaming apat?" Hamon ng isa.

"I don't argue with low peoples like the four of you." Nanlaki ang mata ng apat na lalake sa pagka-insulto sa sinabi ni Laze.

"Yabang ampota."

"Ano pinagmamalaki mo? Yang height mo?" Nakagat ko ang ibabang labi ng sulyapan ako ng isang lalake matapos sabihin 'yon.

"Everything." Nanlaki ang mata ko sa sagot ni Laze.

Wow, pretty savage.

"Panay ka lang salita mukha ka namang robot, hindi ka ba natatakot sa sarili mo? Wala kang emosyon, para bang halimaw tanga." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng lalake at mukhang natamaan si Laze doon kaya naman gamit ang twalya ko ay pumunta ako sa harapan ni Laze.

"Hoy!" Bulyaw ko.

Natignan nila ako. "K-Kayo m-mukha kayong mga p-pwet!" Natatakot at kinakabahan na sigaw ko.

"M-Mas panget 'yon k-kesa sa halimaw! A-At least siya pogi. K-Kayo mukha kayong pwet na m-may b-buhok!" Halos atakihin ako sa puso sa sobrang kaba sa pagsagot dahil alam ko na masasaktan si Laze sa halimaw na word na 'yon.

"Gago ka nga!" Galit na sabi ng isa.

"Ang pangit ng bibig mo!" Hindi makapaniwalang sabi ng lalake.

"Hoy, tigilan niyo nga 'yan! Apo 'yan ng school na pinapasukan niyo!" Bulyaw ng estudyante na kaklase namin ngunit lalake siya nagulat ang iba at bago pa man may humila na sa kanila papaalis sa harapan namin.

Hindi ko naman magawang lingunin si Laze.

Nakakahiya, sa daming kamukha pwet pa? At ano yung may buhok Hakuna Miran!

///

@/n: Any thoughts? Hehehehe

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top