Chapter 25
Chapter 25:
Hakuna Miran's Point of View.
Tumahimik yung mga kanina'y pinagsasalitaan ako ng masama, matapos ilagay sa plastic bags ang pinamili ko ay inabot na pabalik kay Laze ang card niya. "I'll pay you back," mahinang sabi ko at tsaka binuhat ang mga plastic bags na hindi naman mabigat.
"Ibibigay ko na lang sa'yo mamaya." Nahihiyang sabi ko.
"Thank you ulit."
"Hmm, sure." Tugon niya kaya umalis na ako kaagad, alam ko namang may lakad siya pero siya na naman ang nag-save sa akin doon sa cashier.
Pagkauwi ko ay nanghihina akong napaupo sa sofa at tsaka ko nasapo ang mukha sa sobrang pagkapahiya sa akin ng mga tao. Pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng takot sa maraming tao lalo na't kung ganoon kapangit ang mga lumalabas sa bibig nila.
Inayos ko na muna ang mga pinamili, inilagay sa ref ang dapat nasa ref at sa cabinet naman ang hindi. Ngunit sandali akong napatitig sa binili kong cereal na madalas ginagawang umagahan ni Laze, bumuntong hininga ako.
Bakit ko nga ba 'to binili, hindi naman ako mahilig sa ganito.
Itinabi ko na 'yon at inilagay ang hotdogs sa ref, pati na ang burger patty at kaunting karne pati na ang gulay. Matapos kong mag-ayos ng bahay ay magbihis ako upang makapag-part time sa cafe, habang nagtatrabaho ay natigilan ako ng makita ulit si Janella at Laze na kumakain kaya huminga ako ng malalim.
"Down na down ka ngayon," gulat kong nalingon si Jem at ng makita ang mukha niya ay matipid akong ngumiti. "Hindi naman," mahinang sagot ko.
"Tingin nga," humarap ako sa kaniya at ngumiti ng mas pilit pero napangiti siya at halos mahawakan ko ang pisngi ng bahagya niyang pisilin 'yon.
"Cute mo," wika niya at sinuot na ang apron sa waist niya kaya naningkit ang mata ko.
"Kain tayo mamaya," natigilan ako at nilingon siya.
"Saan?" Kwestyon ko.
"Your choice, libre ko." Natawa ako at umiling.
"Hindi na, baka maubos yung pera mo. KKB na lang?" Suhestyon ko.
"Uh-oh. My treat, seryoso." Ngumisi ako at tumango.
"Sabi mo eh," sangayon ko at kinuha na ang papel at ballpen para kumuha ng order.
"Good day sir, what's your order?" Nakangiting sabi ko sa lalake na costumer namin, ngumiti siya sa akin at sinabi ang order niya.
"Is that all sir? How about dessert sir?" Kwestyon ko, at itinuro ang menu ng dessert pero natigilan ako ng may ilagay siya sa bulsa ng apron ko.
"That's all." Nangunot ang noo ko at naiilang na umalis, pero pagkadukot ko ng papel ay tinawag ako ni Janella.
Lumapit ako sa kanila habang binabasa ang note pero nanlaki ng bahagya ang mata ko ng makita ang nasa sulat.
You for dessert, meet me at this location. I'll pay.
Sumama ang tingin ko sa papel at bumuntong hininga, Ilalagay ko na sana sa bulsa ko pero kinuha 'yon ni Laze at binasa. "Asshole." Bulong niya kaya inagaw ko ulit 'yon.
"Laze." Nahihiyang tawag ko sa pangalan niya at sinulyapan si Janella na nagtataka rin.
"Anong meron mare?" Tanong ni Janella at kinuha ang papel kay Laze.
"Bastos amp. Sino nagbigay nito?" Galit na tanong ni Janella at tatayo na sana pero inawat ko siya pero halos sabay naming lingunin si Laze ng tumayo siya at ilagay ang piraso ng papel sa mesa ng lalake.
"Leave." Bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Laze.
"What?" Gulat na tanong ng lalake.
"Leave this cafe." Malamig niyang tinig, kaya napaatras ako at tinitigan si Laze.
"Janella." Kinakabahan na tawag ko sa kaibigan ngunit hinawakan ako nito sa kamay.
"Hayaan mo na, tara." Tumayo si Janella at hinila ako papalayo sa kinatatayuan ni Laze.
"Why the hell are you asking me to leave?" Galit na tanong ng lalake.
"Look at this," pinalo ni Laze ang mesa sa mahinang paraan sa kung nasaan yung note tapos ay blangkong tinitigan ang lalake.
"Why do you have that?" Gulat na sabi ng lalake.
"Too bad, I'm a friend of her." Sumbat ni Laze at umatras bahagya.
"Now leave," utos ni Laze.
"P-Pumayag naman siya!" Sumbat ng lalake.
"I'll call a police for harassing one of our waitresses." Mariing sabi ni Laze at dahil doon ay masama ang tingin sa akin ng lalake at galit na lumabas ng cafe. Lumapit naman si Laze sa amin, "Next time confront them, in this cafe you can't be wrong when you're right." Laze stated kaya tumango ako.
"Bumalik ka na doon Mare," utos ko kay Janella.
"Sige mare," paalam niya kaya bumalik na ako sa trabaho, pero maya-maya ay nakita ko na umalis na si Janella.
Makalipas ang dalawang oras ay lumapit si Laze sa akin. "Can I borrow your notes?" Kwestyon niya kaya nagtaka ako at natigilan.
"Nasa condo yung bag ko."
"I'll wait then," tumango ako at tsaka nagtrabaho na nang ala sais na ay nag-out na ako, inaantok rin ako sa totoo lang.
Sinabayan naman ako maglakad ni Laze dahil malapit lang ang cafe sa condo building ko, sinamahan niya ako hanggang sa taas pero natigilan ako ng may kahon sa tapat ng pinto ko kaya tinignan ko 'yon.
Another package? Kanino na naman galing?
"Did you order a parcel?" Kwestyon ni Laze.
"Hindi," matipid na sagot ko at binuksan na ang pinto. Inilapag ko naman 'yon sa mesa at tsaka ko kinuha ang bag ko at pinulot ang mga notes ko na dapat niyang kopyahin.
"Ayan na lahat," tukoy ko, kinuha ko naman ang cutter at binuksan ang package ngunit halos manlaki ang mata ko nang makita ang brand new cellphone na may balot pa at hindi pa nabubuksan.
Mamahalin 'to ah?
"S-Sino nagbigay nito?" Tanong ko, natigilan si Laze at inabot 'yon.
"Discreet package," sagot niya matapos basahin ang nasa ibabaw ng kahon.
"Hindi ba ikaw ang nagpadala ng damit nang birthday mo?" Kwestyon ko, umiling si Laze bilang sagot.
"I never sent you anything," nangunot ang noo ko at napaisip.
Bakit niya ako pinapadalhan? Si mama ba 'to? Imposible, masyadong mahal ang cellphone na 'to para bilhan ako ni mama.
"Paano 'to?" Tanong ko kay Laze, inabot 'yon ni Laze at binuksan. Pinanood ko siyang i-set up 'yon dahil hindi ako maalam sa ganoon sa cellphone, touch screen at mukhang latest.
Inabot kami ng 30 minutes bago maayos ang cellphone. "Tama ba na gamitin ko 'to?" Mahinang tanong ko.
"Yeah, I guess. Sa'yo ibinigay, sa'yo nakapangalan." Ngumuso ako at tinitigan 'yon, binuksan ko ang camera at tsaka ko ihinarap sa amin ni Laze. Deretso ang tingin niya at ako ay nakangiti kaya natawa ako.
"Nakakatakot ka naman, para kang si sir." Blangko niya lang ako na tinignan kaya napatitig ako sa kaniya at sa mata niyang abo.
At bigla ay nanlaki ang mata ko. "Kakain nga pala kami ni Jem ngayon!" Natatarantang sabi ko at tatayo na sana para umalis pero natigilan ako ng hawakan ni Laze ang bag ko dahilan para matigilan.
"I didn't know this," pinagpag niya ang notes ko kaya napalunok ako.
"Ha?"
"Absent ako, remember?" Nangunot ang noo ko at tinignan ang notes, maayos naman sulat ko.
"Anong hindi mo alam? Bakit hindi mo alam? Mas magaling ka pa nga yata sa professor natin eh." Sumbat ko at bumalik sa pagkakaupo.
Ngunit tahimik niya lang akong tinignan kaya wala akong nagawa kundi hanapin ang text ni Jem sa bagong cellphone ko at nireplyan siya na bukas na lang. "May utang pa pala ako sa'yo." Bulong ko at kinuha ang wallet ko upang bayaran siya ng ipinang-grocery ko.
Sinulyapan niya lang 'yon at itinuro ang papel kaya umirap ako. "Kopyahin mo muna, mamaya ko ituturo." Reklamo ko at tsaka pumunta sa kusina upang humanap ng maipaiinom sa kanya.
Maya maya ay nagulat ako ng nakatayo si Laze sa likod ko wala man lang yabag ng paa. "Ano?"
"Your brother is calling," inabot niya ang cellphone ko kaya sinagot ko 'yon.
"Ate! Salamat! Ang ganda ng bagong sketch pad ko! Kumpleto ate thank youuuu!" Nanlaki ang mata ko ng pasigaw siyang nagpapasalamat.
"Huh? Wala akong binibigay."
"Hah? Eh may package na dumating kanina ate, drawing set." Nangunot ang noo ko at nalingon si Laze.
"Bukas na tayo mag-usap."
"Okay po ate," ibinaba ko na ang tawag tsaka ako matulala sa ref sa kusina.
Sinong nagpapadala ng mga 'yon?
"Laze, sandali lang ha. Bibili muna ako gabihan, m-magsulat ka muna." Nagmamadaling sabi ko at kinuha ang wallet ko tsaka ako lumabas ngunit natigilan ako ng makita ang med student na kalalabas ng unit niya at may kausap sa kabilang linya.
"Uh yes, I already sent it. For sure it was received already." Nangunot ang noo ko at tsaka dahan dahan na naglakad dahil nauuna siya.
"I'm off to gym, what do you want me to do? Magbantay buong magdamag? Give me my free time, I want freedom." Napalunok ako at patuloy lang na naglakad.
Mukhang nabadtrip siya sa kausap at ibinaba niya 'yon kaya naman nang sa elevator na ay nagulat pa siya ng makaharap niya ako. "Ms.Miran." Bati niya kaya ngumiti ako.
"Uhm is your phone okay now?" Napatingin siya sa kamay ko kaya natignan ko 'yon.
"Opo." Matipid kong sagot.
"Can I have your number then?" Ngumiti ako at ibinigay sa kanya ang number ko.
"How old are you again?" Kwestyon niya kaya napalunok ako.
"17 po." Magalang na sagot ko.
"Ah minor ka pa pala, keep up the good work." Ngumiti ako.
"Thank you po."
"Hmm." Ngumiti siya muli at napatingin ako kagaad sa leeg niya ngunit nakatago ang kwintas sa loob ng damit niya.
Ano pang silbe ng kwintas kung itinatago rin.
Nang makababa ay humanap ako ng mabibilhan ng pagkain pero pagkababa ay ganoon ako natigilan ng may nakamotor na tumigil sa harapan ko at isa siyang food delivery. "Miss Hakuna Miran Romero po?" Nagtaka ako ngunit tumango bilang sagot.
"Ano po meron?"
"Pakita na lang po ng ID for confirmation ma'am." Nagtaka ako ngunit kinuha ko ang ID sa wallet.
"Ano po meron?"
"Ah food delivery po." Sagot niya at bumaba ng motor matapos ibalik sa akin ang ID ko tapos ay inabot sa akin ang dalawang paper bag at may drinks pa.
"W-Wala po akong inorder."
"Ah ma'am bayad naman na po 'yan." Sagot niya at alanganin na ngumiti.
"O-Okay po." Nagtataka kong sagot at dahil doon ay napabalik ako sa taas baka si Laze umorder nito. Nang nasa condo na ay mukhang natapos na ni Laze ang pagkopya.
"Nagpa-deliver ka?" Kwestyon ko sa kaniya, nangunot ang noo niya at umiling bilang sagot.
"Seryoso?"
"Hmm." Tumango siya.
"Eh sino nag-order nito?" Kwestyon ko.
"I don't know." Blangko ang tingin niya sa akin kaya naibaba ko 'yon sa mesa sa harapan niya.
"Hindi ko na alam kung sino bang nagsesend ng mga 'to." Maktol ko.
"Okay," wika ni Laze kaya mas humaba ang nguso ko at binuksan ang paper bag upang malaman kung anong laman no'n.
"Anong luto ito?" Tanong ko kay Laze, tinignan niya muna ako bago umusad sa sofa upang silipin ang nasa loob ng paper bag pero hindi siya nakuntento at nilabas 'yon.
"Chicken cordon bleu." Napatitig ako sa pagkain.
"Hindi naman kulay blue?" Tanong ko.
"Bleu, as in B-L-E-U not the color one." He explained kaya napatango ako.
"That's tasty, eat it." Utos niya kaya kinuha ko ang fork na kasama sa food at tinikman 'yon at masarap nga. Inaya ko na rin siyang kumain habang ineexplain sa kaniya yung lesson ng panahon na wala siya.
"You're explaining it wrong, it shou—"
"Alam mo naman pala ba't ka pa nagpapaturo?" Salubong ang kilay kong tanong, naitikom niya ang bibig at tsaka nagkibit balikat.
"Loka loka 'to." Singhal ko.
"You'll go at architectural trip?" Sa tanong niya ay napaisip ako.
"Mahal yata ang bayad?" Tanong ko.
"You're obligated to go, you'll get 75% since you're a scholar." Mahinahon na sabi ni Laze kaya tumango ako.
"Mabuti naman." Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
Maya maya ay tumahimik na naman kaya naman gumawa na lang ako ng plates, ganoon rin siya. Pasimple ko siyang sinulyapan ngumit abala siya sa pagsukat ng bawat ginuguhit niya, matipid akong napangiti at nagsulat na lang.
Nang alas nuebe na ay nag-paalam na rin siyang uuwi. "Ingat." Nakangiting sabi ko, tumango lang siya at tsaka kinuha ang bag niya. Nang makaalis siya ay nag-lock na ako ng pinto at sumampa sa kama, inaantok na rin ako.
Hindi ba awkward 'yon? Dalawa lang kami sa iisang kwarto?
Umiling iling ako sa naisip at pilit binalewala ang bagay na 'yon.
Kinaumagahan ay inaantok akong naglalakad sa hallway, halos tamad na tamad akong pumunta sa classroom pero bago pa man ay may sinong tao ang tumulak sa akin dahilan para mapasubsob ako sa sahig ng hallway.
Ansaket.
Maingat akong bumangon at nilingon ang nakatulak pero babae ito at mahaba ang buhok. "Ah sorry." Mahinang sabi ko at tumayo na.
"What?" Gulat na sabi no'n.
"Sorry kasi hindi ako nakaiwas, hindi kita nakita." Mahinahon kong sabi at pinagpag ang damit ko.
Ngunit halos umawang ang labi ko ng hawakan nito ang kwelyuhan ng uniform ko at galit na galit akong tinignan. "Ginagago mo ba ako?" Parang gangster na babae ang astahan nito at wala talaga akong panahon para makipag-away.
"Hindi." Mahinang sagot ko.
"Galit ako ngayon at ikaw ang nasa gitna ng daan sa harapan ko, tapos mag-sosorry ka! Gago ka ba?!" Napapikit ako sa malakas niyang pagsigaw at agad kong nasapo ang pisngi ng malakas niyang sampalin ang mukha ko na para bang nabingi ang kanang tenga ko.
"P-Pasensya na, m-may klase pa kasi ako." Mahinang pakiusap ko.
"Galit ako ngayon! Kaya wala akong pakialam! Ano't hindi ka lumalaban!" Napapikit ako ng muli niya akong sampalin ay mapaupo ako muli dahil pabato niya akong binitiwan.
Hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil kahit sampalin o itulak siya ay hindi ko magawa, hindi ko magawang magalit matapos niya akong sampalin ng ilang beses, itulak at sipain.
Humahangos siya at napapikit ako ng itapon niya sa akin ang basurang nakita niya sa gilid ng hallway. "Hoy!" Nang marinig ko ang tinig ng boses na 'yon ay napalingon ako ngunit nakita ko si Janella galit na galit na susugod.
"Gago ka ba!" Nanghihina ko silang pinanood, itinayo ko ang sarili at inawat si Janella dahil aambahan na siya ng suntok ng babae na 'yon.
"Janella!" Niyakap ko siya sa bewang niya upang hilain pero halos gigil ma gigil siya at handang bumawi.
"Tama na!"
"Miran! Bitiwan mo 'ko!" Singhal niya at kinalas ang pagkakayakap ko tapos ay mabilis niyang tinalon yung babae sa likod at sinabunutan ito ng sobra.
"Ang pangit mo! Ang pangit mo! Ang pangiitttt mooo!" Naestatwa ako ng makita na panay kalmot na yung babaeng namg-away sa akin hanggang sa mabilis na dumating si Crizel ngunit hindi para umawat kundi para makisapak.
"Waaaaaah! Ikaw ha! Ano gusto mo pa!" Galit na galit na sigaw rin ni Crizel at sinampal ang mukha ng babae.
"Ano ba!"
"Umalis nga kayo! Ba't ba kayo nakiki-epal!"
"Bobo ka!" Sigaw ni Crizel.
"Isa pa! Bobo ka! Mali ka ng kinalaban!" Dagdag niya at nakikisapok.
"Sino ka para awayin ang kaibigan namin! Hayoop ka!" Sigaw ni Janella at napaluhod na yung babae hanggang sa dumating ang isang professor.
"ENOUGH!" isang sigaw niya lang ay natahimik ang lahat, natigil at dahil doon ay lumapit sa akin ang dalawa kong kaibigan at tinignan ang namumula kong pisngi at ang mga sugat at kalmot na natamo ko.
"TO MY OFFICE! NOW!"
///
@/n: Uhm, any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top