Chapter 23

Chapter 23:

Hakuna Miran's Point of View.

Hinintay namin na mag-announce ang emcee ng bawat events na gaganapin since they decided to have a game, like dance stop and then you'll get on the top of newspaper with your partner.

"Mamaya pa labas ni Laze 'no?" Tanong ni Crizel.

"Every year nasa birthday niya ako pero hindi ako makapaniwala na hindi niya ako kilala, alam niyo 'yon sobrang pain so I decided to move on." Ngising sabi ni Crizel.

They're already eighteen, so as Laze today at ako ayon wala pa rin. "For now your gifts will be settle here, kindly bring your gifts here." They pointed the table pero ng makita ko 'yon ay naitago ko sa ilalim ng mesa ang dala dahil sobrang liit nito at wala pang paper bag na balot. Tanging kahoy lang na box at may carved initials niya.

Nakagat ko ang ibabang labi at hinayaan sila na ilagay ang mga regalo nila doon habang ang akin ay nanatili sa bag ko, hanggang sa maya maya ay lumabas na si Laze at napalunok ako ng makita ang suot niya. He's wearing a simple white polo, buttons up.

And then a black pants, yet his belt we're black and silver. Hindi man lang siya ngumiti ngunit marami ang tumiling mga babae syempre hindi ako kasama doon, pagkatapos no'n ay nalaman ko na no pictures allowed dahil tanging camera man lang nila ang pepwede.

I found out, Laze hates flashes. Naupo si Laze sa seat namin, bigla ay nahiya ako dahil napatingin siya kaagad sa akin at sa suot ko. Did he sent this?

Sobrang tahimik pa rin niya, sumunod naman si Jami at ganoon rin natigilan si Jami ng makita kami. "Ate Janella." Nagtaka ako ng mapansin na kakilala niya ito.

"Jami." Bati naman ni Janella kaya tahimik lang akong nagmasid.

"Hi Ate Miran." Nakangiting bati ni Jami sa akin kaya ngumiti ako.

"Ang ganda mo ate, para kang goddess sa enchanted world." Ngumiti ako at natawa.

"Mas maganda ka Jami, you look like a princess." Ngumiti rin siya at tsaka natigilan ng makita si Yamato ganoon na lang ako nagtaka ng mag-irapan ang dalawa.

May alitan ba 'tong mga 'to?

"Si ate naging anghel." Natawa ako sa sinabi ni Yamato.

"Ikaw nagmukhang tao." Tumawa siya at inabot ang strawberry sa gitna ng table at sinawsaw sa chocolate.

"Kuya, ang ganda naman po ng birthday mo. Para ka pong nag-debut pero gangster theme." Itinuro pa ni Yamato ang cake ni Laze na may tatlong layer at ang candle niya ay baril kaya huminga ako ng malalim.

"Happy birthday Laze." Nakangiting sabi ni Janella.

"Thank you, Janella." Awtomatiko akong natigilan ng mabilis at matipid na ngumiti si Laze hindi ko alam kung pilit pero at least pinilit samantalang sa akin ayaw ngumiti papansin hindi pa lang umulan, joke.

"Happy birthday Laze, nandoon na yung gift ko sa'yo." Turo ni Crizel.

"Thanks."

"Oo na lang, kunyare sincere ka." Lahat ay natawa sa sinabi ni Crizel bukod kay Laze na walang emosyon, binati na siya ng lahat at ako ay nahihiyang bumati.

Napainom tuloy ako ng juice, ngunit natigilan ako ng dumapo ang abo niyang mata sa akin. Napalunok ako at napalingon sa likuran at gilid ko. "You're so sweet, Hakuna." Natigilan ako sa sinabi niya.

"H-Ha? Bakit?" Kwestyon ko, pero nanatili lang siyang nakatitig kaya naguluhan tuloy kaming lahat.

"You're so sweet that the ants will reject you from being so sweet," he stated kaya natigilan ako at alanganin na tumawa.

"Kuya, slow si Ate Miran. Straight to the point mo na," sinamaan ko ng tingin si Yamato na ngingiti ngiti.

"I guess kuya means you didn't greet him," napalingon ako kay Jami na nakangiti kaya alanganin akong natawa.

"H-Hindi pa ba.. Happy birthday," nahihiyang sabi ko pero blangko niya lang ako ma tinitigan kaya alanganin ako na ngumiti.

"Hehehehehe."

Kumain na kami, lalo na ng i-serve sa amin ang isang klase ng karne ay buttered vegetable, sobrang sarap ng mga 'yon at wala akong masabi habang kumakain. Maya maya ay nawala ang mga kasama ko dahil nakita nila ang ibang mga kaibigan sa party.

Napangiwi ako at tumayo upang maglibot sa buffet, tumikim ako ng sweets nila rito at may iba't ibang klase rin ng drinks. Nabusog ako sa food kahit sobrang kaunti ng serving kasi may buffet pa. Special course meal lang yung nauna kasi steak siya sa medium rare.

Natigilan ako ng masarap yung drinks na nakuha ko kaya kumuha pa ako pero habang kumukuha ay magulat ako ng may magsalita sa gilid ko dahilan para matapos ang kaunti sa kamay ko.

"I didn't know you wanted to get drunk?" Nalingon ko si Laze.

"Huh?"

"It's a juice mix with a little bit of alcohol. Don't drink that yet, may games pa." Nabitiwan ko 'yon at alanganin na tumawa.

"May washroom?" Mahinang tanong ko.

"Hmm, follow me." Senyas niya kaya sumunod ako, inilakad ko ang may tatlong pulgadang takong na sandals at ng nasa washroom na ay mabilis akong maghugas ng kamay, tinignan ko rin ang hitsura ko ngunit naalala ko ang regalo na ginawa ko for him.

Paano kung hindi siya matuwa kasi ang cheap?

Lumabas na ako ngunit naghihintay pala siya. "Dance with Janella, I'm sure she's waiting for you." Mahinang sabi ko at sinulyapan siya.

"She's with her friends, how about a dance with you first? She declined my offer and asked me to dance later." Nagtaka ako at tinitigan siya.

"Ikaw tatanggihan niya? Hindi nga?" Kwestyon ko.

"Yup." Matipid niyang sagot at itinaas ang buhok niya.

"Parang imposible, sure ka bang wala kang ginawa?" Ngumiwi si Laze at hindi na sumagot.

"Ang daming sumasayaw oh, tinatamad pa ako sumayaw." Reklamo ko.

"So you're rejecting the birthday boy?" Nakonsensya ako at alanganin na tumawa.

"Sabi ko nga sasayaw na eh," kinuha niya ang kamay ko tapos ay dumikit kami sa mga sumasayaw.

Nahihiya ko namang inihawak ang kamay ko sa balikat niya at siya ay nakahawak rin sa bewang ko, nakakailang! "What's your birthday wish, Laze?" Kwestyon ko upang maalis ang awkwardness dahil sa katahimikan.

"I don't have a wish." Matipid niyang sagot, ang lamig rin ng boses niya.

"Weh? Ako nga birthday wish ko eh sana mahanap ko na si papa bago pa man ako mag-eighteen." Pagsasabi ko ng totoo.

"Really? I can't wish for more since I already have everything I want." Tumango ako bilang pag-unawa sa kaniya.

"Sabagay, lahat nga naman asa iyo na. Ano pa bang hihilingin mo 'di ba." Tumango siya at marahan akong isinayaw.

"I actually have a gift for you, pero natatakot akong ibigay kasi ang cheap niya lang." I stated that caught his attention.

"What it is?"

"Nahihiya ako kaya hindi ko na nilagay doon," senyas ko pa sa gift table. Huminga siya ng malalim at tumitig sa mukha ko.

"Gifts are special, cheap or not. It will always have a value because it was given by someone." Heto na naman kami sa malalalim niyang palaisipan at words of wisdom.

"Hindi na, hindi ko na lang ibibigay." Pagdedesisyon ko.

"You're so conscious." Nayayamot niyang sagot kaya napangiti ako.

"Kahit papaano nagbibigay ka na ng emosyon sa akin ha, galit, inis at lungkot, isang beses ka na ring tumawa pero hindi ko man lang nakita yung tawa mo. Napakadamot." Pagkekwento ko.

"Hmm, baka ma-fall ka." Umawang ang labi ko at natawa.

"Nagbibiro ka na rin ha, mamaya ko na ibibigay yung gift ko. Sabi mo kasi I should save you last," napailing iling siya at dahil tinamad na ako sumayaw ay nagpabalik na ako sa table namin at dahil doon ay sunod niyang isinayaw si Janella.

Makalipas ang oras ay lahat sila ay nagsasaya na habang ako ay gusto kong huminga ng maayos, gusto kong lumabas sandali para huminga dahil pakiramdam ko ay nasasakal ako.

Naglakad muna ako palabas pero natigilan ako nang makita si Laze at Janella na nag-uusap hindi malayo sa kinatatayuan ko. Natigilan ako, "I'm really sorry if I gave you trauma from the past Laze, p-pinapayagan kitang bumawi pero babawi rin ako dahil may kasalanan rin ako sa nangyari." Nangunot ang noo ko at bahagyang naningkit ang mata ko dahil medyo lumalabo ito dahil yata sa nainom ko.

"Okay." Sagot lang ni Laze.

"Pero kailangan pa natin ng approval ni dad, mula nang mangyari ang nakaraan ay hindi niya na gusto na magkagusto pa akong muli sa iba habang bata pa ako." Napalunok ako, at aalis na sana pero narinig ko ang sinabi ni Laze.

"I'm sorry if I didn't save you before when you needed me, but don't harm yourself." Bago pa man sumobra ang pakikinig ko ay umalis na ako doon at sa ibang gawi naglakad pero doon pa rin ang labas para hindi mahalata.

Hindi ko sila nilingon pero alam kong nakatingin sila sa akin. Ngunit nagmaangan ako at derederetso lang, nang makalayo ay naupo ako sa inuupuan ng guard.

Inaantok na rin ako.

Pero ano raw? Nakaraan?

Halos mapatayo ako kaagad ng may maupo sa tabi ko, nanlaki ang mata ko at tinignan si Janella na nakangiti habang nakatingin sa bituin. "Okay ka lang?" Tanong niya.

"Oo naman mare, kanina ka pa?" Maangan ko.

"Nakita kita kaya sinundan kita, kumusta naman kayo as a family mare?" Natigilan ako sa tanong niya kaya alanganin akong ngumiti.

"O-Okay naman, kayo ba?" Tanong ko at tinanaw ang kalawakan.

"Okay naman, pero broken family kami eh." Napatango ako sa kwento niya.

"Okay lang 'yan, sa pamilya talaga hindi inaasahan kung kailan masisira at kung gaano katagal ito mabubuo. Pero masaya naman ako kahit kami lang nila mama at ng kapatid ko." Matipid akong ngumiti sa pagkwento.

"Dalawa lang ba kayong magkapatid ni Yamato?" Kwestyon niya.

"Hmm, dalawa lang kami ni Yamato." Tipid kong sagot.

"Ako naman, mula ng nagalit si dad sa akin sa gulo na nagawa ko Gonzales na ang pinagamit niyang apelyido sa akin, middle name ng lola ko sa father side." Tumango tango ako.

"Yung mommy mo nasaan?" Tanong ko.

"Ah si mommy? Hindi ko alam, hindi ako sigurado. Pero sana ay maayos lang siya," ngumiti ako.

"Magkikita rin kayo mare." Tumango siya.

"Sana nga ay maalala niya pa ako mare, ang bata ko pa kasi ng mahiwalay ako sa kaniya dahil sakitin ako." Bigla ay napansin ko na nalungkot siya ng maging usapan ang mommy niya.

"Mare, cheer up! Magkikita kayo, at mabubuo pa okay?" Ngumiti siya at sumandal sa braso ko.

"Sobrang bait mo Miran, hindi man tayo matagal na nagkasama pero sobrang bait mo." Napangiti ako at mahinang natawa.

"Kasi mabait ka mare, maganda pa, para nga kitang ate kasi mas matangkad ka sa akin." Nakanguso na sabi ko na ikinatawa niya.

"Tara na sa loob?" Nakangiting sabi niya.

Dahil doon ay pumasok na kami, sumali kami sa kaunting games nila at may prizes rin ang mga 'yon. Lahat ay napasigaw dahil sa regalong natanggap ni Laze sa daddy niya, isa itong sasakyan na masasabi kong sobrang ganda at mahal.

Sa mommy niya naman ay mamahaling sapatos at jewelry. Si Jami ay isang bag lamang ang binigay niya sa kuya niya ngunit brand pa lang ay mamahalin na.

Nahiya tuloy akong ibigay ang regalo ko lalo, bahagya ring uminom sila at dahil doon ay kinuha ko na ang regalo sa bag ko dahil mamaya uuwi na rin kami. Hinanap ko si Laze sa buong crowd at nang makita siya ay lumapit ako sa kaniya at hinila siya sa gilid sa wala gaanong tao.

"I know that you have everything na, pero wala ka pa nito kasi handmade 'to okay? Huwag kang tatawa promise?" Malakas na sabi ko dahil malakas din ang music, deretso lang ang tingin niya sa akin kaya naman inilabas ko na 'yon at pinatong sa palad niya.

Napatitig siya doon at muli akong tinignan bago niya binuksan ang wooden box at tsaka siya natigilan, tumango tango siya at napatitig ako sa reaksyon niya dahil ngumiti siya. "Appreciated, thank you Hakuna." Napalunok ako ng i-pat niya ang tuktok ng ulo ko.

"U-Uuwi na rin kami mamaya," mahinang sabi ko. Bigla ay tinubuan ako ng malaking hiya dahil sa pag-ngiti niya, 'cause it's the first time that I saw it lasts for more than 5 seconds!

"Okay, take care. Lock doors." Paalala niya kaya ngumiti ako at nahihiyang nilisan ang kinatatayuan tapos ay bumalik ako doon sa table namin ngunit nakita ko si Crizel na nakayuko na sa table.

"Napano?" Kwestyon ko.

"Napainom ng marami," bulong ni Janella kaya natawa ako.

"Sana all 18 na," singhal ko.

"18 ka naman na few more months." Sagot ni Janella kaya natawa ako at tumango, maya maya ay napagdesisyonan na naming umuwi. Pinahawak ni Janella ang cellphone niya sa akin kaya naman inilagay ko muna 'yon sa bag ko at inalalayan niya si Crizel.

"Yamato, uwi ka na rin mamaya ha. Alas dose mahigit na," paalala ko pero ngumiti siya.

"Ate sabi ni Kuya Laze dito na raw po ako matulog, ipinaalam niya po ako kay mama." Tumango ako bilang sagot.

"Ingat ka ha, huwag kang iinom." Paalala ko.

"Yes naman ate," sagot niya.

"Ingat po kayo," paalala niya rin kaya tumango ako at sumunod na kay Janella. Nang nandiyan na ang sasakyan ay nagmamaktol si Crizel kaya nahirapan si Janella na patigilin siya.

Ako ang nauna nilang hinatid. "Ingat ka mare!" Paalam ko.

"Ikaw rin!" Sagot niya kaya pumasok na ako sa condo building.

Dumeretso ako sa condo ko at nang makapasok ay tamad na tamad akong nag-alis ng mga damit matapos i-lock ang pinto. Nag-shower ako at nagbihis pang tulog na, hihiga na sana ako pero may nag-bell at dahil doon ay kinabahan na ako.

Baka si Tito Jubal?

Mabilis kong inalis ang pera sa wallet ko at tinago 'yon sa tuktok ng book shelf tapos ay kinuha ko ang shirt ko at sinuot 'yon bago tumayo. Lumapit ako sa pinto at dahan dahan na binuksan 'yon pero nakahinga ako ng maluwag nang sandaling makita si Janella.

"Cellphone ko sana mare, naiwan ko sa'yo." Natatawang sabi niya kaya natawa ako at kinuha ang bag ko, kinuha ko ang cellphone niya at inabot 'yon sa kaniya.

"Ingat ka pauwi ha, sleepy na ako eh." Tumango siya.

"Goodnight Mareng Kuna," nakangiting sabi niya at inabot ang cellphone deretso sa bag niya.

"Goodnight marecakes." Paalam ko at pinanood siyang maglakad, muli ay sinarado ko na ang kwarto pero makalipas ang limang minuto ay may kumatok na naman kaya nangunot ang noo ko at tinignan ang bag ko. Nakita ko ang lipstick ni Janella kaya kinuha ko 'yon at lumapit sa pinto nakangiti kong binuksan pero ganoon nanlaki ang mata ko ng pagbukas ko ay pumasok si Tito Jubal.

Amoy alak siya at mukhang lasing na siya. "Miran.." Naitulak ko siya kaagad ng hapitin niya ako at halikan sa leeg.

"Tito ano ba!" Itinulak ko siya muli pero ako na ang itinulak niya dahilan para malaglag ko ang lipstick at sa muli ay si Tito Jubal na naman ang nasunod. Ni-lock niya ang pinto ng kwarto ko at naghubad na siyang muli sa harapan ko.

Bago 'yon ay malakas niya akong sinampal. "Ano at naglilipstick ka! Ginagalaw ka na ba ng nobyo mo na 'yon!" Sigaw ni Tito Jubal at ganoon ako napasigaw ng subukan niya akong hubaran at pilit na pinapatungan.

"Tama na po!"

"Ano po ba! Tito Jubal!" Sigaw ko at pumapalag ngunit nahawakan niya ang pribadong parte ko ngunit malakas na bumukas ang pinto at ganoon nanlaki ang mata ko ng makita si Janella na gulat na gulat.

Dahil lasing si Tito Jubal ay hindi siya nakatayo kaagad ngunit napanood ko kung papaano dinampot ni Janella ang vase na may artificial flower at hinampas sa ulo ni Tito Jubal.

"Oh my god!" Nagulat siya at nabigla sa ginawa ngunit dahil doon ay naitulak ko si Tito Jubal.

Mabilis akong itinayo ni Janella at nag-aalala, nang maitayo ay hinila niya ako papalabas walang ano-ano ay hinayaan ko siyang itakbo ako sa kung saan, pagkasakay sa elevator ay nasapo niya ang dibdib.

"Okay ka lang? Ayos ka lang Miran?" Sinapo niya ang pisngi ko at natigilan ako ng maiyak siyang hinahawakan ang braso ko na may sugat pati na ang mukha ko.

Bigla ay naluha na lang rin ako at umiyak sa pagkakayakap niya.

Hindi ko inaasahan na magbabalak si Tito Jubal na gahasain ako dahil sobrang lasing siya, kung hindi dumating si Janella ay panigurado nagalaw na ako ni Tito Jubal.


///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top