Chapter 20
Hakuna Miran's Point of View.
Nanlulumo akong yumuko sa mesa at nakikiramdam. Hahanapin ko na lang yata yung pogi na sinabing pag-iisipan niya kung tatanggapin niya ang alok ko. Habang lumilinga linga ay nakita ko si Janella at natigilan ako ng makita ang isang kasing tangkad ni Laze.
Mukhang si Laze nga talaga ang nakahalikan niya.
Nakagat ko ang ibabang labi at pinilit ngumiti pero may humawak sa kamay ko at hinila ako, nang mapansin ko yung suot niya ay alam kong siya na kaagad yung lalake kanina. "I found out why did they made us have an extra clothes. To change before the reveal." Tumigil kami sa wala gaanong tao.
"Are you sure about asking me to do this?" Napalunok ako, napalingon sa bawat gilid at huminga ng malalim.
"Makungkot ako ngayon," mahinang sabi ko sa kaniya.
"Nalulungkot ako kasi hindi ko maintindihan kung bakit ako nagseselos sa wala, she's my friend and he's also my friend." Pabulong na sabi ko.
"Whom do you like? She or the he?" Sa tanong niya ay ngumuso ako dahilan para mapangisi siya at sa simpleng ngisi niya ay lumabas na ang dimples niya kaya nakagat ko ang ibabang labi lalo na ng dumapo ang mga mata ko sa labi niya.
"What do you think of me?" I asked.
"Why? Do you want to be my girlfriend?" Sa tanong niya ay nasamid ako sa sariling laway dahilan para mapaubo.
"Ang straight to the point mo ha, bakit ka papayag na halikan ako?" Taas kilay kong tanong.
"Why not? A drop-dead-gorgeous lady is asking me. Why would I say no?" Lumabi ako at bumuntong hininga.
"Hindi ko talaga alam kung magagandahan ka pa sa akin pag wala 'to, hindi natin kilala ang isa't isa." Tumango tango yung lalake sa harapan ko.
"So? That's the point why you're asking. Kasi hindi tayo magkakilala." Halos mahawakan ko ang daliri niya ng hawakan nito ang labi ko gamit ang hinlalaki niya, napatitig ako sa kaniya ng titigan niya ang labi ko.
Kumabog ng sobra ang puso ko sa kaba, napalunok ako ng hindi na maalis ang tingin niya sa labi ko. He leaned over and was about to kiss me but then he smiles and touched my lips once again.
"Your first kiss?" Tanong niya at tinitigan ako sa mata.
Marahan akong tumango, muli siyang ngumiti at dahil doon ay bahagya pang nawala ang mata niya pero lumabas ang dimple niya kaya naman awtomatiko akong napapikit sa kaba ngunit halos magpakain ako sa lupa ng lumapat ang mainit at malambot niyang labi sa labi ko.
Deretso lang akong nakatayo habang bahagyang nakasandal sa pader, bahagyang gumalaw ang labi niya at nagtagal 'yon ng mahigit limang segundo bago siya humiwalay at halos matawa siya ng manghina ang tuhod ko.
Nakakahiyang sinalo pa niya ang mga braso ko para hindi mawalan ng balanse.
Hindi ko mapigil ang bilis ng tibok ng puso. "I wanted to heal your heart, but maybe until we meet again. I'll kiss you again, always remember this lips that marked yours first." Umawang ang labi ko ng kindatan niya ako, ngunit sabay kaming napalingon ng may tumikhim sa gilid at agad akong napaayos ng tayo ng makita ang lalakeng matangkad na nakatingin sa amin.
Halos manlaki ang mata ko ng mapansin na si Laze 'yon, siya yung kasama ni Janella kanina. Sigurado ako! Lalapitan ko sana siya pero mabilis na hinuli ng kaharap ko ang braso ko at dahil doon ay napatitig akong muli sa labi niya na nakangiti.
Why is he so smiling that handsome? Kakaiba ang dating!
"Is he the man you're talking about?" Mahinang tanong niya kaya, napatitig ako sa mata niya at kinakabahang tumango.
"Forget him," pabulong niyang sagot.
"I'll get change." Paalam niya at muling hinawakan ang labi ko, tapos ay naglakad na siya papaalis. Natulala ako sa nilakaran niya at nagising lamang ang diwa ko nang sandaling tawagin ako ni Janella.
"Bakit sila ang magbibihis! Bakit hindi tayo sinabihan!" Reklamo niya kaya napailing iling na lang ako.
"Hoy, nabura yung gloss mo. May humalik sa'yo? Magaling?" Bulong niya.
"Huh?! Kung ano ano naman sinasabi mo! Dampi lang!" Ngumisi siya ay patuloy akong inasar about sa halik halik na 'yan.
"Si Laze yata nakahalikan mo ah?" Biglang sumulpot si Crizel.
"Sino?" Tanong ni Janella.
Pero hindi 'yon nasagot kasi mabilis na nagpasukan ang mga lalake ngayon, at nag-announce na rin ang emcee. "SPREAD OUT EVERYONE!" dahil doon ay mabilis kaming nagsi-hiwalayan mabuti na lang pare-parehas ang maskara ng mga lalake.
Pagkatapos ng maiksing sayaw ay natigil kami.
Hindi naman kasi ganoon kalinaw ang mga memorya nila pagdating sa damit, ano kayang pangalan ng nakilala ko kanina. Ngayon ay kaharap ko na ang isang lalakeng sinasabi nila na pag nakaharap mo raw bago mag eleven ay soulmate mo.
Base lang sa eklavush lavush nila. This man in front me is wearing a white jacket and a black shirt on top. Halos lahat naman sila white jacket, hinanap ko ang lalakeng may kwintas sa leeg pero napatingin ako sa lalake sa harap ko na hindi kakikitaan ng kung ano mang reaksyo—
Si Laze?
"In the count of three, you'll remove your masks!" They announced.
Nang magsimulang magbilang ay yumuko kami upang alisin ang mga masks namin at pagkaalis no'n ay tinignan ko ang kaharap at hindi nga ako nagkamali. Hindi ko siya makapaniwalang tinitigan pero nalungkot ako.
Galit pa rin siya sa akin?
"Laze." Sambit ko sa pangalan niya.
Nanatili siyang nakatitig sa akin, blangko ang tingin at tumango lang. "G-Galit ka pa rin ba sa akin?" Kwestyon ko, ngunit tumitig siya sa akin at umiling.
"You have a lipstick—" I was about to wipe it for him pero pinunasan niya na 'yon gamit ang likod ng palad niya at umiwas tingin.
Naninibago ako ng sobra, hindi ko alam, hindi ko maintindihan. "May gusto ka sa kaibigan ko 'no?" Kwestyon ko at hinanap si Janella.
"Whatever." Matipid niyang sagot kaya peke akong ngumiti.
"Mabait naman siya, kaya nga friends kami." Nakita niya kaya kami kanina?
"Nakita mo ba kami kanina?" Mahinang tanong ko, natigilan siya ulit sa tanong ko pero tinitigan niya lang ako at napalunok ako ng basta basta niya akong talikuran.
Luh?
"Laze." Pagtawag ko sa kaniya.
"What?" Kwestyon niya at tumigil sa paglalakad, nilingon ako.
"Wala." Mahinang sagot ko at nakagat ang ibabang labi.
He changed, alam kong mean siya pero naninibago ako sa treatment niya sa akin parang hindi siya.
"Sumabay ka na sa akin pauwi." Mahinang sabi niya na lang at umalis na, mukhang ayaw niyang ako ang nakaharap. Hindi ako umimik at naupo sa table namin.
Nandito rin si Jem, Janella, at Crizel kasama na rin namin si Laze na tahimik lang. "Nakita ko kayo ni Janella kanina ah, ikaw 'yon 'di ba Laze?" Tanong ni Crizel kaya napatitig ako kay Laze.
Sinulyapan niya si Janella at hindi na umimik. "I-Ikaw 'yon? Yung kanina?" Gulat na tanong ni Janella kaya pasimple akong ngumiwi at uminom na lang.
"Ikaw rin ha, nakita kitang may kahalikan yung poging may dimples! Niyaya ko rin 'yon pero ayaw niya sa akin." Nakangiwing sagot ni Crizel kaya natakpan ko ang sariling bibig.
"A-Ano bang sinasabi mo?" Sita ko kay Crizel at sinulyapan si Laze na nakatingin sa akin ng deretso.
Ang daldal talaga ni Crizel. Nakainom na kasi yata, nahihiya akong umiwas tingin at pinaglaro ang dalawang hinlalaki ko sa ilalim ng mesa. Matapos ng ball ay sabay kaming naglakad ni Laze, nakapamulsa siya at tahimik lang.
Ngunit pinagbuksan niya ako ng pinto ng service nila, sumakay ako at naupo sa kabilang dulo ng kotse. "Let's go." Maayos niyang sabi sa driver, ngunit ang nakakapagtaka ay inilihis ng driver ang kurtina at wala akong matanaw sa harap kaya sa bintana ako lumingon.
Bahagyang may harang sa gilid ko dahil may paper bag na sarado, kaya hindi kami gaano nagkakalayo ni Laze na sa tuwing pepreno ay nagtatama ang mga braso namin. Malayo kasi ang venue sa bahay nila.
"How's the party?" Mahinang tanong niya.
"O-Okay naman." Matipid kong wika at alanganin na tumawa.
"I'm sleepy I quite drank a lot." Halos maestatwa ako sa kinauupuan ng mag-adjust siya pababa at isandal ang ulo niya sa balikat ko dahilan para kumabog ng sobra ang dibdib ko.
Hindi ako gumalaw at nanatili sa pwesto, pasimple ko siyang nilingon. Ngunit nakapikit na siya, napakurap ako at deretso na lang na napatitig sa daan sa bintana.
Nang makarating sa lugar nila ay hindi ko alam kung paano gigisingin si Laze kaya naman tinapik tapik ko siya sa bandang tuhod niya. "N-Nandito na tayo." Nauutal kong sabi.
Dahan dahan naman siyang bumangon at lumabas na ng sasakyan, sabay kaming pumasok at kinuha niya naman ang paper bag kaya nauna na akong pumasok.
Nang makapasok ay dumeretso na ako sa tinutuluyan kong guest room. Ngunit hindi pa ako makatulog kaya pagkatapos maligo ulit ay lumabas ako at dumeretso sa terrace pero natigilan ako ng makita ang nakaupo sa bandang duyan.
"L-Laze." Nalingon niya ako at tumango lang.
"Did you have fun?" Mahinang tanong ko at naupo sa kabilang duyan, huminga siya ng malalim at nagkibit balikat.
"Bakit hindi mo alam?" Kwestyon ko.
"A lot of woman asked me to kiss them," nasamid ako ng mabanggit niya ang halik halik na 'yan.
"It's a one time experience naman, hindi ka naman nila makikilala for sure." I stated, trying to explain the fun.
"Yeah, one time. One time, it's disgusting to kiss someone's lips who kissed someone already." Napaiwas tingin ako dahil parang wala siya sa mood, sabagay parati naman.
You kissed my friend.
"Then choose someone who didn't?" Kwestyon ko.
"That's what I did," nakagat ko yung ibabang labi ko sa sagot niya.
"You kissed my friend right?" Pabulong na tanong ko, ngunit natigilan siya at tinignan ako.
"Does it matter," pabulong niyang sagot at tumingin na sa kawalan sa kung saan may buwan at bituin na hindi nagkakalayo.
He kissed her, and yeah does it matter Miran?
"How about you? How's the kiss?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya kaya mabilis kong natakpan ang bibig, shit oo nga pala nakita niya kami!
I'm sure alam niyang si Janella ang hinalikan niya dahil parati niya itong dinidikitan at nilalapitan. Unlike me na kailangan ko pang magpapansin sa kaniya maging kaibigan lang siya. "A-Ah, that.." Wala akong masagot!
"Basta, of course it's a kiss. Hindi naman namin kilala ang isa't isa kaya hindi ako matatakot." Sagot ko.
"Eh ikaw? Bakit mo ako nakilala kaagad?" Ngumiwi siya.
"Nakilala? I was about to dance with you but— well never mind. Get to bed and rest." Seryosong sabi niya at napansin ko na salubong ang kilay niya tapos tumayo na at naunang bumalik sa loob.
Ba't siya nagagalit.
Kinaumagahan ay masasabi kong nasa engineering at architecture lang yung lalake na nakilala ko kagabi dahil nakasama ko siya sa intermission number. Pumasok na ako at naupo kami sa harapan ni Laze kami ni Crizel.
"Sayang Laze, hindi ka nakasama sa intermission kagabi." Panchichika ni Crizel.
"Hmm." Tugon lang ni Laze at nagsulat na.
"Gusto mo si Janella?" Mahinang tanong ni Crizel ulit at dahil doon ay tinitigan siya ni Laze at hindi na kami pinansin dahil hanggang sa classroom ay gumagawa pa rin siya ng plates.
"Sungit 'no, ayaw pa umamin. Nakita ko naman silang naghalikan, parang joke." Mahina na lang akong ngumisi at ginawa na rin ang desired plates ko.
"Ikaw 'teh? Sino yung cutie guy? Nakilala mo ba siya?" Sa tanong ni Crizel ay napalibot ang mata ko sa buong classroom.
"Archi at Engr rin siya eh sure ako, nakasama ko siya sa intermission." Mahinang chika ko at inabot ang pambura ng lapis, nag-layout pa lang kasi ako.
"Magkikita pa naman siguro kami," mahinang sabi ko at huminga ng malalim.
"Ibig sabihin niyan gusto mo pa makita 'yon? Akala ko ba one time kiss." Pinanlakihan ako ng mata ni Crizel kaya ngumiwi ako.
"Nagalingan ka siguro humalik 'no?" Mabilis ko siyang siniko dahil napalakas ang tinig niya, maya-maya ay sabay kaming dalawa na napalingon ng may malakas na pag bagsak ng pen ay pinanood namin si Laze na naglakad at lumapit sa professor.
"Bad mood ang Laze ha, nagdadabog." Bulong ni Crizel.
"Ayaw kasi no'n sa maingay pag gumagawa siya ng plates." Mahinang sabi ko at bumuntong hininga, ganoon talaga si Laze iritable sa maingay.
Maya-maya ay nasa cafeteria kaming tatlo, parang nanlulumo si Janella kaya pinagmasdan ko lang siya. "Ano problema mo?" Kwestyon ko.
"Do you like Laze?" Kwestyon ni Janella at dahil doon ay natigilan ako at alanganin na natawa.
"O-Of course not! Friends kami, friends." Paglilinaw ko, ngumuso siya lalo at yumuko sa mesa.
"Ikaw Crizel?" Kwestyon niya lalo, nalingon ko si Crizel na nasamid habang kumakain ng saging.
"Gaga, may papi na ako. Jowain niyo na kung gusto niyo," sagot ni Crizel at kumain ulit ng saging.
"B-Bakit? Ano bang meron Janella?" Kwestyon ko, na-curious ako kung may namumuo ba sa pagitan nila.
"Wala.." Nahihiya niyang sagot kaya tumango ako.
After break time ay naunang umalis si Janella kaya naman sumunod kami ni Crizel para pumasok na rin pero sa gilid malapit sa gym ay nakita namin si Janella at Laze na magkasama, Laze is standing in front of her, hands were on his pockets.
Nakagat ko ang ibabang labi ng mag-lean over si Laze at dahil doon ay mabilis akong tumalikod. "Tara na, papanoorin mo pa ba silang maghalikan." Sarkastikang sabi ko at tinangay si Crizel na gustong panoorin 'yon.
"Si Laze magkakagusto kay Janella? Ganoon kabilis?" Mahinang tanong ni Crizel sa akin.
"Malay ko." Matipid kong sagot.
Nang makapasok sa classroom ay tahimik akong naupo at at nag-aral na lang. Hayaan na, ganoon naman talaga ang buhay.
Pagkatapos sa school ay dumeretso ako sa cafe pero habang naglalakad ako ay biglang may sumabay sa akin kaya nalingon ko ito pero nagulat ako ng mapansin na si Laze 'to.
"Bakit?" Kwestyon ko.
"Sa cafe punta mo right?" Kwestyon niya, suot suot ang bag niya sa isang gilid ng balikat.
"Oo."
"Sabay ka na sa akin." Napalunok ako at tumango na lang.
Habang naglalakad ay bumuntong hininga ako muli. "May alam ka bang dorm na malapit lang sa school?" Sa tanong ko ay nalingon niya ako.
"I'll try to find some," wika niya.
Kinagabihan ay kasabay ko ulit umuwi si Laze kaya natigilan ako ng ipatong niya ang palad sa tuktok ng ulo ko pero wala ako sa mood kaya inalis ko 'yon at sumakay na. Hindi ko siya inimik ngunit nanlaki ang mata ko ng sapuin ni Laze ang pisngi ko at dahil malamig ang palad niya ay napatitig ako sa mukha niya dahil sobrang lapit.
"I'm getting conscious," he stated staring at my eyes that made my heart pound heavily. "S-Saan ba?" Kwestyon ko at hinawakan ang dalawang palad niya na nasa pisngi ko.
"B-Bitiw.." Bahagyang nakaawang ang bibig ko.
"I'm wondering if she liked my kiss or not?" Napakurap ako at aksidenteng napatingin sa kabi niya ngunit mabilis kong sinalubong ang mata niya.
"H-How would I-I know? Ask Janella about it." Nahihiyang sabi ko.
"Can't you say?" Nanlaki ang mata ko at pinalo ang dalawang kamay niya dahilan para bitiwan ang pisngi ko.
"Hah! B-Baliw ka ba, hinalikan mo ang kaibigan ko at hahalikan mo rin ako para lang masabi k-ko sa'yo kung maayos ka bang humalik!?" Nanlalaki ang mata kong tanong at dinuro siya.
"I don't kiss someone who kissed other lips, just like you. Okay? Yuck!" Pinagkrus ko ang braso ko at mas isiniksik ang sarili ko sa side ng upuan ko at tumingin sa labas ng bintana.
He's making my face red! Dang it.
"Conclusions." He stated and crossed his arms above his chest, also staring outside the window.
"Yuck, b-bakit kita hahalikan. We are friends, friends okay?" Napairap ako at dahil sa sinabi ko ay tinitigan niya ako.
"Ba't ka nauutal?" Sa sumbat niya ay nanlaki ang mata ko at tinakpan na lang ang tenga ko para hindi siya marinig.
Mang-aasar pa? Play boy ba siya! Duh kailan lang galit siya sa akin tapos ngayon gaganyan ganyan siya sakalin ko kaya siya pahalik na lang siya kay Janella bwiset.
///
@/n: Any thoughts? 😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top