Chapter 2

Chapter 2:

Hakuna Miran's Point of View.

"Bullet stop," sinita niya ang sariling aso dahil dinidilaan nito ang kamay kong may hawak na tray.

"This is your order sir," maayos kong sabi at ibinaba sa table niya. Hindi niya ako tinugon at nag-focus sa libro na binabasa niya.

"Anything you need sir?" Maayos na tanong ko pa, with halong respect para damang dama.

"No, thank you." Bahagya akong yumuko at nginitian ang aso niyang si bullet na masasabi kong isang German Shepherd o police dog o K9 kung tawagin sobrang laki niya at magkamukha sila ng amo niya cute.

"What are you waiting for?" Mabilis akong umalis sa harap ni Sir Laze at bumalik na sa loob ng kusina.

"Nagalit?" Tanong ni Ate Sandra.

"Hindi naman ate," sagot ko.

"Wow." Napangiti na lang ako at muling sinulyapan si Sir Laze.

"Ilang taon na siya ate?" Mahinang tanong ko na ikinahagikgik ni Ate Sandra.

"17 na siya," bulong niya kaya napalunok ako.

"S-Sa tangkad niyang 'yan?" Hindi makapaniwala kong sabi.

"Regular costumer pala natin siya, college na rin ba siya?" Bulong ko pa habang inaayos ang bagong ihahatid na order.

"Interisado ka sa kaniya ha, crush mo ba?" Mabilis na nanlaki ang mata ko.

"Hindi ate!"

"Hindi ko siya crush," mabilis kong sabi.

"Ano siya ng may—"

"Hi girls," mabilis kaming umayos ng dumating si Ma'am Miyu kasama ang isang kasing taon ko rin ngunit lalake.

"Siya nga pala ang bago mong makakasama sa part time job na ito Miran, Engineering pero ang kukunin niya kaya naman sana magkasundo kayo." Nakangiting sabi ni Ma'am Miyu kaya nakangiti kaming tumango.

"Ako si Sandra full time worker, tawagin mo na lang akong Sandra tutal 3 years lang naman ang agwat natin." Pagpapakilala ni Ate Sandra at nakipagkamay pa.

"Jem Soriano po," pakilala niya rin ng sa akin na ay ngumiti ako at nakipagkamay.

"Miran Romero," pakilala ko.

"Architect student?" Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

"Nice, akala ko nag-iisa lang ako." Sagot niya.

"May isa pa tayong kasama, nauna rin siya sa akin. Nandoon siya oh," itinuro ko pa kaya naman tumango siya at mabilis na nagpaalam.

"Pogi rin si Jem 'no? Hindi mo bet?" Asar ni Ate Sandra kaya natawa ako.

"Ate trabaho po pinunta ko rito hindi para maghanap ng boyfriend," natawa kaming dalawa kaya naman hinatid na namin ang mga order ng costumers.

Tumagal ng halos 8 hours ang work ko dahil wala pa namang pasok ay mas malaki ang kinikita ko dahil full time ako ngayon, 56 pesos per hour kung magtatrabaho ako sa loob ng walong oras kikita ako araw araw ng 448 pesos.

Maganda na, pag kailangan kong mag-overtime mas madadagdagan pa 'di ba? "Miran ayos ka lang?" Napalingon ako kaagad kay Jem at tumango.

"Ah may tanong pala ako Miran," tinignan ko lang si Jem hinihintay ang tanong niya.

"Ilan ang per hour mo rito?" Pabulong niyang tanong kaya natawa ako.

"56 pesos ang per hour natin, pantay pantay lang. Bakit? Ilang oras mo ba balak magtrabaho?" Tanong ko pa, napaisip naman siya.

"8 hours daw kasi sabi ni Ma'am Miyu pag full time, pero pag part time daw 6 hours na lang." Tumango ako bilang pag sangayon.

"Parehas lang tayo," wika ko.

"Ako na maghahatid niyan," wika niya kaya ngumiti ako at inabot sa kaniya ang tray.

"Miran may tip for you," mabilis at excited akong lumapit kay Ate Sandra.

"Talaga ate? Pepwede po ba 'yon dito?" Mahinang tanong ko.

"Of course, makakatulong 'yon sa inyo kaya pepwede. First day mo magandang simula 'yan," gulat at nahihiya kong tinignan si Ma'am Miyu na nakangiting nakatingin sa amin.

"Ma'am mabilis nga po siyang turuan, tatlo na po ang nag-tip sa kaniya ngayong araw." Nakangiting sabi ni Ate Sandra kaya napangiti ako.

"Wow miran may tip ka kaagad na one hundred pesos." Napangiti ako at napapalakpak.

"Salamat po talaga ma'am." Natutuwa kong sabi kaya naman napangiti rin ito at nag thumbs up.

"Huwag ka na munang magpapagabi sa daan mahirap na."

"Yes po Ma'am Miyu!" Masayang sagot ko kaya natatawa itong napailing at bumalik na sa loob.

"Oppa!" Napalingon ako kaagad dahil doon.

"May koreano ba?" Tanong ko sa sarili hanggang sa ma-realize ko na ang nilapitan ng magandang babae ay si Sir Laze.

Girlfriend niya?

"Hmm?" Napatitig ako sa kanila.

"Oppa I told you to fetch me, kanina ka pa nandito." Inis na sabi ng babae kaya naman napangiti ako mukhang mas bata naman ito kesa kay Sir Laze.

"I told you, I can't drive my car yet. I don't have license." Napangiti ako at umiling na lang sa usapan ng dalawa, ang cute nilang dalawa.

"Miss excuse me," napalingon ako sa table nila Sir Laze ng tawagin ako ng babaeng kasama niya, maganda ang ngiti nito dahilan para mapalunok ako ang ganda rin ng mata niya ngunit kulay brown ito.

"Yes ma'am?" Nakangiting sabi ko.

"Oh you're new here po?" May ngiti sa labi akong tumango sa tanong niya.

"Can I order blueberry cheesecake, and a milkshake thank you!" Ngumiti ako at sinulat ang order niya tapos ay tinignan si Sir Laze.

"Anything else ma'am?" Magalang kong sagot.

"A-Ah wala na miss, by the way you have a beautiful eyes." Napalunok ako at napangiti.

"Thank you ma'am," pagpapasalamat ko.

"Kayo rin po ma'am." Ngumiti siya at tumango tango.

"Thank you!" Bahagya na akong yumuko at bumalik sa counter at binigay ang order niya, ang bait niya jusko ang ganda ganda niya pa lalo na yung kulay ng buhok niya ay parang pa-dark brown pa iyon.

Nang magawa ang order niya ay dinala ko 'yon doon ngunit busy na siyang nag-eedit sa Ipad niya kaya naman nang maayos kong ibaba 'yon ay nakangiti siyang nagpasalamat.

Nang matapos ko ang 8 hours ko ay nagpaalam na ako sa kanilang lahat, may mga kasabay rin ako kung kaya't sumakay na lang ako ng bus papauwi sa amin dahil mahirap humanap ng jeep sa lugar na 'to halos bus lahat at taxi.

"Miss suhestyon ko lang sa susunod gumamit ka na lang ng e-load card para may discount," ngumiti ako at nagpasalamat sa driver ng bus at naupo na sa hindi kalayuan.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at magsearch kung papaano gumagana 'yon. Yung sinasabi ni manong driver na e-load card. Nang malaman ay tama nga siya may bawas na 5 pesos ang pamasahe, ang pamasahe kasi namin papauwi ay 20 pesos dahil halos lahat ng bus ay air conditioned.

Meron rin pala sa convenience store hindi kalayuan sa pinagtatrabahuan ko at sa kanto namin. Bago pa man maglakad papasok sa amin ay pumunta muna ako sa convenience store at bumili ng e-load card.

"Magkano po?" Tanong ko.

"Mamili na lang kayo ng pipiliin niyo ma'am, may package po diyan kung saan mas makakatipid kayo." Suhestyon nito kaya tumango ako.

Tumingin ako ng card na available hanggang sa nakita ko ang may 300 pesos ay 30 rides ibig sabihin no'n magiging 10 pesos ang fare ng bus? Makakatipid nga! Mabilis ko itong kinuha tapos ay nagbayad na ako.

Nang makuha ko 'yon ay tinago ko sa wallet ko kaya naman umuwi na ako, nang makarating sa bahay ay nakasalubong ko si Tito Jubal.

"Kauuwi mo lang?" Tanong nito kaya napayuko ako.

"Opo."

"Saan ka galing?" Tanong niya.

"Galing sa trabaho si Miran, pagpahingain mo muna yung bata Jubal." Nginitian ko si mama at nagmano ako sa kaniya bago umakyat sa taas.

"Ate!" Napalingon ako kay Yamato at nginitian siya.

"May sobrang maganda akong costumer!" Kwento ko dahilan para manlaki ang mata niya.

"Mas bata lang siya sa'yo ata, hindi ko sure ang ganda niya sobra!" Napalunok siya.

"Ate gusto ko na rin magtrabah—"

"Ayan panay harot!" Hinawakan niya ang hinampas ko sa kaniya at ngumuso.

"Magkano sweldo mo per day ate?" Mahinang tanong niya.

"Per week ang bayad eh," bulong ko rin.

"Huwag nating ipaalam kay Tito Jubal," suhestyon niya kaya tumango ako.

"3000 plus yung sweldo ni ate weekly." Sagot ko.

"Hala bakit ang laki ate? Yung kaibigan ko yung ate niya waitress pero 2000 lang ang weekly," bulong niya.

"5 star kasi yung cafe, malaki rin at maraming costumer." Kwento ko.

"Ate bigyan mo ako kada sweldo mo ha?" Natawa ako at tumango bilang sagot.

"100 pesos lang ate pang bili-bili sa tindahan, bente lang kasi binibigay ni mama sa akin." Pagmamaktol niya kaya natawa ako lalo.

"Echusero ka kasi, hayaan mo pag dumating ka sa college magtatrabaho ka rin tulad ko. Mabait sila ma'am at sir, mahirap makakuha ng trabaho pero dahil binibigyan nila tayo ng pagkakataon sila yung way ni god para matulungan tayo." Nakangiting sabi ko pa.

"Excited na ako ate, mag-kikinse na ako." Ngumiti ako at tumango.

Makalipas ang isang linggo ay pay day na namin kaya naman excited na akong matapos ang shift ko. "Miss!" Malakas na tawag sa akin kaya naman nilingon ko 'yon.

"Tapos na ang shift mo hija, hayaan mo na ang iba." Nakangiting sabi ni Ma'am Miyu kaya ngumiti ako.

"Last na po ma'am," nakangiting sagot ko at nilapitan ang tumawag sa akin.

"Yes sir?" Tugon ko rito.

"Ang sipag mo rin 'no? Nakakaganda ng mood yung ngiti mo. Oorder sana ako ng strawberry pudding dine out." Ngumiti ako at sinulat ang order niya.

"Anything else sir?" Tanong ko.

"Okay na 'yon," ngumiti ako at aalis na sana ngunit tinawag ako ng isa pang costumer, umayos ako kaagad ng si Sir Laze ito.

"Dine out, red velvet cupcake. One box," wika niya kaya sinulat ko ito.

"6 pieces sir? Or 12?" Paglilinaw ko.

"Dozen," isinulat kong muli 'yon.

"Anything else sir?"

"No, thank you." Napalunok ako at tumungo tapos ay hinatid na ang order nila sa counter.

"Halika na Miran, career na career mo na 'yan." Natatawang sabi ni Ate Sandra.

"Students line up," nakangiting sabi ni Ma'am Miyu kaya naman luminya ako sa linya nila Jem at Rheina.

"Since Rheina got his first week pay day last week, this time nasa card na siya para hindi na kayo mahirapan. Okay lang ba?" Sumangayon kaming lahat.

"This is a student's ATM Card, dito na papasok ang salaries niyo weekly and marerecieve niyo siya through this app. You can withdraw it in every machine." Nang i-abot siya sa akin ay ngumiti ako.

"Thank you po ma'am." Tinignan namin ang ATM card namin na sa amin nakapangalan kaya naman napangiti ako at bago pa man ay tumunog na ang cellphones namin.

"Makikita niyo rin ang daily tips na matatanggap niyo kaya wala na kayong poproblemahin, thank you for your services." Nagpasalamat kaming muli kaya naman tuwang tuwa akong ngumiti at itinago ang papel no'n sa bag ko habang ang card ay sa wallet ko.

"Check natin yung daily tip na narerecieve mo dali!" Excited na sabi ni Ate Sandra kaya binuksan ko ang app at doon ko nalaman na pwede rin pala ako mag bayad through this app at pwede rin akong magsend ng money.

"Wow!"

"290 pesos ang lakas naman, pero pili lang yung nagbigay mukhang yayamanin!" Napangiti ako.

"Hala ate first time ko pong sumweldo!" Mangiyak ngiyak kong sabi at sa sobrang saya ah napaluha pa.

"Hoy hala nakakahawa yung saya! Congrats!" Niyakap pa ako ni Ate Sandra kaya naman napangiti akong muli.

"Matutuwa ang kapatid ko nito," nakangiting sabi ko.

"Bilhan mo ng ice cream, mas matutuwa 'yon." Ngumiti ako at tumango tango.

"Uuwi na po ako ate ha," paalam ko pa tapos ay ngumiti muli.

Habang naglalakad ay nakatitig lang ako sa cellphone ko hanggang sa natigilan ako dahil nakita ko ang matangkad na nakatayo sa harapan ko. Nang lingunin niya ako ay bahagya akong yumuko para batiin siya, aalis na sana ako but then humarang ang aso niya.

"Hi Bullet." Bati ko sa aso at kinawayan siya, tumahol ito at pinanood ako.

"He said you should leave already," napatingin ako kay Sir Laze.

"Nagkakaintindihan po kayo sir?" Pabulong na tanong ko.

"I guess," matipid niyang sagot kaya ngumiti ako at yumuko tapos ay naghintay sa bus stop.

Nang makauwi ay nagdala rin ako ng ice cream. "Ate para sa akin ba yan?" Nakangiting sabi ni Yamato kaya ngumiti ako.

"Wow ice cream!" Masaya niyang sabi kaya napangiti ako.

"Si mama nasaan?" Tanong ko.

"Ah si mama, nag-aaway po sila ni tito kanina eh. Nandoon po sa kwarto nila," tumango ako at sinenyasan siyang sumunod sa akin sa itaas.

"Bukas ko na ibibigay sa'yo ang one hundred mo ha? Hindi pa ako nagwiwithdraw eh." Tumango siya.

"Ayos lang ate, may ice cream naman. Kahit sa susunod na sweldo mo na para 200 pesos." Natawa ako at papaluin na sana siya pero lumayo agad ang loko.

"Ate mag-ipon ka po ng para sa dorm mo. Para po hindi niya na magawa sa'yo yon." Umiling ako sa suhestyon niya.

"Hindi na muna, mahal kasi ang dorm eh. Pag malaki laki na ang ipon ko," wika ko sa kaniya na sinangayunan niya.

Another week past, ngayon ay may laman na 6000 pesos mahigit ang ATM card ko kung kaya't pagkatapos ng trabaho ay magwiwithdraw ako ng pera at mamimili ng kailangan ko.

"Miran, kunin mo nga yung order ng table 14." Utos ni Rheina kaya sumunod ako kaagad at dahil tatlong costumer ang umorder ay ibinigay ko 'yon sa kusina.

"Miran break time rin," suhestyon ni Jem kaya ngumiti ako.

"Ayos lang, marami ring costumer eh."

"Hindi lang naman tayo ang servers rito, sige na kumain ka muna ng lunch." Suhestyon niya kaya ngumiti ako at tumango.

"Salamat," wika ko at sinunod siya.

Pagkatapos kong kumain ay sandali akong tumambay at nagpahangin. Nag-eenjoy naman ako sa trabaho ko, mababait yung ibang costumer ang ang iba ay hindi. Bumalik na ako sa trabaho hanggang sa makita ko ang pamilyar na tao, siya yung salutatorian sa dati kong school.

Nakangisi siya at umorder ng marami kasama ang mga kaibigan niya. "Hindi ko inaasahan na makikita naming nagtatrabaho ang valedictorian ng school. Hindi ka ba nahihiya?" Napalunok ako ng malakas niya 'yon na sabihin dahilan para makaramdam ng hiya.

"What is your order ma'am? Anything else?" Tanong ko may galang sa boses.

"Magkano ang sweldo mo rito? Dalawang daan?" Nang-iinsulto niyang tanong.

"I can't answer those kind of personal questions ma'am." I tried being professional pero nasa amin ang atensyon.

"It's not even personal." Maarte niyang sabi.

"If you're done ma'am, ihahatid ko na po ang order niyo sa counter."

"Not yet, how about you sit with us? I'll treat you mukhang yaya ka kasi na pagod na." Napalunok ako dahil nagbubulungan na ang lahat.

"Mukhang nahihiya ka na, ayos lang 'yan. Architect? Baka kailangan mong lumuha ng dugo bago ka pa makapasok sa school na pangarap mo. Mag katulong ka na lang—"

"Why don't you keep your opinion miss, nakakaabala ka kasi sa work niya. Oorder rin ako but you keep on saying nonsense. Fortune teller ka ba?" Napatingin ako kay Miss Jami, siya yung magandang babae na kasama ni Sir Laze.

"And who are you? Why don't you mind your own business?" Sumbat nito kaya naman napalunok ako.

"Ma'am Jami okay lang po ako." Paninigurado ko.

"No, it's okay. Don't mind me po." Paninigurado niya.

"Sino ako? I don't need to answer your question miss. But keep your opinions, hindi niya naman hinihingi. So what if she's working? I'm sure a lot of people are proud of her because instead of using her parents money nagtatrabaho siya." Napalunok ako dahil sa taon niyang ito ang lalim niya na mag-isip.

"You got my point? So you better keep your mouth shut, umorder ka na lang." napalunok ako dahil ang tapang niya.

"Go back to work na po," ngumiti ako kay Miss Jami.

"Thank you ma'am." Sagot ko.

I thought higher people are bullying lower people like me, but then she defended me that made me feel comfort even though she didn't tell nice words to me.

///

@/n: Simplehan muna natin para hindi mabigla 😂🤫 enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top