Chapter 15

Hakuna Miran's Point of View.

Kinaumagahan ay apat kaming nasa discipline's office, si Laze, yung coach at yung tumulak sa akin na babae. Siya yung babaeng iniwan ni Laze para makipagpalit ng partner. "Mr.Romero, hindi ka marunong lumangoy bakit ka pa sumulong sa 8 feet?" Nangunot ang noo ko sa sinabi ng nakaupo rito.

"Po?" Gulat kong kwestyon.

"Sabi nitong witness, tumalon ka raw. You jumped on the pool trying to show off with the guys who's watching." Nangunot ng todo ang noo ko ngunit hinayaan ko munang magsalita itong nasa table, itong DO.

"What can you say about it Ms.Romero?" Kwestyon nito sa akin kaya sinulyapan ko ang tumulak sa akin, taas noo ako nitong tinignan na para bang nagbabanta siya.

"I was picking up the things that others left on the floor. While picking up a towel someone pushed me I don't know if it's intentionally or not. Okay lang po kung hindi sinasadya, simpleng sorry lang ayos na po." Mahinang sabi ko.

"Sinasabi ko bang itinulak kita kasi trip ko lang? Pinagbibintangan mo ba ako?!" Galit na sigaw niya at parang gusto na akong sugurin kaya huminga ako ng malalim.

"Hindi mo kailangang magalit. Pero hindi mo rin kailangan magsinungaling dahil wala ng lalake no'n ng nahulog ako sa pool. Lima tayong babae ang nandoon pero hindi man lang kayo humingi ng tulong, hindi niyo man lang ako hinagisan ng salbabida." Mariing sabi ko.

"Hindi ako nagagalit, ayokong magalit, kahit pa muntik na akong mamatay kahapon. Pero yung ikaw pa magagalit at isisisi mo sa akin na kasalanan kong nalaglag ako pero ikaw yung tumulak o nakasagi sa akin. Hindi ka man lang nag-sorry sadya man o hindi sadya." Pinaghawak ko ang dalawang kamay dahil sa kaba.

"I will get my mom in here!" Galit niyang sabi at tatawagan na sana ang mama niya pero nagsalita ang DO.

"We don't need parents to get involved in here, Ms.Romero just beg for forgiveness." Umawang ang labi ko.

"Sir, hindi naman yata tama na isarado niyo 'to—"

"Coach, don't get involved here. Hayaan mong ayusin ko 'to ng tahimik." Sumama ang tingin ko sa mesa niya dahil hindi ko siya pwedeng samaan ng tingin.

"Kargo ko 'to sir, hindi pwedeng—"

"Osige, basta pagkatapos nito wala ka ng trabaho." Galit na sabi ng DO kaya ngumiwi ako.

Pangit na patakaran.

"By that case, I'm willing to call my grandparents to settle this and your position sir. They might change their mind to put their trust on you on handling justice system in this school." Natigilan 'yon nang magsalita si Laze.

"Who are you?" Tanong niya kay Laze.

"I don't need to introduce myself, sir. I am a student here in our school." Tumaas ang kilay ng DO. Napatitig naman ako kay Laze dahil sa simpleng ginagawa niya ay natutulungan niya ako.

"Well, student if you're so full of yourself because you revived a student back to her life, you're not a hero. Stop making things more complicated, anong magagawa ng mga grandparents mo sa issue na 'to?" Sumbat no'n at dahil doon ay nanlaki ang mata ko.

Lola, lolo niya may ari ng school!

"Really?" Sumbat ni Laze halatang hindi natutuwa sa naririnig.

"Really sir?" Pag-uulit niya.

"Really." Mariing sagot ng DO kaya naman natigilan ako ng kunin ni Laze ang cellphone niya na minsan niya lang gamitin, he seems like he dialed a number and put it on loud speaker.

"Good morning lola," bati ni Laze.

"Good morning apo, hmm this seems to be a weird call at some point. What's the matter?" Sobrang lambing ng boses ng lola niya kaya napangiti ako, parang hindi pa bagay maging lola.

"I'm at the discipline's office lola, can you go here with lolo to help me settle things?" Mahinang sagot ni Laze.

"D-Discipline's office? Did you make trouble again?" Nakagat ko ang ibabang labi.

"Kind of, lola. Please get here as soon as possible."

"Okay okay, we will be there. Give us 10 minutes." Pagkatapos no'n ay namatay na ang call kaya naman pinanood ko lang si Laze na nakatingin sa DO.

"Let's wait if what would my grandparents do with this issue." Laze stated.

Naitikom ko ang bibig at tsaka huminga ng malalim. Hinayaan nila kaming lumabas muna at naiwan kaming magkasama ni Laze, nakatayo siya sa labas ng discipline's office at ganoon rin ako.

"I would just accept the blame, b-bakq pagalitan ka ng grandparents mo." Nahihiyang sabi ko.

"I am already thankful for what you did, okay na 'yon. H-Hindi naman ako mananalo dahil mayaman siya at baka tumawag pa siya ng abogado—"

"That mindset is making me ill." He stated, staring blankly at his shoes.

"You have the equal rights, poor or rich. Making them step on you is the best way to accept inequality in life states." Napayuko ako at huminga ng malalim.

"Mayaman sila? I don't care on how wealthy they are. If being wealthy means winner, I don't have to put effort on everything I achieved." Pinaghawak ko ang mga palad at tsaka ako kinakabahang luminga linga.

"Hindi ka naman madaldal noon, pero ngayon akala ko tatay kita kung sermonan mo 'ko." Nakangusong sabi ko.

"Whatever." Sagot niya.

"I was just curious, Laze. Don't you really feel anything?" I pointed his chest, he glanced at my fingers and put my fingers down using his hand and crossed his arms.

"Anger." Sagot niya.

"Seryoso ba?" Tinitigan ko ang mukha niya.

"Can't you smile?" I was about to touch his cheeks to force him smile but he stood up straight making it hard for me to reach his face.

"Wow, porke matangkad." Inis na sabi ko.

"Galing. Nainsulto ako." He shook his head, eyes were still emotionless. He touch the bridge of his nose, those pointed nose were so nice to trace.

His jaws were visible, adam's apple were also visible, kahit pa may kasingkitan ang mata niya ay bumagay 'yon dahil sa tangos ng ilong niya. "Don't fall in love with me," I almost blushed in front of him pero umiling ako at pekeng tumawa.

"You're not my type." Mariing sagot ko, napalunok ako at pilit na inaalis sa isip ko ang mga facial features niya.

Kung ngingiti at tatawa lang siguro siya mas maraming mamatay sa kilig sa kaniya. Dahil kung gwapo ang daddy niya ay mas bumagay ang mukha niya dahil may hawig rin sila ng mommy niya. "Is bullet okay with you?" Tanong niya.

"Oo, hindi ako natatakot lumabas at bumili sa labas ng kanto namin dahil sinasamahan niya ako parati." Nakangiting sabi ko.

"Good." Matipid niyang sagot.

"Have you ever fell in love, Laze?" I curiously asked.

"How?" Tanong niya.

"Huh?"

"How can I fall in love, if I can't feel anything but anger?" Lumunok ako at napakamot sa noo ko, seryoso hindi pa?

"Have you ever liked someone?" Tanong ko.

"Clueless." Sagot niya at nagkibit balikat kaya naman mahina akong natawa.

"Ako nga lima crush ko ng high school ako eh, sabay sabay pa. Tapos ikaw wala? Hindi ka man lang nagandahan sa ibang babae? 'Yon bang gusto mo silang makita parati?" Nangungunot pa ang noo kong tanong.

"'Yon bang ayaw mo na nasasaktan sila, ayaw mo na napapahamak sila, tapos parang gusto mo nakikita kahit walang rason?" I asked.

"Wala." Blangkong sagot niya.

"Eh sino yung sinasabi nilang babae noon? Yung babaeng gusto mo raw, chinika lang sa room." Natigilan siya bigla, ngunit mas natigilan ako ng makita ang emosyon sa kaniyang mga mata, para siyang nagulat, nagulat at nasaktan.

I was about to point his face but it came back to normal, it's a blank stare again.

Meron nga? Dahil nagbago yung emosyon niya ibig sabihin totoong nangyari 'yon?

"N-Namatay ba siya?" Mahinang tanong ko dahilan para tignan niya ako pero iniiwas niyang muli ang tingin at hindi umimik.

Kung ganoon, apektado pa rin siya? Namatay nga ba talaga yung babae na gusto niya?

Magtatanong pa sana ako pero biglang dumating ang grandparents niya dahilan para batiin ko sila ng bahagyang may pag-yuko. "Good morning po."

"M-Miran, nandito ka rin." Bati ni Ma'am Miyu.

"Opo." Sagot ko.

"Did you two got in trouble?" Tanong ni Sir Vince kaya napayuko ako.

"A-Ako po." Sagot ko.

"H-Huh? Bakit?" Tanong ni Ma'am Miyu.

"She almost died last day lola. Someone pushed her on 8th feet pool, but then they're trying to put all the blame to her." Bahagyang tumaas ang kilay ni Sir Vince sa kwento ni Laze.

"Really?" Gulat na sabi ni Ma'am Miyu.

"They can't even check the footages lola, how could he handle the justice system in our school." Nilapitan ni Ma'am Miyu si Laze at inakay papasok sa loob.

Pagkapasok ay agarang napatayo ang DO kaya lumunok ako. "Mr and Mrs.Sandoval." Bati no'n at nilingon kami.

Napatingin rin siya sa pagkakahawak ni Ma'am Miyu kay Laze. "My grandparents." Laze stated, feels like victory.

"No worries apo, we'll fix this in a right way. No need to worry, if she really did something bad then the footages will tell everything." Explain ni Ma'am Miyu.

"We need to talk." Bumitaw si Ma'am Miyu kay Laze at naupo sa harapan ng DO na nakayuko at mukhang kabado.

"Let's go." Anyaya ni Laze kaya sumunod ako sa kaniya.

"You have work?" Tanong niya kaya naningkit ang mata ko.

"Nakakatunog na ako ha, crush mo talaga ako 'no?" Pinanlakihan ko siya ng mata pero ng sulyapan niya ako ay ako ang kinabahan ng todo at napaiwas tingin.

"B-Biro lang. Mauuna na ako, isama mo na lang s-si Bullet sa cafe." Mabilis na paalam ko at nagmamadaling lumakad hindi ko na siya nilingon lingon pa dahil sa kabog ng dibdib ko.

Nagsimula na akong magtrabaho ng makapasok ng cafe, for income rin at para makatulong ako sa gamutan ni mama syempre. Habang nagtatrabaho ay natigilan ako ng makita muli ang medical student pero this time ay may kasama siyang lalake na mukhang father niya.

Lumapit ako sa kanila ng sandaling sulyapan niya ako, nakangiti ko silang binati. "Good day sir, what can I get you?"

"Espresso with separate vanilla shots." Sagot ng lalakeng nakatatanda sa kaniya.

"Dad, coffee is not good for you." Sermon nito kaya napangiti ako. Sana all may tatay..

Hinintay ko silang umorder at ng maka-order ay umalis na ako upang ipaalam sa kanila ang order ng table 18. Sandali akong tumambay para antayin ang mga ihahatid kong food, pero nakita ko sa 'di kalayuan si Crizel na tahimik na nakaupo at mukhang gumagawa siya ng floor plan base sa mga gamit na hawak niya.

"Pakihatid 'to kay table 7." At dahil doon ay kinuha ko kaagad ang tray dahil sa table ni Crizel ito ihahatid.

Habang naglalakad papalapit sa kaniya ay dahan dahan kong ibinaba ang order niya malayo sa floor plan dahil kaunting dungis lang doon ay wala na kaagad, hindi na kaagad tatanggapin ng professor.

"This is your order ma'am, anything else?" Sandali siyang natigilan ng makilala ang boses ko at tinignan ako.

"None." Matipid niyang sagot at bumalik sa ginagawa, nakagat ko ang ibabang labi at maingat rin sa umalis, mukhang galit pa rin siya sa akin.

Nakakalungkot, dahil namimiss ko rin kung papaano kami magkulitan.

"Miran." Nalingon ko ang pamilyar na boses at dahil doon ay agad akong ngumisi. Nandito na pala si robot hindi ko man lang napansin.

"Kanina ka pa?" Tanong ko at nginitian rin si Bullet.

"I just got in." He answered and pointed the food he wanted kaya binasa ko 'yon at sinulat.

Makalipas ang ilang minuto ay binigay ko na ang order ni Laze pero bigla ay inutusan niya akong maupo sa harap niya. "Do you have a picture of your dad?" Kwestyon niya kaya nangunot ang noo ko.

"P-Pero bata pa siya doon eh, I'm sure he aged a lot." Sagot ko.

"I want to see it." Naningkit ang mata kong tinignan siya.

"Huwag na, ikaw naman. Baka hanapin mo pa eh." Natatawang sagot ko.

"Alright." Sagot niya at hindi na umimik.

Mabilis na lumipas ang oras at oras na para umuwi ako, naiwan na sa akin si Bullet na kasabay kong uuwi, binigyan rin siya ng bus pass ni Laze kaya 'yon yung ginagamit naming dalawa.

Pagkaupo sa bus ay na-occupy ni Bullet ang katabing upuan dahilan para walang makatabi bagay na ikinatutuwa ko just in case may mga manyakis at nanghihipo na sumasakay rin.

Nang nasa kanto na namin ay nauunang naglakad si Bullet kaya nakangiti ko siyang pinanonood, pagkauwi ay natigilan ako ng tahimik sa bahay hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto sa taas kaya naman nangunot ang noo ko ng makita si Tito Jubal na lumabas sa kwarto ko.

"A-Ano pong ginawa niyo sa kwarto ko?" Kwestyon ko, ngunit mas nanlaki ang mata ko ng makita kong hawak niya ang panty ko. Bigla ay kumabog ng malakas ang dibdib ko.

A-Anong gagawin niya doon?

"Nandito ka na pala. Parati ka na lang ginagabi." Lumunok ako at napaatras ng hawakan niya ang pisngi ko papunta sa braso.

"Bakit niyo po hawak 'yan? Sa akin po 'yan." Kahit natatakot ay pilit kong kinuha 'yon sa kaniya pero inagaw niya kaya napalunok ako.

"Tito sa akin po 'yan." Mariing sabi ko.

"'Yang aso na 'yan bakit hindi kunin ng amo niya?" Nalingon ko si Bullet na nakaupo sa gilid ng paa ko, naghihintay.

"Sila mama po?" Tanong ko.

"Sinundo sila kanina ng lola mo. Babalik sila mamaya." Gitil niya, muli ay lumagkit na naman ang mga tingin niya sa akin.

"Tito, i-ibalik niyo na po sa akin 'yan." Sinubukan kong kunin pero inangat niya sa ere at halos mapapikit ako at mapaiwas tingin ng ilabas niya ang hindi dapat at gumawa ng masamang bagay sa harapan ko.

"Ito na nga lang ginagamit ko kasi parating sagabal ang nanay at ang kapatid mo, pero ngayon mukhang masosolo kita." Napaatras ako ng subukan niya akong hawakan muli.

"Tito, i-itigil niyo na po." Mahinang sabi ko.

"M-Magsusumbong na po ako sa pulis." Mariing sabi ko, sinusubukan kong maging matapang pero halos mapasigaw ako sa sakit ng hilain niya ang buhok ko at patapon akong hinagis dahilan para mapakapit ako sa door knob ng pinto ko.

"T-Tito."

Napatingin ako kay Bullet na hindi mapakali at mahinang tumatahol. Nakagat ko ang ibabang labi ko at pinilit na tumayo. "M-Malapit na po yung college ball at kung—"

"Magsusumbong ka sa pulis? Sa tingin mo matutulungan ka nila!" Napasigaw akong muli at nasapo ang pisngi ng malakas niyang sampalin 'yon dahilan para mabingi ang kanang parte ng tenga ko.

Aaminin kong nahilo ako sa bigat ng kamay niya at pagkakasampal. "Kapatid ko ay isang pulis, mataas na pulis sa tingin mo makakaligtas ka!" Sinabunutan niya ako at ihinarap sa kaniya ang mukha ko, hawak ko ang kamay niya upang mabawasan ang sakit no'n.

Ang luha sa mata ko ay tumulo. "Kahit gahasain kita, kahit babuyin kita hinding hindi ka makakaligtas. At tulad ng malandi mong nanay na sinira ang buhay ko, sisirain ko rin ang buhay ng pinakamamahal niyang anak!"

"T-Tito tama na po—ah!" Nasapo ko ang sariling tyan ng suntukin niya 'yon, sobra akong nanghina.

Tumahol ng sobrang lakas si Bullet at parang aatake na ngunit sumigaw ako. "Bullet!" Dahilan para umatras ito.

Hindi pwedeng masaktan si Bullet, hindi pwede dahil mahalaga siya kay Laze. Walang pakialam si tito sa aso kahit pa makapatay siya ng hayop.

"Tito, tama na po." Hirap na hirap kong sabi pero pinasok niya ako sa kwarto ko at sinarado niya 'yon dahilan para maiwan sa labas si Bullet na ngayon ay nagwawala na sa pinto.

Halos mahawakan ko ang kamay niya ng sakalin niya ako habang nasa ibabaw ko siya, halos dumaing ako sa bawat hawak niya sa katawan ko na masasabi kong mag-iiwan ng masakit na marka sa katawan ko.

"T-Tito..." hirap na hirap akong huminga at umiiyak na binaboy niya, panay ang iyak ko at sa isip ko ay humihingi ako ng tulong. Naramdaman kong inangat niya ang damit ko dahilan para pilit kong takpan 'yon pero inalis niya ang sakal sa akin at hinawakan niya ang dalawang pulsuhan ko at binaboy.

Ang tanging naririnig ko lang ay ang ungol niya at ang malakas na tahol at kaluskos ni Bullet sa pinto hanggang sa bigla ay bumukas ang pinto at nanlaki ang mata ko ng galit na galit ma sugurin ni Bullet si Tito Jubal dahilan para lumayo ako at gumapang papalayo.

Nakita kong tumulo ang dugo sa bandang braso ni Tito Jubal at halos mapasigaw ako ng humagis si Bullet dahil sinipa siya ni Tito. "Bullet!" Malakas na sigaw ko, masakit ang buong katawan ko lalo na sa itaas na parte ng katawan ko kahit leeg ko ngunit mas nag-alala ako kay Bullet na umiyak rin ng humagis siya.

B-Bullet?

///

"You'll pay for everything."

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top