Chapter 14
Hakuna Miran's Point of View.
Buong magdamag ay tulala ako, kahit na kasama ko si Bullet ay hindi ko maalis sa isip ko ang narinig na usapan nila kagabi. Kahit pa tahimik akong nakaupo rito dahil mamaya ay swimming lesson na namin.
Nananahimik naman si Bullet kagat kagat sa bibig niya ang treat na dala ni Laze kanina, nagising ako sa pag-iisip ng may maupo sa bench na inuupuan ko at si Laze ito.
He's wearing a swimming trunks, his shorts were fitted and it's in the middle of his legs by the length, on his top he's only wearing a black shirt that's oversized. Huminga ako ng malalim at tinitigan ang patpatin kong binti.
Ang iksi nga ng short ng mga babae, pero yung upper naman namin ay round-neck at bahagyang fitted para pag susulob kami ay hindi ito tataas o malilihis. "Boys, what are you doing? Remove your shirts!" Nang sabihin 'yon ng swimming coach namin ay napalunok ako.
Ngunit ang iba ay feel na feel pang mag-alis ng shirt, ang iba naman ay bahagyang nahihiya mabuti na lang hindi airconditioned ang pool area. "Mr.Garcia, are you waiting for me to remove your shirt?" Pagpaparinig ng coach kaya napalunok ako at pasimpleng siniko si Laze.
"Huy, makinig ka." Utos ko.
Tamad na tamad siyang tumayo at dahil doon ay tinignan siya ng halos kababaihan, grabe 'tong mga 'to kung makatitig akala mo gutom na gutom. Sinulyapan ko si Laze at halos mapakurap ako ng maraming beses ng makita ko na kahit payat siya ay may itinatago pala itong—
Nagwoworkout kaya siya?
Napailing iling ako sa tanong sa isip ngunit mas nagtaka ako ng makita ang tattoo niya sa right rib side, gusto ko pa sanang titigan ng maigi 'yon pero nilingon niya ako kaya tumigil ako baka sabihin niya pinagnanasahan ko siya.
Parang bala yung tattoo niya eh pero hindi lang siya normal na bala parang may vines pa or alam niyo 'yon yung sa flower and plants. He's ripped..
"Did he sleep well?" Mahinang sabi niya kaya awtomatiko ay naisip ko si Bullet.
"Oo, katabi ko siya." Sagot ko. Nilingon niya ang aso at tsaka siya huminga ng malalim bago blangkong tumitig sa pool, marunong kaya siya lumangoy?
"Marunong ka ba lumangoy?" Pabulong na tanong ko.
"I don't know." Matipid niyang sagot kaya napairap ako, sungit sabagay parati naman.
Hindi nga siya marunong ngumiti, tumawa man lang, never in my existence nakita ko siyang tumawa. Well, I guess I'll see those one day.
"Mr.Garcia, can you be an example? Since you were in a swimming competition on your high school days." Nanlaki ang mata ko ng sabihin 'yon ng coach.
Lakas maka I don't know! Kasali naman pala sa swimming competition!
"I don't want to, sir." Sagot ni Laze.
"Mr.Jeremiah Garcia, go ahead and be an example." Hindi man niya ipinakita ang pagrereklamo ay mukhang nagrereklamo siya sa yabag ng paa niya, napangiti ako at pinanood siyang pumwesto.
"Do a simple stroke." Utos ni coach.
"Yes." Pagtugon niya at tsaka siya nag-dive tapos ay ginawa ang simple stroke na sinasabi ni coach na kahit ako ay hindi alam. Humanga ako ng wala pang isang minuto ay narating niya na ang kabilang dulo ng 300 square meters pool.
"Bravo! Kudos to Mr.Jeremiah—" medyo na-awkward ako ng tawagin siya sa unang pangalan niya, mas bagay ang Laze mas astig at higit sa lahat ang daling sabihin.
"Okay, mga nagswimming lesson na noon, pumila rito." Batch 1 kasi ang nandito ngayon, 'yon bang mga nakakuha ng 500 plus points sa exam sila yung matatawag na section 1.
Habang ang 400-499 ay section two pababa na, I was glad that I'm here in section 1 syempre, nakakaproud na 'yon 'no.
Kasama si Laze sa pumila kaya naman pinanood ko sila. "Next is yung mga hindi, at hindi rin marunong lumangoy." Nahuli ako sa pila dahil pinagtutulak ako sa likod dahil madalas sa hindi marunong ay babae.
Ngumiwi ako at nag-hintay, sa liit ko ay tamang silip lang ako sa coach namin na nasa harapan. "Now, you need to pick your partner since equal ang count mamili na kayo. Isa-isa." Utos ni coach kaya naman lumabi ako at napatingin ako sa pumili kay Laze, napakamot ako sa noo sino ng tutulong sa akin? Halos lahat sa classroom namin ay ayaw ako.
Nang mahuli ako ay napanguso na lang ako dahil ang natitira na lang ay yung babae na marunong lumangoy. "P-Pwede ka bang ka-partner?" Nahihiyang tanong ko.
"No thank you, mag-isa ko na lang coach." Biglang sabi nito at dahil doon ay napa-boo ang mga kasama namin kaya napahiya ako at gumilid.
"H-Hindi na lang po ako sasali coach." Mahinang sabi ko.
"Eh hindi pwede Ms.Romero, paano na lang kung malunod ka?" Kwestyon ni coach.
"Sinong gustong makipagpalit ng partner?" Nang itanong 'yon ay mas lalo akong napahiya.
"Ayoko nga diyan."
"Galing squatters."
"No way."
"Ayoko sa bayaran, baka marumihan rin ako." Pag-iinarte ng isa.
"Coach hindi na po." Nahihiyang sabi ko.
"Ms.Romero swimming lesson is for everyone, kung may maleleft out ay anong klaseng coach ako? Sandali, hahanap ako ng kasama m—"
"You don't like to take her in?" Laze questioned the lady who's neglecting me.
"Yes." Sagot nito, bahagya pang namula ang kaniyang mukha.
"Do you want me to be your partner?" Laze questioned to the lady, nang itanong 'yon ni Laze ay bahagyang nanlaki ang mata ng babae at nahihiyang tumango tango.
"Okay." Sagot ni Laze.
Kung ako na lang kinuha mo, ang damot..
"Reall—"
"Taste your own poison. I also hate to be partner with you, judgemental woman." Nanlaki ang mata ko at gulat na tinignan si Laze na lumapit sa akin.
"I guess I'm allowed to pick whom I'd like?" Laze faces our coach, curiously asking while standing beside me.
"Y-Yes Mr.Garcia." Nautal pa yung coach kaya naman sa loob loob ko ay gusro kong tumalon dahil hindi ko na kailangang mahiya dahil si Laze ang magtuturo sa akin kahit na bobo ako.
Tiningala ko si Laze at yumuko naman siya para makita ang mukha ko hanggang sa bigla siyang nagsalita, "Don't die. I can't do a resurrection to you."
Umawang ng sobra ang labi ko at tsaka napangiti. "I won't die, as if I'm allowing you to do that mouth to mouth resurrection." Maarteng sabi ko na ikinangiwi niya kaya tinuro ko ang mukha niya.
"You looked disgusted!" Natutuwang turo ko pero bumalik kaagad sa normal ang kaniyang mukha at ngayon ay para siyang isang linya, lahat parang linya parang ganito -_-
Tuwang tuwa ako ng bumaba na siya sa pool ay sumunod ako kaagad pero halos mapakawag kawag ang braso ko ng wala akong maapakan na sahig at mabuti na lang mabilis na hinila ni Laze ang likod ng damit ko sa kwelyuhan at para siyang napipikon.
"It's six feet in here." Humangos ako at kumapit sa pader sa gilid ng pool at parang ayoko ng bumitaw.
"B-Bakit nakakatayo ka?" Kinakabahan kong tanong, hindi ako maka-move on ang yabang yabang ko pa kanina na hindi ako mamamatay.
"Obviously, I'm not short." Sagot niya, ngumuso ako at tinignan ang ilalim ng pool habang nakakapit at akala ko mababaw pero ang lalim pala.
"Do breathing exercise, don't inhale. Do bubbles on the water." Lumunok ako at habang nakakapit ay ginawa ko ang tinuro niya pero nahirapan ako.
"Wala bang mababaw?" Bulong ko.
"What do you expect? The pool will adjust?" Napairap ako at pilit na ginagawa ang turo niya, halos 5 minutes kong ginawa 'yon, nakakapagod sa lungs.
Pagkatapos no'n ay inuutusan niya akong bumitaw bagay na ayaw kong gawin. "Lazeeeeee." Maktol ko at mahigpit na kumapit sa gilid ng pool.
"Ayoko pa mamataaaaay." Nakangusong sabi ko, parang maiiyak na.
"How will you learn?" Kwestyon niya.
"By hugging that wall?" Itinuro niya pa 'yon kaya ngumuso ako.
"What if I drowned?" Kinakabahan kong tanong.
"If you're in my carry, you'll never die." Lumabi ako at tsaka natatakot na lumayo sa pader at tsaka unti-unti na bumitaw at ng makabitaw ay para akong palaka na nalulunod kawag ng kawag.
"Kick your feet." Utos niya.
"L-Laze!" Sigaw ko at kahit na ganoon ay sinusunod ko siya hanggang sa mapagod ako at inabot na siya, hingal na hingal akong kumapit sa kaniya.
"M-Mamatay na yata ako." Humahangos kong sabi.
"Don't touch me there." Utos niya at kinuha ang kamay ko at inilagay sa bandang pulsuhan niya habang nakalahad 'yon, buti at nabubuhat niya ako nito?
Sinunod ko siya at kumapit doon, "Now, while holding try to flap your feet until you float. Don't do it too much, calmly." Unti-unti ay sinunod ko siya sinubukan kong isipa sipa ang paa ko hanggang sa lumutang ako habang nakahawak sa kaniya para tuloy akong nakadapa.
Dahil doon ay tuwang tuwa ako. "Now try it without holding," doon ay kumabog ng muli ng malakas ang dibdib ko, dahan dahan ay binitiwan ko siya at sumipa sipa pero lumubog ako kaya mas napakapit.
"A-Ang t-tanga ng tubig." Kinakabahan kong tanong dahil sa tingin ni Laze na hindi naman kakikitaan na galit pero parang ang strikto.
"Ang hirap naman kasi." Inis na bulong ko.
"A-Ayoko na lumangoy."
"Hindi ka pa nakakalangoy. Puro lunod, lunod." Ngumuso ako dahil mas nakakapikon pala pag nagsasalita siya ng tagalog, lunod lunod edi wow.
"Go ahead and practice it, learn it while drowning." He stated, strictly and crossed his arms but I pulled it back to hold so I could practice.
After the 30 minutes practice ay pinaangat kami lahat kaya naman yakap ko ang sarili at nakinig sa coach, si Laze naman ay may towel sa balikat na yumayakap sa kaniya.
"Natuto man lang ba kayo?" Tanong ni coach kaya ngumuso ako at hindi sumagot.
"Natuto malunod." Bulong ko.
"Okay, let's continue this lesson after the ball. Okay? Malapit na ang college ball." Ngumuso ako lalo at tumango na lang.
"Paki-ayos yung mga gamit sa lapag ng pool." Utos ni coach bago siya umalis ng pool area kaya huminga ako ng malalim at tumulong sa paglilinis, habang pinupulot ko ang isang towel na nasa sahig ay halos mapasigaw ako ng may makatulak sa akin sa pool.
Ngunit mas kumabog ng sobra ang paa ko ng paglubog ko ay wala pa rin akong maapakan dahilan para kumawag kawag ako. "T-Tulong!" Sigaw ko kahit nakainom na ng tubig, hinanap ng mata ko si Laze ngunit mukhang umalis na siya.
Pilit kong inaangat ang ulo at dahil doon ay narinig ko ang pag-tahol tahol ni Bullet na nakatali sa gilid ng bench. "Tulong!" Sigaw ko na nakatulak sa akin ngunit napatakip lang ito ng bibig.
"T-Tulong!" Inaabot ko ang kamay ko ngunit hindi niya ito inaabot, mukhang isa siya sa mga kasama ko na hindi marunong lumangoy. Mangiyak ngiyak ako ng makainom ng tubig at hirap na hirap ng makahinga.
Please...
Nang mapagod ay kusa akong lumubog ngunit pinipilit kong umangat at hindi ko magawa 'yon, napapikit ako ng mariin ng uminit na ang pakiramdam ng paghinga ko, hindi na ako makahinga..
Hindi na ako makahinga..
Mapikit na ang mata ko ngunit bago pa man ako pumikit ng tuluyan ay nakita ko ang mukha ni Laze na lumusob..
Sa biglang pagmulat ko ay mabilis akong umubo ubo, at kasabay no'n ay ang paglabas ng tubig sa bibig at ilong ko, may kung sinong nag-gilid sa akin at tinapik tapik ng may kalakasan ang likod ko. "Breathe." Rinig kong sabi niya ngunit panay ang ubo ko at pagsuka ng tubig.
Hingal na hingal ako at parang hirap huminga. "Ms.Romero." Sa panghihina ay matapos kong sumuka at umubo ay napasandal na lang ako sa kamay ng umaalalay sa akin.
Pumikit ako ng mariin at tinapik tapik ang sarili kong dibdib dahil parang ang tagal na walang hangin ang pumasok sa baga ko. "Dalhin mo sa clinic, Mr.Garcia. Ikaw, sumama ka sa akin ngayon na." Nagmulat ako at mukha ni Laze ang nakita ko dahilan para mapangiti ako kasabay ng pag-iyak.
Tinititigan niya lang ang mukha ko bago siya umiwas tingin. "Let's go." He carried me on his arms, his hair were all wet also his shirt, basa kami, basa kaming dalawa at naririnig ko ang bell sa collar ni Bullet mukhang sumusunod siya.
Tinakpan ko ang mukha habang nakasandal ang pisngi sa dibdib niya, hindi ako matahan dahil akala ko mamatay na ako dahil hindi ko na maalala ang nangyari matapos makita ang mukha niya sa malalim na pool na 'yon.
Nang makarating sa clinic ay ihiniga ako sa clinic bed. "Check her lungs." Utos ni Laze.
"She's on the water for almost 5 minutes, she drank a lot of it." Inabutan si Laze ng towel at ibinalot niya 'yon sa balikat niya, nakatingin sa nurse.
After the examination, sandaling pinalabas si Laze para pagbihisin ako sa isang hospital gown. Pagkatapos no'n ay inilipat ako sa kamang hindi na basa. Maya-maya ay kasama nila si coach na bumalik pati na si Laze.
"Okay ka na?" Tanong ni coach.
"How did you resurrect her? Who did it? How?" Tanong ng nurse at nakabaling sa coach.
"It's actually him," he pointed at Laze. "He heard his dog barking, hysterically. Pagkabalik ko doon dahil tinawag ako ng students ko ay nakita kong nakahilata na si Ms.Romero sa tabi ng pool at ginigising siya ni Mr.Garcia." Pag-kwento ni coach.
Natulala ako habang nakikinig. "Mabuti na lang at tinuruan si Mr.Garcia ng parents niyang doctor at dahil doon ay nailigtas niya ang buhay nito." Lumabi ako at hindi ko alam kung maiiyak ako sa takot.
"Mr.Garcia, papaano mo siya nabalik?" Tinignan ko si Laze.
"CPR and mouth to mouth resurrection, I did fifteen compression and stopped to see if she's breathing but there is still no response. I did the last thing, the mouth to mouth and the CPR." Napakurap ako at awtomatikong natignan ang labi ni Laze bago sobrang nag-init ang pisngi ko.
Shit.
"What you did is actually good, she's safe because of that. Thank you, student." Maayos na sabi ng nurse.
"Magpahinga ka muna rito Ms.Romero, mamaya pwede ka ng umuwi." Tumango ako at parang gusto ko na lang magtakip ng kumot at magtago dahil kahit wala akong malay ng mangyari 'yon ay wala pang ni sino ang nakadikit ng labi niya sa labi ko!
Sa sobrang pagkadala ay natakpan ko ang bibig, bago ako yumuko at itinago ang mukha kong pulang pula sa pagkahiya. "We'll do a interview tomorrow, discipline's office. Ms.Romero." Tumango ako kay coach at nang umalis siya ay sinulyapan ko si Laze na parang pagod na pagod na naupo sa isang silya sa tabi ng kama.
Sumandal siya sa pader at pumikit habang magkakrus ang braso, ngunit habang pinanonood ko siya ay kusa kong natignan ang labi niya bago ko hinawakan ang labi ko at tsaka ako muling nahiya.
Stop, Miran. Tama na, hindi magandang inaalala mo pa kung papaano nangyari 'yon! Niligtas ka niya, magpasalamat ka. Jusko, mababaliw na ako.
Napailing iling ako at lumabi ng sobra ngunit nahawakan ko ang labi ko, halos mapasipa sipa ako ng tahimik dahil sa kakaibang dulot no'n sa dibdib ko parang na-taser ang puso ko! Parang nakililiti, hindi ko alam.
Lord, gusto niyo na ba akong kunin?
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top