Kabanata 9

Celestine's POV:

Umalis si Miguel kasama 'yung Jessica at may pinag-uusapan ata sila dahil pansin ko na nagseselos siya sa akin. I don't know why, pansin ko rin na sinusuyo siya nung Jessica kaya naman hindi na ako tumingin sa kanila. First, maganda ang kanilang bahay wala nga akong makitang alikabok manlang o kaya'y dumi. I wonder, palagi siguro silang naglilinis. At nakita ko rin may kapatid siyang may sakit.

Hindi na rin masama, I wonder rin kung bakit hindi si Tito Damian ang nandito. He's their Father, okay lang sa kanila na mawalay ang kanilang Daddy? Kasi for me, kaunting alis lang ni Daddy ay nagtatampo na ako. But as I grew older mas natutunan kong mapag-isa

"Kuya." Napatingin ako sa magkahawak kamay na sina Jessica at Miguel. May dala silang pagkain at iilang inumin kaya napatitig ako sa kanila.

Really? Hindi ko alam pero naging iritado ako. I don't know why? May girlfriend na pala siya? I saw him pa naman sa campus kung sinu-sino ang kinakausap. The fucking playboy, I rolled my eyes mentally at binalik ang tingin sa papel.

"Parang mamamatay na si Kuya sa tingin mo," narinig ko ang bulong ni Raquel.

"I said stop whispering, may kiliti ako sa tainga." Tumawa lang siya kaya napanguso ako.

I admit, may itsura silang dalawa. At hindi na ako nagulat ng malaman na habulin silang dalawa lalo na ito si Raquel dahil babaero. Bunches of girls ang nakikita kong nakasunod sa kanya at nakita ko pang hinalikan niya sa labi ang ilan doon. Disgusting.

"Bakit ganun ka makatingin sa Kuya ko? Parang kaunting kalabit ko lang sa'yo sasabog ka," aniya kaya napakunot ang noo ko.

"I'm not kaya. Napatingin lang ako kasi malapit ako sa pinto," pagdadahilan ko ngunit ngumisi lang siya.

"Hindi ako naniniwala. Iba ka kung makatingin kay Jessica eh, nagseselos ka ba?" tanong niya kaya nandidiri ko siyang tinignan.

"Me? Jealous? In your face!" singhal ko at inirapan siya at narinig ko lamang ang nang-aasar niyang tawa.

Niyaya kaming kumain ni Tita kaya naman pumunta kami sa sala nila, may anim na upuan doon kaya naman umupo ako sa tabi ni Raquel at kaharap ko pa sina Miguel at Jessica na nag-uusap.

"Pasensya ka na at ito lamang ang nabili namin," ani Tita kaya umiling ako habang nakataas ang dalawang kamay.

"Uh, it's okay lang naman po. Kumakain naman po ako ng bread at nitong ham," nahihiyang sambit ko at nakagat ang aking labi.

"Sige, kumain ka na. Kapag may kailangan ka nasa kusina lang ako dahil marami pa akong dapat asikasuhin lalo pa't maraming huling isda sina Miguel." Nginitian niya ako at marahang naglakad patungo sa kusina.

Tahimik kaming kumain at akmang kukunin ko ang baso para lagyan ng juice ng iabot sa akin ni Miguel ang basong nasa gilid. Napakurap ako at naiwan sa ere ang aking kamay, seryoso ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Huwag kang mag-aalala, malinis naman 'yan. Hinanda ko talaga 'yan para sa'yo," aniya sa seryosong boses at inurong ang basong may laman ng pineapple juice.

Hindi ko alam bakit biglang nakaramdam ako ng malakas na kalabog ng aking puso. Napatitig ako kay Jessica na nakaiwas ng tingin kaya tumikhim ako at kinuha ang isang basong juice. After we ate at bumalik na ako sa pagsusulat, nakita ko pa sina Jessica na nagtatawanan doon sa may sala. Kasama niya si Miguel at nakita kong magkahawak kamay silang dalawa. 

"Mauuna na ako," naging seryoso ang aking boses.

"Ha? Maaga pa naman ha?" ani Raquel kaya napatingin sa akin si Miguel at agarang tumayo.

"Hinahanap na kasi ako ni Mommy, at isa pa marami na rin kaming natapos ngayon." Niligpit ko ang aking gamit at huminga ng malalim.

Pumunta sa aking gawi si Miguel at inabot ang aking bag, napatitig ako sa kanya at nag-iwas rin ng tingin kalaunan. Tumayo ako at inayos ang aking sando, huminga ako ng malalim at tinignan si Tita.

"Uhm...Tita mauuna na po ako," paalam ko kaya napatingin siya at tinignan si Miguel.

"Mag-iingat ka hija okay?" aniya sa mahinahong boses at ngumiti.

Tumango ako at ngumiti mukhang busy naman ang mga kagroup mate ko sa pakikipag-usap kay Raquel. Sinabit ko sa aking balikat ang shoulder bag ko at mabilis na naglakad palabas ng bahay nila.

"Hahatid na kita," ani ni Miguel habang nasa labas kami.

"Hindi na, mukhang may date pa kayo ni Jessica. Nandiyan lang naman ang sasakyan," ani ko sa seryosong boses at napatili ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

He sighed at agad na binuksan ang payong na nasa gilid. "Mukhang kanina pa umuulan ngayon lang lumakas," aniya at hinawakan ang braso ko.

"Uh..wala bang extrang payong?" nakangusong tanong ko at mas lumapit pa dahil nababasa ako ng ulan.

"Malaki naman ang payong, kung hindi ka maglilikot hindi tayo mababasa." Inakbayan niya ako kaya natigilan ako at ramdam ko ang kalabog ng aking puso sa kanyang ginawa.

Dahil hanggang dibdib niya lamang ako ay hindi ko nakikita ang kanyang mukha. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at nakita kong basa na ang kalahati ng kanyang t-shirt. Bumakat tuloy ang katawan niya kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

"Oh my God! Mababasa ka! Gamitin mo na itong payong!" iritadong sambit ko at binigay sa kanya ang payong.

"Huwag na, sanay naman ako magpaulan," aniya sa seryosong boses at sinirado na ang aking pintuan.

Napabuntong hininga ako at nakita siyang sinalubong ni Jessica, napataas ang kilay ko ng makitang natatarantang pinupunasan niya si Miguel. I pouted and rolled my eyes on them, pinaadar ko ang aking sasakyan at mabilis na pinaandar patungo sa aming bahay.

"Umuulan," ani Joey at mabilis akong pinayungan. "Malalagot ako nito kay Ma'am Celestia. Sabi ko naman sa'yo na ako na ang magmamaneho ng kotse mo," dagdag niya.

"Okay lang ako," ani ko sa tinatamad na boses at umupo sa sofa. "Paki-kuha naman ako ng hot chocolate. 'Yung gamot ko rin pala," dagdag ko sa mahinahong boses.

Mabilis niyang kinuha 'yun kaya naman agad akong uminom. Pinikit ko ang mga mata ko, I don't know what's going on with me. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito. Natuto na ako sa nakaraan, ayoko na ulit. Nakakatakot at puwede ko na talagang ikamatay.

"Sa kuwarto muna ako, marami pa akong dapat gawin. Saturday naman bukas kaya magpapahinga muna ako," sambit ko at tumango naman siya at hinatid ako ng tingin.

Mabilis akong pumunta sa banyo at nagbabad sa aking mint green bath tub. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili, graduating na ako next year. Yet, malapit na rin akong magkaroon ng business, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang pagsusulat.

After I took a shower ay agad akong lumabas. Napatingin ako sa aking gitara, dalawa 'yun at ang isa ay may initial ni Kevin. I smiled bitterly and tears rolled down on my cheeks as I remembered him. Naiiyak nalang ako kapag naiisip ko si Kevin, his smiles and everything.

I strum my guitar and looked at the sky. I wrote a song, two years ago and the titled is 'Masaya na ako'. Alam kong masaya na ako ngunit nananatili ang kanyang memorya sa akin.

"Patuloy na nagtataka...kung bakit wala ka na..." pagsisimula ko sa aking kanta. "Ngunit nandito pa rin ako, sa mga ala-alang binuo." I strum once again and close my eyes.

I miss him so much. Kung puwede lang na sumunod sa kanya ay gagawin ko na, kung puwede ko lang na hilingin na bumalik siya ay gagawin ko.

"Sana'y pagbigyan ang puso...na umibig sa'yo....Ngayo'y lumalapit sa aking sinasabi...

Inaaming nagkamali at di ko maitatanggi...ngunit sinasabi ko sa'yo na ang pusong ito ay patuloy na nangungulila sa iyo."

Tears rolled down to my cheeks as I song my first album. Napahinto ako sa pagkanta at napabuntong hininga. I promised to him na I will be happy if he's no longer here.

"Bakit lumisan mahal ko? Bakit iniwan mo ako? Hindi ba nangako ka na tayo'y hanggang dulo? Sana ako'y iyong maisip...dahil ang puso'y patuloy na sumasabit." I sob so hard. Hindi ko na kaya pang isipin kung bakit iniwan niya ako ng ganun kabilis.

"Masaya na ako...ngayon...ngunit patuloy iniisip na bakit kailangang humantong sa ganito? Bakit kailangang iwan mo ako?" Nilapag ko ang aking gitara dahil matagal na panahon ko na itong ginawa, na sa sobrang tagal ay nakalimutan ko na ang tono at ang liriko.

I don't know where to lean on, I used to hide my feelings through wearing my mask. Sabi nga nila kung sino pa ang masayahing tao, sila pa 'yung may mabigat na pinagdaanan. Kung sino pa 'yung gustong sumaya, sila pa 'yung mga taong sobrang lungkot.

Hindi ko talaga alam kung anong plano sa akin ng tadhana. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti kasi alam kong hindi magugustuhan ni Kevin ang nakikita niyang nagkakaganito ako.

"Sorry, love. I just...miss you so much that I sang our song." Natawa ako at humiga sa aking kama. "But please, heal me. Ayoko na ulit makaramdam ng ganito. Hindi ako katulad mo na kahit sobrang malala na ang problema, nagagawa pang ngumiti." Pinikit ko ang mga mata ko at sa hindi malamang dahilan biglang pumasok sa aking isip si Miguel. Goodness, I hate this pati sa isip ko ay bumibisita siya.

Note:

That song lyrics is mine. I'm still writing the whole of it as of now and I hope you guys can wait for it. </33

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top