Kabanata 8

Miguel's POV:

Dumaan ang anim na buwan at talaga namang hindi ako makapaniwala na walang araw akong hindi lumisan sa aming klase. I was enjoying it na kahit pa pagod ako sa trabaho ko ay hindi ako nagpatalo, I want to be on top dahil nangako ako kay Mama na magtatapos ako. I want to be a Seaman, gustong gusto ko ang magmaneho ng isang malaking barko.

Sa anim na buwan na aking pamamalagi sa school, I was always bumped to Celestine. Hindi ko talaga maintindihan ang kanyang ugali dahil kung minsan mabait, minsan naman akala mo napakaperpekto niya. Palagi ko siyang nakikitang nakikipagsagutan sa mga kaklase namin, minsan naman nakikita ko siya sa mall at kung anu-ano ang binibili.

Sabagay, mayaman sila at kayang kaya nilang bumili ng kahit na ano. Hindi sila kailanman naghinayang kahit pa piso pa 'yan. Samantalang kami kahit pa mahulog ang piso sa madumi ay talagang dadamputin namin. Minsan naiisip ko, hindi ba sila nauubusan ng pera? Hindi ba nila naiisip na puwede silang makatulong sa mga katulad ko gamit ang pera nila?

May mga mayayaman kasi na iba ang ugali. Mayroong mayaman na hindi marunong lumingon sa pinanggalingan at mayroong mayaman na marunong makipag-ugnayan sa mga taong tumulong sa kanya. Siguro nga iba't-iba ang mindset ng mga tao ngayon.

"We're having a group activities. By four kayong lahat at gusto kong makabuo kayo ng thesis title at by the end of the school year, you need to passed it to me. Complete and organize," ani ng aming English teacher.

Kaagad akong nag-isip, marahil marami akong trabaho ngayon. Isa pa ang nalalapit na basketball game para sa foundation day. Siguro gagawa na lang ako ng listahan o kaya naman makikiusap sa grupo ko. Sana naman hindi ko maging kagrupo itong katabi ko.

"Group three will be..." sambit ng aming teacher at tinigan ang kanyang class record. "Madrigal, Dela-Vega, Santos, at Marquez." Natgilan ako at napatitig sa unahan.

"Oh my God," narinig ko ang O.A na boses ni Celestine. "Are they nice ba? Puro babae pala ang kasama ko," dagdag niya.

Kumunot lang ang noo ko at hindi nagsalita, malay ko ba kung ako ang kinakausap niya. Sakto namang nagtama ang paningin namin, tumaas ang kilay ko bilang pagtatanong kung bakit siya nakatingin sa akin.

"Kaya mo bang makatapos ng isang thesis papers?" tanong niya sa seryosong boses habang pinaglalaruan ang kanyang mint green ballpen.

"Sa tingin ko ay kaya ko naman," mahinahong sambit ko.

She nodded her head at agad na may isinulat sa papel, napatitig ako sa pangalan ko na isinusulat niya sa kanyang papel. Bakit ang ganda ng penmanship niya? Bakit parang gusto ko na siya ang magsusulat ng pangalan ko? Pinilig ko ang aking ulo at iniwas sa kanya ang aking paningin.

"Go on, puwede niyo ng kausapin ang mga kagrupo ninyo," sambit ng aming teacher.

We form a circle using our chairs, tama nga siya dahil puro babae ang kasama namin at ako lang ang lalaki. Tinignan nila ako at ganun rin ako sa kanila, kumunot lang ang noo ko ng makitang naghagikgikan silang dalawa.

"So, anong title ang gusto ninyo?" tanong ni Celestine at supladang pinagkrus ang kanyang mga hita.

"Difference between poor and rich," suhestiyon ni Santos, babae kong kaklase.

Tinignan ko ang reaksyon ni Celestine doon, nakangiwi ang kanyang mukha at agad na isinulat ang title. Nagtanong pa siya kaya naman nagbigay rin ako ng idea sa kanya na agad niyang sinang-ayunan. Nagbigay rin kami ng topic at iilang main idea sa gagawin naming thesis.

"Si Miguel alam ko may trabaho siya sa gabi at hapon. Kaya naman baka puwede nating iadjust ang oras natin para makasama siya?" sambit ng isa kong kaklase.

Napalunok ako. "Huwag na kaya ko namang pagsabayin. Pakikiusapan ko nalang siguro ang boss ko," kalmadong sambit ko.

Nahihiya ako sa kanila dahil baka nakakistorbo ako sa gagawin nila o baka may lakad sila. Tinignan ako ni Celestine at bumuntong hininga kaya medyo naging uneasy ako sa uri ng kanyang tingin.

"6pm?" tanong niya habang nasa akin ang paningin. "Puwede ba sa bahay niyo nalang? Para hindi ka na mahihirapan kung sakaling maaga ang ating meeting," dagdag niya at titig na titig sa mga mata ko.

Ngayon ko lamang napansin ang mga mata niya, hindi ko mawari kung asul o berde ba ang kulay ng kanyang mga mata. Pero nakakalunod 'yun, sa sobrang pagkalunod parang ayoko ng umahon. Idagdag mo ba na nasa labi niya ang ballpen habang mahinahong nakatitig sa akin ang malapusa niyang mga mata.

"Uh, susubukan ko...kaya ko namang pagsabayin." Umiwas ako agad ng tingin at umayos ng upo.

"6:30 ang call time natin. That way makakapaghanda pa tayong lahat at I know naman na may kanya kanya tayong ginagawa. By 7pm or 7:30 pm ay magsimula na tayo since napakarami nating dapat Iaccomplished," aniya sa kalmadong boses.

Tumango kami dahil maganda ang kanyang suhestiyon, marami pa kaming pinag-usapan at matapos nun ay agad kaming bumalik sa kanya-kanya naming upuan. Inabot niya sa akin ang isang pirasong papel kaya nagtataka kong tinignan 'yun.

"Kung may oras ka pag-aralan mo na lamang 'yan. Para pag-uwi mo hindi ka nahuhuli sa meeting," aniya sa mahinahong boses at mabilis na binawi ang kanyang kamay.

"O-okay," mahinahong sambit ko at tinignan ang mga nakasulat doon.

Maagang natapos ang aming klase at napag-usapan namin na mamayang gabi sisimulan. Sumakay ako sa tricycle at sinabing bilisan dahil any moment ay nandoon na sila sa aming bahay. Nakakahiya naman kung hindi ako maghahanda.

"Salamat," nakangiting sambit ko at inabot ang bayad.

Pumasok agad ako sa bahay at nakita ang kapatid ko na nasa sala at may kagrupo ring kasama. Napasinghap sila at napatitig sa akin, iniwas ko ang paningin at agad na umakyat sa itaas para makapagbihis.

I wore a khaki shorts at isang puting fitted na t-shirt. Inayos ko pa ang aking sarili at dinala ang notebook at libro para sa references. Bumaba ako at naabutan sila Raquel na nag-uusap at gumagawa rin ng thesis.

"Raquel, pupunta dito si Madrigal. Puwede bang doon nalang kayo sa labas at dito nalang kami sa loob? May ilaw naman doon," mahinahong sambit ko.

"Oh, si Celestine ba?" tanong niya kaya napakunot ang aking noo. "Sige, patapos na rin naman kami dahil unang meeting pa lang. Kung gusto ninyo sa sala na lang kami at dito na lang kayo," dagdag niya at inayos ang mahabang sofa.

Ilang minuto lang ay narinig ko na ang busina ng mga sasakyan. Iniayos ko ang mga upuan at agad na lumabas para sunduin ang mga kaklase ko at dalawa pa lamang sila. Iginiya ko sila at sakto rin ang pagdating ni Mama kaya inasikaso silang lahat at tinignan ang labas kung nandiyan na ba si Celestine.

"Darating din 'yun Kuya. Masyado ka namang nagmamadali," natatawang sambit ni Raquel.

Inismiran ko lamang siya at agad na nakita ang sasakyan ni Celestine, mabilis akong naglakad patungo doon at agad siyang hinintay na makalabas. She's wearing a leggings at isang crop top na sando. Napailing ako at agad siyang inalalayan makalabas.

"Nandito na ba silang lahat?" tanong niya habang naglalakad kami.

"Ikaw nalang ang aming hinihintay para makapagsimula," seryosong sambit ko.

Natulala pa si Mama sa kanya kaya tinignan ko siya, si Raquel naman ay bumati. Inilibot ni Celestine ang kanyang paningin at bumati kay Mama na nginitian lang siya.

"Umupo ka muna," mahinahong sambit ko at inayos ang kanyang upuan.

"Thanks," She murmured at agad umupo sa harapan.

Nagsimula kami sa pagbibigay ng napakaraming idea, mabuti na lamang may mga libro ako. May naisip na rin kaming title at mas magiging madali sa akin dahil pulido ang pagpapaliwanag ni Celestine. She's good in academics huh?

"Siguro para mas madali, only the keywords lang ang ilalagay natin. Para hindi masyadong detelyado at maipapaliwanag ng maayos, ako nalang rin ang mageedit sa laptop para mas mabilis." Nagtipa siya sa kanyang laptop at pansin kong hilig niya ang mint green.

Binigyan niya lang kami ng papel kaya agad kong kinuha 'yun at nagisip ng possible questions. At least five ang isinulat ko para mas madali at may pagpipilian pa. Narinig ko rin na pinag-uusapan si Celestine ng grupo ni Raquel.

"Uh, my Mommy is fine naman. Nasa Maynila siya doing some business," ani Celestine at bumalik sa pagtitipa.

"Hindi ba may album ka? Palagi kasi nitong pinapakinggan ni Raquel." Napatingin ako sa kanya na namula ang pisngi at nahihiyang tumango.

"I wrote it on purpose," maikling sambit niya at bumalik na ulit sa pagtitipa.

Hindi na kataka-taka na marunong siyang magsulat. Lahi ng mga singer at song writer ang mga Madrigal kaya hindi na ako nagulat na mayroon na siyang sariling album.

"I'm done," ani ko at ibinigay sa kanya ang papel since malapit siya at nasa gilid ko lang.

She took it from me at binasa, napatitig na naman ako sa kanya at sa kanyang damit. Bumuntong hininga ako, dahil kung ako ang magiging boyfriend nito pagbabawalan ko talaga siyang magsuot ng ganyang kaiksing damit.

At teka lang, bakit ko iniisip na magiging boyfriend ako ng isang Madrigal? Sabi nga ng Papa ko, huwag magpapadala sa nang-aakit na mata ng babaeng anak ng Madrigal. Natatawa na lamang ako dahil 'yun rin ang nangyari sa Papa ko, naakit rin sa mataray na Madrigal. Hindi ako pumapatol sa bata, kahit pa sabihin nating maganda siya kung masama naman ang ugali ay balewala sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top