Kabanata 6
Miguel's POV:
Matapos nang klase ay agad akong pumunta sa mga kaibigan ko, since highschool ay nakagawian na naming maglaro. Varsity ako ng basketball at nakakatulong 'yun para sa akin para mapababa ang tuition ko. Isa pa may dance group rin kami dito at bawas rin 'yun sa tuition ko. Mabuti na lamang may ganung activity dito kaya naman napapabawas ang bayarin ko.
"Miguel!" si Jessica sa masayang boses kaya napangisi ako at agad na pumunta sa table kung nasaan silang lima.
"Kumusta ang klase mo? Balita namin kaklase mo raw ang babaeng anak ng Madrigal?" tanong agad ni Adam.
Napatingin sila sa sa aking lahat kaya tumango ako. "Oo, kaklase ko siya sa apat na subject. Magkatabi pa kami sa likod dahil matangkad rin siya," paliwanag ko.
"Palaging napapa-away 'yun dito. Paano karamihan dito ay hindi siya gusto dahil na rin sa past issue ng Papa mo at ng Mommy niya. Kaya lahat ng bumabangga kay Celestine, pinapatalksik dito sa eskwelahan," ani naman ni Gerald.
Alam ko 'yun noon pa, dahil nung naghigh school ako rito at palagi ko siyang nakikita. May mga oras pa nga na nakikipag-away siya sa mga collage student dahil na rin sa hindi pagkakaunawaan. Kaya naman simula nun palagi kong binabantayan ang mga kilos niya, masyado kasing mainit ang ulo niya at kaunting salita mo lang ay napipikon siya.
"Wala naman akong pakielam doon dahil gusto kong makapagtapos ng pag-aaral," mahinahong sambit ko habang kumakain.
Nakita namin sa hindi kalayuan si Celestine, nakataas ang kanyang kilay at nakahalukipkip sa mga lalaking nakapaligid sa kanya. Nangunot ang noo ko dahil puro lalaki ang kasama niya, wala bang babae?
"Teka, bakit puro lalaki ang kasama niya?" tanong ni Raquel habang nakakunot ang noo.
Natawa si Jessica. "Sa pamilyang Madrigal, nag-iisa lang siyang babae at siya rin ang babaeng apo ni Heneral Madrigal." Napatango naman ako dahil hindi ko alam ang tungkol doon.
"Wala manlang siyang kaibigang babae o pinsang babae?" tanong na naman ni Raquel.
"No, because of her bitchy attitude walang gustong maging kaibigan siya ngunit karamihan ay takot sa kanya dahil sa taas ng antas ng pamilya nila," ani Jessica kaya napatingin ako sa kanya at napatango.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na ako sa susunod kong klase which is kaklase ko na naman si Celestine. Tumabi ako sa kanya dahil parehas kaming nasa likod dahil sa katangkaran namin. She looked at me kaya umiwas ako ng tingin at lumayo ng kaunti sa kanya.
Nagsimula ang klase namin at agad akong nakinig, pansin kong wala siyang ganang makinig dahil bukod sa papel ang hawak niya, gumuguhit rin siya ng kung anu-ano. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga iginuguhit niya. Seryoso lang siya at kung minsan ay tinitignan ang nasa unahan.
"Miss Celestine are you listening to me?" tanong ng teacher namin.
"Yes, Miss." Napakapormal niya namang maki-usap sa mga teacher na nandito.
Natapos ang major subjects at agaran rin ang aming pag-uwi, kailangan ko pang tulunga si Papa sa shop para maglinis ng kotse. Dinala ko ang bag ko at napatingin sa sahig nang makita ang isang metal pen, I looked at her na abala sa cellphone.
"Celestine," tawag ko kaya natigilan siya at dahan-dahang napatingin sa akin.
Natgilan pa ako, ngayon ko lamang nakita ang kanyang mukha. She have this freckless on her face, bagay na bagay sa kanya. Idagdag mo pa ang malapusa niyang mga mata, para siyang diyosang may malapusang mga mata.
I cleared my throat. "Naiwan mo." Binigay ko ang metal pen at napaawang ang labi niya at mabilis na kinuha 'yun.
"Uh, salamat..." aniya sa mahinang boses at iniwas ang paningin bago umalis sa aking harapan.
Naglakad ako para sunduin ang kapatid ko na kung sinu-sino na naman ang babaeng kinakausap. He looked at me and smiled, napailing ako at inaya na siyang umuwi sa aming bahay.
"Ang dami naming assignment, may ipapaguhit ako sa'yo mamaya ha? Medyo mahirap kasi," aniya sa mahinahong boses.
"Sige ibigay mo lang sa akin. Alam mo naman na kailangan kong pumunta sa shop ni Sir Haze," ani ko at tumango naman siya sa akin.
Nakarating kami agad sa bahay at mabilis akong nagbihis ng damit para makapunta sa shop ni Sir Haze, isa sa mga Madrigal. Naglakad ako at sumakay sa isang tricycle at mabilis na nakapunta sa shop nila. I worked them as their helper, materyales ng construction ang binebenta nila pati ang mga bakal at iilang mga kahoy na kailangan pang linisin.
"Nandito ka na pala," ani Sir Haze at tinapik ang aking balikat.
"Pasensya na at nahuli ako, may klase kasi ako sa umaga hanggang tanghali, ngayon lamang ako nakapunta," paliwanag ko.
Umiling siya. "It's okay, I understand basta sa susunod ay magsabi ka sa akin kung may klase ka. So I can schedule you," aniya sa mahinahong boses.
"No, I will come here on time. Nakakahiya naman kung liliban ako gayung maraming trabaho dito." Kinuha ko ang hard hat ko at narinig ko ang pagtawa niya.
"Sure, kung mapilit ka ay hahayaan kita," natatawang sambit niya kaya natawa ako.
Si Sir Haze kasi ay talagang napakabait, palagi niya akong tinatawag kapag may mga trabaho na puwede kong puntahan. Alaga niya ako dito kaya naman malaki ang pasasalamat ko sa kanya, mataas ang sweldo at pantay-pantay ang trato niya sa aming mga empleyado niya.
"Dumating ang tatlong truck, puno ng bakal at kahoy kaya naman talagang paroon at paparito ang mga tao," ani ng isang kasamahan ko.
Binuhat ko ang isang sakong semento at agad dinala sa loob, napansin ko rin na napakarami nga talaga kaya naman pala may nakita akong mga truck sa hindi kalayuan. Bumuga ako ng hangin at nilipat ang mga kahoy at iba pang materyales na kailangan para bukas sa Makati.
"Nandiyan ba si Haze?" Napatingin ako sa gate nang makita si Celestine kasama ang kanyang bodyguard na nakaantabay sa kanya.
Pumunta ako sa gate kaya napatingin siya sa akin, bumaba ang tingin ko sa kanyang damit bago nag-angat ng tingin sa kanya.
"Nasa opisina si Sir Haze at kung gusto mo puwede kitang samahan sa kanya," ani ko sa mahinahong boses.
Tumingin siya sa likod ko at tinignan ako pabalik. "Uh, puwede bang tawagin mo nalang? Kasi maalikabok at baka...maalibukan ang damit ko," aniya sa maarteng boses at napanguso.
Tumaas ang kilay ko at tinignan ang suot niyang shorts at isang sandong croptop. Pinapayagan ba siyang magsuot ng ganyan? Hindi niya ba alam na puro lalaki ang nandito? Mga bata nga naman talaga.
"Sige," maikling sambit ko at tinignan ulit siya bago tumalikod.
Pumunta ako sa opisina ni Sir Haze at nakita siyang may katawagan, tinaasan niya ako ng dalawang kilay kaya sinabi kong nandoon sa labas si Celestine at nakita kong nagmamadali niyang pinatay ang tawag.
"I told her na pupuntahan ko nalang, masyadong matigas ang ulo," napapailing na sambit niya.
Hindi ako nagsalita at nanatiling nakasunod sa kanya, nag-usap silang dalawa at bumalik na ako sa aking trabaho. Panay ang sulyap ko sa kanya na talagang nakamask pa habang nakikipag-usap, baka naman talaga may allergy siya. Nagkibit balikat na lamang ako ako.
"Oh my God, please be careful naman!" si Celestine nang muntik ko na siyang mabangga dahil nawalan ako ng balanse.
"Pasensya na," mahinang sambit ko at lumayo ng kaunti.
"God, paano nalang kung madumihan ang damit ko? Medyo pawis ka pa naman," narinig kong bulong niya kaya kumunot ang noo ko.
"Tss, stop that Celestia. Halika na nga at hinihintay ka na rin ni Lolo sa mansyon," ani Haze at binigyan ako ng mapagpasensyang tingin.
She rolled her eyes on me kaya wala sa sariling napangisi ako, natapos ang trabaho ko at pagod na pagod akong napaupo sa sahig. Tinignan ko ang mga kasamahan ko na mga nakaupo sa sahig. Tumayo ako at agad na nagbihis ng puting t-shirt dahil naghihintay sa akin ang mga kapatid ko.
"Mauuna na ako," paalam ko sa kanila at nakipag-apir sa mga kasamahan ko.
Dinala ko ang bag ko at iilan kong libro para makapag-aral ako, huminga ako ng malalim at bumili ng ulam naming magkakapatid. Honestly, dalawa lang kami ni Raquel ang tunay na anak ni Mama, ang tatlo kong kapatid ay anak ng tinuturing kong Papa sa kanyang unang asawa. Marami ang nagsasabi na sindikato ang Mama ko at nagkakilala sila ni Papa sa isang underground.
"Maraming salamat," magalang na sambit ko at kinuha ang binili kong soft drinks at dalawang plastik ng menudo at kare-kare.
Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko si Raquel na nasa labas at nag-aaral. Tumayo siya at agad akong pinuntahan at dinala ang mga pagkain. Nagmano ako kay Mama na busy sa paglilinis ng sala.
"Nasaan si Avery, Ma?" tanong ko at ginulo ang buhok nina Bruke at ang bunsong si Kisses.
"Nasa kanyang kwarto, hinihintay ka nga niyang dumating dahil gusto niya na ikaw ang magpaligo sa kanya. Alam mo naman," aniya kaya mabilis akong tumango.
Nakita ko si Avery na nakatulala at nakaupo sa kanyang kama, akala ko ba tulog? Napailing na lamang ako at agad siyang tinawag.
"K-kuya..." nakangiting pagbati niya kaya ngumiti rin ako pabalik.
"Ang sabi sa akin ni Mama ay hinihintay mo ako?" tanong ko at mabilis siyang tumango.
Mabilis ko siyang inasikaso at binihisan, ilang beses na namin siyang dinala sa hospital ngunit kailangan pa rin namin makahanap ng donor ng kidney. Hindi kasi kami nagmatch maski sila Mama ay hindi, kaya naman nagiipon ako para mapagamot si Avery.
"Kumain ka na," mahinahong sambit ko at nilagay ang sopas sa plato para makakain siya.
"Magtitinda ako ng isda para madadagdagan ang ipon natin. Ito naman kasing si Raquel ay naubos ang tininda nating Shanghai," ani ni Mama kaya napatitig ako sa plato.
"Ma, kung pumasok nalang kayo sa MMA rematch? Malaki ang kikitain ko doon." Napatingin siya at 'yun na naman ang maangas niyang tingin kaya napalunok ako.
"Hinding hindi ka sasali doon, at kung sasali ka man ay hindi rin ako papayag. Makinig ka sa akin Miguel, napagdaanan ko na ang ganyan kaya naman alam ko ang proseso dahil papunta ka palang, nakabalik at tapos na ako," aniya sa seryosong boses kaya napatango na lamang ako kasi alam kong tama siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top