Kabanata 44

Celestine's POV:

Huminga ako ng malalim dahil nakasakay na ako sa chopper na pagmamay-ari ni Lolo. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngunit kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata, sinabi niya rin na ipapagamot niya ako sa ibang bansa. Doon muna raw ako maninirahan habang hindi pa maayos ang gulo sa pagitan namin ng pamilya ni Dylan.

Ang totoo, kumikirot na ang ulo ko at mas lalo lang ata 'tong lumalala sa bawat pagsabunot o kaunting galaw man lang. Pinatignan ni Lolo kay Miguel ang ulo ko at sa tingin niya ay kailangan ko na talagang pumunta sa neurologist. Mabuti nga at napapayag ko s'ya na aalis muna ako ng barko at sasama kay Lolo.

"How are you? Are you feeling good?" mahinahong tanong ni Lolo.

I smiled. Alam kong malaki ang pagsisisi niya dahil nang magkita kami ay panay ang pagluha niya. Hindi niya naman kasalanan dahil sa umpisa pa lang ay ginawa niya na ang makakaya niya para lang mailayo ako sa mga Rivera. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang papalaking building sa unahan. Nandito na kami sa mansyon namin.

"Pakidagdagan ng mga bodyguards sa ibaba at sa buong bahay," utos ni Lolo sa mga tauhan na kasama namin dito.

Inalalayan ako ni Lolo sa pagbaba at inayos ko naman ang cast ng aking kaliwang braso. Handa na nga ba akong makita sila? Handa na nga ba akong magpatawad? Huminga ako ng malalim at naglakad kasunod si Lolo at si Diego.

"Mabilis na nakatakas si Dylan sa mga pulis. Ang sabi ay may tumulong raw sa kanya at binayaran lahat ng kaso sa kanila." Natigilan ako at napatingin kay Diego na seryoso ang mukha.

"Ipapahanap ko s'ya sa mga tauhan ko," seryosong sambit ni Lolo habang hawak ang kanyang tungkod.

Nakarating kami agad sa bahay, napahinto ako at napatingin sa aming pintuan. Maraming nagbago sa bahay namin at napalitan na rin ang kulay ng pintuan. Tinignan ako ni Lolo at bakas sa kanya ang pag-aalala kaya pilit akong ngumiti sa kanya. Dahan-dahan ang naging lakad ko dahil hindi pa magaling ang baling buto sa aking kanang hita.

"Dad," narinig ko na ang boses ni Daddy kaya bumilis ang tibok ng aking puso. "What's bring you here? Nahanap mo na ba si Celestine? Where is she?"

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinasabi niya. Simula ng ipamigay niya ako kay Dylan mas nanaig ang galit ko para sa kanila. Magandang buhay para raw sa akin ngunit naging miserable naman ang buhay ko. Nanlaki ang kanyang mata ng makita ako, blangko ang aking mukha habang pinagmamasdan ang Daddy kong puno ng pagsisisi.

"Celestine..." aniya at kitang kita ko mula sa aking kinatatayuan ang panginginig ng kanyang mga kamay at ang kanyang braso. "Celestia! Nandito na si Celestine!"

Nakita ko ang nakasuot na dress na si Mommy. Napatingin s'ya sa akin at bakas ang gulat sa kanyang mga mata nang makita ako. Inalalayan ako ni Diego papasok at nanatiling nakamasid ang mga magulang ko sa akin.

"W-what happened?" nag-aalalang tanong ni Mommy. Wala pala talaga silang alam kung anong nangyari sa akin. Wala pala talaga silang naging pakiealam sa akin.

"Tell them," maotoridad na utos ni Lolo sa akin. Nanatili akong nakatingin sa mga magulang ko at tinitignan ang katawan ko. "Come on, Celestine."

I smiled. "Bakit ko sasabihin sa kanila, Lo? Para saan pa kung simula sa umpisa ay hindi man lang nila ano kinumusta?" sarkastikang sagot ko at napaawang ang labi ni Mommy.

Anong sasabihin ko? Sasabihin kong sinaktan ako ng best boy nila? Inabuso ako ng tinuturing nilang best boy? I want to laughed. Gustong gusto kong umiyak at sumigaw ngunit pagod na ako para doon.

"C-Celestine...What are you talking about?" naguguluhang tanong ni Mommy. "Akala ko ay kasama mo si Dylan...akala ko ay magkasama kayo ngayon."

"Mom, pati ba ngayon ay s'ya pa rin ang iniisip mo? Paano akong anak mo ha? Paano akong naghirap ng walong taon para lang pakisamahan 'yang best boy ninyo!" sigaw ko at nagulat si Mommy doon.

Hindi s'ya nakasagot at kitang kita ko mula dito ang pagkislap ng kanyang mga mata.

"Ma, he raped me!" buong lakas kong sigaw at mas lalong nanlaki ang mata ni Mommy. "He abuse me! Kinulong niya ako sa basement, sa kwarto, at sa balkonahe! Akala ko ba ay para sa akin ang lahat? Para sa ikakabuti ko ang lahat? What did you do Mom?"

Tinignan ko si Daddy na napayuko at hindi makatingin sa akin. Tumawa ako na para bang nababaliw na talaga ako sa lahat nang nangyayari.

"Nawalan ako ng dalawang anak..." bulong ko at napasinghap ang mga katabi ko. "Nawalan ako ng liwanag at napalitan ng kadiliman. Sa araw at gabi na magkasama kami... halos mamatay na ako. No one there to save me, no one there to rescued me from that evil."

Nangilid ang luha sa aking mga mata at nanginginig ang aking mga kamao sa galit. Hindi sila nakasagot at kitang kita ko ang pagsisisi sa kanilang mga mata. Akmang lalapit si Mommy ng umatras ako, kitang kita ko ang bumalatay na sakit sa kanyang mga mata.

"Inaasahan ko na araw-araw kayong bibista sa akin...inaasahan ko na palagi ninyo akong tatawagan para kamustahin ako. Anong ginawa niyo habang wala ako? Nagpapakasaya sa success ng company? You chose that fucking company over you daughter who's suffering from that evil!" singhal ko at mas nakita ko ang luha sa pisngi ni Mommy.

"I thought na magiging okay ka...dahil nangako sila na magiging mabuti at mas aalagan ka nila...I called the every damn minute para kamustahin ka at napapanatag ako dahil sinasabi nila na maayos ang lagay mo," aniya sa mahinahong boses at tingnan ang kabuuan ko.

Tinuro ko ang ulo ko sa kaninang lahat. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang humikbi dahil ayoko nang umiyak.

"May balang nakatanim sa ulo ko," ani ko sa mahinang boses. "Sinubukan akong iligtas nila Lucille ngunit anong napala ko? I almost died, Mom at ang iniisip mo pa rin ay ang company natin ha?" sarkastikang singhal ko.

"Para 'yun sa ikakabuti mo, Celestine..." Tumawa na naman ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.

"Para sa ikakabuti ko?" mariing sagot ko. "O para sa ikakasaya mo? Did you enjoy living in a luxurious life? Did you enjoy the everyday success? Pinagpalit mo ang anak mo sa kompanya na kaya namang lumago kahit walang taong magsasalo."

She didn't speak. Ngumiti ako sa kanila at tumango. Tinignan ko si Lolo na bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Buo na ang aking desisyon na sumama kay Miguel. Nangako s'ya na hihintayin niya ako sa bahay nila mamayang gabi.

"Sana naging masaya kayo dahil napabayaan ninyo ang anak ninyo at mas pinili niyo pang mamuhay sa ginto kaysa ang alagaan at iligtas ako sa asawa ko," nakangiting sambit ko at hinawakan ang pasa ko sa mukha dahil sumasakit.

"Celestine...anak," si Daddy na pumiyok ang boses kaya mabilis kong iniwas sa kanya ang aking paningin.

Ayokong maka-usap sino man sa kanila. Ayokong makita silang lahat at ayokong makasalamuha kahit na sino sa mga kapatid ko. Napalingon ako sa likod ko ng makita ang tatlo kong kapatid. Bakas sa kanilang gulat at ang pagtataka. May kanya-kanya na silang asawa at may anak pa, masaya ako para sa kanila.

"Celestine..." si Kuya Charles at agad na nilapitan ako. "What happened to you?"

I smiled. "You have a wife now, I guess arrange marriage?" sarkastikang tanong ko at nakita kong napayuko ang babae. "It's nice to see you."

Hindi na ako nagtagal doon at agad akong lumabas. Maya-maya nakita ko si Manang Joy kasama ang kanyang anak na si Ian. Gulat akong napatingin sa kanila at mabilis ako pumunta doon at yumakap.

"Celestine," tawag niya at hinaplos ang aking buhok. "Pasensya ka na kung ngayon lang kami nagpakita. Tinago kami ng pinsan mo... dahil maski kami ay hinahanap na ni Dylan."

I smiled at umupo kami sa duyan na na dito. Aniya may sasabihin daw s'ya sa akin kaya tumango ako. Nakita ko ang namamanghang mata ni Ian sa bawat paglibot ng kanyang mga mata sa bahay.

"Naalala mo ba ang araw na nanganak ka?" tanong niya at natigilan ako at maya-maya ay tumango. Kaunti lang ang naalala ko doon.

"Anong mayroon doon, Manang Joy?" nagtatakang tanong ko.

She sighed. "Hindi totoong namatay ang anak mo..." Napasinghap ako sa narinig ko. "Nung pinagbubuntis mo ang una mong anak...itinago natin 'yun kay Dylan. Nung gabi rin na nanganak ka sa banyo ng kwarto mo, ay s'ya ring banta sa akin."

Hindi ako nakasagot at nagsimulang pagpawisan ang mga kamay ko dahil sa narinig ko.

"Hindi totoong namatay ang anak mo... pagkatapos mong manganak ay ikaw mismo ang nagsabi sa akin na ibigay ko kay Miguel Dela Vega ang anak ninyong dalawa," aniya at napalunok ako. "Ikaw mismo ang nagsabi na itakas ko ang anak ninyo dahil baka s'ya ang patayin ni Dylan. Naalala mo nang tumakas ako at sinabing pupunta sa palengke, sinabi ko 'yun para makapunta kami ni Ian sa bahay ng mga Dela Vega. Sa bahay ni Miguel."

Napaawang ang labi ko at tila pumintig ang aking ulo sa libo-libong alaala na pumasok sa aking utak. The night I gave birth to Mikael. Tama, I named him after Miguel. Ibig-sabihin anak ko si Mikael. Napatingin ako kay Manang Joy at tumango s'ya na tila nabasa ang aking nasa isip.

"Ang batang kasama ni Miguel ay ang anak mo...ang anak ninyong dalawa," nakangiting sambit niya kaya natawa ako at sabay-sabay na dumaloy sa aking pisngi ang mga luhang kanina pa gustong pumatak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top