Kabanata 40
Celestine's POV:
Pagkatapos naming mag-usap ni Miguel ay mas kumalma ako at mas naging magaan ang bawat segundo ko. Hindi ko alam kung epekto ba ito ni Miguel ngunit ang alam ko ay parang nawalan ako ng bigat na nakapatong sa aking dibdib. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya, natatakot ako sa puwede niyang gawin at sa puwedeng mangyari sa kanya.
I know how ruthless Dylan was, alam ko kung gaano siya kasabik na pumatay ng tao. Natatakot lang ako dahil iniisip ko ang aking pamilya na naiwan sa labas. Nakakatawang iniisip ko pa rin ang mga taong nagdala sa akin sa impyernong buhay na ito at ang mga taong walang alam sa naging karanasan ko.
Mikael is with me again kanina lang, hindi niya maiwanan ang mga dala kong aso. Ang sabi sa akin ay bawal raw ang aso dito ngunit nagulat na lang daw sila na pumayag si Miguel na magdala ng hayop. Hindi ko rin alam kung bakit ngunit mas mabuti na rin ang ganoon. Iniisip ko si Joey at si Lucille, nasaan na kaya silang dalawa at ilang linggo na rin.
"Hihinto muna raw ang barko sa malapit. Kung may gusto kang bilhin ay ipadala mo na lang sa akin," ani ni Haze kasama si Diego na nanonood ng telebisyon.
"Sasama na lang ako," ani ko habang hinahaplos ang balahibo ng dalawa kong aso. "Si Peter ay nandoon sa anak ni Mikael."
Ayaw ng humiwalay ni Peter kay Mikael simula ng magkita sila. Hindi ko nga rin alam kung bakit, hindi ko rin alam ngunit malakas ang pakiramdam ko na akin siya. Marahil siguro dala lamang ito ng pangungulila sa aking dalawang anak.
"Tara na kung sasama ka," ani ni Haze at napatayo naman ako.
Iniwan ko muna ang dalawang aso kasama si Carmina. Aniya matutulog muna raw siya dahil pagod siya, tinignan ko naman si Diego na inosenteng nakatingin sa akin, may something talaga kanila simula ng dumating sila.
"Don't look at me." Napakurap ako sa biglaang pagsasalita ni Diego, nakasimangot pa ang mukha habang naglalakad
Namangha ako sa dagat na nakikita ko, ngayon ko lamang nalaman na nandito kami sa Langub Beach, Malapascua Island;
This public beach has white sand and turquoise waters, perfect for a relaxing few hours after canyoneering in nearby Kawasan Falls. The rustic ambiance will make you forget your worries even just for a while. While on a bus bound for Badian, tell the conductor you'd like to alight at Lambug Beach.
Nasa Northern Cebu na pala ang barko. Humawak ako kay Haze at napangiti dahil nakakarelax ang asul na dagat. May mga maliit na kubo pa akong nakita para kung sakaling mapagod ka ay doon ka mananatili at magpapahinga. May nakita pa akong maliit na bahay at iilang mga tindahan sa labas.
Nakita ko sa hindi kalayuan si Miguel kasama si Berry. Nakahawak pa ito sa kanyang braso, iniwas ko na lamang ang paningin sa kanilang dalawa at nagpatuloy sa paglalakad. Kumuha ng litrato si Diego dahil 'yun naman ang hilig niya. Pumunta kami sa isang restaurant at namangha ako dahil puro vintage ang kulay maski ang mga plato at baso.
"This is one of the tourist spot here," ani ni Haze. "Around Cebu lang ang barko ni Miguel. Aniya ayaw niya raw na umalis dito dahil napakaraming alaala."
Lumunok ako at tinignan ang dagat sa malapit. Kinuha ko ang sketch pad ko at ang lapis. Hindi nakatakas sa akin ang pagiging sweet ni Berry kay Miguel na nakangiti. Napakataas niya na ngayon at kung tutuusin ay ang hirap niya ng maabot. Noon kaya ko siyang tinignan sa mga mata ngunit ngayon ay pakiramdam ko ay hindi.
Huminga na lamang ako ng malalim at iginuhit ang mga bagay na nakikita ko dito. Nag-order na naman sila kaya ako ang naiwang mag-isa habang gumuguhit sa aking sketch pad.
"Oh, you're here too Mrs. Rivera." Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa mapang-akit niyang boses, kasama pa niya si Miguel na nakatitig sa akin.
"Good afternoon," pagbati ko at binalik ang paningin sa aking iginuguhit.
"Miguel, dito na lang tayo sa katabing lamesa nila. I want to talked to Mrs. Rivera about some of her paintings," aniya sa malambing na boses.
Hindi ko sila pinansin at mabuti na lamang ay nandito na si Haze. Nakita ko pa si Avery na may kausap na ilang foreigners sa gilid. The way she moves, napaka elegante niyang tinignan at masasabi mong mataas na ang kanyang narating. Napangiti na lamang ako at agad na kinuha ang isang plato na para sa akin.
"Bakit nga pala wala ang asawa mo dito, Mrs. Rivera? Don't get me wrong, kilala kita because you're the gold of the Madrigal's Empire," aniya sa mahinahong boses.
I smiled a bit. "I don't know maybe you can asked him why he's not here." Sana hindi niya napansin ang inis na nararamdaman ko.
"Oh, maybe I can call him and tell him that you're here," nakangising sambit niya.
Natigilan ako at unti-unting binalot ng kaba ang aking puso. Tinignan ko s'ya na nagkibit balikat at nilagyan ang plato niya ng pagkain. Lumunok ako at nawalan na ng gana. Tinignan ko ang dalawa kong pinsan at nakita kong nagtatagis ang panga nila.
"This is Celestine, she's the one who am I referring to all of you." Napawi lang ang kaba ko ng makita si Avery na nakangiti. "She's a painter at one of her works is on the art gallery. I highly recommend her being one of the contestants in your team."
"Good afternoon," pagbati ko at napatingin sa isang matanda at hindi nga ako nagkamali. "M-Mr. Rivera."
Kaagad binalot ng takot ang aking puso ng makita siya. Lumunok ako ng makita ang ngisi niya. Napaatras ako ng matapon ang juice na kanina lang ay hawak ko.
"Long time no see, Hija. Matagal ka na naming hinahanap ni Dylan, nandito ka lang pala." Kinikilabutan ako sa mariing tingin niya. "You're with your cousins huh?"
"Relax." Isang bulong ang nagpatigil sa akin at isang mainit na kamay ang humawak sa aking baywang. It was Miguel. "Can you excuse us? I think she needs some air. It's suffocating her."
Hindi nawala sa aking paningin ang ngisi ni Berry. Napapikit ako at napahawak sa aking ulo, mabuti na lamang at nandito si Miguel. Lumabas kami at tsaka lamang akong nakahinga ng maluwag. Tinignan niya ako at inayos ang buhok ko.
"T-thank you..." mahinang bulong ko at lumunok.
"I hate seeing you scared," aniya sa seryosong boses habang nagkalagay ang dalawang kamay sa kanyang bulsa.
Hindi na lang ako umimik at nakita si Mr. Rivera na may tinatawagan sa hindi kalayuan. Nawala lang ang paningin ko doon ng hinarangan ni Miguel ng kanyang katawan. Tumingala ako at nakita ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
"If you're not comfortable here, bumalik na lang tayo sa barko. I will tell my chef to bake you some banana cake," aniya at hindi ko alam kung bakit tila nagdiwang ang mga halimaw na nasa aking tiyan.
Hinawakan niya ang kamay ko at buong maghapon kaming magkasama sa barko. Nilibot rin namin ang buong barko at masaya aking malaman na kanya na ito. Buong maghapon ata kaming magkasama at walang patid niya akong pinapakain.
"Kaunting hangin na lang at liliparin ka na kaya you need to eat more," aniya at binigay sa akin ang isang pizza na best seller.
Hindi ko alam bakit ang saya ko ng malaman na nandito siya. Hinihiling ko na sana ay mali ang iniisip kong nandito si Dylan. Kinagabihan ay kailangan magpaalam ni Miguel dahil siya ang magmamaneho ng barko sa lokasyon ng mga pasahero. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ako ngayon at hindi ko rin alam kung saan ba talaga ako mananatili.
"Pupunta lang ako sa pool deck," ani ko kay Diego.
"Gusto mo samahan na kita? Gabi na rin," aniya ngunit umiling na lamang ako sa kanya.
Naglakad ako at agad na pumunta sa pool deck. Ito ang paborito ko sa lahat dahil kitang kita ko ang kabuuan ng dagat. Pinagmasdan ko lamang 'yun hanggang sa marinig ko ang boses ng taong hindi ko nais makita.
"Looks like my wife is enjoying here." Unti-unti akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yun, hindi ako nagkamali ng makita si Dylan na nakapamulsa.
"D-Dylan..." kinakabahang tawag ko at palihim na nilibot ang paningin, malas nga naman dahil kaming dalawa lang ang nandito. "Anong ginagawa mo dito?"
Ngumisi siya. "After everything you did to me? Sa tingin mo papayag akong makuha ka ng iba mula sa akin?" aniya at lumakad palapit sa akin kaya nagawa kong umatras.
Mukha siyang si Santana's sa paningin ko. Aatras sana ako kaso nahuli niya ang aking pulso, isang malakas na sampal ang natamo ko mula sa kanya na halos tumilapon ang aking ulo.
"You're mine Celestine! Asawa kita at ako lang dapat ang may karapatan sa'yo!" si Dylan sa galit na galit na boses at pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa akin.
"Hindi mo ako pagmamay-ari! Kahit kailan! Puwede bang hayaan mo na lang ako ha!" sigaw ko at napangiwi sa sakit. "Nasasaktan ako..."
Ngumisi siya at sinabunutan ang aking buhok kaya napasigaw ako sa sakit na naramdaman ko. Napalunok ako at mas lalo akong natakot ng makita kung gaano kapula ang kanyang mga mata.
"P-pakawalan mo ako..." napapikit ako sa sakit ng aking ulo.
Tumawa siya. "Kung hindi kita makukuha, puwes mas mabuting mamatay ka na lang...wala ka namang kwenta sa pamilya mo at sa akin," aniya at sa isang iglap ay nasa malamig akong tubig.
Sumigaw ako dahil hindi ako marunong lumangoy. Sumigaw ako at panay ang hampas ng aking dalawang kamay sa tubig. Nanatili siyang nakatayo doon at nakita ko sa hindi kalayuan ang anino ni Berry. Ibig sabihin ay kasama siya? Unti-unti ay hindi ko na kaya pang iangat ang aking katawan. Ang huli ko na lamang nakita ang ngisi ni Dylan habang kumakaway sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top