Kabanata 39

Miguel's POV:

Napasigaw ako at hinagis ang lahat ng makikita ko. Gusto kong patayin ang sarili ko, gusto kong saktan ang sarili ko, at gusto kong lumuhod na lamang kay Celestine. Hindi ko alam na ganito ang pinagdaanan niya simula ng iwan ko siya. Nanlulumo ako sa kaalamang naghirap siya matapos ko siyang ipagtabuyan. Napapikit ako at lumandas ang luha sa aking mga mata.

Nahihiya ako. Nahihiya akong lapitan siya dahil alam kong mag kasalanan ako, kung hindi ko sana siya iniwanan ay hindi niya mararanasan ang mga bagay na ito. I treated her right na ultimo lamok ay hindi ko kailan man pinadapo sa kanya. Wala akong ginawa kundi ang ingatan at alagaan siya.

"He was raped, suffered, almost kill by her husband, and abuse."

Nagpaulit-ulit ang mga sinabi ni Haze sa aking tainga. Ginulo ko ang aking buhok at napapikit. Tinakpan ko ang aking ulo gamit ang dalawa kong braso. Nanginginig kong hinanap sa aking wallet ang sulat galing sa bag na nakuha ko sa ilalim ng kama ni Avery.

Binasa ko 'yun at napaluha na lamang. Napansin ko ang isang spanish word sa bandang ibaba, maliit lamang 'yun at hindi mo kailan man mapapansin kapag nasa malayo. Binasa ko 'yun at kinuha ang aking cellphone dahil hindi ko maintindihan ang nakasulat.

"Ayudame por favor..." mahinang basa ko. "Help me, please."

Napaawang ang labi ko. Noon pa itong sulat ngunit ngayon ko lamang naintindihan ang kaguluhan nito kaya mas lalo akong nanlumo. She needs me because she wants to escape from her family. Kinagat ko ang labi ko at tumayo para puntahan si Celestine sa aking cabin.

"Miguel," ani ni Diego. "Mag-usap muna kayong dalawa. Sa labas lang kami."

Hindi ko siya pinansin at ang tingin ko lamang ay na kay Celestine. Huminga ako ng malalim at kinuha ang upuan na nasa gilid. Umupo ako at tinignan siya. Suminghap ulit ako at napatingin sa kanyang kamay kung nasaan nakalagay ang singsing.

"You don't need to pitied me because you saw me this weak. You can now leave and be with yo–"

"I want to know everything." Tinignan ko siya na napatingin sa akin, kitang kita ko mula dito ang pamamaga ng kanyang kaliwang mata.

"Hindi mo na kailangan pang malaman ang lahat you left me, then it's your lose not mine." Bumuntong hininga ako at pinikit ng mariin ang aking mga mata.

"Just at least tell me..." mahinahong sambit ko at inurong ang upuan para mas mapalapit sa kanya.

Ngayon ko lamang nakita ng malapitan ang mga sugat at pasa niya. I trusted Miss Celestia so much na akala ko ay hindi mapapahamak si Celestine pero what happened? Tinignan niya ako at nakita ko kung gaano siya katakot magsalita, kung gaano siya ka kabado kung magsalita sa aking harapan. Hindi ito ang Celestine na nakilala ko, ang Celestine na kilala ko ay ubod ng tapang.

"You don't have to be so scared, pleased, Celes...makikinig ako." She looked me with his soft eyes kaya mas lalo ko lamang nakita ang kagandahan ng mata niya.

"I lost my two babies..." Doon pa lang napasinghap ako. "We got married but it turns down na ginagamit niya lang ako to get a justice for her Mommy and her sister. Para akong nasa isang madilim na impyerno na ang tangi ko lamang higaan ay malamig na simento."

Nagtagis ang panga ko ngunit tinikom ko lamang ang aking bibig para patapusin ang kanyang sinasabi habang nakatitig sa balkonahe ng kwarto.

"Kinulong niya ako sa kwarto ng pitong taon. Pinahirapan, ginawang parang aso, ginawang pampainit ng kanyang kama, at ilang beses niya akong binaboy. Hindi ako kailan man kumain dahil 'yun ang utos niya. Ang utos niya na huwag akong lalabas ng kwarto dahil sasaktan nita ako," mahinahong sambit niya.

"Continue." Humigpit ang kapit ko sa aking pantalon dahil hindi ko kayang umupo na lang dito.

"Itong mga sugat ko?" aniya at tumawa ng mapait. "Siya lahat ang gumawa nito sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya na lang ako pinatay."

"Celestine!" singhal ko ngunit nginisian niya lamang ako.

"What's the purpose of my life kung ang dalawang anak ko naman ay wala na sa akin? Siya ang dahilan kung bakit naghihirap ako ngayon at halos mabaliw ako..." She smiled. "We lost our baby, Miguel."

Tila para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig. Tinignan ko siya at napaawang ang aking labi dahil seryoso siya. What? We have a baby? Kailan at bakit hindi ko alam?

"We have a baby ever since that night happened. Hinintay kita sa simbahan para sana sumama sa'yo kasi...hindi ako kumportable kasi alam kong hindi mo ako matitiis..." aniya. "Pero nagawa mo akong tiisin habang ako ay nanatiling nakatanga sa simbahan at naghihintay sa'yo."

Hindi agad ako nakagalaw at sabay-sabay na naglandas ang luha sa aking mga mata. Tinignan ko ang kanyang tiyan at nakitang hawak niya ito.

"He raped me at lahat ng 'yun ay nagbunga...binaboy niya ang katawan ko at ito..." Tinaas niya ang kanyang damit at nakita ko ang isang letra na halos matuyo ang dugo. "He made it...at wala akong nagawa kundi ang magmakaawa sa kanya na pakawalan niya na ako."

Nanginginig kong hinawakan 'yun at mas lalo akong nanghina dahil may paso pa ng plantsa ang kanyang tagiliran. Nakita ko rin ang tahi sa kanyang tagiliran kaya hinaplos ko 'yun at tinignan. Mas masakit pa ang naranasan niya kaysa sa akin, she lost our child. She lost everything.

"I'm sorry..." bulong ko at inayos ang kanyang damit. "H-Hindi ko alam na ganito ang mangyayari."

"Kasi wala ka namang pakielam sa mangyayari sa akin," aniya at ngumisi sa akin. "Mas pinili mong lokohin ako kaysa iligtas ako. Mas pinili mong ipagtabuyan ako kaysa angkinin ako, at mas pinili mong lumayo sa tuwing lalapit ako."

Napapikit na lamang ako at napayuko, nadudurog ang puso ko. Napanganga ako ng tumayo siya at hubarin lahat ng saplot niya sa katawan. Natulala ako at hindi nakagalaw, tinignan niya ako gamit ang kanyang matatalim na mga mata.

"Look at me!" si Celestine sa galit na boses. "This is me when you leave me in the middle of night."

Umikot siya at nakita ko halos lahat ng pasa at hiwa ng kutsilyo. Napahikbi ako at tinakpan agad ang aking labi dahil ayokong marinig niya.

"Hiniling kong sana namatay na lang ako," aniya at nanatili pa ring nakatayo sa aking harapan. "Sana ng binaril niya ako sa ulo, hindi na sana ako nagising pa. Sana... kasama ko na ang mga anak ko."

Tumayo ako at kinuha ang kumot. Gamit ang kumot ay niyakap ko siya at parehas kong narinig ang pag-iyak naming dalawa. Humigpit ang kapit ko sa kanya at hinalikan ang kanyang ulo.

"Tama na..." mahinahong sambit ko at pinunasan ang luha sa aking mga mata. "Huwag mong hilingin na mamatay kasi alam mong susunod ako sa'yo."

"Ang sakit sakit...ang sakit mawalan ng anak, Miguel. Hindi mo alam kung gaano ako naghirap...para akong laruan na binenta dahil hindi nila ako gusto." Sumiksik ang kanyang ulo sa aking leeg. "Para akong isang lumang bagay na kapag wala ng halaga ay basta na lamang ipapamigay."

I bit my lower lip at mas lalo pa siyang niyakap. Dahan-dahan ko siyang pinakawalan at pinaupo sa kama ko, wala si Berry at kasama niya ang anak ko.

"Kahit pa paulit-ulit akong humingi ng tawad ay gagawin ko. Kahit pa paulit-ulit mo akong ipagtabuyan ay lalapit pa rin ako. Kahit pa patayin mo ako gamit 'yang bibig mo ay hinding hindi na ako lalayo sa'yo," mahinahon ngunit seryosong sambit ko.

Wala siyang naging sagot at nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Ang mga mata niya ay punong puno ng luha kaya maingat ko 'yung pinunasan at hinaplos.

"Miguel...hindi mo na ako kailangan sa buhay mo, masaya ka na at naabot mo na ang buhay na gusto mo. Para sa akin, kung isisingit ko pa ang sarili sa'yo, ano na lang ang tingin nila sa ating dalawa?" aniya sa mahinahong boses at umiwas ng tingin.

"Wala akong pakielam sa sasabihan ng iba. Kahit kasal ka pa." Mas lalo ko lamang naramdaman ang galit sa aking katawan ng ma-alala ang mukha ng kanyang asawa.

"Gusto ko ng tahimik na buhay...gusto kong mapunta sa isang lugar kung saan makakapagpagaling ako. Kung saan malayo sa lahat," aniya at tinignan ang mga mata ko. "Kahit ngayon lang ay hayaan mo naman akong mapag-isa. Gusto kong malayo sa mga tao...sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang saktan at pahirapan ako."

Tinignan ko siya at nakita kong determinado na siya sa gagawin niya at naiintindihan ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay at inayos ang kumot na nasa kanyang katawan.

"Ipangako mong babalik ka sa akin..." Hindi ko alam bakit ko sinasabi ang mga katagang nasa puso ko lamang nakalaan. "Lalayo ka pero hindi ibig-sabihin ay lalayo na rin ako. Always remember, hindi na ako ang dating Miguel na basta na lang susunod sa utos mo."

Tinignan niya lamang ako at nag-iwas ng tingin. Inayos ko ang kanyang kumot at pumunta sa banyo para kumuha ng gamot. Tinignan ko ang salamin at napabuntong hininga, sa ngayon dito muna siya sa aking puder mananatili. Magtutuos muna kami ng mga Madrigal bago siya makuha mula sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top