Kabanata 38
Celestine's POV:
Nagtawanan kami ni Avery habang ang tatlong aso ko ay nasa kanya, masaya akong makita na isa na siyang flight attendant. Ngayon ko lamang napagtanto na nagbago ang kanyang hitsura, pananamit, pananalita, at higit sa lahat she's matured. Ilang taon na ba ang nakalipas? Parang kailan lang ay nakikita ko siyang palaging nakahiga o di kaya'y sakay ng wheelchair niya.
Natupad ang pangarap ko sa kanya at natupad lahat ng gusto ko. Huminga ako ng malalim at pakiramdam ko ay nahihilo ako ngunit pinagkibit balikat ko na lamang 'yun.
"Masaya akong nakita ulit kita ate, ilang taon na ngunit kahit na may sugat ka pa o pasa napakaganda mo pa rin," aniya dahil naikuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin.
"Huwag lang sanang makakarating kay Miguel ang sinabi ko sa'yo," sagot ko at binigyan niya ako ng matamis na ngiti habang hinahaplos ang dalawa kong aso.
Nakarinig kami ng kalabog mula sa pintuan kaya napakunot ang noo ko. Sunod-sunod ang katok na animo'y nagmamadali, tumayo ako at agad na pumunta doon dahil natutulog pa sila Diego sa kwarto. Pagbukas ko ng pintuan nakita ko ang hinihingal na si Miguel. Pawisan, nangingilid ang luha, at nanginginig.
"Miguel," tawag ko ngunit isang mainit na yakap ang sinagot niya.
Natulala ako at pakiramdam ko ay nanumbalik ang init ng aking pakiramdam. Napakahigpit ng yakap niya ngunit nandoon pa rin ang pag-iingat. Napakurap ako at lumayo sa kanya, kitang kita ko ang pangungulila at pagsisisi sa kanyang mga mata.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko, binabalewala ang sarap ng yakap niya.
"T-totoo ba? T-totoo bang ikaw ang sinasabing donor ng Doctor ni Avery ha? Totoo ba?" sunod-sunod na tanong niya at bakas ang sakit sa kanyang mga mata.
Natigilan ako at napatingin sa kanya, naramdaman ko ang paglapit ni Avery sa akin. Nagulat ako sa biglaang pagkuha ni Avery ng papel mula sa kamay ni Miguel.
"Sagutin mo ako, Celestine. Ikaw ba... ikaw ba ang donor ni Avery?" tanong niya at tingnan ako.
Suminghap ako at tumango sa kanya, mas lalong dumoble ang sakit sa mga mata niya. Tinignan ko si Avery na nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Bakit mo binasa ang diary ko?" si Avery. "Si Ate Celestine ang tinutukoy ko na nagligtas sa buhay ko. Ngayong alam mo na, baka puwedeng tigilan mo na ang kataasan ng pride mo at ito na ang pagkakataon mo para makabawi kay Ate."
Kinabahan ako sa sinabi ni Avery kaya lumunok ako. Tinignan ko si Miguel na ngayon ay nakatingin sa akin gamit ang mapupungay niyang mga mata. Iniwas ko ang paningin ko.
"Why didn't you tell me?" halos pabulong na lamang 'yun ng magsalita siya.
"B-bakit ko sasabihin? Kapag ba sinabi ko sa'yo hindi mo na ako iiwan ha? Kapag ba sinabi ko sa'yo may mangyayari ba?" tumaas ang tono ng boses ko kaya napapikit siya.
Para siyang hirap na hirap, alam kong nagpipigil siyang sigawan ako o ano pa man ang gagawin niya. Mas lalo ko lamang nakita ang pagbabago ng kanyang emosyon, mas lalo kong nakita kung gaano na siya kataas ngayon.
"At least tell me. May karapatan akong malaman ang gagawin at dapat mong gawin, Celestine." Tinignan niya ako at tila kumislap ang mga mata niya.
Naramdaman ko ang mga pinsan ko na animo'y naistorbo sa kanilang pagtulog. Tinignan ako ni Diego at kumunot ang noo niya kay Miguel, mas lalo kong naramdaman ang pagkahilo kaya napapikit ako at muntikan ng mabuwal.
"Hindi ko sinabi sa'yo dahil alam kong magagalit ka. Hindi ko sinabi dahil alam ko kung anong magiging reaksyon mo kaya naman tinago ko na lang ang lahat sa akin," mahinang sambit ko.
"What's going on here?" Si Haze na hindi na makapagpigil. "Don't tell me that you're the donor that's he's talking about?"
Hindi ako nakasagot at nanlaki lamang ang mata niya. Mas lalo kong naramdaman ang pagkahilo kaya pinikit ko ang mata ko.
"Celestine..." si Miguel sa nag-aalalang boses. "A-anong nangyayari?"
Humawak ako kay Avery na natataranta akong tinignan. Tinignan ko si Avery at sa isang iglap lang ay nilamon ako ng dilim. Wala akong maramdaman at para akong sinasakal, natatakot ako sa dilim at natatakot ako na baka nandito si Dylan.
"You're awake." Nakita ko ang ngisi ni Dylan kaya nanlaki ang mga mata ko. "Glad you're awake my wife."
"B-bakit ka nandito? Nasaan ako?" Napatingin ako sa aking leeg ng may maramdaman akong matigas na bakal doon maski ang aking mga paa ay ganun rin.
He chuckled and maya-maya ay sinabunutan niya ang buhok ko kaya napadaing ako.
"Akala mo ba makakatakas ka?" tanong niya at napasigaw ako ng bigla niyang hiwain ng kutsilyo ang aking kaliwang pisngi. "Akala mo ba ay hindi kita mahahanap? Marami akong mga matang nakatingin sa'yo kaya kahit saan ka magtago, mahahanap at mahahanap kita."
"Bitawan mo ako," naluluhang sambit ko at naramdaman ko na may gumigising sa akin. "Demonyo ka Dylan! Pakawalan mo ako! Ayoko sa'yo! Pakawalan mo ako!"
Narinig ko lamang ang pagtawa niya at may kinuha siyang isang wire na nakalublob sa tubig. Kinabahan ako sa gagawin niya kaya mas lalo kong gustong makawala.
"Celestine! Wake up!" Pabaling baling ang ulo ko at paatras ako ng paatras dahil kitang kita ko mula dito ang demonyo niyang mukha. "Celestine!"
Nagpabangon ako ng wala sa oras at hinihingal na nilibot ang aking paningin. Napatingin ako kay Miguel na nakahawak sa aking kamay, binitawan ko ang kamay niya at nagsimula na akong kabahan na baka totoo ang panaginip ko.
"A-ayoko dito....Alisin ninyo ako dito! Ayoko dito! Pakawalan ninyo ako!" sigaw ko at pilit na nagkukumawala sa hawak ni Haze at Diego na parehas na nag-aalala sa akin.
"Celes, calm down. Wala dito si Dylan, wala dito...kami lang ang nandito, please kumalma ka." Nakita ko ang paglandas ng luha sa mga mata ni Diego habang hawak ang aking paa at hita.
"Ayoko pang mamatay! Ayoko pa! Parang awa mo na...pakawalan mo ako! Parang awa mo na!" sigaw ko at bumuhos ang luha sa aking mga mata at pilit kong binabawi ang kamay at paa ko.
Naramdaman ko ang mainit na yakap mula kay Miguel. He whispered something on my ear, paulit-ulit 'yun hanggang sa kumalma ako ng kaunti sa bisig niya. Nararamdaman ko ang pananakit ng aking ulo at pakiramdam ko ay mabibiyak ito.
"Si Miguel 'to..." His voice broke. "Kumalma ka... ligtas ka, h-hindi kita papabayaan."
Lumuha ako sa kanyang bisig at napapikit. Pakiramdam ko ay nasa bingit na ako ng kamatayan, gusto ko ng matahimik. Gusto ko ng mamuhay sa payapang tahanan kasama ang mga anak ko. Kailan ko ba mararanasan ang ganoong pakiramdam? Kailan ko mararanasan ang matulog sa isang kama kasama ang aking kapayapaan?
"Painumin mo muna siya ng gamot," ani ni Haze at suminghap.
"Killer pain?" tanong ni Miguel at bakas rin ang panginginig ng mga kamay niya. "Para...sa tama ng baril."
Tinignan ko siya at nakita kong nakatulala siya sa gamot. Kinuha ni Avery ang tubig at napansin kong lahat sila ay nandito maliban sa doctor na kasama ni Miguel. Hindi ko mahawakan ang baso kaya naman si Carmina na ang humawak.
"May bala na nakatanim sa kanyang ulo. Hindi pa siya kailangang operahan dahil gusto naming malaman kung paano siya iligtas ng hindi naapektuhan ang kanyang ulo," si Haze sa seryosong boses.
Nakita ko ang pagtagis ng panga ni Miguel. Napaluha ako at napayuko dahil natatakot ako. Natatakot na baka kung anong gawin niya. Natatakot ako na baka bigla na lang siyang magwala sa harapan naming lahat.
"K-kailan pa?" nagpipigil ng galit na tanong niya. "Her husband didn't treat her right?"
"Yes." Si Diego ang sumagot at diretso ang tingin kay Miguel. "She suffered. She was raped, she was harassed, she was abuse, and she almost got killed by her husband."
Napatalon ako sa gulat ng makitang tinapon niya ang baso kaya ito nabasag. Mas lalong naging tensyonado ang lahat, kitang kita ko ang pamumutok ng ugat sa kanyang leeg tanda na galit siya. Tinignan niya ako at punong-puno ng pagsisisi ang kanyang mga mata.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit...bakit ngayon lang?" tanong niya sa mga pinsan ko ngunit nasa akin ang paningin niya.
"He will kill you!" buong tapang kong sinigaw sa kanya. "Kapag hindi ako sumunod sa kanya, papatayin niya ang mga magulang ko! Papatayin niya ang lahat ng taong malapit sa akin! Lalong lalo ka na!"
Hindi siya nakasagot kaya mas lalong humigpit ang yakap ko sa aking mga tuhod. Hindi ko alam kung ano na ang susunod na mangyayari. Hindi ko na alam kung ano nga ba ang gagawin ko kung sakaling nandito na si Dylan.
"Lalabas lang ako." Hindi ko siya tinignan dahil alam kong galit siya at alam kong nagsisisi siyang iniwan ako. "B-babalik ako..."
Napapikit ako at humagulgol sa harap ni Haze. Niyakap niya ako ng mahigpit at marahang hinaplos ang aking buhok, humigpit ang kapit ko sa kanyang polo at mas lalong gustong lumayo. Gusto kong tumakbo kay Lolo para humingi ng tulong. Gusto kong makalaya, gusto kong maging malaya kasama ang mga anak kong nasa langit na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top