Kabanata 35

Miguel's POV:

Bumaba kami ng aming sasakyan at agad kong hinawakan ang kamay ni Mikael, ngayon kasi ang pagbisita niya sa barko at gusto niyang manatili rito bago siya pumasok sa eskwelahan para raw makita niya ang dagat. He likes sea and nature, kada babanggitin niya ang dalawang 'yun ay may naalala akong isang tao na mahilig sa ganoong bagay.

Lumakad kami sa Superyacht na pagmamay-ari ko. Pinaghirapan ko ang bagay na ito ng ilang taon gamit ang aking pawis, dugo, sikap, at tiyaga at ngayon nakuha ko na. Pumunta kami sa main lounge at nakita ang aking mga tauhan na naghahanda na dahil marami kaming bisita at iilang mga pasahero.

"Daddy, this is so cool!" si Mikael habang nililibot ang kanyang paningin sa kabuaan ng barko.

"Yeah," nakangising sambit ko at pinadala kay Ark ang bag namin para dalhin sa cabin.

Lumakad kami at panay ang papuri niya sa barko, pumunta kami sa elevator para makapunta sa corridors para makapunta sa cabins. Binuksan ko ang pintuan ng aking cabin at doon mas lalo siyang namangha dahil kitang kita niya ang dagat.

"Salamat, Ark." Tumango lamang siya at agad na umalis.

Pumunta ako sa gilid at inayos ang gamit ni Mikael na busy na sa telebisyon. Napangiti ako at napailing na lamang sa kakulitan niya, mamaya ay ipapalibot ko siya kay Ark para naman maging pamilyar siya sa barko.

"Kael, mamaya ipapasyal ka ni Tito Ark para naman hindi ka maburyo kung sakaling kailanganin ako sa control room," ani ko habang nilalagay ang mga damit niya.

"Opo, Daddy. Gusto ko rin po sanang libutin ang barko, it's amazing po kasi eh," aniya at mas lalong lumawak ang ngiti ko.

Hinanda ko ang pagkain niya dahil mamaya pa naman ang trabaho since marami pa ang kulang. Dumiretso ako sa aking damitan sa aking kwarto at agad na kinuha ang aking uniporme, I wore my white polo, cap with black hood, epaulets with captain badge, and slacks. Inayos ko ang damit ko at agad na lumabas.

"Kael, please do behave dahil wala ako dito, okay? I trusted you," mahinahong sambit ko.

He nodded his head. "Yes, Daddy." Ngumuso siya at tinignan ang aking kasuotan.

Huminga ako ng malalim at agad na pumunta kay Ark, hinabilin ko sa kanya na bantayan si Kael dahil alam kong matigas ang ulo ng batang 'yun. Once na nakapunta siya sa isang lugar may mga pagkakataon na nililibot niya itong mag-isa pero nakakauwi rin naman ng ligtas.

Hinalikan ko ang noo ni Mikael at agad na pumunta sa yacht cockpit para siguraduhin na maayos na ang lahat, nandoon na ang captain at ang naka-assign sa steering wheel habang ako ay nasa kanyang gilid kung sakaling may mangyari.

"Captain," aniya at yumukod at ganun rin ako sa kanya. "Maayos na ang lahat, hinihintay lang ang iilang mga bisita na maka-akyat," dagdag niya.

Kaagad kong nakita ang paakyat na mga bisita, ilang minuto lang ay naghanda na kami para makadaong na ang barko. Minaneho ko ang barko ayon sa bilis at tamang pwersa kaya hindi rin naging mahirap para sa akin, I trained at alam ko na rin ang hindi o dapat na gawin.

Nag-usap rin kami sa capacity ng barko at palagi naming tinitignan ang bilis ng aming galaw. Tinignan rin namin ang engine room at sinigurado na hindi kami magkakaroon ng problema kung sakaling may mangyari na hindi maganda. We want our guest to become safe.

"Maraming nasa pool deck at ang iba pa ay nasa gym o kaya sa entertainment room," ani ng isa kong kasamahan habang nasa gilid at nakaupo.

"Pinasadya ko ang ganun para naman kahit papaano ay mag-enjoy sila sa barko," ani ko habang tinatanya ang galaw ng barko.

"Hindi na ako nagtaka dahil napakali nitong barko," aniya kaya napangisi ako at inikot ang steering wheel.

Ilang minuto lamang at agad niya akong pinalitan, umupo ako at inayos ang damit ko. Hindi talaga ako mapakali kapag wala sa tabi ko si Mikael. Huminga ako ng malalim at agad nagpaalam na pupuntahan lang si Mikael. Agad naman siyang pumayag kaya mabilis kong hinubad ang aking cap at naglakad palabas.

"Captain." Nakita ko ang natatarantang si Ark kaya mabilis akong kinabahan sa kanya. "Si Mikael nawawala,"

Pagkarinig ko sa pangalan ng anak ko ay mabilis akong tumakbo, malakas ang kalabog ng aking puso kaya naman hindi ko na marinig ang mga tao sa paligid. Hinanap ko siya sa upper deck wala, sa gym, pool, wash room, at kung saan-saan pa. Kinakabahan ako at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sa kanya.

"Ang sabi niya kasi sa akin gagamit lang siya ng banyo, hinintay ko sa labas pero pagbalik ko wala na," aniya at nagtagis naman ang panga ko at napasuklay sa aking buhok.

"Doon tayo sa front deck," ani ko at tumango naman siya at sabay kaming naglakad.

Pagkarating ko doon ay nakita ko si Mikael na kausap ng babae, napatingin sa akin si Mikael at bakas ang luha sa kanyang mga mata. Yumakap agad siya sa aking baywang at doon lumuha kaya napabuntong hininga ako.

"Anak naman, you make me worried." Niyakap ko kanyang ulo at hinaplos 'yun para kalmahin siya.

"Daddy... sorry po. Mikael want to play po kasi Daddy... gusto ko po mag play ng tagu-taguan," aniya at tumingala sa akin.

Ngunit nawala sa kanya ang aking atensyon kundi sa babaeng nasa aking harapan. After a long year, ngayon ko na lamang siya nakita. Napakurap ako at bumaba ang tingin ko sa kanyang hita papunta sa nakabenda niyang braso, lumakas ang tibok ng aking puso.

"C-Celestine..." mahinang bulong ko at pakiramdam ko parang tinutusok ang aking puso ng makita ang kanyang mukha.

Punong-puno ito ng galos at namamaga pa ang kanyang kaliwang mata, nanlaki ang mata ko ng bigla siyang tumakbo kaya hindi ako nakagalaw. Bakit maraming galos ang kanyang mukha? Bakit...bakit ganun na lang ang takot niya? Sinundan ko ng tingin ang pagtakbo niya ngunit napakabilis niyang mawala sa aking paningin.

"D-Daddy." Napatingin ako kay Mikael na kuryosong nakatingala sa akin kaya lumunok ako.

"T-tara na..." ani ko at mabilis siyang hinawakan ang kanyang kamay para makapunta sa cabin. "Sa susunod huwag mo akong pinag-aalala ng husto, kapag may nangyari sa'yo hindi ko alam ang gagawin,"

"Sorry po...that woman saved me po and we have the same eyes..." aniya at bakas ang pagkamangha sa kanyang boses.

Natigilan naman ako kalaunan ay binuksan rin ang pintuan, ang mga mata ni Mikael ay baby blue at malilito ka kung berde ba o asul ang kanyang mga mata. Inupo ko siya sa counter dahil may sugat ang kanyang tuhod, I looked at him at nakanguso na ang mapula niyang labi. Ganyan siya whenever I scold him, nagpapalambing pa sa akin o kaya naman ay iiyak.

"Next time, when I said behave please do it. I'm so worried that I lost you," mahinang sambit ko habang ginagamot ang gasgas sa kanyang tuhod.

"I accidentally slipped and that woman saved me. Muntik na po akong malunod sa dagat..." aniya sa takot na boses kaya mabilis akong nag-angat ng tingin.

Hinawakan ko ang kanyang braso at niyakap, napapikit ako dahil ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim at hinalikan ang kanyang noo, matapos kong gamutin ang kanyang sugat ay agad akong nagluto ng banana cake para sa kanya.

"Celestine is here..." bulong ko at bumuntong hininga.

Naninibago ako, ang laki ng pinayat niya ngayon at bakit puro gasgas at sugat ang kanyang mukha? Hindi ba siya inaalagaan ng asawa niya? Is he treating her right? Bakit ganun na lamang ang takot niya ng makita ako? Mababaliw ako sa kakaisip sa maraming dahilan, napatalon ako ng marinig ang oven kaya napailing ako at  kinuha 'yun.

"Mikael, eat na." Hinawakan ko ang banana cake at binigay sa kanya 'yun, nagliwanag ang mata niya ng makita ang hawak ko. "Be careful,"

Pinagmasdan ko si Mikael at ang kanyang mukha, he have a freckles mas evident ang kanya dahil kahit nasa malayo ay kitang kita. His lips and her eyes, napailing na lamang ako dahil sa tuwing titignan ko siya ay nakikita ko si Celestine. Siguro nga ay nababaliw na ako pero gusto kong maniwala na si Celestine ang ina niya ngunit takot akong malaman.

Sana kay Celestine na lang siya o kaya naman magising ako na sasabihin ni Celestine na si Mikael ay anak naming dalawa. Natawa na lamang ako kaya napatingin sa akin si Mikael, tumikhim ako at inayos ang unan sa aking tabi.

"Papa, I want to thank that woman..." aniya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hm?" tanong ko at pinunasan ang kanyang bibig.

"I want to thank her...if she wasn't there baka po nalunod na si Mikael," aniya at inosente akong tinignan.

Ginulo ko ang kanyang kulot na kulot na buhok at tumango. Pinanood ko siyang kumain at somehow napangiti ako dahil sa ugali na mayroon siya, he always has this kind attitude kaya mahal na mahal siya ng mga tao dito sa barko. Matapos niyang kumain ay umupo siya sa aking hita at yumakap sa aking leeg, natawa ako at hinaplos ang kanyang buhok.

Napatingin ako sa dagat at papalubog na ang araw. Hinaplos ko ang likod ni Mikael at hinalikan ng paulit-ulit ang kanyang ulo. Hindi ko kaya kung mawawala sa akin si Mikael, nawala na sa akin si Celestine ayokong pati siya ay mawala sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top