Kabanata 34
Celestine POV:
Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko at hindi ko magalaw ang aking katawan, nanatiling nakapikit ang aking mga mata ngunit naririnig ko ang ilang komosyon sa aking kapaligiran at alam kong si Lucille 'yun. Dahan-dahan at maingat kong idinilat ang aking mga mata at ramdam ko ang sakit ng aking ulo. Bakit nandito ako? Bakit parang may nakadagan sa aking ulo?
Napatitig ako sa kisame at na-alala ang nangyari, mabilis na nabalot ng kaba ang aking puso. Nandito ba siya? Nasaan ba ako? Nakita ba niya ako? Dobleng takot at kaba ang aking naramdaman at narinig ko na lamang ang natatarantang boses ni Lucille sa gilid.
"Celestine...calm down," tinig 'yun ni Haze at hinawakan ang aking kamay na nanginginig.
Tinignan ko siya at hindi ako makapagsalita dahil sa kung ano man ang nakasabit sa aking bibig. Bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa akin, pumasok ang doctor at agad akong tinurukan ng pampakalma kaya naging magaan ang aking pakiramdam hindi katulad kanina.
"She need to be relaxed, hindi puwedeng mabangga o mahawakan ang kanyang ulo okay? Kailangang pa ring lagyan ng proteksyon ang kanyang ulo para makasiguro tayong walang mangyayari sa kanya. She's very fragile right now," ani ng Doctor na kausap ng aking mga pinsan.
"Doc, puwede bang sa atin muna ang kalagayan ni Celestine? If ever or someone asked if you have a patient named Celestine, please don't tell anyone. We want to protect her as much as we can from her husband," ani ni Haze sa mahinahong boses.
"Sure, anything for her." Tumango ang doctor at naiwan na naman kaming tatlo sa kwarto.
Nakita ko ang paghaplos ni Lucille sa kanyang noo, nanatili akong nakatingin sa kanila. Maya-maya lang ay may tinawagan si Haze at nakita ko ang pakataranta sa kanyang mukha kaya lalo akong kinabahan.
"We need to get her out of here. Nandito na ang tauhan ni Dylan to get Celestine," ani ni Haze at napatayo si Lucille mula sa kanyang pagkakaupo sa upuan.
Sa isiping nandito na si Dylan ay mas dumoble ang aking pangamba, napapikit ako at kasabay nun ang mga luhang dumadaloy sa aking mga mata. Mabilis na nagtawag ng Doctor at nurse si Haze at maya-maya lang ay agad nila akong inayos. Hindi ako makapagsalita dahil nanunuyo pa ang aking lalamunan.
"May alam akong puwedeng puntahan," ani ni Haze sa seryosong boses at nagkatinginan silang dalawa ni Lucille na para bang may plano na sila kanina pa.
Napapikit ako ng takpan nila ang aking katawan ng isang puting tela, napapikit ako at tahimik na nagdasal na sana ay hindi kami mahuli ni Dylan at ng tauhan niya. Naramdaman ko ang dahan-dahang umaandar ang higaan ko. Malakas ang tibok ng aking puso habang nakikiramdam sa kung saan ba kami pupunta.
"Nandoon na ang ambulance sa labas at sa likod tayo dadaan," narinig kong sambit ng nurse.
Maraming boses ang naririnig ko at naramdaman kong ibinababa na ako mula sa aking higaan. May benda ang kaliwa kong hita at ang kanan kong braso dahil sa mga butong nabali gawa ni Dylan. Napadilat ako at nakita ang seryosong mukha ng dalawa kong pinsan habang nakasakay kami sa ambulance.
"I want so bad to confront Tita for this, paano niya nakakayang ibigay si Celestine sa taong 'yun?" Bakas ang galit sa boses ni Lucille habang hawak ang aking kamay.
"Hindi ito alam ni Lolo at kapag nalaman ito ng buong Madrigal na ang ginto ng Madrigal ay nasa kapahamakan, hindi ko na alam," sagot ni Haze.
Na-alala ko nung libing ni Kevin at lahat ng kanyang angkan ay sinugod ako sa bahay. Galit na galit ang mga Madrigal at napunta pa sa korte ang lahat, si Lolo ang nagsabing hindi puwedeng galawin ang ginto ng mga Madrigal. I'm so lucky to be the only girl in our family but now, I felt so empty and I felt anger because of what happened to me.
"T-T-Tubig..." mahinang bulong ko at narinig 'yun ni Lucille kaya mabilis niyang kinuha ang bottled water.
"Si Haze ang makakasama mo the whole time okay? Ako na ang bahala sa lahat," mahinahong sambit niya at binigyan ako ng ngiti.
Napapikit ako at nararamdaman ko ang paghinto ng ambulance, narinig ko ang hampas ng alon kaya alam kong nasa dagat kami. Huminga ako ng malalim dahil kahit papaano ay may sapat na akong lakas. Dahan-dahan nila akong tinulungan upang makatayo at nagawa ko 'yun. Pinasuot sa akin ni Haze ang makapal niyang jacket at nilagay 'yun sa ulo ko.
"Magiging ligtas ka dito," aniya sa mahinahong boses at hinawakan at binuhat ako.
Yumakap ako sa kanyang leeg at agad na sumandal sa kanyang dibdib, hindi ko alam na mararanasan ko ang mga bagay na hindi ko naman hiniling sa itaas. I pitied myself, wala akong magawa kundi ang maging mahina na lamang sa lahat. I want to be Lucille, I want to be her because everytime I see her, kinakaya niya ang lahat. Lucille is my definition of the strongest woman I know.
Namangha ako sa kabuuan ng barko, nagsilbing liwanag ang maliit na ilaw sa bawat gilid. Punong puno ng sunflower na bulaklak ang bawat gilid ng barko. Kanino ba ito? Napakagaan ng aking pakiramdam nang tumapak ako sa barkong ito.
"Take care, Celestine. Remember you're my baby cousin okay?" Niyakap ako ni Lucille at agad na siyang bumaba dahil may mga aasikasuhin pa raw siya.
Tinignan ko ang barko at marami na ring tao kahit gabi na. Ang iba ay mga bagong dating dala ang kani-kanilang mga bagahe. Marami rin ang nakakilala sa aking pinsan kaya panay ang ngiti niya sa mga ito. Tinakpan ko ang aking ulo at yumuko dahil nahihiya akong ipakita sa kanila ang aking mukha.
"Hahanapan na kita ng kwarto at ako ang magiging kasama mo. I won't leave you, for temporarily dito muna tayong dalawa. Ako ang bahala sa'yo," aniya at inakay na ako papunta sa mga kwarto na nandito.
Nakayuko lamang ako habang naglalakad kami, hindi ko maigalaw ang isa kong hita kaya hawak ni Haze ang aking baywang. Nakarating kami sa isang maganda at malaking kwarto dito sa barko, binigay ng isang lalaki ang card namin. Nagtagal ang tingin niya sa akin kaya iniwas ko ang aking paningin.
"Thank you," seryosong sambit ni Haze at iginiya ako sa loob.
Pagpasok ko ay may isang kwarto at isang malaking kama sa labas, kitang-kita rin ang dagat mula sa maliit na balkonahe na para bang pinasadya. Umupo ako sa kama at napatingin sa bawat dingding ng kwarto dahil may nakita akong painting at iba pa.
"Si Manang Joy ay pinadala na ang gamit mo habang nasa hospital pa si Dylan. Si Lucille na ang kukuha nun at kung sakali man na magtanong si Tita about you, I won't tell her." Napangiti ako at tumango sa kanya.
"Thank you for saving me," ani ko kahit pa namamaos pa ang boses ko.
"I was a bit surprised when Peter came to my house. Muntik ko ng hindi mabasa ang sulat dahil basang basa ng laway ang papel," aniya at napailing. "Bukas nandito na ang tatlo mong aso," dagdag niya.
Tumango na lamang ako at agad na nilapag ang box na ibinigay ni Haze sa akin. Lumabas muna siya ng kwarto para ikuha ako ng pagkain, naisip ko na kapag iniwan ko sila Manang Joy at is Ian, mapapahamak lamang sila doon. Nasaan na kaya si Joey? Kumusta na kaya siya? Gusto ko ring makita si Joey.
"Ang baby ko." Hinaplos ko ang aking iginuhit, ang aking anak na ngayon ay wala na. Ang aking anak na hindi ko man lang nahawakan, at ang aking anak na hindi ko man lang nasilayan dahil maagang pumanaw.
When Dylan raped me, may nabuo at the same time namatay rin. Dalawang sanggol ang nawala sa akin kaya napakasakit para sa akin dahil araw-araw kong sinisisi ang lahat sa akin. Hindi ko sila nasilayan at hindi ko man lang sila nailayo sa kapahamakan.
Napatingin ako sa aking katawan at napahikbi ng makitang puro pasa, sugat, kalmot, at saksak ang aking katawan. Nakita ako ni Haze kaya mas lalo siyang nag-alala para sa akin, niyakap niya ako at doon ako umiyak ng umiyak.
"Celes...hindi ka puwedeng umiyak dahil baka mapaano ang iyong ulo," aniya at hinaplos ang aking buhok na may kahabaan na.
"I'm hurt, Haze... I thought mamamatay na ako..." sagot ko at na-alala kung gaano ako naghirap ng pitong taon sa kamay ni Dylan.
"Magiging maayos rin ang lahat, I will make sure that he will suffer...I will hindi ako papayag na hindi siya mabubulok sa kulungan." Ramdam ko ang bawat diin at galit sa kanyang boses kaya kinabahan ako.
Hindi nila kilala si Dylan at kung dahil sa akin ay may mapahamak na naman, hindi ko na kakayanin pa. Gusto kong ilayo sila sa kapamahakan lalo na ang mga magulang ko, si Daddy...hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling sila ang pagbuntunan ng galit ni Dylan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top