Kabanata 32

Celestine's POV:

Sinubukan kong tumayo dahil sa matinding pagkahilo, kanina na naman ay ako na naman ang napagbuntunan ng galit ni Dylan. He have a problem with their company at parang si Lolo ang nagbabagsak sa kanila, I'm so lucky na hindi nagpabulag kay Dylan si Lolo. I know him, kapag may nakita siyang mali sa ratings ng kumpanya talagang gagawa siya ng way.

Nanginginig kong sinulat sa papel ang katagang 'Tulong'. Kahit pa nanghihina ako dahil pakiramdam ko ay nabalian ako ng buto sa hita at sa kaliwang braso. Puno ng mga bodyguards ang bahay ni Dylan ngunit ang alam ko ay tutulungan ako ni Manang Joy, alam kong hindi niya ako bibiguin.

"Peter..." malakas kong tawag sa aso ko na malapit lang sa balkonahe. Sumipol ako at agad na nag-angat ng tingin ang aking german shepherd.

Nilusot ko ang papel at iwinagayway sa kanya, mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay. Napahawak ako sa aking leeg at umubo, maya-maya ay narinig ko ang boses ni Manang Joy at ang pagbukas ng pintuan. Si Dylan ay umalis na naman dahil may family dinner sila.

"Peter." Tumahol siya at agad na pumunta sa akin. "Peter listen to Mommy," nanghihinang sambit ko at lumunok.

Nakita ko ang kislap sa mga mata ni Peter at nagawa pang tignan ang aking katawan. Maya-maya ay hinila niya ang isang kumot at binalot sa aking katawan kaya naluha ako, napakatalino ng mga aso ko dahil alam nila kung kailan at paano ako kumilos.

"Peter...I want you to give this paper to H-haze." Nanatili siyang nakaupo sa aking harapan at titig na titig sa akin na para bang naiintindihan niya ako.

Nilagay ko sa kanyang necklace ang papel na naglalaman ng address at ng subdivision. Tinapik ko ang ulo niya at niyakap siya, naluluha ako dahil akala ko wala na sila sa akin. Naalala ko si Joey, hindi ko na siya nakikita dito sa bahay kaya nagtataka ako.

"Go, Peter...I will wait for you here okay? I will wait..." nakangiting sambit ko at tumahol lang siya at mabilis na umalis sa aking harapan.

Sumilip pa siya sa pintuan kaya natawa ako at kumaway. Napahinga ako ng malalim at naalala ang pinagawa sa akin ni Dylan kahapon, he told me to use gun dahil may ipapapatay siya sa akin. Natatakot ako ngunit ng pagbantaan niya ako, hindi na ako nagdalawang-isip na sundin ang gusto niya. Hindi ko alam kung bakit niya pinagawa sa akin 'yun ngunit kinakabahan ako.

Gumapang ako at agad na kumuha ng damit at hinanda ang aking mga gamit, sana naman ay makahabol si Haze at gusto kong kasama niya si Lucille dahil magaling siya sa mixed martial arts dahil nag-train siya sa ibang bansa para doon. Tinignan ko ang box na puno ng sketch at ilang iginuhit ko habang nakakulong ako. Napangiti ako at nilagay 'yun sa maliit na bag.

Umupo ako sa tabi ng kama at tahimik na naghintay sa kanila. Ilang beses na ata akong nagdasal na sana mahanap ni Peter si Haze, siya lamang ang makakatulong sa akin para makatakas ako dito. Ilang minuto na lamang at alam kong papauwi na si Dylan kaya mas lalo akong kinakabahan.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakapikit hanggang sa makarinig ako ng isang busina. Nabuhay ang pag-asa sa aking dibdib at mabilis akong sumilip sa balkonahe at nakita ang pamilyar na sasakyan ni Haze, ngayon pa lang ay gusto ko ng yakapin si Peter sa husay niya. He was trained kaya naman alam kong hindi niya ako bibiguin.

Gumapang ako ngunit nakakabit pala sa akin ang kadena, napaiyak na lamang ako dahil baka maging pabigat ako sa kanila. Napalunok ako at nakarinig ako ng mga daing at pagbagsak ng kung sino, napatingin ako sa ibaba at nakitang pinakawalan ni Haze ang mga aso.

"Celestine!" Narinig kong sigaw ni Lucille galing sa labas. "Where are you?" tanong niya.

"L-lucille..." bulong ko dahil hindi ako makagalaw sa kadenang nakalagay sa aking leeg.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at nakita si Manang Joy na nakabihis na at kasama ang kanyang anak. Sa likod nila ay nakita ko si Lucille, agad siyang naglakad patungo sa akin at nanlaki ang mata niya ng makita ako.

"Celestine... oh my god! What happened to you?!" si Lucille sa gulat na boses at nanginginig akong hinawakan.

"Help me." Gusto kong maging matapang sa oras na ito ngunit ang makita ang reaksyon niya, gusto kong umiyak.

Nakita ko na si Haze at kagaya kanina ay nanlaki rin ang mata niya, umiyak ako at pinanood si Lucille na tanggalin ang kadena. Umiiyak ako habang pinapanood sila na hirap na hirap tanggalin ang kadena.

"May itak ba kayo diyan? Knife our something? We need to get her away with this chain!" si Lucille sa galit na boses ngunit kitang kita ko ang pagpipigil niyang umiyak.

Maya-maya ay may inabot si Ian na isang baril, nanlaki ang mata ko ngunit ng makita ko ang seryosong mukha ni Lucille, alam ko na ang kanyang gagawin. Napatili ako at naramdaman ang pagkalas ng kadena sa aking hita at sa aking paa.

"Jusko! Nandiyan na ata si Sir Dylan!" si Manang Joy sa natatarantang boses kaya kinabahan ako.

Kahit hindi pa natatanggal ang kadena sa aking leeg ay agad akong itinayo ni Lucille. Ramdam ba ramdam ko ang panginginig ng katawan niya at alam kong galit na siya, naglakad kami at pakiramdam ko nagiging pabigat ako kaya naman inayos ko ang aking sarili.

"Shh, magiging maayos rin ang lahat. Ilalabas ka namin dito," mahinahong sambit niya habang pababa kami ng hagdanan.

Maya-maya pumasok ang mga tauhan ni Dylan, mabilis akong pinasa ni Lucille kay Haze at siya mismo ang humarap sa mga 'yun. Mabilis niyang sinuntok sa panga ang isa habang sinipa niya ang tiyan ng isa, kaysa tignan siya ay agad kaming naglakad ni Haze palabas kasama ang mga aso kong nakapaligid sa akin.

"Saan kayo pupunta?" Natigilan kami ng marinig ang malamig na boses ni Dylan.

Lumunok ako ng makita kung gaano kadilim ang kanyang mukha, tila may bagyo sa kanyang mga mata. Kitang kita ko rin ang baril na nasa kanyang kamay.

"Sa tingin mo makaka-alis ka dito?" tanong niya. "Hindi ka makaka-alis sa puder ko, Celestine. Hinding hindi ka makaka-alis sa impyerno," aniya at tinutukan kami ng baril.

Kaagad akong kinabahan at napahigpit ang kapit ko kay Haze, ramdam ko rin ang galit ni Haze dahil sa panginginig ng kanyang kamao. Napatili ako ng biglang bumagsak si Dylan dahil 'yun kay Lucille na kalalabas lang ng bahay kasama sila Ian.

Tumakbo kami ni Haze at kahit pa masakit ang binti ko ay nagawa ko pa ring tumakbo ngunit isang pagputok ang narinig ko. Unti-unti ay natigilan ako, unti-unti ay napaawang ang labi ko hanggang sa maramdaman ko ang dugo na nanggaling sa aking bibig.

"Celestine!" sabay na sigaw nina Haze at Lucille kasabay nun ang pangdidilim ng aking paningin.

Third Person POV:

Hindi alam ni Lucille at Haze ang kanilang gagawin habang nasa sasakyan kasama si Celestine. Hindi nila alam na gagawa pa rin ng paraan si Dylan para mabaril si Celestine ngunit hindi nila alam na ganito na pala ang nangyayari kay Celestine habang nandito.

Iniisip ni Lucille ang kalagayan ng kanyang pinsan habang nakatingin siya dito. Iniisip niya na katulad lang sila ng sitwasyon ngunit siya, kaya niyang depensahan ang kanyang sarili laban sa taong 'yun. Para sa kanya, baby pa si Celestine hindi kayang depensahan ang sarili.

"Bilisan mo!" Si Lucille sa malakas na boses dahil maski siya ay nag-aalala na kanyang pinsan. Ulo ang natamaan nito kaya naman kailangan nilang malaman kung may nadamay bang ugat.

Galit na galit si Haze, unang-una sa mga magulang ni Celestine. Marami siyang tanong na gustong masagot ngunit alam niyang hindi 'yun sapat sa kanya. Inaalala niya lamang ang kalagayan ng kanyang pinsan, ito ang unang beses na ang isang Madrigal ay napunta sa isang demonyo.

"Save her please," Ani ni Haze dahil masyado itong nag-aalala sa kanyang pinsan dahil alam niya kung gaano ito kahina. Kitang kita niya ang pasa, galos, bali, at iba pa.

Hindi alam ni Lucille ang kanyang maramdaman sa tuwing maalala niya kung anong nakita niya. Ang unang beses silang nagkita, kaya naman pala hindi niya matawagan ang pinsan niya dahil nakakulong ito.

Sa kabilang dako, kumunot ang noo ni Miguel dahil sa nakikita niya. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit nandito ang dalawang Madrigal sa hospital nila. Tinignan niya pa ang mga ito at bakas ang dugo sa kanilang damit.

Kaba at takot ang naramdaman niya ngunit hindi niya alam ang dahilan ng mga 'yun. Napahinto siya ng matapon ang kape sa kanyang kamay, hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng takot. Baka naman mali ang naiisip ko? 'Yun ang tanong sa kanyang isip habang naglalakad siya papunta sa kanyang opisina.

"We run some test and some blood test para malaman kung ano nga ba ang kalagayan niya. Luckily, wala namang parte sa kanyang ulo ang natamaan ngunit mananatili ang bala doon hangga't sa puwede na nating alisin. Nakita rin namin na maraming baling buto si Miss Celestine at kailangan siyang operahan at magsagawa ng ilang procedures para sa kanya." Nakakagulat na ganito ang mangyayari sa ginto ng mga Madrigal, 'yun ang naiisip ng doctor.

Nagkatinginan ang dalawang magpinsan at kapwa sila mga gulat at bakas ang takot sa kaba. Parang iisa lang ang kanilang naiisip, parang isa lang ang tumatakbo sa kanilang mga utak. Ang dalhin si Celestine sa kung nasaan si Miguel, dahil doon magiging ligtas ang kanilang pinsan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top