Kabanata 31
Miguel's POV:
Kaagad akong umakyat sa itaas para silipin si Mikael, kakatapos ko lamang sa trabaho sa hospital at ngayon lang ako nakauwi dahil napakaraming pasyente. Bukas naman ang alis ko patungo sa barko dahil kailangan ko pa ring ipagsabay ang pagiging doctor at isang seaman. Ilang taon na ang nakakalipas simula nung mangyari ang gabing 'yun. Ang gabing bumago sa akin at sa aking buhay.
Binuksan ko ang kwarto at napangiti ng makitang natutulog na si Mikael sa kanyang kama. Lumapit ako doon at iniligpit ang kanyang mga gamit na robot at sasakyan. Napataas ang isa kong kilay ng makita kung gaano kakalat ang sahig dahil sa dami ng kanyang laruan.
Mikael Jordan Dela Vega. Natagpuan ko lamang siya sa labas ng bahay namin ng isang gabing umuwi ako galing sa aking trabaho. Hindi ko alam kung sino ang naglagay sa kanya dahil balot na balot siya at nakalagay sa isang maliit na basket. When he opened his eyes, something make my heart beats fast. Pakiramdam ko ay akin siya, pakiramdam ko ay anak ko siya kaya naman inalagaan ko siya.
Simula ng dumating siya sa buhay ko, naging maswerte ako at kahit papaano ay nababawasan ang lungkot ko. Hindi ko alam kung kanino siya ngunit tinuturing ko na siyang anak, I work abroad para lang sa kanya mabuti na lamang at nandito si Mama. Siya ang tumulong sa akin kung papaano mag-alaga ng sanggol.
"P-papa?" Napatingin ako sa kanya dahil gumalaw siya at kinapa ang kanyang higaan.
"Sleep, Mikael. Dito lang ako," malambing na sagot ko dahil madalas ay kung anu-ano ang mga panaginip niya.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi na puno ng freckless, napangiti ako dahil may na-aalala akong babaeng mayroong ganito. Naging mapait ang aking ngiti ng ma-alala si Celestine, ang babaeng mahal ko. Huminga ako ng malalim at hinalikan ang noo ni Mikael bago umalis sa kanyang kama.
Napatingin ako sa painting na nasa gilid ng kama ni Mikael, painting 'yun na ginawa ni Celestine. Gustong gusto 'yun ni Mikael kaya naman palagi niyang ginagaya ang bawat linya at hugis ng mga ito. He's 7 years old pero englishero, hindi ko nga alam kung saan niya natutunana ang pagsasalita ng English.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit pa inaantok ako ay bumangon na ako, ayokong mahuli sa trabaho dahil kailangan kong tignan ang aking barko. After working so hard, nagkaroon na rin ako ng sariling barko at ako mismo ang nagmamaneho nun. Na-aalala ko lang ang pinaghirapan ko sa loob ng ilang taon para lang doon, napapangiti ako kapag naalala ko kung gaano ako kasaya kay Mikael.
"Good morning Papa!" si Mikael sa masiglang boses at yumakap agad sa aking baywang.
"Kumain ka na ba? Ang guwapo mo ha?" nakangising sambit ko at tinanguan si Jessica kasama ang babae niyang anak.
"I was waiting for you po," aniya at hinila na ang kamay ko. "I'm hungry na po Papa," malungkot na sambit niya.
Natawa na lamang ako sa kanya at agad siyang pinaghila ng upuan, nakita ko ang paglabas ni Avery sa kanyang kwarto. She's now a flight attendant kagaya ng pangako siya sa akin, ang kapatid kong si Raquel ay nasa ibang bansa para magtrabaho.
"Good morning, Kuya." Simula ng lumabas si Avery sa hospital naging malamig ang pakikitungo niya lalo na kay Jessica. Hindi ko alam kung anong problema niya dahil pansin ko ang disgusto niya kay Jessica.
"Si Kisses ay nasa eskwelahan na," ani ni Mama at ngumiti sa akin. "Kailan mo balak pag-aralin si Mikael?" tanong niya.
"Bukas, ie-enroll ko na rin siya pero baka isama ko siya sa barko dahil bakasyon pa lang naman at next year pa ang balik ng mga bata," sagot ko at inalalayan si Mikael.
Pagkatapos naming kumain ay agad na akong nagbibis, maaga pa ang alis ko dahil kailangan kong tignan ang kalagayan ng barko. Nagpatayo rin ako doon ng isang clinic para kung sakaling may mangyari ay maagapan ko kaagad.
"Good luck sa trabaho mo," ani ni Jessica habang nakangisi sa akin kaya napangiti ako.
"Hindi ka ba sasabay? Dadaanan ko rin ang kumpanya mo," ani ko at mas lalong lumawak ang ngiti niya.
"Sige, tinatamad rin kasi akong gamitin ang sasakyan ko." Tumango ako at agad na naglakad palabas ng kwarto namin ni Mikael.
Nakita ko siyang naglalaro sa harap ng telebisyon, kasama niya ang ibang kaibigan kaya napangiti ako. Ginulo ko ang kanyang buhok at agad na lumuhod sa harapan niya.
"Mikael," tawag ko kaya napatingin siya sa akin, bumibilis talaga ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko ang mga mata niya. "I need to go na, titignan ko ang barko kung maaayos na ba o hindi," mahinahong paliwanag ko.
"Kailan mo po ako dadalhin sa yacht, Papa?" tanong niya at humarap talaga sa akin.
I smiled. "Kapag may pagkakataon, dadalhin kita doon." Lumawak ang kanyang ngiti at mas lalong nagpakita ang kanyang dimple.
Pinagbuksan ko ng pintuan si Jessica at nakita ko ang mata ni Avery na nakatitig sa amin. Tinignan ko siya ngunit tinalikuran niya lamang ako kaya napabuntong hininga na lang ako at napailing. Sumakay ako sa kotse ko at agad tinignan si Jessica.
"Wala ka bang gagawin mamaya?" tanong niya.
"I don't know, baka mamaya ay manatili ako kay Mikael," sagot ko at tinignan siya. "Bakit mo naitanong?" dagdag ko.
She smiled. "Yayayain sana kita na kumain, tayong dalawa lang." Nagulat ako at nag-iwas ng tingin, alam ko naman kung anong nararamdaman niya para sa akin ngunit alam ko sa aking sarili na si Celestine talaga.
"Busy ako kay Mikael mamaya, puwede naman tayong kumain kasama sila Mama." Nakita ko ang pagkapahiya sa kanyang mukha kaya tumikhim ako at agad na pinaandar ang sasakyan.
Hindi na ulit kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa kumpanya niya, hinawakan ko ang braso niya kaya napatingin siya sa akin.
"I'm sorry," mahinahong sambit ko at ngumiti lamang siya sa akin.
"May iba pa namang pagkakataon kaya okay lang," nakangiting sambit niya. "Basta bumawi ka na lang sa akin." Tinapik niya ang aking balikat at agad na bumaba ng sasakyan.
Kumaway pa siya at ganun rin ako bago paandarin ang sasakyan, habang nagmamaneho ay biglang tumunog ang kanta ni Celestine. Napalunok ako at napabuntong hininga.
"Taimtim akong nakikipagtitigan sa tala Muling lumuluha dahil sa 'di matapon na mga ala-ala
Inaalala ka, mga pagsasama nating bigla na lang nawala
Mahal? Naalala mo pa ba?"
Napahigpit ang kapit ko sa manibela ng marinig ang kanyang boses. Sa tuwing maalala ko ang kanyang kasal ay gusto ko na lamang magwala at umiyak. Ngunit ngayon na nandito na si Mikael, gusto ko siyang hanapin, gusto kong malaman kung maayos ba ang kanyang kalagayan. Kung naalagaan ba siya ng maayos o hindi.
"Ang tamis ng iyong pagngiti
Lambing pati panunuyo mo'y miss ko na
Nananalangin na sana'y nasa mabuti ka
Hayaan mo ako, paunti-unti nakakaya ko na..."
Napabuntong hininga ako at hinilot ang aking sentindo, nilagay ko sa bintana ang aking siko at hinayaan ang sariling pakinggan ang kanta ni Celestine. Araw-araw kong hinahanap hanap si Celestine.
"Pansamantalang saya, permanenteng sakit
Kakayanin ko pa ba?
Mahal sabihin mo, ayos na ba?
Dapat na ba kitang pakawalan?
Dapat na ba akong bumitaw, sa mga ala-ala ng nakaraan na hindi na muling maibabalik kailanman..."
Dapat na nga ba akong bumitaw Celestine kung wala ka na? Kung may asawa ka na? Napapitlag ako ng marinig ang busina ng sasakyan sa aking likuran. Mabilis kong minaneho ang aking sasakyan patungo sa kung nasaan ang barko. Bumaba ako at agad na kinuha ang aking bag para makapunta doon.
"Good morning, Captain." Lahat sila ay binati ako kahit pa paakyat pa lamang ako ng barko.
Napatingin ako sa paligid ng makitang maayos ang bawat sunflower na pinalagay ko. Napatingin rin ako sa logo ng aking barko, ang pangalan ni Celestine sa ibang lenggwahe. Ito ang pangarap namin noon, tinutupad ko lang ngayon.
"Maayos na po ang control natin sa barko at marami na rin pong bumili ng tickets at dito ang punta nila. May mga humingi ng VIP room para sa isang pamilya at iba pa," sambit ni Leni, ang isa sa mga tauhan ko.
"Siguraduhin ninyong maayos at organisado ang bawat gamit na nakalagay sa loob. Ayokong may maririnig na reklamo mula sa kanila, ayusin niyo rin ang upper deck kung kinakailangan." Tumango sila at agad na nagsipag alisan sa aking harapan.
Pumunta ako sa gitna at tinanaw ang asuo na karagatan, palagi kong tinitignan ang sikat ng araw mula dito at ganun rin sa gabi. Kahit sa pamamagitan ng araw at buwan, makita ko man lang si Celestine. Palagi kong hinihintay ang paparating na araw at ang paglubog nito.
Napapikit ako at sa aking pagpikit ay ang mukha ni Celestine, nangilid agad ang luha sa aking mga mata sa tuwing naalala ko kung papaano ko siya pinagtabuyan. Kapag nahanap ko siya, hindi ko na siya papakawalan pa at gagawin ko ang lahat para mapunta siya sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top