Kabanata 30

Celestine's POV:

Akala ko kapag naikasal ako, malalayo ko ang sarili ko sa sakit at sa pagod na aking nararamdaman. Akala ko kapag kinasal ako magiging malaya ako sa lahat ng responsibilidad, akala ko magiging malaya ako sa mga gusto kong gawin. Kabaligtaran pala ang lahat ng 'yun, kabaligtaran sa naiisip ko kung paano ba kumilos ang isang mag-asawa.

Gusto ko na lamang maiyak sa nararamdaman ko, sa pinagdaanana ko ngayon, at sa lahat ng naranasan ko sa kamay ni Dylan. Ang sabi nila kapag nag-asawa ka, masaya ngunit bakit tila kabaligtaran. Sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maging masaya ako ngunit ang mga taong nasa paligid ko ang s'yang sisira sa akin.

"B-bakit nandito ka?" kinakabahang tanong ko habang paatras ng paatras sa sulok.

Nandito ako sa balkonahe at hinayaan niya akong nakahubad habang nakakadena ang aking mga braso, hindi ko alam na ganito ang kanyang ugali. Nakikita ko mula dito ang ngisi niya, ngising kinaiinisan ko at ikinatatakot ko. Ginalaw ko ang kadena ng makita ang isang kandila sa kanyang kamay, nanginig agad ako sa uri ng kanyang tingin.

"Your still alive huh?" nakangising tanong niya at sinabunutan ang aking buhok.

"P-please...pakawalan mo na ako rito, ayoko na dito..." naiiyak na sambit ko ngunit binigyan niya lamang ako ng isang ngisi.

Napatili ako ng ihagis niya ako sa kama, hindi pa ako nakakatayo ng bigla niya akong sinabunutan at napasigaw sa sakit ng maramdam ang pagtulo ng kandila. Napasigaw ako sa hapdi at sakit dahil pati ang sugat ko sa aking likod ay natatamaan.

"Dylan!" umiiyak na sigaw ko ngunit napadaing ako ng diinan niya ang kandila sa aking tagiliran.

"Sinong nagsabi sa'yong kumain ha? Hindi ba sinabi ko sa'yo na hindi mo puwedeng utusan ang kahit na sino dito sa pamamahay ko!" si Dylan sa galit na boses.

"T-tama na..." umiiyak na sigaw ko at pilit na kumakawala sa kanyang mga bisig.

Hinihingal ako habang pilit na tinitiis ang sakit, hindi pa siya nakuntento at tinanggal ang kanyang sinturon. Hindi ako makagalaw dahil sa kadenang nakasabit sa akin, napatili ako ng hampasin niya ang paso sa aking katawan. Napaiyak na lamang ako sa sakit, wala akong magawa kundi ang magmakaawa sa kanya.

"You don't have the rights to eat! Kahit pa uminom ng tubig ay hindi kaya magtiis ka!" Hinataw niya ang sinturon sa aking mukha kaya natumba ako sa aking pagkakatayo.

"Tama na! T-tama na..." nangihinang sigaw ko at nagpupumiglas sa kanyang hawak.

Ganito siya kapag uuwi galing sa trabaho, he locked me on my room at hindi ako puwedeng kumain. Dahil rin sa kanya nawala ang anak ko! Nawala ang anak namin ni Miguel, gusto ko siyang saktan ngunit wala akong lakas para doon. Nakakatakot siya...hindi ko siya kayang labanan.

"Sa tingin ko magtatanda ka na! Tignan lang natin kung bukas ay humihinga ka pa sa gagawin ko." May kinuha siya sa kanyang bulsa at kahit pa nanghihina ay nagawa ko pa rin 'yung tignan.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang matalas na kutsilyo, napaatras ako habang siya ay nilalagay ang kutsilyo sa kanyang palad. Natatakot ako sa puwede niyang gawin, sa puwedeng mangyari sa akin. Hinila niya ang aking hita kaya napahiga ako sa sahig at siya namang pagibabaw niya sa akin.

"Pakawalan mo na ako...ayoko na Dylan, huwag mo akong sasaktan," nakiki-usap na sambit ko.

"Akala mo hindi ko malalaman na tinignan mo ang telebisyon? Did you saw your ex huh? Did you saw your stupid ex?" sigaw niya at sinampal ang aking mukha.

"Your stupid compare to him! You already knew that!" Buong tapang kong sigaw kahit pa nakahubad ako sa kanyang harapan.

Ngumisi siya at tumawa. "Then, I will markes you as mine." Napasigaw ako ng maramdam ang kutsilyo sa aking tiyan.

Walang bakas na pagsisisi sa kanyang mukha, parang gustong gusto niya ang ginagawa niya. Sumigaw ako ng sumigaw at kumawala sa kanya ngunit wala akong kawala.

"S-stop! Nasasaktan ako!" Buong tapang kong sigaw at napasigaw sa sakit na nararamdaman.

Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas sa kanyang ginawa, kitang kita ko ang ngisi niya. Halos mahilo ako sa nakita ko, he marked my stomach with her initial. Napakalaking letter D ang aking nakita, naluluha ako habang pinagmamasdan 'yun. Ilang beses niya ng binaboy ang aking katawan.

"Parusa 'yan dahil pinatay mo ang anak natin!" Si Dylan sa malakas na boses at sinuntok ang aking panga kaya wala akong nagawa kundi tanggapin ang kanyang galit.

Umalis siya sa ibabaw ko na parang walang pakielam, gusto kong humingi ng tulong ngunit alam kong hindi maaari 'yun. Napahugulgol na lamang ako at napayakap sa aking sarili kahit pa panay ang agos ng mga dugo galing sa aking tiyan. Napatingin ako sa maliit na salamin at mas lalong naiyak ng makita ang aking itsura.

"H-help me..." umiiyak na bulong ko at gumapang papunta sa sulok ng kama.

Tanging kama lamang at isang aparador ang nandito. Walang gamit at tinanggalan niya ako ng karapatan para sa aking mga gamit, maski ang cellphone ko ay wala na rin. Hindi ko mahanap ang aking bag, wala akong gamit.

Ito na ba 'yun Mom? Masaya ka na sigurong umaangat na ang kumpanya dahil lang pinakasalan ko ang hayop na si Dylan.

Wala akong ginawa kundi ang umiyak na lamang, wala akong nagawa kundi tanggapin ang aking kapalaran. Bakit kailangan kong makaranas ng ganitong paghihirap? Bakit sa dinarami-rami ng taong puwedeng makaranas ng ganito, ako pa? Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko para danasin ko ang ganitong hirap.

Nagising ako sa katok na nanggaling sa labas ng aking pintuan, nahihirapan man ay gumapang ako sa abot ng aking makakaya. Nakita ko sa labas si Manang Joy na may dalang tray, naluha ako dahil kahapon pa ako walang kain at kahapon pa ako nagugutom.

"A-anong nangyari hija? Jusko!" si Manang Joy sa natatarantang boses at agad pumasok sa loob ng aking kwarto.

Naluluha akong nagpatulong sa kanya para makatayo ako, agad siyang kumuha ng damit sa aking lumang cabinet. Nakita kong nangilid ang kanyang luha sa mga mata habang pinagmamasdan ako, naluluha na rin ako at napayuko dahil nakakahiya na nakahubad ako.

"Pasensya ka na...hindi kita matulungan dahil pinagbantaan na rin ako ni Sir," aniya habang dahan-dahang sinusuot sa akin ang damit.

"O-okay lang po," mahinang sambit ko at napapikit dahil hindi ako makadikit gawa ng pasa sa aking mata.

"Nasa third floor si Sir, may inaasikaso tungkol sa kumpanya." Nilapag niya ang tray. "Hija, baka madalang na lang akong makapunta dito... ayoko naman na kami ng anak ko ay madamay dito. Alam mo namang sikreto lamang ang pagpunta ko dito dahil parehas tayong malalagot kay Sir," dagdag niya.

"Naiintindihan ko po," mahinang sambit ko. "May...may papel at panulat po ba kayo diyan?" tanong ko at mabilis naman siyang tumango.

Binigay niya sa akin ang pinabili kong sketch pad at maraming panulat, kahit ito man lang ay malibang ako. Kumain ako ng mabilis habang si Manang Joy ay nasa labas para tignan kung paparating na si Dylan.

"Hindi ko alam bakit nagkaganun si Sir, madalas kitang naririnig na sumisigaw...gusto man kitang itakas dito ay hindi maaari, pare-parehas tayong malalagot kay Sir," aniya at nag-iwas ng tingin.

Ngumiti na lamang ako at maya-maya ay mabilis siyang tumayo kaya mabilis rin akong humiga sa kama na walang bed sheet. Napaluha ako dahil kahit papaano ay may laman ang aking tiyan, napatingin ako sa buwan at napaluha. Nanginginig kong kinuha ang ball pen at agad na nagsulat sa papel. Ang dami ko ng naipon na papel dito sa aking kama, tinatago ko lamang 'yun.

Miguel,

    Akala ko tatagal ang galit ko sa iyo ngunit hindi pala. Tulungan mo naman akong kalimutan ka, tulungan mo naman akong alisin ka sa isip ko. Kasi hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita. Alam mo ba? Malapit ko ng matapos ang ginawa kong kanta para sa'yo, malapit ko ng matapos ang kanta nating dalawa.

     Babe, miss na miss na kita. Tulungan mo naman akong makatakas sa impyernong ito. Sasama na ako sa'yo, gusto ko ng sumama sa'yo paalis dito. Gusto na kitang makita ngunit alam kong marami ng nagbago sa loob ng ilang taon.

      Mag-iingat ka na lamang ha? Sana sa susunod magkita tayong dalawa, buhay pa ako.

                                        Celestine.

Hinayaan ko ang mga luhang dumadaloy sa aking mga mata, napapikit ako at niyakap ang papel na hawak ko. Tinignan ko ang buo kong katawan, napangiti ako ng mapait na halos mapuno na ng pasa ang aking katawan. I hate Mommy, ngayon lang ako nagtanim ng galit sa aking puso. Because of her, nawala ang anak ko, ang anak namin ni Miguel.

Hindi ko sila mapapatawad, napahinto ako at tinignan ang damit kong puno na namang ng dugo. Ang kadena ay bumakat na sa aking leeg dahil hindi pa rin ito natatanggal, ang kadena ko sa aking paa ay halos mangalawang na sa tagal nito. Ang tatlo kong aso ay nasa labas, mabuti na lamang ay hindi sila ginalaw ni Dylan.

Kung ito man ang nakatadhana sa akin, handa akong sumama sa anak kong nasa langit na. Napapikit ako at napangiti, kahit 'yun manlang sana ay matupad. Ang makasama ang aking anak kung mamamatay man ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top