Kabanata 29

Celestine's POV:

Napapikit ako dahil sa lumabas na positive, I'm pregnant. Ilang araw ko na itong nararamdaman, at hindi nga ako nagkamali. Nangilid agad ang luha sa aking mga mata, nanginginig ang aking sistema. Plano kong pumunta sa hospital kung nasaan si Avery, my cousin text me and sa katunayan may pinag-usapan kaming dalawa. I looked at the bag na naglalaman ng kaunting halaga.

Inipon ko ang lahat ng naibenta kong paintings, clothes, at ang mga inukit ko. At alam kong hindi papayag si Miguel kung makita niyang ako ang nagbigay. Galit nga siya sa akin at ganun rin ako sa kanya, I cried so much but I need to be so strong lalo pa't may kasama na ako sa aking katawan.

Nagbihis ako ng balcony cut sweetheart, bell bottom denim pants, at isang rubber shoes. Agad kong inayos ang aking buhok at ng matapos ay agad akong lumabas ng aking kwarto dala ang bag. Nakita ko sa ibaba si Dylan, palagi naman siyang nandito at sa tingin ko masaya si Mommy na pumayag ako na ikasal sa kanya.

"Oh, dear where are you going?" tanong ni Mommy.

Hindi ko siya pinansin at bored na tinignan si Dylan. "I'm going somewhere and don't worry hindi ako magtatagal," malamig na sambit ko.

"Do you want me to accompany you?" tanong ni Dylan.

"No thanks, malaki na ako at hindi naman ako baldido," mataray na sambit ko at nakita ang matalim na tingin ni Mommy.

Tinignan ko si Daddy, dismayado ako sa kanilang dalawa. Kaysa mag-aksaya ng oras ay agad akong sumakay sa aking kotse na nasa labas, huminga ako ng malalim at agad na pinaandar ang sasakyan patungo sa hospital kung nasaan si Avery. Kahit nasasaktan ako ay gagawin ko pa rin ito, kahit ito man lang, maging masaya ako.

Inaamin kong nagalit ako, he cheated on me. Ngunit hindi naging dahilan 'yun para kaayawan ang kanyang pamilya, mahal na mahal ko ang pamilya ni Miguel. Palagi silang nandiyan para sa akin, palaging sila ang kaagapay ko sa lahat ng bahay, at sila rin ang nagparamdam sa akin kung ano ang pagmamahal.

"Nandito na ako," sagot ko sa tawag ng aking pinsan.

[He's not here. Ang pamilya niya lang ang nandito, sigurado ka na ba sa gagawin mo?] tanong niya bakas ang pag-aalala sa kanyang boses.

"Sigurado ako," matapang na sagot ko at agad na pinatay ang tawag.

Ang sabi niya ay magiging safe naman ang operation, nag-iingat lang ako na baka mainpeksyon ang anak ko hindi ako makakapayag nun. Naglakad ako habang suot ang aking sumbrero at agad akong pinuntahan ang opisina ng pinsan ko.

"Hey," I smiled kahit pa alam kong pilit 'yun.

"Are you really sure about this? This is the first time na nalaman kong gagawin mo ito para lang sa pamilya niya," aniya habang nakataas ang isang kilay.

I smirked. "Nangako ako," ani ko na lamang dahil ang dami niyang questions.

Kumuha ako ng papel at isang ball pen para magsulat ng isang liham para kay Avery. Gusto kong mabasa niya ito pagkatapos ng operasyon niya, siya lamang ang makakabasa nito dahil ayokong malaman ng Kuya niya. I sighed at agad na binigay kay Chemmy ang papel.

"Ayokong malaman nila na ako ang nagbigay niyan. Gusto kong kahit ito man lang ay maitulong ko sa kanilang lahat," mahinang sambit ko at kinagat ang aking labi.

"You're so strong," namamanghang sambit niya at ngumiti. "You're really in love with him," puna niya kaya ngumiwi ako at tumayo.

Pumunta muna ako sa room ni Avery at saktong walang tao, mahimbing siyang natutulog. Napangiti ako, napamahal na siya sa akin kaya naman gusto kong gawin ito para sa kanya, para sa kalusugan niya.

"After this, you're free." Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Ayokong nakikita kang nahihirapan, Avery. Ramdam kong gusto mo ng gumaling mula sa sakit na ito, kaya naman I will give you the rights to be free pero sana ay sa atin muna ang bagay na ito. Ayokong malaman ng iba ang tungkol dito," ani ko at hinalikan ang kanyang noo.

Bumalik ako at agad na pumunta sa kwarto kung saan titignan ni Chemmy ang aking katawan. Huminga ako ng malalim at napapikit, pinagdarasal na sana hindi maapektuhan ang aking baby.

"Oh my God! You're pregnant! Paano na ito?" gulat na gulat na tanong niya habang nanlalaki ang singit na mata.

"Hindi mo naman kami papabayaan ng anak ko hindi ba?" malumanay na tanong ko at ngumiti.

"Pero...God," aniya na para bang hirap na hirap siya. "We will make things be successful, alam ko namang handa ka na. Sige na, ako ang bahala sa'yo," aniya at napabuntong hininga.

Pinikit ko ang mata ko at naramdaman ko na lamang ang pagtibok ng aking puso. Kakayanin ko ito at kapag natapos ito, hindi na ako kailanman magpapakita sa kanya. Masakit man ay kailangan kong gawin, masakit man ngunit ito ang tama, at masakit man pero ito ang dapat.

Wala akong maramdaman, wala akong maramdaman sa buo kong katawan ngunit naririnig ko ang boses ni Chemmy. Nagdarasal na lang ako na sana maging successful ang lahat ng ito. Hindi ako paladasal na tao ngunit sa aking sitwayon kailangan kong magdasal. Sana maging successful ang operation, nag-match kami ni Avery and luckily natignan ko agad ang result.

"Check her vital signs," ani ni Chemmy at wala man lang akong maramdaman sa kanyang ginagawa.

Nanatili akong nakapikit hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng kadiliman. Ilang oras ang aking itinulog, ilang oras lamang ang aking naging pahinga. Gusto ko man na manatili rito ngunit hindi puwede lalo pa't nandito ang pamilya ni Miguel.

"Celestine..." mahinang sambit ni Joey at huminga ng malalim.

"Kumusta si Avery?" unang tanong ko kahit ramdam ko ang sakit sa aking tagiliran. "Kumusta ang baby ko?" tanong ko at kinapa ang aking tiyan.

He sighed. "Maayos naman ang lagay ng baby mo, si Avery ay tulog pa rin simula kanina. Hindi ako makapaniwala na ginawa mo ito dahil hindi naman ganyan ang ugali mo noon," aniya at pinagmasdan ako.

I smiled. "Ganito siguro kapag nagmamahal ka, you need to do everything." Napangiti ako ngunit alam kong may pait 'yun dahil sa nangyari ilang araw ang nakakalipas.

Nanatili ako sa hospital, sa private room kung saan malayo kay Avery. Ani ni Joey, gusto raw na makita ng Mommy ni Miguel ang nagbigay ng kidney kay Avery. Kinakabahan ako kapag nalaman nilang ako 'yun, nabalitaan ko rin na umiiyak sina Tita dahil magaling na si Avery.

Masaya akong nakatulong sa kanila, at least natupad ko ang isang ipinangako ko kay Miguel. Sa isiping si Miguel, nasasaktan pa rin ako. Alam kong may alam si Mommy dito, hindi naman ako hihiwalayan ni Miguel kung walang nagtulak sa kanya para gawin 'yun.

"Gusto kong makita si Avery," ani ko kay Joey.

Tumango siya at agad akong inalalayan para maka-upo sa wheel chair, wala raw tao sa loob. Pumasok kami at nakita kong gising na siya, nanlaki ang mata niya ng makita ako. Ngumiti lamang ako at kumaway sa kanya na nakaawang ang labi.

"How are you?" tanong ko at pinagmasdan ang katawan niya.

"A-ate..." naiiyak na sambit niya. "Narinig po kita...narinig ko po lahat ng sinabi ninyo...maraming salamat po," dagdag niya at umiyak sa aking harapan.

Nangilid ang aking luha sa mga mata. "Ang mahalaga sa akin ay magaling ka," mahinahong sambit ko.

"Dahil sa'yo Ate...buhay ako at nandito pa rin...salamat po talaga ate...alam ko pong ikaw ang tumulong sa akin." Hinawakan niya ang kamay ko at naluluha akong pinagmasdan.

I smiled. Gusto kong makitang maging isang sikat siyang chef, gusto kong makita ang success niya sa buhay kaya alam kong hindi niya ako bibiguin at bibigyan ng sakit ng ulo.

"Sabihin po natin ito kay Kuya..." aniya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi puwede," mahinang sambit ko at ngumiti. "May mga bagay na hindi dapat ipagsabi sa iba...gusto ko sanang manatiling sikreto ang lahat ng ito...na nakaka-usap mo ako," dagdag ko at pinatong ang kamay ko sa kanyang palad.

"Bakit po?" mahinang tanong niya at bakas ang kaguluhan sa kanyang mga mata.

"Dahil hindi maaari. Kapag nagkita tayong muli, doon maaari ko ng sabihin sa'yo. Sa ngayon, ito na siguro ang huli nating pagkikita," ani ko sa banayad na boses.

Bakas ang kaguluhan sa kanyang mga mata. Pumasok si Joey at sinabing paparating na si Miguel, kumaway ako kay Avery na nginitian ako at kumaway rin sa akin.

"Magkikita po tayo ulit, Ate Celestine. Pangako hindi ko po sasayangin ang pangalawang buhay na ibinigay ninyo sa akin," aniya sa masiglang boses kaya napangiti ako.

Yumuko ako ng makita si Miguel, kahit tignan ko lang ang mukha niya ay naalala ko ang ginawa niya. Ito na siguro ang huling beses na makikita ko sila...at sana maging masaya si Miguel sa desisyon na ginawa niya. Itutuon ko na lamang ang aking atensyon sa aking anak, napangiti ako sa isiping 'yun.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top