Kabanata 28
Miguel's POV:
Inaasahan ko na talaga na pupunta si Celestine sa aming bahay dahil sinabi ko sa kanya na ngayon ang uwi namin ni Jessica. I need to work dahil alam ko kung gaano kahalaga sa amin ngayon ang pera, kailangan kong ipagamot ang dalawa kong kapatid. Hindi ko kakayanin na pati sila ay madamay sa galit ni Miss Celestia.
It's hurt seeing her crying, gusto kong suntukin ang aking sarili dahil pina-iyak ko ang babaeng mahal ko, I don't want her to feel regret once I chose to live with her. Ayokong dumating ang araw na magsisisi siya na nakasama niya ako, ayokong mahirapan siya dahil ganito lang ang buhay ko. Ayokong isumbat niya sa akin na ganito lang ang kaya kong ibigay sa kanya.
"Nagawa ko na, kaya tigilan mo na ang pamilya ko," seryosong sambit ko kay Miss Celestia na nasa loob ng kanyang sasakyan.
She smiled. "You don't deserve my daughter. Pumayag na rin siyang ikasal kay Dylan and inaayos na namin ang papeles nilang dalawa," aniya habang titig na titig sa mga mata ko.
Hindi ako umimik at nanatiling sarado ang aking bibig, nasasaktan ako kapag naiisip kong ikakasal na si Celestine sa iba. Ngumisi siya at agad na pinaandar ang sasakyan at naiwan akong nakatulala habang hawak ang punit na ipininta ni Celestine. Binalikan ko ito at mabuti na lamang ay hindi nabasa ng ulan kanina.
Sinadya kong magpahila kay Jessica kanina, sinadya ko 'yun dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang tiisin si Celestine. Napabuntong hininga na lamang ako at hinaplos ang inukit niyang barko. Naglakad ako papunta sa aming bahay habang hawak ang mga binigay ni Celestine.
Ang gago mo talaga, Miguel. Hindi mo inisip ang sasabihin mo sa harapan niya. Nagawa mo pang magsinungaling sa kanya...ayaw na ayaw niya ng naglilihim sa kanya.
"Kuya..." sambit ni Raquel at nagaalalang napatingin sa akin.
"I broke up with her, Raquel. Ang sakit pala," natatawang sambit ko at umupo sa maliit na upuan na nasa labas.
Tinapik niya ang aking balikat at huminga ng malalim. "May dahilan ka kaya mo 'yun ginawa...pero kuya, hahayaan mo na lang ba na ikasal siya sa iba?" tanong niya.
Hindi ako nakasagot dahil wala nga naman akong magagawa kundi tanggapin na ikakasal na siya. Ilang beses niya ng sinabi sa akin luluwas kami ng Maynila at doon titira hanggang sa tumanda kami. Ngunit hindi 'yun ang plano ko, ang plano ko ay ang mapabuti ang kanyang kalagayan.
"Kung patuloy pa rin akong lalapit sa kanya patuloy rin siyang sisirain ng mga taong nasa paligid niya. Alam mo na hindi ko ugaling gawin ang mali, para rin naman ito sa ikabubuti niya kaya ko ito ginagawa," sagot ko ngunit labag 'yun sa kalooban ko.
Totoong mahal na mahal ko si Celestine, hindi ko gusto ang aking ginawa ngunit ano nga ba ang tangi kong maibibigay kay Celestine? Isa lamang akong hamak na mangingisda at tindera sa palengke, ano nalang ang sasabihin niya kung sakaling hindi ko maibigay ang gusto niya? Natatakot ako sa maraming posibilidad na puwedeng mangyari sa kanya, hindi ko kakayanin na iwan niya ako.
Kinabukasan ay nanatili akong nakatulala sa aking silid habang hawak ang keychain. Napapikit ako kasabay ang pagdaloy ng luhang hindi pa pala nauubos. Humikbi ako habang nilalagyan ng tape ang bawat sulok ng papel na binigay ni Celestine. Charcoal paint ito at ang mukha ko ang nakalagay, napakaganda sa mata, at talagang may pagmamahal.
"I'm sorry..." I sob harder at niyakap ang painting na kanina pa basa dahil sa luhang dumadaloy sa aking mga mata.
Wala akong gana sa hapagkainan kahit pa ramdam ko ang tingin nila sa akin, hindi ko rin pinansin si Jessica dahil sa sinabi niya kagabi. Nanatili akong nakatulala sa aking pagkain, walang imik, at walang gana.
"M-miguel...kumain ka muna." Nilapag ni Jessica ang isang ham at longganisa sa aking plato.
"Busog ako." Tumayo ako at walang sabi-sabing umalis ng bahay para pumunta sa likod.
Sinuntok ko ang punching bag na sinadya namin para sa aming dalawang magkapatid. Ilang suntok ang pinakawalan ko hanggang sa kusa ring bumigay ang katawan ko dahil sa panghihina. If I could turn back the time, luluhod ako sa harap niya para sabihin na hindi totoo ang lahat. If I could tell her the truth gagawin ko.
"Sasali ako." Sinuot ko ang gloves at agad na pumasok sa ring. Nang makapasok ako ay agad namang nagsimula ang laban.
Lahat ng galit, dismaya, sakit, at iba pa ay nailabas ko na. Galit na galit ang mga mata ko na hindi ko na napapansin ang kaharap ko. Huminga ako ng malalim at iritadong umupo sa gilid.
"Muntik mo ng patayin ang kaharap mo, Miguel." Hindi ako sumagot at napapikit. "Sa susunod ay nasa ibang bansa na ako, nakuha ako bilang coach doon. Gusto sana kitang isama para makilala ang husay mo ngunit alam ko naman kung gaano ka-busy sa trabaho," dagdag niya.
"Pasensya na... kailangan ko talaga ng pera ngayon kaya naman panay ang trabaho ko." Ngumiti siya at sinabing naiintindihan niya naman.
Ilang rounds pa ang ginawa ko ng makita si Raquel na tumatakbo at panay ang linga. Kumunot ang noo ko at agad siyang nilapitan, namumutla siya at balisa kaya agad akong kinabahan.
"S-Si Avery, Kuya!" Si Raquel sa natatarantang boses kaya mabilis akong tumakbo papunta sa bahay namin.
Nakita ko sila Mama at Papa na sinasakay si Avery sa tricycle, agad akong sumakay sa likod. Kinakabahan ako kaya panay ang pagpikit ko, lumunok ako at agad na bumaba dahil agad kaming nakarating. Binuhat ko si Avery na umiiyak at hindi mapakali marahil sumasakit na naman ang kanyang tagiliran.
"Doc, ang kapatid ko." Nakita ko sa name plate ang apelyidong 'Madrigal' kaya natigilan ako.
"Dalhin na natin sa emergency room," aniya sa pormal na boses at agad na nagpatulong sa mga nurse.
Napalunok ako dahil pati dito ay mayroong Madrigal. Niyakap ko si Mama na umiiyak na, huminga ako ng malalim. Wala pa kaming sapat na pera para sa operasyon ni Avery ngunit gagawin ko ang lahat. Sa katunayan ay nag-aaral ako ng medisina dahil gusto kong kapag nagkasakit sila, ako ang gagamot.
"Magiging maayos rin si Avery, Mama." Hinaplos ni Raquel ang braso ni Mama na nakayakap sa akin.
"Matapang si Avery, kayang kaya niya 'yun Ma," ani naman ni Bruke na halatang kinakabahan dahil sa kanyang ekspresyon.
Umupo kami at agad na hinintay na lumabas ang doctor. Mabuti na lamang at medyo gumagaling na si Kisses basta may gamot lang siya. Hindi na rin malala ang kanyang sakit kaya kahit papaano ay nakakahinga ako ng maluwag. Si Avery lang talaga ang inaalala ko dahil masyadong malaki ang kailangan.
"Kailangan na rin nating maghanap ng donor para sa kapatid mo," ani ni Papa at halatang problemado na.
"Gagawa ako ng paraan," tanging nasabi ko kahit hindi ko alam kung sino ang mahihingian ko ng tulong para sa kapatid ko.
Lumabas ang Doctor at base sa kanyang mukha ay may malaking problema. Unang lumapit si Mama at agad na nagtanong sa kanya habang kami ay naghihintay ng resulta dahil kinakabahan rin ako.
"Kailangan niya ng maoperahan as soon as possible. Lumalala na ang kanyang sakit at anytime soon, kapag hindi pa nalunasan ay puwede niya itong ikamatay. Kumakalat na ang cancer sa kanyang katawan kaya naman, I suggest na kumuha ng donor at gagawin ko ang makakaya ko to rescue her," aniya sa seryosong boses.
"Naku! Wala pa kaming nahahahanap na donor..." sambit ni Papa.
"It's no problem, maghahanap rin ako kung kinakailangan. It's my job to help other people, give me some time and if I found someone sasabihin ko kaagad sa inyo," aniya at nginitian kami ng maliit.
"Salamat, Doc." Tanging tango lamang ang binigay niya at nakita kong tinignan niya ako bago umalis sa aming harapan.
Nasapo ko ang aking noo, saan naman kami hahanap ng puwedeng donor ni Avery. Base sa aking nabasa, mahal ang bayad kung sakaling kakailanganin mo ng donor kaya nagaalala ako na baka hindi maging sapat ang pera namin. Napapikit ako at naisip ang cheque na iniwan ni Miss Celestia, hindi ko alam kung gagamitin ko ba 'yun o hindi.
"Ano ng gagawin natin?" tanong ni Papa at bumuntong hininga.
"May naipon naman po ako Pa, hindi nga lang ganun kalaki ngunit makakatulong pa rin naman," ani ni Bruke at inilabas ang kanyang pitaka na puno ng pera.
"Ako rin Ma, sa katunayan naipon namin ito ni Kuya sa pagsali diyan sa rematch sa lote." Inabot naman ni Raquel ang dalawang garapon ng pera na naipon namin ng isang taon.
Ngumiti si Mama kahit pa alam namin na hindi kakasya ang pera. tinignan ko si Avery at napapikit dahil tanging si Papa na lamang ang paraan ko para makahanap ng donor. Tinalikuran ko sila at agad na lumabas para puntahan si Papa, siya na lamang ang tangi kong pag-asa. Kaya kong kainin ang aking pride kung ang kapatid ko ang pinag-uusapan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top