Kabanata 27
Celestine's POV:
I was just so stress right now, wala si Miguel at nandoon sila sa Maynila at kasama niya si Jessica. Hindi ko alam bakit pakiramdaman ko ay may mangyayari ngayong gabi, I wish it was a good but hindi ko talaga kayang manahimik na lang. Nalaman ko rin na nagpunta si Mommy sa restaurant kung saan nagt-trabaho si Miguel and I don't know what's up to her.
I know na hindi niya gusto si Miguel para sa akin, naguguluhan ako na panay ang punta ni Dylan sa akin at kung minsan pa ay we're having a dinner na kaming dalawa lang. Nag-aalala ako sa magiging reaksyon ni Miguel para dito, natapos ang quarter ng school namin at nagfocus ako sa pagpipinta.
Sa sobrang bored ko ay nagpinta na lamang ako, actually nakahanda na ang pera para sa pamilya ni Miguel. I also sell my clothes para sa pandagdag sa gastusin ng pamilya nila, because I want to help them. Lahat ng pagod ko ay worth it naman.
"Where are you going?" tanong ni Mommy kaya napaatras ako sa gulat ng makita siya.
"Isasama ko si Joey," kalmadong sagot ko habang hawak ang purse ko.
Tumango siya at gulat naman ako sa inaasta niya, usually kapag gabi hindi niya ako pinapa-alis ng bahay dahil ayaw niyang nakikipagkita ako kay Miguel. I ignore na lang at agad na tinawag si Joey, pupuntahan ko si Miguel dahil alam kong ngayon na ang uwi niya. Palagi na lang silang magkasama ni Jessica at hindi ko alam kung girlfriend niya pa ba ako o hindi.
Nasasaktan ako kapag nakikita ko sila, nung hindi pa natapos ang school year palagi kong kasama si Miguel ngunit nahahati ang oras niya dahil nandoon si Jessica. I don't know what's up with that girl and I even confront her but Miguel ignored me after. I'm his girlfriend kaya I have the rights para magreklamo kasi nasasaktan na ako sa ginagawa niya.
"Sa wakas nakarating na rin tayo dito, namiss ko sila Tita,"
"Panigurado 'yan,"
Nagtagal ang tingin ko sa masayang naglalakad na si Miguel at Jessica, hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay may kung ano sa kanila. Ilang weeks silang nasa Maynila and I wonder kung anong ginagawa nila. Miguel always texted me but I'm not sure about my instinct.
"Miguel...may gusto sana akong sabihin sa'yo," si Jessica matapos nilang huminto sa tapat ng gate ng bahay ni Miguel.
Namulsa si Miguel at tinaasan siya ng kilay kaya bumuntong hininga si Jessica. "Mahal kita." Napasinghap ako sa biglaan niyang pagsasalita. "Matagal ko ng gustong sabihin sa'yo 'to ngunit wala akong lakas para doon..." dagdag niya at yumuko.
Hindi na ako nakatiis at agad akong naglakad doon, gulat na napatingin si Miguel sa akin. Pinakalma ko ang aking sarili at huminto dahil kundi ako hihinto malamang kalbo na ngayon si Jessica.
"What's the meaning of this?" pinanatili kong kalmado ang boses ko. "Miguel, what's wrong with you? I texted you so many times and you didn't text me back," mahinahong sambit ko.
"Umuwi ka na." Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya. "Gabi na kaya umuwi ka na, pagod ako ngayon Celestine." Mas lalo akong nagulantang ng hindi niya ako tinawag na "Babe".
I chuckled. "Bakit ganyan mo ako itrato ha? Dahil ba nagkasama kayo ni Jessica sa Maynila ay kakalimutan mo na ako?" Tumaas ang boses ko ngunit malamig ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
Tinignan ko silang dalawa at nagtagal ang tingin ko kay Jessica. Napakurap ako at tinignan ang blusa niya dahil medyo kalakihan.
"Pagod ako ngayon, please umuwi ka na." Napatingin ako kay Miguel ngunit tinignan ko ulit si Jessica na nakakapit sa braso ni Miguel.
"Wait..." I chuckled nervously. "There's nothing problem with us, right? Maayos pa naman tayo nung nagkita tayo ha? Did I...missed something?" hindi ko alam bakit nauutal ako at pakiramdam ko may nagbara sa aking lalamunan.
Sinuklay niya ang kanyang buhok at tinignan ako gamit ang matalas niyang mga mata. Suminghap ako at agad na nangilid ang luha sa aking mga mata, hindi ako tanga at lalong hindi ako bulag.
"Did you two did that?" tanong ko kahit pa pakiramdam ko mabubuwal ako sa kinatatayuan ko.
Nakita ko ang pagtagis ng panga ni Miguel kaya mas lalo akong napasinghap. "Y-yes..." Napaatras ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. "Kaya kami pumunta sa Maynila dahil kailangan niyang ipatingin sa Doctor," dagdag niya kaya napatingin ako kay Jessica na nakayuko.
"You're joking right?" I chuckled nervously and looked at him. "You love me, you're not gonna cheat on me dahil nangako ka..."
"I was drunk that night...and yeah, we did it." Parang normal lang sa kanya ang salitang binitawan niya, parang ang dali sa kanya na saktan ako habang ako, hindi siya magawang saktan.
I closed my eyes and sighed. "H-hindi mo naman siguro ginusto ang bagay na 'yun diba?" tanong ko. "It doesn't matter to me...k-kung hindi mo nagustuhan...basta uh, h-hindi mo intensyong gawin 'yun," gumaralgal ang aking boses.
Nakita ko ang pamumula ng kanyang mata, tinignan ko silang dalawa at nakita kong hinawakan ni Miguel ang kamay ni Jessica. Miguel, durog na ako, dudurugin mo ulit? Hindi si Miguel ang kaharap ko, hindi siya ang Miguel na minahal ko.
"N-nagustuhan ko...lasing ako at wala akong pagsisisi," aniya sa namamaos na boses kaya mas lalo akong kinabahan. "Sobrang nagustuhan ko, Celestine."
I bit my lower lip, pinipigilan ang gumawa ng kahit na anong ingay dahil ayokong makita niyang apektado ako sa sinasabi niya. Yumuko ako at tumawa habang pinupunasan ang luha sa gilid ng aking mga mata.
"Who did the first move?" tanong ko, gusto kong saktan ang sarili ko.
"Ako," tanging sagot niya at nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin. Inilayo niya sa akin si Jessica na walang imik na para bang kapag nilapitan ko siya ay susugurin ko si Jessica.
Tumango ako at natawa na lamang sa kanya. Nasasaktan ako na kung kailan may ipon na ako, may plano, may dapat bahay namin ay siya namang pagtataksil niya.
"Am I not enough na you cheated on me?" tanong ko, nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya.
Hindi siya sumagot kaya tinignan ko si Jessica. "Akala ko mabait ka," unang sambit ko, hindi ko nga alam kung bakit nakatayo pa rin ako sa kanilang harapan. "I respect your relationship with him, I respect you because you're his best friend and I'm really disappointed because you didn't respect me," dagdag ko at tinignan siya ng mariin.
Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at tinignan si Miguel. Nakaiwas ang kanyang paningin at nakayukom ang mga kamao. May hindi pa pala alam si Miguel, hindi niya alam na ikakasal na ako, gusto ko sanang sumama sa kanya dahil ayokong ikasal ako sa iba. Ngunit ito ang nangyari, he cheated on me.
"Hindi mo man lang ako inisip habang ginagawa ninyo ang kababuyan ninyong dalawa," mariing sambit ko at huminga ng malalim. "You're such a flirt Jessica," dagdag ko.
"Celestine!" si Miguel sa malakas na boses kaya nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi ko. "Puwede bang umuwi ka na?! Puwede bang pabayaan mo na lang kami ha?" hindi ko alam bakit patuloy akong nagtitiwala sa kanya kahit pa ang sakit.
"Sa tingin mo makaka-uwi ako ngayong anniversary natin ha!" sigaw ko, buong tapang kong sigaw sa harapan niya.
Natigilan siya at napatingin sa akin ngunit nginitian ko lamang siya at inilingan. Nilabas ko ang inukit kong barko para sa kanya, keychain na para sa kanya at isang katamtamang barko na para rin sa kanya.
"Celes..." naging mahinahon ang boses niya ngunit tinaasan ko lamang siya ng kilay.
Pinunit ko ang painting na para sa kanya, lahat sinira ko! Nanlaki ang kanyang mga mata ngunit wala akong pakielam. Tinapakan ko ang painting at napahagulgol at napayuko, sobrang nasasaktan ako. Nahihirapan ako sa sitwasyon na mayroon ako! Ang lalaking mahal ko, ang lalaking gusto kong maging kasama sa habang buhay ay pinagtaksilan lang ako.
"I hate you! I hate you so much." Tinapakan ko ang barko at hindi man lang nasisira. "I hope you're happy, but don't be so happier." mariing tanong ko.
Nagulat ako ng biglang bumuhos ng malakas ang ulan, nanlaki ang mata ko at nakita ko na lamang sila Miguel at Jessica na magkahawak ang kamay habang tumatakbo. Iniwan nila ako rito, iniwan nila akong nakatingin sa kanila. Nakita ko kung papaano hinubad ni Miguel ang kanyang jacket at agad na pinatong sa ulo ni Jessica na tumatakbo.
"Miss Celestine!" si Joey sa malakas na boses at agad akong pinayungan.
Nanatili akong nakatingin kay Miguel na pinupunasan ang buhok ni Jessica na nakangiti sa kanya. Hindi ba niya ako napansin o hinila lang siya ni Jessica kasi umuulan na? Hindi niya ba ako babalikan rito? Napanguso ako at pinunasan ang luha sa aking mga mata at tinignan ang basa kong katawan.
"Tara na Miss Celestine...lumalakas na ang ulan," nagaalalang sambit ni Joey at agad akong hinila para makapasok sa aking sasakyan.
Kinagat ko ang labi ko at napayuko na lamang, hindi ko mawari na ganito pala kasakit. Sana nakinig na lang ako kay Mommy, ngunit kung hindi ako makikinig sa kanya, sisirain niya si Miguel. Tinakpan ko ang aking bibig at tinignan na lamang sina Miguel na nasa harapan ng isang tindahan, iniwas ko na lamang ang paningin ko at tahimik nq umiyak sa loob ng aking sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top