Kabanata 26

Miguel's POV:

Dahan-dahan akong umalis sa tabi ni Celestine na mahimbing ang tulong matapos ang ginawa namin. Hindi ko aakalain na gagawin namin ang bagay na 'yun lalo pa't kaka 19 pa lang ni Celestine. Bumuntong hininga ako at agad na pumunta sa shower para makaligo dahil may trabaho pa akong gagawin. Hindi ako puwedeng lumiban dahil kulang sa tao ang restaurant.

Tinignan ko si Celestine at agad na lumapit sa kanya, hinalikan ko ang kanyang pisngi at ang kanyang noo at napangiti. Paniguradong hahanapin niya ako kapag nagising siya, kumuha ako ng papel at ballpen para isulat na aalis ako at may kailangan akong gawin.

"I love you," mahinang bulong ko at pakiramdam ko ito na ang huli kong araw para makita siya.

Bumaba ako at agad na naabutan sila Mama at Jessica. Umiwas ako ng tingin at tumikhim dahil titig na titig sila sa akin.

"Ma, gisingin mo na lamang si Celestine kapag dumating ang 9pm dahil hindi siya puwedeng magtagal rito," mahinahong sambit ko.

"Nakatulog siya sa kwarto mo?" tanong ni Jessica at nagdududa ang kanyang mga mata.

Kinamot ko ang aking kilay. "Napagod sa kakaiyak dahil nagkaroon ng p-problema..." pagdadahilan ko kaya napatango siya.

Tinignan ko si Avery at Kisses na nakaupo at kumakain. Nginitian ko sila at agad na umalis doon, tinignan ko muna ang sasakyan ni Celestine bago ako sumakay sa tricycle. Huminga ako ng malalim dahil marami akong iniisip at hindi pa nakakatulong na iniwan ko si Celestine sa bahay.

"Salamat," mahinang sambit ko at agad bumaba dala ang aking bag.

Pumasok ako sa loob at binati ang iilang crew na nandoon, binati ko rin ang aking boss dahil nahuli ako sa pagpasok. Agad akong pumunta sa locker room para makapagbihis ng aming uniform, inayos ko ang butones ng aking damit at pinikit ang aking mga mata.

Pakiramdam ko ay nakadikit pa rin sa akin ang katawan ni Celestine, pakiramdam ko ay nasa leeg ko pa rin ang kanyang labi. Kinagat ko ang aking labi at natawa na lamang sa aking sarili dahil naisip ko na naman ang hubad na katawan ni Celestine sa aking kama.

"Maraming order ngayon dahil malapit na rin ang bakasyon," ani ng isa kong katrabaho. "Madalas ay puro estudyante ang mga costumer kaya naman mabilisan ang kilos nating mga crew," dagdag niya.

"Sige ako na ang bahala sa mga upuan at lamesa. Tawagin mo na lamang ako kapag may ihahatid na tray sa lamesa," malumanay na sambit ko.

Kinuha ko ang belt na naglalaman ng panlinis ng lamesa at iba pa, kinuha ko rin ang papel at ballpen kung sakaling o-order sila sa akin. Naglakad ako at agad na nginitian ang mga matatandang costumer. May nakita pa akong kakilala galing sa school kaya ngumisi ako at tipid na tumango sa kanilang lahat.

"Lobster rolls, shrimp, and grilled fish please." Nilista ko agad ang kanyang order at magalang na nginitian ang matanda.

"Are you familiar with Damian Dela Vega?" tanong ng matandang lalaki at tinignan ang aking name plate.

"He's my father, Sir." Magalang akong yumuko dahil ayokong pag-usapan ang aking Papa. "If you have something to order just call me or raise your hand, thank you." Umalis na ako doon kahit alam kong may gusto silang itanong sa akin.

Pumunta ako sa kusina para ibigay ang order nila, agad kong inasikaso ang plato at ang gagamiting tray para sa pagkain. Maraming costumer ang dumating kaya naman kaliwa't-kanan ang aming order, hindi rin mapakali ang iba pang crew dahil dinagsa ang aming restaurant.

"Welcome Miss Celestia." Natigilan ako ng marinig ang pangalan niya, bumuntong hininga agad ako at inayos ang mga tray na gagamitin para mamaya.

Tinignan ko siya at nandoon siya sa walang tao, sa may gilid, at mag-isa sa kanyang table. Nakita ko ang kanyang postura, noon pa man hanga na ako sa kanyang kagandahan kundi lang masama ang kanyang ugali. Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang pag-aayos ng aking gamit.

"Miguel, pinapatawag ka ni Mrs. Madrigal. Gusto ka raw niyang maka-usap sandali," ani ng aming Manager.

"Salamat," mahinahong sagot ko at tinanggal ang aking belt at ang aking sumbrero.

Kalmado akong naglakad patungo sa kanya at nakita ko ang pagtaas niya ng kilay, ang nandidiri niyang mga mata, at ang kanyang matutulis na kuko na kapag may mali sa kilos mo ay lagot ka sa kanya. Magalang akong umupo sa kanyang harapan at nanatiling tahimik.

"How's your father?" unang tanong niya kaya napatingin ako sa kanya na inaayos ang wine na nasa kanyang lamesa.

"He's good, Madame and he's busy with his business," mahinahong sambit ko.

Tumango siya at natahimik ng ilang sandali habang ako ay mamamatay ata sa kaba dahil nasa harapan ko siya at komportableng nakaupo. Pasimple akong tumingin sa aking gilid dahil lahat ng tao ay sa akin ang paningin at tila mga nagtataka dahil kausap ko ang isang Celestia Madrigal.

"The news came to me and you and my daughter have a relationship," aniya ngunit nanatili akong tahimik sa kanyang harapan. "Hindi mo ba alam na isang Madrigal ang iyong nakasalamuha? At ang Madrigal na 'yun ay ang nag-iisang babae sa pamilya," dagdag niya.

Hindi pa rin ako nagsalita dahil alam ko na ang kanyang ipinupunto. Ang isang kagaya ko ay hindi para sa isang Madrigal, kumbaga dukha lamang ako at prinsesa si Celestine. Nasasaktan ako sa isiping hindi kami puwede ni Celestine.

"Hindi ko na ito papatagalin pa, I want you to break up with my daughter." Doon ako napa-angat ng tingin at naiyukom ang aking kamao.

"Hindi ko po magagawa 'yan, Madame." Pinanatili kong kalmado ang aking boses dahil pakiramdam ko hindi ako makakapagtimping magsalita.

She laughed at aaminin kong magkaparehas sila ni Celestine, postura pa lang ay parehas na. She's intimidating like Celestine ngunit mas nakaka-agaw pansin ang pagkamasungit ni Celestine, hindi ko nga alam kung kausap ko ba ay nasa 20's pa dahil sa kanyang kutis at mukha.

"Let me tell you something," aniya at uminom ng wine. "Once a upon a time, I met you Father and he loves me but you know what? He ruin me, he break up with me, and he replaced me with another girl." Bakas sa kanyang mga mata ang sakit kaya sandali akong natigilan.

"At ayokong masira si Celestine ng isang Dela Vega. Celestine is so stubborn na nagawa niya akong suwayin sa pamamagitan ng pagtakas sa akin tuwing gabi," aniya kaya mas lalo akong nagulat. "Ganun ka niya kamahal ngunit hindi ako papayag na maghirap ang anak ko sa kamay ninyo ng mga Dela Vega," dagdag niya sa seryosong boses.

"Kaya kong buhayin si Celestine, Madame. Mahal na mahal ko si Celestine," sagot ko ngunit parang biro lang sa kanya ang sinabi ko.

Totoong mahal na mahal ko si Celestine at kahit pa pagbantaan niya ako ay hindi ako papayag. Kahit pa isaalang-alang ko ang lahat para sa kanya, I don't want Celestine away from me kasi mamamatay ako.

"Love can fade at sa tingin mo ba maibibigay mo kay Celestine ang buhay na para sa kanya? Look at you, you're poor na kahit katiting na kayamanan ay wala ka. Wala ka pa ngang nasasabi sa buhay, ano na lang ang ipapakain mo sa anak ko? Baboy? Karne? Isda?" aniya sa nang-iinsultong boses kaya naiyukom ko ang kamao ko.

"Mahirap man ako kaya kong buhayin si Celestine. Huwag niyo naman po sana kaming paglayuin dahil hindi ko kaya," sagot ko at para kong nakikita si Celestine sa kanyang mga mata.

"Do you want me to ruin Celestine's life?" Doon ako natigilan at parang nawalan ng hininga. "Kayang kaya kong sirain si Celestine, I can cut her ties with me, I can take away her credit cards, at lalo na ang kanyang mana mula sa mga Madrigal. Now, do you want Celestine to became poor like you? Paano na lang ang anak ko?" aniya habang titig na titig sa akin na para bang binabasa niya ang reaksyon ko.

'Yun na ata ang naging hudyat ko para magdesisyon, hindi ko kayang maghirap si Celestine kung ako ang dahilan. Ayokong panghabang buhay kong sisisihin ang sarili ko kapag nawala sa kanya ang lahat. Ayoko rin na balang araw isusumbat niya sa akin ang maling desisyon na ginawa namin ngayon.

"Hindi ko hahayaang masira si Celestine ng pagmamahal mo, bata pa ang anak ko at sa palagay ko hindi mo kayang ibigay kay Celestine ang buhay ba deserve niya." Naglabas siya ng isang cheque at nilapag sa lamesa. "If you don't wanna break up with my daughter, I can ruin your family, your life, your family's life, and of course everything. You choose, your family or my daughter?" aniya.

"Hindi ko kailangan ng pera mo, Madame Celestia," seryosong sagot ko at nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya.

"Kayang kaya kitang sirain kagaya ng ginawa ng ama mo sa akin. Kayang kaya kong gawing miserable ang buhay mo at ng pamilya mo. If I we're you, choose your family. Hindi ba may sakit ang dalawa mong kapatid? Why don't you accept my money at ng sa ganun ay maging maayos ang buhay ninyo?" bakas sa kanyang boses ang paghahamon.

Napapikit ako at napayuko na lamang sa kanyang harapan, lahat ng kanyang sinabi ay parang nanuot sa aking sistema. Ngayon na naiipit na ako hindi ko na alam ang gagawin, mahalaga sa akin ang aking pamilya ngunit mahalaga rin sa akin si Celestine.

"Bibigyan kita ng hanggang bukas at kapag nagawa mong makipaghiwalay sa anak ko, hahayan ko kayong mamuhay ng mapayapa ng pamilya mo." Narinig kong sambit niya. "Ikakasal na ang anak ko sa anak ng tagapagmana ng Rivera, sana makapunta ka." Napatingin ako sa kanya na tumayo na at dire-diretsong naglakad palabas at naiwan akong nakatingin sa cheque na nasa aking harapan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top