Kabanata 24

Miguel's POV:

Isang taon simula ang gabi na naging kami ni Celestine, ngayon na 4th year collage na kami at marami na rin kaming pinagdaanan. I mean, hindi naman perpekto ang relasyon naming dalawa at marami pa rin ang mga taong ayaw sa amin o kay Celestine bilang girlfriend ko. Alam kong mahirap ako ngunit kaya kong itaguyod si Celestine sa hirap ng buhay.

Isang taon na rin at hindi pa gumagaling ang dalawa kong kapatid mula sa sakit. Nagaalala na ako sa kanila dahil ayokong nagkakasakit ang isa sa miyembro ng aming pamilya kaya naman, nagt-trabaho ako para sa kanila. Celestine is busy with his works at madalang na lang kami kung magkita sa school.

"Miguel, puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Jessica habang dala-dala ang kanyang bag.

"Bakit?" tanong ko at nilapag ang gamit para sa mga kotse.

Huminga siya ng malalim at bigla na lang yumakap sa akin, nanlaki ang mata ko at hindi nakagalaw. Naramdaman ko na lang na umiiyak siya kaya nataranta ako at hinaplos ang kanyang buhok. This past few days ay matamlay siya at wala sa sarili kaya naman hindi ko aakalain na ganito siya ngayon.

"Miguel...pinalayas ako sa amin." Napahiwalay ako sa kanya at nanlaki ang mata ko. "Naalala mo si Jetro? 'Yung boyfriend ko? He got me pregnant...tapos iniwan niya ako dahil hindi niya kayang panagutan ang bata..." dagdag niya.

Napasinghap ako at napatingin sa kanyang tiyan, hindi pa naman malaki at hindi pa halata. Tinignan ko ang mga mata niya at halata sa kanya na kakatapos niya lang umiyak. Huminga ako ng malalim at nagsalita.

"Alam ba ito ng mga magulang ng boyfriend mo?" tanong ko ngunit umiling siya kaya napabuntong hininga ako. "Saan ka titira kung ganun?" tanong ko.

Kinagat niya ang aking labi at nagmamakaawa akong tinignan kaya bumuga ako ng hangin.

"Please...let me stay to your house... promise hindi ako magiging pabigat sa inyo ni Tita, ikaw nalang ang masasandalan ko..." aniya sa nakikiusap na boses.

Malapit kong kaibigan si Jessica at bata palang kami ay close na siya ng aking pamilya. Tumango na lang ako dahil mamaya ko nalang iisipin ang magiging reaksyon ni Celestine dahil busy siya sa trabaho.

"Pasensya ka na..." mahinang sambit niya. "Alam ko naman na kayo na ni Celestine...pero Miguel, nagaalala lang ako sa'yo," dagdag niya.

"Alam ko ang ginagawa ko... ang mahalaga sa ngayon kung papaano mo papalakihin ang bata," sagot ko at binuksan ang aming gate.

Pumasok siya at agad kong ikinuwento kay Mama ang nangyari, gulat rin siya kaya mabilis niyang inasikaso si Jessica. Bumuntong hininga ako at napatingin sa aking cellphone at nakita ang mensahe ni Celestine kaya napangiti ako.

From: Celestine

I'm on my way home right now. Galing kami sa Maynila para asikasuhin ang kumpanya and I want to meet you sana right now kaso it's night na at I'm tired.

To: Celestine:

It's okay babe. See you tomorrow okay? :-*

Kinabukasan ko ay maaga akong nagising dahil may program kami sa school. We're the dancers kaya naman hinanda ko ang aking katawan para hindi manakit kapag sumayaw ako, kahapon galing ako sa Maynila para magtrabaho ngunit umuwi rin dahil sa mga kapatid ko.

"Miguel sasabay na ako sa'yo," ani Jessica kaya tumango na lang ako sa kanya. "Sana...kapag nagtanong si Mommy sa'yo huwag mong sabihin na nandito ako...papalayasin niya lang ako dito," dagdag niya.

"Huwag kang mag-aalala mananatiling sikreto ito," nakangiting sambit ko kaya napangiti siya.

Pagkatapos naming kumain ay agad kaming sumakay sa tricycle, tinignan ko si Jessica at napabuntong hininga na lamang ako. Paano ko ito sasabihin kay Celestine? Anong gagawin ko kung malaman niya na sa bahay nakatira si Jessica? Tsaka ko na lamang iisipin 'yun kapag naging maayos na ang lahat.

"Tara na?" tanong ko kay Jessica at agad kaming bumaba.

Pumasok kami sa loob at lahat ng mata ay nasa aming dalawa, lumayo ako ng kaunti kay Jessica at agad ring lumapit ng muntik na siyang mabangga ng mga naglalaro. Tinignan ko siya at binitawan ang kanyang balikat ng makita si Celestine sa hindi kalayuan at nakatitig sa akin.

"Uh...mauna na ako Jessica, nandiyan na kasi si Celestine." Tinignan niya 'yun at napatingin sa akin, kinagat niya ang kanyang labi at lumayo sa akin.

Naglakad ako papunta kay Celestine ngunit tinignan niya lamang ako at nauna ng maglakad. Hinawakan ko ang kanyang siko kaya napahinto siya at iritado akong tinignan.

"Why?" maarteng tanong niya at hinawi ang kanyang buhok.

"Galit ka ba?" tanong ko ngunit bored niya lamang akong tinignan. "Nagkasabay lang kaming pumasok ni Jessica kanina..." paliwanag ko at lumunok.

"Alam ko." Lumayo siya ng kaunti at tinignan ako. "Anyways, may program ngayon at I know na kailangan ka nila doon," dagdag niya at naglakad papalayo sa akin.

Bumuntong hininga ako, minsan lang maging sweet sa akin si Celestine at kapag ganun sinusulit ko na. Minsan lang rin siya kung mag 'I love you' sa akin kaya naman napapailing nalang ako sa ugali niya.

"Babe," tawag ko ngunit balewala lang ako sa kanya. "Are you jealous?" tanong ko at hinawakan ang kanyang baywang.

"Why would I be so jealous to your friend?" tanong niya sa sarkastikang boses. "Hindi ako madaling magselos lalo pa't alam kong sa akin rin ang bagsak mo." Napangisi ako at hinalikan ang pisngi niya bago tumakbo papunta sa backstage.

Natawa na lamang ako at agad nagbihis ng isang black sando at isang black harem pants. Sinuklay ko ang aking buhok at nilagay ang kwintas sa aking leeg. Tinignan ko pa ang aking mga kasamahan para tignan kung maayos na ba silang lahat.

"Alam ko naman na ito na ang pinakahihintay ninyo, right? Ang makita ang ating mga mananayaw na nanggaling sa 4th year collage. Patatagalin ko pa ba ito?" narinig kong malakas na sigaw ng emcee. "Let us all welcome the SNOOPYHE'S!" dagdag niya.

Lumabas kami at naghiyawan agad ang mga babae sa unahan. Hinanap ng mata ko si Celestine na kasama si Joey, she's pouting while her eyebrows are frowning. Natatawa ako dahil ang cute ng itsura niya sa ibaba, hawak niya pa ang bag ko na ipinadala ko sa kanya kanina.

Song: Love Me Like You Do
By: Ellie Goulding

🎵 You're the light, you're the night
You're the color of my blood
You're the cure, you're the pain
You're the only thing I wanna touch
Never knew that it could mean so much, so much🎵

Nagsimula ang aming pagsayaw at ako ang nasa gitna. Kitang kita ko mula rito sa aking kinatatayuan ang gulat sa mata ni Celestine. Nilagay ko sa aking batok ang dalawa kong kamay at ngumisi sa unahan, samu't-saring ingay ang aking narinig kaya mas lalo naming ginalingan.

🎵So love me like you do, lo-lo-love me like you do
Love me like you do, lo-lo-love me like you do
Touch me like you do, to-to-touch me like you do
What are you waiting for?🎵

Umikot kami at ginalaw ang aming katawan at sa huli ay hinubad namin ang aming damit. Nabibingi na ako sa ingay ngunit ang atensyon ko ay na kay Celestine na tila nanigas sa kanyang kinatatayuan. Ngumisi ako sa kanya at pinaikot sa aking kamay ang dami na kanina namin suot.

"That was hot! Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng matindi dahil sa sinayaw nila!" sigaw ng emcee kaya nagtawanan ang lahat at ganun rin kami. "Huwag na 'yan si Miguel dahil reserved na ang taong 'yan." Natawa ako at napailing na lang sa kanya dahil gustong gusto niya si Celestine para sa akin.

Bumaba ako at sinuklay ang pawisan kong buhok. Lumapit ako kay Celestine na hanggang ngayon ay nakatulala kaya natawa ako. Binigay niya ang towel at siya na rin ang nagpunas ng aking pawis.

"Did you just ripped your clothes in front of us?" tanong niya at natawa ako habang kagat ang labi ko.

"Did you like it? Or did you find me hot when I'm dancing?" tanong ko at pinisil ang kanyang pisngi.

She gave me a seductive smiled kaya napawi ang ngiti ko. "Well...I find it hot, nawala ang galit ko," aniya sa nang-aakit na boses at natawa kalaunan. "Relax babe, I'm not doing anything to you." Lumayo siya at natatawa akong tinignan.

Napailing na lang ako. "You brat," natatawang tawag ko at inakbayan siya paupo sa bleacher's.

Nanood kaming dalawa sa mga estudyante na may kanya-kanyang ginagawa. Hinalikan ko ang kanyang pisngi at inayos ang kanyang bag dahil nakikita ang kanyang hita.

"Let's eat later? I'm selling my charcoal paintings mamaya," aniya habang nakatingin sa akin.

"Sasamahan kita. Why do you keep on doing that? Wala ka na bang pera ha?" tanong ko ngunit tinawanan niya ako at tinapik ang panga ko.

Kinuha ko ang kanyang bag at tinakpan ang aming mukha, siniil ko ng halik ang kanyang labi dahil kanina ko pa gusto halikan ang kanyang labi ngunit maraming tao. Binuka niya ang kanyang bibig kaya hinalikan ko 'yun at lumayo rin kalaunan.

"I do it in purpose..." paos ang kanyang boses at nginitian ako

Tinignan ko siya at nilapag ang bag sa aking hita. Maya-maya at tumunog ang aking cellphone at hindi kilalang numero ang nabasa ko, napakunot ang aking noo.

From: 09++++++++

Meet me on Saturday at the restaurant that you've been working. This is Celestia by the way.

Napalunok ako at tinignan si Celestine na pumapalakpak. Alam kong ilang beses na akong pinagsabihan ni Papa tungkol rito ngunit masyadong matigas ang aking ulo para sumunod sa kanya. Ngayon na si Miss Celestia na ang kakausap sa akin, nahihirapan akong iwanan si Celestine. Mahal na mahal ko si Celestine na kaya ko siyang ipaglaban sa lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top