Kabanata 23

Celestine's POV:

Huminga ako ng malalim matapos suotin ang dress para sa occasion na magaganap sa mansyon ni Lolo. They will introduce me to the Rivera's para makilala ko na rin sila, hindi ko sila kilala dahil pakiramdaman ko kapag nasa puder nila ako may mangyayaring masama sa akin. Hindi ko alam bakit ganito ang aking nararamdaman sa tuwing nagkikita kami ni Dylan.

May parte sa akin na ayaw mapalapit sa kanya, may parte rin na ayokong makilala siya, at may parte rin sa akin na ayaw siyang makasama. Gusto ko na lang na gumuhit sa kwarto ko para naman makatulong ako sa gastusin ni Miguel.

I wore my white halter dress, white kitten heels, at ang aking lariant necklace. Huminga ako ng malalim at kinuha ang white mini bag ko, dumiretso agad ako sa ibaba at nakita sila Kuya. Ngumiti ako kila Mommy na handa na sa aming pag-alis, hindi talaga ako kumportable sa gagawin nila Mommy sa akin.

"Let's go," anyaya ni Mommy at agad na sumama kay Daddy na nauna na sa paglalakad.

Sumakay ako sa kotse namin at tahimik na pinagmasdan ang tahimik na kapaligiran. Huminga ako ng malalim at tinignan ang oras dahil gusto kong puntahan si Miguel at may gusto rin akong sabihin sa kanya, hindi ko talaga maintindihan 'tong nararamdam ko.

"Nandito na tayo," sambit ni Daddy at agad bumaba sa sasakyan para alalayan si Mommy.

Naiisip ko kung ano ba talaga ang dahilan ni Mommy para siraan ang pamilya nila Miguel. Ang alam ko lang ay nagcheat si Tito Damian for another girl at nalaman 'yun ni Mommy but my Mom said he didn't cheat. He save her from danger, from hatred's, and other issue na makakasakit sa kanya.

Nang makapasok kami ay nakita ko na agad ang mga Rivera, unang tumayo si Dylan para salubingin ako. Ngumiti ako ng pilit at nakipagbeso sa kanya na ngumiti sa akin. Hinawakan niya ang aking baywang kaya nahugot ko ang aking paghinga. Ngumiti ako at tumango sa padre de pamilya ng mga Rivera.

"I'm glad that you're here, Ignacio." They give a hug to each other at agad napunta sa akin ang paningin ng matanda. "I bet she's Celestine," dagdag niya.

"Good evening," pormal na sambit ko at nakipagkamay sa kanya.

"Oh, no you can call me Tito since you're my future daugther-in-law." Tinawanan ko na lamang siya na bakas ang saya sa kanyang mga mata.

Umupo ako at katabi ko si Mommy na nakikipagkuwentuhan na, hinahanap ko ang Mommy ni Dylan ngunit nakita ko ang picture at nalaman rin ang dahilan kung bakit wala. Nagserve agad ng pagkain para sa aming lahat kaya napatingin ako doon.

"She's fourth year collage next year and I don't know what her plans for her future. But as I always said to her na we will let her decide what she will be in the future," ani ni Mommy at ngumisi.

"Glad that she didn't have a boyfriend." Nakagat ko ang labi ko at unang pumasok sa aking isip ay si Miguel, ang kanyang mukha.

"Oh no, I always secured her future and I want her to marry rich man for her future success," natatawang sambit ni Mommy kaya naging hilaw ang ngisi ko.

Tahimik akong kumakain at kung nasasali sa usapan ay nagsasalita ako, they always talked about our business at syempre si Lolo ay pinagmamasdan ako. Mabuti pa ang aking Lolo, alam niya kung kailan ako komportable o hindi. Siya palagi ang kasama at sandalan ko sa lahat, si Lolo palagi ang nagiging crying shoulder ko kapag pakiramdam ko frustrated ako.

"Honestly, I don't have plan to marry at the young age. What I'm planning to do is to reach my dreams and to help other charities," pormal na sambit ko at nakita ko ang ngisi ng mga kapatid ko lalo na ang kambal ko.

"I know my Son didn't pressure you hija," mahinahong sambit ng Daddy ni Dylan.

"Dad, I won't force her because I want to know her more." Napatingin ako sa seryosong si Dylan kaya natawa ang kanyang Daddy.

Pagkatapos naming kumain ay hinayaan kaming dalawa ni Dylan sa labas. Tumingin ako sa kalawakan at napabuntong hininga, nasa gilid ko si Dylan na nakatingin sa malayo. I looked at him at seryoso siyang nakatingin sa malayo, palaging galit ang mga mata niya everytime he look at me, 'yun ang napapansin ko.

"Can we stop pretending?" tanong ko at ininom ang wine na hawak ko.

"We can't," seryosong sambit niya.

I sighed. "It's suffocating me everytime we talked about the marriage, puwede naman nating sabihin sa kanila na hindi natin gusto ang isa't-isa. Napipilitan lang tayong sundin sila," sagot ko.

He chuckled. "You hate me that much para iatras ang kasal, right?" aniya sa sarkastikang boses.

Hindi ako sumagot, ayokong sabihin sa kanya. Ayokong malaman niya na ayoko sa katulad niya, kung aatras ako ngayon balewala ang paghihirap ng mga magulang ko para lang maiangat ang kumpanya namin. Naiinis ako dahil wala akong magawa sa sitwasyon ko ngayon. I hate being married to a man that I didn't know.

"You can't get rid of me, Celestine. It's wether you like it or not, sa akin ka ikakasal. Kung may boyfriend ka, better leave him because I can give you a successful future than your boyfriend," seryosong sambit niya at tinignan ang mga mata ko.

Tinulak ko siya at umatras. "I don't want to marry an arrogant like you, I don't know who you are, malay ko bang may asawa ka at ginagawa mo lang ito para lang umangat 'yang business ninyo." Natawa siya na para bang biro ang sinasabi ko.

"Hindi ako kagaya ng iniisip mo. I can be the most evil person you will know kung gugustuhin ko," nakangising sambit niya at iniwan akong mag-isa at nakatulala.

Natatakot ako sa maraming bagay at maraming possibility. Una, natatakot na baka kapag tumira ako sa iisang bubong kasama siya ay saktan niya ako. Pangalawa, natatakot akong ikasal sa hindi ko naman kilala at hindi ko naman lubos na kilala. Pangatlo, natatakot ako na baka iwanan ako ni Miguel kapag nalaman niya ang tungkol dito, natatakot ako na baka pati si Miguel ay ayawan ako.

"Lolo, may pupuntahan po ako." Napatingin sa akin si Lolo at tinignan ang mga magulang ko.

"Nakarating sa akin ang balita na nakikipagkita ka sa anak ni Damian," mahinahong sambit niya.

Kinakabahan ako sa sasabihan niya ngunit tumango ako. Huminga siya ng malalim at agad rin akong pinayagan pagkatapos ng ilang segundo, hinawakan niya ang kamay ko at inilayo doon. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Thank you, Lolo!" masayang sambit ko at niyakap siya.

"Take care, I give you minutes at kailangan nandito ka na before 9pm," aniya sa seryosong boses at tinapik ang aking balikat.

Sumakay ako sa kotse at agad niya akong pinahatid sa aming driver, sinabi ko ang address at hindi na ako makapaghintay na makita si Miguel sa kanilang bahay. Tinignan ko pa ang aking mukha at napangiti ng makitang maayos naman ako.

"Wait lang Kuya. Just give me minutes and after that, uuwi na rin tayo." Bumaba ako at tumango sa kanya na tumango rin sa akin at magalang akong inalalayan.

Pumasok ako sa kanilang bakuran at nakita si Miguel na kausap si Jessica, napakunot ang aking noo at nakita agad ako ni Bruke. May binulong siya kay Miguel at agad napatingin sa akin si Miguel, gulat siyang napatingin sa akin.

"Hi," matamlay na sambit ko at dahan-dahan siyang naglakad papunta sa akin. "Am I disturbing something?" malamig na tanong ko.

He gulped and looked at me. "What are you doing here? Ang sabi mo ay nasa family dinner ka?" tanong niya at naguguluhan akong tinignan.

Tinignan ko si Jessica na umiiyak? Hindi ko siya maintindihan. Tinignan ko si Miguel na hinawakan ang aking siko at iniwana si Jessica na kasama si Bruke.

"Bakit kayo magkasama?" maarteng tanong ko at humalukipkip sa kanyang harapan.

"May pinag-usapan lang kami dalawa, hindi naman importante." Tinignan ko siya at napabuntong hininga na lamang. "Why are you here?" banayad ang kanyang boses.

Hinawakan ko ang panga niya at hinalikan ang kanyang labi, natigilan siya. Bumilis naman ang tibok ng aking puso kaya mabilis akong humiwalay sa kanya. I think I'm obsessed with him, kapag nagkikita kami ay hinahalikan ko ang kanyang labi.

"What was that for?" tanong niya, hinawakan niya ang aking baywang at tingnan ang aking mga mata.

"I want us to make an official." Pinigil ko ang aking hininga. "I want us together." Nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwalang napatingin sa akin.

"W-what?" Tila nabingi siya sa kanyang narinig kaya mataman ko siyang tinignan sa kanyang mga mata.

"I want to be with you, I want us to be together, and I want us to be a official." Titig na titig siya sa akin at dahil sa liwanag na nasa kanyang likuran ay nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi.

He hugged me and chuckled. Nagulat ako sa ginawa niya ngunit napangiti rin habang nakapikit, yumakap ako sa kanya at pinakiramdaman ang kanyang gagawin.

"Hindi mo alam na ito ang gabing pinakamasaya..." bulong niya habang nakayakap sa akin. "Mahal kita," bulong niya at napangiti ako ng tuluyan sa kanyang sinabi.

Sa ilalim ng kalawakan, sa ilalim ng buwan, bituin, at kalangitan. Nangako ako na mamahalin si Miguel, ipaglalaban, at gagawin ko ang lahat para sa kanya. Napangiti ako at sabay kaming nakangiti sa isa't-isa, sa ilalim ng kalawakan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top