Kabanata 22
Miguel's POV:
Wala akong nagawa kundi ang sirain ang pintuan ng banyo a doon, nakita ko siyang nakaupo sa bowl ng isa sa mga cubicle. Agad ko siyang nilapitan at niyakap, nagawa ko pang lumuhod para lang mayakap siya. Napabuntong hininga ako ng makita ang panginginig ng kanyang katawan, ayokong nakikitang umiiyak si Celestine, nagagalit ako.
"Tahan na..." malambing kong sambit. "Sino ang umaway sa'yo? Sinaktan ka ba nila? Naabutan kitang nakikipag-away kaya tinatanong ko kung ginalaw ka ba nila?" tanong ko habang hinahaplos ang kanyang buhok.
"Tama sila..." biglang bulong niya. "Ginagamit nga kita. I have a fianceè right now, pingkasundo ako ni Mommy sa isang businessman at later on, ikakasal kami." Napalunok ako at natigil sa paghaplos sa kanyang buhok.
Tila parang may punyal na tumusok sa aking dibdib, tinignan ko siya na nakayuko at hawak ang kanyang bibig. Hindi ako makapaniwalang naririnig ko 'to mula sa kanya, napasinghap ako at kinagat ang aking labi.
"Tama silang ginagamit kita...tama sila na pinapaasa kita. Nalilito ako sa tunay na nararamdaman ko para sa'yo, dahil hindi pa nga naman natin kilala ang isa't-isa." Nagtagis ang panga ko ngunit nagawa ko pa ring hawakan ang kanyang kamay.
"Use me then." Napa-angat siya ng tingin at nanlaki ang kanyang mga mata. "Wala akong pakielam kung ang tingin nila ay ginagamit mo lang ako, pinapaasa, at kung ano pa man 'yan." Napalunok ako at huminga ng malalim.
"Miguel, did you hear yourself?" tanong niya ngunit banayad ko siyang tinignan.
"Hindi pa nga kita nagiging girlfriend, sinusukuan mo na agad ako? Hindi ganyan ang gusto kong pagmamahal na galing sa'yo Celestine." Nagawa ko pang magbiro sa harapan niya kahit na may parte sa akin ang nagtatampo.
Nakatulala lamang siya sa akin kaya napailing ako, tinulungan ko siyang makatayo at inayos ang kanyang basang buhok. Kumuha ako ng panyo mula sa aking bulsa at marahang pinunasan ang kanyang mukha, I looked at her and sighed.
"Kung gusto mo akong palayuin sa piling mo, hindi ako lalayo. Kahit pa ikasal ka sa iba," ani ko sa mahinahong boses at pinunasan ang kanyang make-up.
Hindi ko alam kung bakit tila nanigas ako ng makita ang kanyang freckles sa kanyang mukha. Napakaganda niya sa malapitan, para akong nakakita ng diyosa. Tinignan ko pa ang kanyang mukha lalo na ang kanyang blue-green na mga mata.
"W-why?" nauutal na tanong niya at umiwas ng tingin.
"Damn, ang ganda mo." Hinaplos ko ang kanyang freckles mula sa kanyang ilong papunta sa kanyang pisngi. "Anong nagawa ko para magustuhan ang kagaya mo?" namamanghang tanong ko.
"Your so corny," nakangiwing sambit niya at lumayo sa akin. "Magaling ngang sumayaw, corny naman." Narinig ko pang bulong niya.
Huminga ako ng malalim at natawa na lang rin sa kanya. Matapos naming mag-ayos ay sabay kaming pumasok sa classroom, tahimik ang kaninang maingay dahil sa pagpasok namin ni Celestine. Hinawakan ko ang kamay niya at agad siyang inalalayan para makaupo sa upuan.
Dumating rin ang aming teacher kaya naman umayos ako ng upo at tinignan si Celestine na gumuguhit na naman sa kanyang sketch pad. Napapansin ko talaga na napapadalas ang pagguhit niya sa kanyang sketch pad, hindi ko na lamang pinansin at nakinig sa aming guro.
"How's your research class? Is everything good?" tanong sa amin ng guro na nasa unahan.
"We're good naman po. Usually, may mga members na nakikipag-isa sa kanilang leader at may ibang members rin na hindi nakiki-isa sa amin," sagot ng aming president.
"Make sure na mamatapos na ninyo 'yan. 4th year na kayo next year at so far, si Miguel ang nangunguna sa ating klase." Nanlaki ang mata ko at napangiti na lamang at napatingin kay Celestine.
"Congratulations," nakangiting sambit niya at hinawakan ang aking kamay kaya pinagsalikop ko ang mga daliri namin.
Nagkaroon ng break at palagi akong nasa tabi ni Celestine, iniwas ko ang paningin kila Jessica na nagtataka akong tinignan. Hinawakan ko ang siko ni Celestine at agad kaming umupo sa kabila kasama si Joey.
"Ako na ang mago-order para sa atin," I said calmly at tinignan si Joey na tumayo at tumango sa akin.
Pumunta kami sa pila at katabi ko si Joey, nagtataka rin ako kung bakit napakaraming painting na dala ni Celestine. Hindi na nga siya nakakapag reply sa akin dahil busy daw siya sa kanyang ginagawa.
"Alam mo na inaasikaso na ni Miss Celestia ang kasal ni Celestine?" tanong ni Joey.
Huminga ako ng malalim. "Kahapon ko pa nalaman kay Papa," mahinahong sambit ko.
He sighed. "Marami ka pang dapat malaman kay Miss Celestine. Sana sa mga malalaman mo, hindi mo siya iwasan o iwan." Napatanga ako at napatingin kay Celestine na busy na naman sa pagguhit sa kanyang sketch pad.
Totoong nalaman ko 'yun kay Papa kahapon, nagulat ako at hindi ko inaasahan na ikakasal si Celestine sa darating na kaarawan niya. Hindi ko alam ang gagawin ko, palagi kong iniisip na hindi ko deserve si Celestine dahil ano nga naman ang maibibigay ko sa kanya? Isda? Baboy? Alin sa mga 'yun ang puwede?
Hindi ko talaga maintindihan ang mundo, kung kailan nagiging masaya tayo sa taong gusto natin, doon naman binabawi. Nakakatawang hindi manlang ako nasasaktan, she always assure me. Hindi dapat ako mangamba dahil ramdam kong ayaw ni Celestine doon sa lalaki.
"Wow! I'm craving for this tocino," nakangiting sambit ni Celestine.
"Sabi ni Joey na gusto mo raw ang pagkain na 'yan," nakangiting sambit ko at tinignan ang kanyang iginuguhit kanin pa.
Natapos ang aming break time at agad rin kaming nakabalik sa classroom na masaya. Sana hindi bawiin ang kasiyahan na mayroon ako ngayon, gagawin ko ang lahat. Magt-trabaho ako kung kinakailangan, kayang kaya kong buhayin si Celestine. Sisiguraduhin ko 'yun, ayokong malayo siya sa akin.
"Iniisip mo pa rin ba ang sinabi ko sa'yo?" tanong ni Celestine habang kumakain kami ng bulalo.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso kami rito dahil namiss niya raw ang kumain ng bulalo. Pilit akong ngumiti at umiling sa kanya, tinignan niya ako kaya napabuntong hininga ako.
"I'm insecure," pag-amin ko at nahihiyang nag-iwas ng tingin sa kanya. "He's a businessman while me, ordinaryong mangingisda at tindero ng isda. Hindi ko alam kung ano ba ang maibibigay ko sa'yo," natatawang sambit ko ngunit napaseryoso niya kaya napawi ang tawa ko.
"Hindi pa 'yan ang nalalaman mo tungkol sa akin," malamig na naman ang boses niya. "Kaunti pa lang 'yan sa mga naririnig mo," dagdag niya at tinapos ang kanyang bulalo.
"Hey, are you mad at me?" tanong ko at hinawakan ang kanyang tuhod.
"Hindi," maikling sambit niya ngunit hinawakan ko pa ang kanyang tuhod at pinakatitigan siya. "Marami ka pang dapat malaman sa akin," dagdag niya.
"Ngunit wala akong pakielam kung malaman ko pa ang lahat," desperadang sambit ko. "Tangina kung puwede ko nga lang sabihin na akin, gagawin ko." Kinagat ko ang labi ko at pinikit ang mga mata.
She looked at me in shocked, tumayo ako at dinala na ang kanyang bag para maihatid ko na siya. Mananatili na naman akong duwag sa tunay kong nararamdaman. Nakakainis na kailangan ko pang itago ito sa kanya, sumunod siya sa akin kaya napatingin ako sa kamay niya.
Napatingin siya sa akin ng dahan-dahan kong pinagsalikop ang mga daliri namin. Parehas kaming napatingin sa mga mata ng bawat isa, napangiti ako at hinalikan ang likod ng palad niya.
"What are you doing?" natatawang sambit niya.
"Ganito pala ang pakiramdam kapag nahawakan ko ang kamay mo ng matagal," nakangiting sambit ko at tinignan ang kanyang kamay.
"Ikaw lang ang maaari at dapat na humawak sa aking kamay." Napangiti ako lalo. "Hindi puwede ang kung sino kundi ikaw," dagdag niya.
Bumilis na naman ang tibok ng aking puso at nakagat ang loob ng aking pisngi. Nakarating kami sa bahay at agad kong nakita si Papa kaya gulat siyang napatingin sa akin. Taas-noo akong napatingin sa kanya na tinignan si Celestine.
"Maganda gabi po," magalang na sambit ni Celestine.
"Magandang gabi, hija." Ngumiti si Papa at tumango. "Puwede ko bang maka-usap si Miguel? Kahit sandali lamang," dagdag niya.
"Oh, sure po." Binitawan niya ang kamay ko at tinignan ako. "Sige na, uuwi na rin kami ni Joey," dagdag niya at halatang nahihiya siya kay Papa.
"Ihahatid na kita." Hinawakan ko ang kanyang siko at agad na dumiretso sa kanyang sasakyan. "Mag-iingat ka at tumawag ka kapag nakauwi ka," dagdag ko at pinisil ang kanyang pisngi.
She smiled sweetly at pumasok na sa kanyang sasakyan. Kumaway ako kahit pa alam kong hindi niya ako makikita, humarap ako at nasa likuran ko na si Papa habang nakapamulsa.
"Sinabi ko na sa'yo na hindi ka puwedeng umibig sa isang Madrigal." Napatingin ako sa kanya na nakatingin sa malayo.
"Kasi baka matulad ako sa'yo?" tanong ko rin pabalik at namulsa. "Sinabi ko na sa'yo Pa, hindi ako gagaya sa ginawa mo kay Miss Celestia." Nakita ko ang pagtagis ng panga niya at halatang pinipigilan niya ang kanyang sarili na pagbuhatan ako ng kamay.
"Inilalayo lang kita sa hirap ng buhay, Miguel. Dahil napagdaanan ko na ang lahat bago ka," aniya sa seryosong boses.
"Kahit pa magkandakuba ako sa pagt-trabaho para lang mabuhay si Celestine ay gagawin ko. Hindi ako gagawa ng ikakasakit niya ikakaselos niya," seryosong sambit ko. "Dahil hindi ako tutulad sa ginawa mo kay Mama. Ang iwan si Mama sa ibang babae para lang makalimot sa tunay mong minamahal," dagdag ko habang nagtatagis ang aking panga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top