Kabanata 20
Miguel's POV:
Kaagad kaming nakarating sa hospital kung nasaan si Kisses, hinanap ko agad ang kanyang kwarto habang kasama si Celestine. Huminga ako ng malalim at agad na hinanap ang kwarto ni Kisses, nang makita ko ay tinignan ko si Celestine. Tumango lang siya at pinauna na ako kaya nginitian ko siya at agad pumasok sa loob kung nasaan si Kisses.
Naabutan ko si Mama kasama si Bruke na nakaupo, niyakap ko si Mama at tinignan ang kapatid ko. Huminga ako ng malalim at hinalikan ang noo ni Kisses.
"Nagkaroon raw ng dengue si Kisses at may natuklasan na sakit sa kanyang katawan, she have a tuberculosis." Natigilan ako at napatingin sa kanya na pagod akong tinignan. "Miguel...alam mo naman siguro na limitado lang ang pera natin at alam kong ayaw mong humihingi sa Papa mo ngunit..." dagdag niya.
"Ma, kahit kailan hindi tayo hihingi ng pera kay Papa, gagawa ako ng paraan kaya kumalma ka muna." Hinaplos ko ang kanyang buhok.
Tinignan ko ang aking kapatid at napabuntong hininga ako, kapos kami sa pera at kung mayroon man kami ay 'yun ay para sa pag-aaral namin. Kung papasok ulit ako sa boxing magagalit naman si Celestine. Ano na ang gagawin ko? Kinagat ko ang labi ko at napabuntong hininga.
"Lalabas muna ako, magpapahangin lang." Ngumiti ako kay Mama na nag-aalala akong tinignan. "Babalik ako Ma, huwag kang mag-alala gagawa ako ng paraan," nakangiting sambit ko.
"Sana 'yang paraan mo ay huwag kang sasali sa boxing. Kahit kailan," mariing sambit niya.
I chuckled and shook my head. Lumabas ako agad at nakita si Celestine na nakatutok sa kanyang cellphone. Napa-angat siya ng tingin at tumayo, wala sa sariling napayakap ako sa kanya. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga, sinsiksik ko ang aking mukha sa kanyang balikat at napapikit.
"M-Miguel what happened?" tanong niya at nilayo ako sa kanyang katawan para tignan.
"Si Kisses may dengue at may tuberculosis," imporma ko at nanlaki naman ang mata niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko," pag-amin ko at umiwas ng tingin.
Nakakahiya na sinasabi ko pa sa kanya ang nararamdaman ko, tinignan ko ang mga mata niya at natigilan. She looked at me and sighed, napaiwas ako ng tingin ng bumaba ang aking paningin sa kanyang labi.
"Gagawa tayo ng paraan, Miguel. Nandito lang ako okay?" mahinahong sambit niya.
Banayad akong ngumiti. "Salamat," mahinang sambit ko. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka," dagdag ko at natawa siya.
Para akong nakakita ng diwatang tumatawa. Ngayon ko lang siyang nakitang tumawa na tipong wala na siyang mata sa ganda ng ngiti na binigay niya sa akin. Nakagat ko ang labi ko at napangiti habang pinagmamasdan siyang napailing sa akin.
Hindi na kami nakapasok sa klase at nagalit nga ako dahil pati si Celestine ay lumiban dahil sa akin. Aniya ayos lang naman raw sa kanya at valid naman ang reason na sinabi niya sa teacher namin. Kahit kailan ay napakatigas ng ulo niya, hindi ko talaga siya mapagsabihan ng maayos dahil tatawanan niya lang ako.
"Pasensya ka na hija kung pati ikaw ay nandito at namromroblema rin," natawa ng mahina si Mama habang inaasikaso ang kapatid ko.
"It's okay lang po Tita, nangako po kasi ako kay Miguel na hindi ako aalis sa tabi niya." Banayad siyang ngumiti at bumilis na naman ang tibok ng aking puso.
"Palagi kang bukambibig ni Kuya, kaya hindi na ako magugulat kung isang araw ligawan ka niyan." Napatingin ako kay Bruke ng bigla siyang magsalita habang titig na titig kay Celestine.
"What?" natatawang tanong ni Celestine at tinignan ako ng makahulugan. "I didn't know about that," dagdag niya.
Napairap ako at sinamaan ng tingin si Bruke na nginitian lang ako at nang-aasar akong tinignan. Napailing ako at tingnan si Celestine na gumuguhit na naman sa kanyang sketch pad. Hinayaan ko na lang muna siya at agad na tumayo kaya napatingin siya sa akin.
"May pupuntahan lang ako," paalam ko at nagtagal ang tingin sa akin ni Mama ngunit nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Gusto mong samahan kita? Maggabi na rin," aniya sa mahinahong boses.
I smiled and shook my head. Ginulo ko ang ginger niyang buhok at agad na lumabas, tinext ko ang kaibigan ko kung may bakanteng rematch ba sa lote at sinabi niyang mayroon. Pumara agad ako ng tricycle at agad pumunta sa lote kung saan madalas ang rematch ng boxing. Huminga ako ng malalim dahil hindi na maalis sa akin ang pagb-boxing.
"Salamat," mahinahong sambit ko at nag-abot ng bayad.
Mabilis akong bumaba at agad na pumunta sa lote, nakita ko ang ring doon at may bakanteng upuan para sa player. Pumunta ako roon at nakipag-apir sa mga kakilala ko na nanonood, humiyaw ako ng matumba ang kalaban nung naka red. Ngumiwi ako at agad pinuntahan si Pollo.
"Sigurado ka ba?" tanong niya habang inaayos ang mga gloves.
"Kailangan ko ng pera, kahit dalawang rematch lang ay okay na." Tumango siya at binigay sa akin ang dalawang itim na pares ng gloves.
Hinubad ko ang damit ko at may nakita pa akong mga kahabaihan na gumagamit ng sigarilyo. Napailing ako ngunit kabado ako na baka pumunta si Celestine dito. Sinuot ko ang gloves at tinignan ang nasa unahan, balang araw sisikat itong lote dahil maraming taong tumatangkilik dito.
"Miguel vs Nestor!" si Pollo sa malakas na boses habang nasa loob ng ring.
Pumasok ako doon suot ang gloves at protektsyon sa ipin. Tinignan ko si Nestor at masasabi kong malaki rin ang katawan niya, tumango ako sa kanya at 12 round ang binigay dahil maraming pumusta.
"Kay Miguel ako ha? Malakas 'yan!" narinig kong sigaw sa ibaba.
Tumunog ang bell at agad kaming nagtanguan. Umilag agad ako at umikot sa kabuuan ng ring, umilag ulit ako sa kanyang suntok. Nang makahanap ng tiyempo ay agad ko siyang sinuntok sa sentindo na ikinaatras niya. Rinig na rinig ko ang hiyawan sa ibaba at mas lalo akong ginanahan, natamaan niya ako sa noo ngunit binawian ko rin ng suntok sa kanyang tiyan.
"Miguel! Galingan mo!" Sinuntok ko ulit siya sa ilong at nakita kong napaatras siya kaya umatras rin ako at binigay ang pwersa ng suntok ko.
Nagkaroon ng break at agad kong uminom ng tubig at nakita si Pollo na tumatawa sa ibaba. Pinunasan ko ang pawis ko at mabuti nalang at may kanya kanyang assistant. Ngumisi ako at sinuot ulit ang proteksyon ko sa ngipin. Tumayo ako at agad na nakipagkamay kay Nestor, umilag ulit ako at umikot.
Tinignan ko ang bawat galaw niya at inapply sa aking sarili ang mga natutunan ko sa ibang bansa. Sinuntok ko ang kanyang tiyan at ang kanyang tagiliran kaya napaatras na naman siya. Dumating ang round 7 at duguan na rin siya at ganun rin ako, hindi ako puwedeng magpatalo dahil sayang ang apat na libo.
Natigilan ako ng makita si Celestine sa dulo. Literal na nanlaki ang mata ko ng makita siya doon at nakahalukipkip kasama si Raquel, lumunok ako at umiwas ng tingin. Round 11 na at ramdam ko na ang dugo sa aking kilay, hindi pa rin ako tumigil at kahit pa nandiyan na si Celestine. Sinuntok ko ng malakas ang nasa unahan.
Umikot ako at agad siyang pinatamaan sa kanyang ulo, wala pang ilang segundo ay tumba siya. Huminga ako ng malalim at naghiyawan na naman ang mga tao sa loob. Nakita ko si Celestine sa dulo at titig na titig sa akin, kinakabahan ako at ngayon lang ako natakot sa titig niya.
"Our winner for tonight, Miguel!" si Pollo sa masayang boses at inabot sa akin ang puting sobre na naglalaman ng pera. "Alam ko namang mananalo ka," natatawang sambit niya.
"Salamat," natatawang sambit ko at yumukod bago umalis sa ring para magbihis ng damit.
There are girls na lumalapit sa akin para kumustahin ako ngunit hindi nakakatakas sa akin ang talas ng pusang mga mata ni Celestine. Kinagat ko ang labi ko at agad siyang pinuntahan matapos kong hubarin ang gloves.
"C-Celes..." kabadong tawag ko ngunit tinignan niya lang ako at tumalikod na sa akin. "Celes!" tawag ko ngunit tuloy-tuloy ang lakad niya.
"Patay ka Kuya, alam mo bang kanina pa kami nanonood sa'yo? Muntik na siyang umiyak kakapanood sa'yo," sambit ni Raquel kaya napalunok ako at nagkamot ng kilay at napangiwi rin ng matamaan ang sugat ko.
Sumunod ako sa kanya at agad kaming nakarating sa bahay, tahimik siyang umupo doon at magkakrus pa ang kanyang mga hita. Para siyang reyna na hinihintay ang kanyang aliping magsisilbi sa kanya.
"C-Celes..." pagtawag ko ngunit tinignan niya lang ako.
"I give you 5 minutes to explain what are you doing there." Malamig ang kanyang boses kaya napalunok ako at hindi pa nakakatulong si Raquel na nakangisi.
"Uh...ano kasi," kinakabahang sambit ko ngunit malamig niya lang akong tinignan kaya napayuko ako at napapikit.
"4 minutes." Napa-angat ako ng tingin at para akong kakapusin ng hangin habang nakatingin sa kanya. "Hindi ka nagsasalita o tatanungin ko nalang si Raquel?" tanong niya.
"I can answer you Madam," nang-aasar ang tinig ni Raquel kaya napapikit ako sa inis.
I looked at her at nakapikit na nagsalita. "G-ginawa ko 'yun to save money...para sa kapatid ko," mahinang sambit ko at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa kaba.
"Paano kung napahamak ka?!" si Celestine sa pasigaw na boses kaya napatalon ako sa gulat. "Paano kung anong mangyari sa'yo ha?" dagdag niya at hinampas ang dibdib ko.
Hindi ko alam bakit natutuwa ako kapag nagagalit siya. Ang ganda niya pa rin kahit na sobrang kunot na kunot ang kanyang noo, tumikhim ako at hinawakan ang siko niya ngunit tinaboy niya ito.
"Relax," nagpipigil ang ngiting sambit ko.
"How can I fucking relax kung nandoon ka sa ring na 'yun at nakikipagsuntukan?!" Si Celestine sa galit na boses at galit rin ang mga matang nakatingin sa akin.
"Ginawa ko 'yun para makatulong sa kapatid ko. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pera, kulang ang ipon namin at kung mayroon man napakaliit na halaga nun," mahinahong sambit ko.
She clenched her jaw at halatang nagpipigil na sigawan ako. "Uuwi na ako," biglaang sambit niya at nanlaki ang mata ko. "Huwag mo na akong ihatid, kaya kong magtricyle," dagdag niya sa kalmadong boses.
Napapikit ako at tumango, nakita kong natigilan siya. Umiwas ako ng tingin at hinayaan siyang lumabas, kung magsisigawan kaming dalawa ay hindi rin kami magkakaintindihan. Bukas ko nalang siya kakausapin kapag mahinahon na siya, kapag kalmado na ang pusa ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top