Kabanata 19

Celestine's POV:

Nagising ako ng umaga at diretso agad ako sa pagw-work-out sa aking katawan, hindi ako napapakali kapag hindi ko naigagalaw kahit minuto man lang ang aking katawan. Gusto ko na palagi akong healthy, ganun rin kasi si Lucille kaya ginagawa ko lang rin ang ginagawa niya since ang ganda ng katawan ng pinsan ko. I wonder kung kumusta na kaya siya, is she okay ba?

After I workout ay agad akong nagpahinga at bumaba at napaatras ng makita si Dylan. Napakurap ako at nagtama ang aming paningin, he makes me so uncomfortable with his presence. Dahan-dahan akong bumaba at humalik kay Daddy na kabababa lang ng kanyang newspaper na binabasa.

"Why are you here?" tanong ko kay Dylan na binasa ang kanyang pang-ibabang labi bago tignan si Daddy.

"I invited him here in our house. We tackle about business and you getting to know him better. I want you to feel that you're comfortable with him, gusto ko rin mas makilala mo siya kahit papaano." Nagulat ako ng si Mommy ang sumagot galing sa kusina dala ang isang tray.

"Mom I thought we talked about this set-up?" tanong ko at naguguluhang napatingin sa kanya.

She sighed. "Gusto ko lang na makasiguro na makikilala mo siya at gusto ko lang rin na maging komportable kayo sa isa't-isa," aniya sa mahinahong boses.

Huminga ako ng malalim at tinignan si Dylan na nakangisi sa akin, I rolled my eyes on him at agad na umakyat sa itaas dahil bigla akong nawalan ng gana kumain. Nang makarating ako sa kwarto ay agad akong pumasok sa banyo para makaligo na, she's stressing me out talaga. Sinabi ko na nga ba na ayoko sa lalaking 'yun at ayoko ng presensya niya.

Nagbihis ako ng uniporme since Friday naman ngayon, huminga ako ng malalim at inayos ang aking buhok na nakapony-tail. I wore lipgloss and nude matte lipstick para naman hindi ako maputla. I smiled and pose a bit bago ako bumaba at nairita na naman ng makita si Dylan.

"He will be the one na maghahatid sa'yo sa school," sambit ni Mommy.

"What?" gulat na tanong ko. "Nasaan si Joey? Siya ang kasabay ko ngayon!" iritadong sambit ko.

Mommy sighed. "Absent muna ngayon si Joey since nagkasakit ang Lola niya kaya pinapunta ko muna sila sa hospital," aniya kaya napatingin ako kay Daddy na tinignan lang ako at nanghihingi ng pasensya ang kanyang mga mata.

"May magagawa pa ba ako?" tanong ko at agad na pumunta sa dining area para makakain na.

Naiinis talaga ako sa isiping ikakasal ako sa kanya, masyado pa akong bata para doon. Huminga ako ng malalim at agad na tumayo at sumunod naman sa akin si Dylan. Nang makalabas ako ay agad akong humarap sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Why are you doing this? Bakit palagi kang pumupunta sa bahay namin huh?" iritadong tanong ko.

He sighed. "Your parent's invited me to your house, who am I to decline right? Madrigal ang nagimbenta sa akin, kawalan ng respeto sa pamilya ninyo ang i-rejected ang offer ninyo hindi ba?" aniya sa seryosong boses.

"You know what? Puwede kang umatras na lang sa deal ng mga magulang ko. Puwede mong sabihin sa kanila na hindi mo ako gusto at hindi ako ang tipo ng babaeng gusto mo," seryosong sambit ko.

He looked at me boredly. "Bakit hindi ikaw ang magsabi sa magulang mo? I'm here just to married with you and I want to know you better," aniya kaya napairap nalang ako sa kawalan.

Sumakay ako sa kanyang kotse dahil kailangan ko pang umarte sa harapan ni Mommy. Iritado kong kinabit ang seatbelt at agad na naiyukom ang kamao, umagang umaga ay heto ako at stress sa lalaking kasama ko. Wala akong imik habang pinapaandar niya ang kanyang sasakyan. Wala rin naman akong sasabihin sa kanya.

"You know what? Why don't you act na you will agreed with this? Kahit papaano ay hindi madidismaya ang magulang mo sa'yo," aniya sa banayad na boses.

"I don't think I can act lalo na't hindi ko gusto ang kausap ko ngayon," mataray na sambit ko at narinig ko ang pagtawa niya.

Pinarada niya ang sasakyan sa tapat ng gate ng aming school, huminga ako ng malalim at tinanggal ang seatbelt at nagmamadaling lumabas ng kanyang sasakyan. A lot of students looked at me in schocked and some of them are curious kung sino ang kasama ko, I flip my hair at inis na tinignan si Dylan na nakatingin sa akin.

"I fetch you later, wife." Nanlaki ang mata ko at nandidiri siyang tinignan kaya tumawa siya at pinaandar ang kanyang sasakyan.

Iritado akong naglakad papasok sa school at lahat ng tao ay tingin ko parang mga kuto na gusto kong tirisin. Bakit ba napakaraming chismosa dito? Kung isumbong ko kaya ito sa dean namin at matanggal silang lahat? I'm so irritated right now.

"Oh, ganda bakit nakasimangot ka?" Napa-angat ang tingin ko kay Miguel na nakaabang sa akin sa pintuan ng classroom.

I don't what's on me na niyakap ko siya at pinatong ang aking ulo sa kanyang balikat. Naramdaman ko ang pagtigil niya at naramdaman kong nagsinghapan ang mga tao, I sighed and hugged her body. Gustong gusto ko ang pampakalma effect ni Miguel sa aking sistema. Gusto kong maiyak dahil sa dami ng problema ko, I felt his arms hugged my waist.

"Is there any problem?" tanong niya at hinaplos ang aking buhok.

"Nothing... just give me a minute please." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at hinaplos ang aking buhok.

Lumayo ako ng makaramdam ng hiya sa aking katawan, tinignan niya ako sa mga mata kaya umiwas ako ng tingin at bumuntong hininga. Hinawakan niya ang aking balikat at marahan akong nginitian.

"Hindi bagay sa'yo ang nakasimangot. Smile ka naman diyan," nakangising sambit niya at pinisil ang aking dalawang pisngi. "May surprised ako sa'yo," dagdag niya.

"R-really?" nakangusong tanong ko at tila nagliwanag ang aking mga mata ng makita ang banana cake.

"I...made this just for you. Kanina ko pa sana ito ibibigay kaso...nakita kitang bumaba sa sasakyan ng iba," aniya at napakurap ako ng may makitang kung anong emosyon na dumaan sa kanyang tansong mga mata.

Pakiramdam ko ay naguilty ako sa aking ginawa. I smiled na lang at kinuha ang banana cake na mukhang masarap kainin. He sighed at para siyang nakahinga ng maluwag ng makitang hawak ko ang Tupperware na dala niya.

"Uhm...wala namang peanut 'yan. Nagpatulong lang ako kay Mama para maluto 'yan. I hope I ease your anger just to bake you a cake," aniya sa nag-aalangan na boses.

Napanguso ako at napatingin sa kanya, parang may humaplos na palad sa aking puso. Tinignan ko ang banana cake at mainit-init pa, I giggled at agad na hinawakan ang kanyang kamay papasok sa classroom.

"Thank you for this," nakangiting sambit ko at aaminin kong parang natunaw ang aking puso.

"I hope you like it, ilang oras kong ginawa 'yan. Puro sunog kasi ang lumalabas sa oven," natatawang sambit niya at inilabas ang isang tubig kaya natawa ako.

Lahat ata ay dala niya, napailing ako at kinuha ang plastic spoon at agad tinikman ang dala niya. Nginuya ko 'yun at nanlaki ang mata ko ng malasahan ko kung gaano kasarap ang niluto niya. Nakalagay ang kanyang baba sa kanyang palad habang pinagmamasdan ako. Nailang naman ako kaya tumikhim ako at pinunasan ang aking labi.

"Ang sarap..." mahinang sambit ko at sumubo pa ulit.

His knuckle is on her lips kaya nakita ko doon ang ngiti niya. He smiled at tila kumislap pa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. I fed her at nagtawanan kaming dalawa dahil maski siya ay gusto ang kanyang niluto.

"Si Avery ay ganun pa rin. Kailangan lang ng progress, araw-araw naman kami nagpapacheck-up at kaya rin kami nagt-trabaho ni Raquel ay para sa gamot ni Avery," aniya habang pinaglalaruan ang kanyang daliri.

"Bakit hindi kayo nagpatingin sa professional doctor? Kasi ako rin ay nag-aalala sa kapatid mo," ani ko sa banayad na boses.

"Wala kaming pera." Napatingin ako sa kanya. "Ayokong manghingi ng tulong kay Papa dahil hindi kami magkasundo ng bago niyang asawa," dagdag niya at kita ko ang dumaang lungkot sa mga mata niya.

Huminga ako ng malalim at naisip na ibenta ang aking mga gawang paintings at ukit. Napatango ako sa aking sarili at agad nag-isip ng paraan para makatulong sa kanya.

"Gagawa tayo ng paraan," nakangiting sambit ko at tinapik ang kanyang balikat. "Gagaling rin ang kapatid mo," dagdag ko at doon siya napangiti ulit.

Dumating ang teacher namin at agad akong nakinig sa kanya. I sighed as I remember kung paano kaya kung sagutin ko na ito si Miguel? Pero naisip ko na kausapin muna si Kevin sa kanyang puntod para makapag-paalam na ngayon ay kakalimutan ko na siya, tanggap ko na ang lahat.

"Ma'am! Excuse me po." Nagulat ako sa natatarantang si Miguel kaya agad akong napatingin sa kanya. "Si Kisses sinugod sa hospital..." aniya sa natatarantang boses.

Napakurap ako at agad na sumunod sa kanya, hindi na ako nakapag-isip pa dahil gusto kong nasa tabi ako ni Miguel. Mabilis kaming nakarating sa gate at pinagalitan ko pa ang guard na ayaw kaming palabasin.

"Magiging maayos ang lahat, Miguel." Niyakap niya ang aking baywang at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan sa takot at kaba. "Kumalma ka muna okay?" mahinahong sambit ko.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kapatid ko, hindi ko alam ang gagawin ko kung dalawa na silang may sakit," aniya sa mahinahong boses kaya mas lalo ko siyang niyakap. Ngayon ko lang siyang nakitang naging mahina sa aking harapan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top