Kabanata 13
Celestine's POV:
Bumalik na ulit kami sa klase pagkatapos namin magtraining, we're so busy sa gagawin naming thesis kaya naman pinagpaliban ko ang mga gagawin ko sa araw na ito. Plano ko na sanang mag apply sa music theater kaso nga lang may thesis kaming gagawin, our teachers were strict na gusto nila matapos muna namin ang research na pinapagawa bago kami sumali sa club.
Hindi na nga magkandaugaga ang mga estudyante dahil napakaraming pinapagawa ng teacher's. Syempre trabaho ng mga estudyante na gawin ang kanilang pinapagawa kaya naman halos hindi rin ako mapakali kapag hindi ko natatapos ang gagawin ko sa lahat ng subjects.
"You need to do an article. Article about travelogue, you will chose one destination. You will list all the expenses, experience, food, tickets, and other benefits. I will be needed it it Friday." Napabuntong hininga ako at inayos ang aking buhok dahil napaka-init sa classroom.
Natigilan ako ng maramdamg may pumapaypay, dahan-dahan kong tinignan si Miguel. Ang isa niyang kamay ay nagpapaypay habang ang isa ay nakalagay sa kanyang lamesa, kumurap ako at sumandal na lamang sa upuan.
"Ponytail your hair." Napapitlag ako ng ayusin niya ang aking buhok. Kinagat ko ang labi ko at tumango, tinali ko ang aking buhok habang nananatili siyang nagpapaypay sa akin.
"Ako naman baka nangangalay ka na," ani ko ngunit umiling siya at inilagay ang aking buhok sa kaliwang balikat ko.
Bumilis na naman ang tibok ng aking puso kaya tumikhim ako at huminga ng malalim. Buong maghapon ay nakinig lang ako at kung minsan ay nakikipagusap kay Miguel, tinuturo ko sa kanya kung papaano ako nag-uukit o kung papaano ako naghahalo ng kulay sa pagpipinta.
"Oh my God! Don't make it dark," natatawang sambit ko at napailing sa ginagawa niya.
"Mas maganda kung mayroong bulaklak dito." Tinuro niya ang gilid ng barko na pinaguhit niya sa akin kanina lang. "Kung makapagtapos ako sisiguraduhin kong ako mismo ang magmamaneho ng barko," dagdag niya sa nangangarap na boses.
I smiled. "Chase your dreams," ani ko at napatitig sa mga mata niya. "Makakaya mong maging Seaman, naniniwala ako sa'yo." Mabilis akong nag-iwas ng tingin at awkward na tumikhim.
Natapos ang aming klase na wala kaming imikan ni Miguel. Tumayo ako at inayos ang aking gamit at ganun rin siya. Ngumuso ako at tinignan siya bago ako naglakad palabas, huminga ako ng malalim. Nauna na kasi si Joey dahil may sakit ang kanyang Mama kaya kailangan niyang umuwi ng maaga.
Marami na ring estudyante ang nandito sa gate dahil napa-aga ang uwian namin. Nilabas ko ang susi ng aking kotse at napahinto lang ng makita sina Miguel at Raquel na palabas na ng gate. Hindi pala nila kasama si Jessica, that girl na parang monkey na palaging nakadikit kay Miguel.
"Hello, Celestine!" si Raquel ng makita ako at kumaway. "Naks! Ang ganda nitong kotse mo ha?" dagdag niya at tinignan ang kabuuan ng kotse ko.
I smiled cheekly. "Uh, gusto niyong sumabay sa akin? Ako lang naman mag-isa," anyaya ko kaya nanlaki ang mata ni Raquel.
"Hindi na," si Miguel ang sumagot at hinila ang kwelyo ng kanyang kapatid. "Maglalakad na lang kami, malapit lang ang bahay namin diyan." May tinuro siya sa malayo kaya napatango ako.
"Kakain pa kasi kami nung bulalo doon sa kanto," ani naman ni Raquel kaya napakunot ang aking noo.
"Bula-What?" tanong ko kaya natawa si Raquel at napanguso.
"Mayaman ka nga pala kaya hindi mo alam. Masarap kaya ang bulalo gusto mo subukan? Malapit lang naman dito," aniya at ngumiti ng matamis.
Tinignan ko si Miguel na seryosong nakatingin sa akin. Tumingin naman ako kay Raquel at sa kotse ko, tumango ako. Gusto ko ring makakain ng sinasabi niya.
"Ayun! Sakto malapit lang dito 'yun. Madalas kasi 'yun ang ulam namin nila Kuya. Huwag kang mag-alala masarap magluto si Aling Fely hindi ka magsisisi," aniya sa madaldal na boses.
I find him cute na. Natawa ako at sumunod sa kanila sa paglalakad, kumakaway pa si Raquel dahil marami siyang kakilala dito. Ang iba ay nagtataka akong tingnan at mayroon namang nagbubulungan sa gilid at titignan ako.
"Oh, hijo nandito na pala kayo. Tamang tama at kakaluto ko lang nito." Napatitig sa akin ang matanda at kumunot ang noo. "Girlfriend mo Miguel?" tanong ng matanda.
Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko, namula ang aking pisngi, at hindi ako nakagalaw. Awkward na tumawa si Raquel at ganun rin si Miguel sa matanda, inayos ko ang strap ng aking bag at alanganing ngumiti.
"Schoolmate po namin, si Celestine." tinuro ako ni Miguel. "Isinama kasi nitong si Raquel," dagdag niya kaya napalabi ako.
Umupo kami sa unahan at nasa gitna ako nina Miguel. Tinignan ko ang hinahanda ng matanda, may something na buto doon at may kalamansi pa. Naamoy ko ang pagkain kaya namangha ako doon at pakiramdam ko ay nagutom ako bigla sa aking naamoy.
"Ingat, mainit pa." Marahang inilapag ni Miguel ang maliit na bowl at pinunasan niya pa ng tissue ang plastic spoon.
"Thank you," ani ko at binasa ang aking pang-ibabang labi.
Tinignan ako ni Raquel. "Subukan mo muna, masarap 'yan." Ginaya ko ang kanyang ginagawa at nanlaki ang mata ko at napatitig sa kanya. "Masarap hindi ba?" nakangising tanong niya.
"It's delicious..." sambit ko at humigop pa ng sabaw. "Oh my God! It's delicious po," magiliw na sambit ko.
Ngumiti ang tindera at binigyan pa ako ng sabaw. Tuwang tuwa si Raquel habang si Miguel ay napapailing na lamang sa akin.
"Hindi ako pinapakain ni Mommy sa ganitong store. She told me na marumi raw," ani ko at nahihiyang napatingin sa tindera na busy na sa pagaasikaso sa mga costumer.
"Bihira ka lang ba kung lumabas? Kilala mo ba si Lucille?" tanong ni Raquel.
"Why do you ask?" supladang tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
"Crush niya," sambit ni Miguel at nasamid si Raquel habang nanlaki naman ang mga mata ko.
"Its that true?" gulat na tanong ko at napatakip pa sa aking bibig.
"Hala! Oy, hindi. Tinatanong ko lang naman kung kilala mo," aniya at kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi.
"Tss, you told me kanina na–" Tinakpan ni Raquel ang bibig ng kanyang kapatid dahil parang kamatis na ang mukha ni Raquel. "Hmp! Oo na! Hindi ko na sasabihin," natatawang sambit ni Miguel.
Napailing ako. "She's my cousin sa mother side. Suplada 'yun si Lucille and I don't think she will like you back," sambit ko at sinamaan niya naman ako ng tingin.
Natawa na lamang ako at nakatatlong bowl ako ng bulalo. I sighed at napatingin kay Miguel na nakatingin na pala sa akin. I smiled and raised my two brows, napaatras ako ng lumapit siya at napasinghap ng punasan niya ang aking baba.
"Ang dungis mong kumain," pang-aasar niya na naman.
"Ah.." Tumawa ako ng pilit at umiwas ng tingin sa kanya. Narinig ko ang hagikgik ni Raquel kaya mas lalong nagwala ang puso ko.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami at agad rin akong napatayo. Masyado akong nalibang sa pakikipagusap sa kanila at hindi ko namalayan na mag 8pm na at late na ako.
"Shit, I need to go home na..." natatarantang sambit ko kaya napatingin sila sa aking dalawa.
"You should, gabi na rin at baka hinahanap ka na." Tumayo si Miguel at inabot sa akin ang aking bag.
Naglakad kaming tatlo at aaminin kong nagenjoy ako, ngayon ko lamang ito naranasan dahil buong buhay ko ay sina Mommy lang ang kausap ko. Ang mga pinsan ko lang ang nakakasama ko kapag aalis kami. Kaya naman bagong experience para sa akin ito, ang kumain ng street foods at ang makatikim ng iba't-ibang pagkain.
"Thanks for tonight," I smiled sweetly at binuksan ang pintuan ng aking sasakyan.
"Naku! Wala 'yun at isa pa gusto ko rin namang maexperience mo ang buhay ng mahihirap kagaya namin," ani ni Raquel.
Napangisi ako at tinignan si Miguel na nakapamulsa. "Salamat," sinserong sambit ko at nakita ko siyang tumango at ngumiti sa akin.
Raquel whistled. "Sige na at baka hindi mapigilan ni Kuya na huwag ka ng pauuwiin," natatawang sambit ni Raquel at tinapik ang aking ulo.
I smiled shyly at sumakay na sa aking sasakyan, tinignan ko pa silang dalawa at kumaway. Ngumiti sila at kumaway sa akin, pinaandar ko agad ang aking sasakyan at napangiti. Ito naman ang gusto ni Kevin, ang maging masaya ako at makaranas ng bagong experience.
"Hello Daddy!" Humalik ako sa pisngi ni Daddy dahil siya ang naabutan kong naghihintay sa akin. "Where's Mommy po?" tanong ko at umupo sa sofa.
"Nasa Maynila may pinuntahan siyang kaibigan," aniya at hinaplos ang aking buhok. "Kumusta naman? Okay naman ba ang school mo?" tanong niya.
"Opo, may mga naging kaibigan naman po ako. Sobrang busy ko lang po talaga sa school works," mahinahong sambit ko.
He sighed and looked into my eyes. "Hindi ko sana ito gustong gawin ngunit napag-usapan na namin ito ng Mommy mo. She wants you to get married once you turn 20." Natigilan ako at napatitig sa kanya.
"D-dad I...I already told you na ayoko pong ikasal." Kinabahan ako sa kaalamang si Dylan Rivera ang magiging asawa ko.
"I'm sorry hija...alam mo naman na kapag ang Mommy mo ang nagsalita, wala tayong magagawa. Even your Lolo," aniya sa mahinahong boses kaya napabuntong hininga ako at tumango na lamang sa kanya.
Kahit naman ipilit ko ang sarili ko na lumayo, hindi na lang. Ayokong madissapoint sa akin si Mommy, malaki at mataas ang expectations niya sa akin. Ayoko namang magalit siya at ako ang maging dahilan ng pagbagsak ng kumpanya namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top