Kabanata 11

Celestine's POV:

I parked my car at agad na lumabas dala ang mga gamit sa pagpipinta at mga pagkain. Huminga ako ng malalim at sumunod kay Joey, tinignan ko ang bawat pasilyo ng charity na palagi kong binibisita. Dito kami madalas pumupunta ni Kevin kapag gusto naming makita ang mga bata, some of them are sick at dito sila namamalagi para tignan ang kanilang kalagayan.

"Ate Cece!" Napangiti ako ng makita kung gaano sila kasabik na makita ako.

"Ganda naman ng pinipinta mo, I like it," nakangising sambit ko ng makita ang kanyang pinipinta.

She giggled. Sumunod agad sila sa akin papunta sa hall, nilapag ko ang mga gamit at nakita ang iilang mga bata na nakaupo at handa ng makinig sa akin. Kasama ko si Joey at iba kong pinsan, this charity is mean a lot to me at years rin simula ng mapunta ako dito. Naisipan kong tulungan sila para na rin mamotivate silang magpagaling at lumaban sa hamon ng buhay.

"Good morning, kids!" masayang bati ko sa kanilang lahat. "Nagdala ako ng iilang gamit sa pagpipinta, I'm really sorry kung ngayon lang ako nakapunta dahil na rin sa busy sa school works but now nandito ulit ako para tignan ang mga gawa ninyo." Napangiti ako ng makita ang iilang camera's na nakatutok sa akin, pinasadya ni Lolo na kumausap ng camera man para kuhanan ako ng litrato.

Binigay ko isa-isa ang mga gamit at nakikita ko talaga sa kanilang mga mata ang saya. Karamihan sa kanila ay may sakit na cancer, tumor, lung cancer, at iba pa. Kaya ng makita ko si Avery, ang kapatid ni Miguel naisip kong tulungan siya. Hindi ko kayang makakita ng taong may sakit, malambot ang aking puso sa mga batang may sakit.

I want them to live freely, to see the future and the bright side. Gusto ko na wala silang aalalahanin dahil lang sa may sakit sila. Gusto kong mabuhay sila ng matagal, life is short kaya naman mas mabuting i-enjoy nila ang buhay na mayroon sila. They're too young to die, masyado pa silang bata para kunin ni kamatayan.

"I want you to draw this fruits. Any color will do but gusto ko sanang makita na makulay," mahinahong sambit ko habang pinapakita kung paano ko ginagawa ang akin.

"Yes po!" sabay-sabay na sigaw nila kaya napangiti ako.

Tumango ako at umikot para tignan ang bawat gawa nila. Napangiti ako kahit pa ang ilan sa kanila ay walang isang kamay at paa ay nagagawa pa rin nilang gumihit. I felt proud, huminga ako ng malalim at hinanda ang mga binili kong pagkain para sa kanila, I look at Joey, he's smiling at me kaya napangiti ako.

"Matutuwa sila Ma'am Celes kapag nalaman nilang ginagawa mo ito," aniya sa mahinahong boses.

Ngumiti na lamang ako at hinanda ang mga pagkain. Naglagay rin ako ng gulay at chocolate para may libangan sila. Hinanda ko rin ang mga box na naglalaman ng kagamitan sa pagpipinta at pag-uukit. Natawa ako ng makita ang drawing nila dahil napakaganda nun.

"Go on baby, kaya mo 'yan." Hinawakan ko ang kanyang kamay at inalalayan sa pagpipinta.

"I love to draw po, kasi si Mommy ay dating nagpipinta," aniya sa maliit na boses kaya napangiti ako.

"Kung hilig mo ang pagpipinta sure akong makakapagpinta ka ng marami kaya magpagaling ka, okay?" malambing na sambit ko na ikinatango niya at ngumiti.

Nagpasalamat sila sister sa akin kaya napangiti ako. Nagpicture taking kaming lahat kasama ang mga bata, natawa na lamang ako ng makita kung gaano karumi ang aking damit. Marami pa kaming ginawa dahil naglaro pa kami at nagkaroon ng iba't-ibang activities.

"Maraming salamat talaga, Celes..." mahinahong sambit ni Sister Anne.

"You're welcome po, I'm willing to help naman po anytime." I hugged her and smiled at her.

Kumaway ako sa mga bata at ganun rin sila sa akin. Sumakay agad ako sa aking kotse at napangiti, gustong gusto ko talaga ang tumulong sa mga batang walang masilungan. Pinaandar ni Joey ang aking sasakyan patungo sa mansyon dahil may event kaming pupuntahan.

"Celestine is here, get dressed at baka mainip ang Lolo mo," ani ni Mommy ng makapasok ako sa bahay.

"Yes Mommy," nakangising sambit ko at humalik kay Daddy. "Akyat lang po ako," dagdag ko.

Umakyat agad ako at naghanap ng aking susuotin, nakita ko ang isang red tube mermaid dress. Agad kong sinuot 'yun at pinarisan ng red platforms sandals. Naglagay rin ako ng make-up at tinignan ang aking sarili, natakpan ng make-up ang aking freckles kaya naman napangiti ako. Nilugay ko lamang ang aking kulot na buhok at naglagay ng kaunting highlights sa aking mukha.

"I'm ready na po." I giggled ng makita nila ako.

"Let's go na, ang mga Kuya mo ay nasa labas na," sambit ni Mommy na nakasuot ng black bodycon dress na kita ang kanyang hati sa dibdib.

Ngumisi ako kila Kuya Charles at agad nila akong inalalayan papasok sa aming kotse. Ang event na 'yun ay para kay Kuya Alfred, birthday niya kasi ngayon at ito rin ang araw para hanapan siya ng kanyang mapapangasawa. Sa aming pamilya, traditional na sa amin ang ipakasal sa ibang socialite families. Kaya naman hindi ko maiwasang kabahan kapag natapos na ako sa collage.

"Dad, I'm not ready to have a wife. I'm in love with our company at gusto ko munang pag-isipan 'yun," ani ni Kuya Alfred kaya napangisi ako.

"You're matanda na kasi kaya kailangan mo ng ikasal," pang-aasar ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Bumaba agad kami ng kotse at sumalubong agad sa amin ang iilang camera. I smiled sweetly at kumaway ng kaunti, gustong gusto ko talaga ng atensyon. Naunang naglakad si Mommy na talaga namang elegante at hindi papatalo sa ibang kababaihan na nandito. Well my Mom is a singer plus a model sa ibang bansa kaya naman kilalang kilala siya dito sa Cebu.

"You look good tonight, Miss Celestine!" Natawa ako sa iilang mga bumabati sa akin.

"Thank you so much! Your so sweet," nakangising sambit ko at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

Marami na palang tao dito even the Dela Vega are here. Nakita ko pa ang ibang kasapi ng socialite families na nakasuot ng mamahaling gown ngunit mas nakaka-agaw ng pansin ay ang pamilyang Madrigal at ang pamilya ni Mommy. Ngumiti ako sa kanila at nakipagbeso sa mga kaibigan at pinsan ko.

"Lucille you're so pretty!" papuri ko sa aking pinsan na nakasuot ng red bodycon dress.

"Ikaw rin, bagay na bagay sa'yo ang mermaid dress," aniya kaya humagikgik ako at ngumiti.

Umupo kami sa pahabang lamesa at pinanood si Lolo na magsalita sa unahan, kumpleto pala ang mga kapatid nina Mommy at Daddy dito kaya pala parang ang dami. Nakita ko pa sa kabila ang mga hindi pamilyar na mukha kaya napakunot ang aking noo at nagkibit balikat.

"Thank you everyone for coming here," si Kuya Alfred. "Especially thank you to my Dad and my Mom for having this party very fabulous party. And of course I can't wait to meet my fianceè," dagdag niya sa sarkastikang boses kaya natawa ako.

Dati ang tawag nila kay Mommy ay Tita, kasi dati super kukulit nila Kuya palaging makalat ang rooms. Kaya naman nung ikasal sila Mommy nagtino silang tatlo, ayaw na ayaw ni Mommy na makalat ang bahay. Natuto rin silang maglinis at nadisiplina rin sila ni Mommy.

"This is Dylan Rivera." Napatingin ako sa lalaking nasa aking unahan, naging uneasy ako sa seryoso niyang tingin sa akin. I'm not comfortable to him kasi pakiramdam ko ay hindi siya mabuting tao. "And the Rivera's is our new investors and Dylan's is now finding his new fianceè para mas mapabilis ang pag-angat ng ating kumpanya," sambit ni Daddy.

Napalunok ako dahil sa akin ang tingin ni Mommy. Huminga ako ng malalim at nakipagkamay sa lalaking nasa aking unahan.

"Celestine, nice to meet you Dylan." He smiled and shook my head politely.

"It's nice to meet you, Celestine." Tinanggal ko agad ang aking kamay dahil hindi talaga ako kumportable sa kanya.

He smirked and licked his lower lip kaya napaiwas ako ng tingin. Alam kong balang araw ay ako ang ikakasal sa isang stranger, ngunit pakiramdam ko ay hindi ito ang tamang oras para doon. Hindi ganun ang pagmamahal, hindi pinipilit kundi nagkukusa.

"I hope you and my Daughter had to know each other more better," makahulugang sambit ni Mommy at pinisil ang aking kamay.

"I hope she won't mind knowing her better," He said and smiled at me kaya pilit akong nginisian siya.

Mommy chuckled. "Don't worry, hindi naman mapili si Celestine and I hope na mapag-usapan ninyo ang business at you know...to please her na rin," sambit ni Mommy.

Napalunok ako at iniwas ang aking paningin. Narinig ko ang kanyang pagtawa at tumingin sa akin, I think he's in 24 or 26 something.

"I'll be glad to please her, Madam. I'm interested to know her... every bit of her." Pilit akong tumawa ngunit inaamin kong kinakabahan ako sa kanya. He's intimidating.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng tinawag siya ni Daddy para ipakilala sa aming pamilya. Hinarap ako ni Mommy kaya seryoso ko siyang tinignan, she caressed my cheeks kaya napanguso ako dahil alam ko kapag ganito siya umakto sa aking harapan.

"We need to do this. Gusto lang namin na ma secure ang future mo, ayoko namang mapunta sa lalaking walang sinasabi sa buhay. Sa lalaking wala namang kasiguraduhan," aniya at tinignan ako.

"Mom, I'm young for that..." mahinang sambit ko. "I can't pa... hindi ko pa nakakalimutan si Kevin...alam mo naman kung gaano ko po kamahal si Kevin," dagdag ko.

She smiled. "I know hija, gusto ko lang naman na mapunta ka sa tamang kamay. Sa lalaking na araw-araw kang bibigyan ng assurance, sa lalaking hindi ka iiwan para lang sa babae..." dagdag niya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

I signed and nod my head. Kapag si Mommy talaga, palagi niya akong napapasunod. I love her to the point na susundin ko siya, lahat ng ipapagawa niya ay susundin ko para sa ikakabuti ng aming pamilya. Naiintindihan ko si Mommy kaya I'll do my best to save our company kahit pa pakiramdam ko ibebenta ko ang sarili ko sa taong hindi ko kilala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top