Kabanata 1
Celestine's POV:
I sipped on my wine while looking at my window, I'm here because I want to forget someone, pakiramdam ko kapag bumalik ako ng Cebu ay ma-aalala ko na naman siya. It's so hard to forget him, I was detained in the hospital for almost a year and here I am now, still healing. I'm 18 now still, maagang nagkaroon ng relasyon at worst binawi rin siya sa akin.
I was 16 when I met him, and yet binawi rin siya sa akin. He saved me from incident, at laking pasasalamat ko sa kanya. I blame myself for almost a year at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Lahat ay ginawa ko para lang makalimutan siya, ngunit mahirap.
Bumuntong hininga ako habang nasa bath tub at nakatitig sa naglalakihang bahay ng Madrid. Napanguso ako at pinaglaruan ang mga rosas sa aking katawan.
"Hello, Mom?" mahinahong sambit ko nang tumawag si Mommy.
[Kailan ka ba uuwi?] mahinahong tanong niya.
"Miss me already?" I chuckled and I heard her soft chuckle.
[Your Daddy wants to see you, kaya naman gusto niya na sa birthday niya ay nandito ka. Malapit na rin ang pasukan hija,] aniya sa kalmadong boses.
Hindi ako umuwi sa kanila ng tatlong taon dahil gusto kong takasan ang nakaraan. It's cruel right? Alam kong magagalit si Kevin kung magmumukmok lang ako rito, kilala ko pa naman siya. Baka dalawin niya pa ako here sa kwarto ko, sa isiping 'yun ay nagtindigan ang mga balahibo ko at nanlaki ang mata.
"I'll think Mom," mahinang sambit ko at bumuntong hininga.
[Tell us if you want to go home, ipapasundo kita.] Binaba niya kaagad ang tawag kaya napanguso ako at inayos ang buhok ko.
I wore my mint green robe at kaagad na lumabas, bakit kung kailan nagiging masaya tayo doon napapalitan ng lungkot? Hindi ba puwedeng maging masaya nalang? Bakit kailangan pang suklian ng lungkot ang dating masaya? Minsan iniisip ko they never give me a chance to be happy, kasi kung oo, kasama ko pa sana si Kevin.
Kinabuksan ay naglakad-lakad ako sa kabuaan ng Madrid, shopping everywhere I can buy naman. Daddy is always spoiling me with everything kaya naman lahat binibili ko. I don't care about the money, kasi marami naman kami nun. Bumili ako ng napakaraming bag at mga sapatos kasi 'yun ang aking hilig.
"How much is this?" nakangusong sambit ko dahil ang ganda ng maroon matte lipstick.
"$60," aniya at ngumiti ng maliit sa akin.
"Oh," ani ko at kaagad kumuha ng pera. "I want that, one box," ani ko dahil napakaganda niya at bagay na bagay sa akin.
"It's fit on you," aniya kaya ngumisi ako at hinawi ang aking buhok.
Pumunta rin ako sa kainan at naiilang ako sa tingin ng ibang tao, alam ko namang maganda ako kaya nga lang huwag naman sanang ipahalata na may gusto sila sa akin. Ngumuso ako at kumain habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad.
"Oh my god! Lucie!" pagtili ko nang makavideo call ko ang pinsan ko sa mother side.
[God, you're really look like a goddess,] natatawang sambit niya at nakita ko sa kanyang likod ang naglalakihang building.
"Oh, you're working ba? Am I disturbing you?" tanong ko at natawa siya sa akin.
[Hindi naman, how are you? Nabalitaan ko na nasa Madrid ka, baka gumagastos ka na naman,] pagbibiro niya at napairap ako sa kanya.
"Money is easy for me," mayabang na sambit ko at ininom ang aking coffee chino.
She chuckled kaya nagpakita ang kanyang dimple sa magkabilang pisngi. [Yeah, I know right? You're the only girl on your family,] natatawang sambit niya.
After we talked ay bumalik na ako sa aking unit, my Dad called me siguro namiss niya rin ako. Inayos ko ang aking sando at kaagad na kumain ng donut. My mother is Filipina and Half Spanish while my Father, is Half British and Half Filipino kaya naman sa kanya ko namana ang iilang features at kay Mommy naman ang iba. Marunong si Daddy magsalita ng Tagalog dahil ang Lola ko ay Filipina.
[Oh, hija. When did you plan to go home huh?] aniya sa mahinang boses at bakas talaga na nami-miss niya ako.
"Dad, I want to travel more." Ngumuso ako at napailing naman siya. "But for you, uuwi ako. Baka pagalitan ako ni Mommy kung hindi ako uuwi," dagdag ko.
[Really? Your Mom is a tiger so better go home quickly,] He chuckled softly kaya natawa na rin ako sa kanya.
After we talked about a lot of things, natulala na naman ako. I looked at Kevin's picture at tinignan ko rin ang iilang medical certificate ko. Naghirap ako sa hospital at halos mabaliw ako kakaisip kung bakit inalay ni Kevin ang kanyang buhay para sa akin.
Dapat hindi niya na ako iniligtas! Nakakainis at kailangan ko pang magdusa ng ganito. I hate being alone, and I hate being like this. Ayoko na maulit na halos dalhin na ako sa mental hospital para lang gamutin ng mga walang kwentang doctor.
"I miss you so much...bae." Nangilid agad ang mga luha sa aking mga mata kaya mabilis ko iyong pinigilan.
Kinabukasan ay naghanda na ako para magimpake. Gusto ko na rin makasama ang mga kapatid ko, I want to see them. Binalot ko lahat ng mga regalo na binili ko para sa kanilang lahat since marami naman akong binili para sa kanila. I smiled when I remembered how we bond together at talagang masaya ako sa pamilya na mayroon ako.
"Mom, uuwi na po ako." Nilagay ko ang bikini's ko at napangiwi dahil sa masayang tili ni Mommy.
[Alright, ipapasundo kita sa Kuya mo once na lumapag ang eroplanong sasakyan mo.] Bakas talaga sa kanyang boses ang kasabikan at kasayahan kaya napangiti ako.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuaan ng unit, ilang buwan akong namalagi rito at kapag nabored ay pumupunta ako sa New York. Handa na nga ba talaga ako? God, feeling ko ay stress na ako.
"You can do it, Celes. Baka masira ang beauty mo," bulong ko sa aking sarili at natawa na naman.
Lumabas ako ng unit dala ang aking maleta at iba pang bags, hirap na hirap ako kasi napakabigat. Pumasok ako sa elevator at agad na hinintay ang pagbaba nito, nang makababa ay agad akong nagpatulong sa mga guards na kaagad rin akong tinulungan.
"Airport, please." Sinuot ko ang shades ko at maarteng hinawi ang aking buhok.
Napatingin ako sa salamin dahil halatang halata ang freckles sa aking mukha, nakuha ko ito sa aking Mommy at maraming nagsasabi na bagay raw ito sa akin. Para daw akong diyosang may malapusang mga mata. Kaya naman natatawa nalang ako kapag nakakarinig ng ganoong papuri dahil sa mga mata ko.
"We're here, Senyora." Napakurap ako at magalang na nagbayad sa kanya na tumango at ngumiti.
I smiled too at kaagad ring nagpatulong sa kanya para buhatin ang mga bagahe ko. Taas noo akong naglakad at napapansing nakatitig sila sa akin, well, kilala ang Mommy ko bilang high end fashion model at isang singer. Namana ko sakanya ang pagkanta kaya naman nakapagreleased ako ng album na ako mismo ang gumawa.
"Thank you," mahinang sambit ko at mabilis akong dinaluhan ng ibang flight attendant kasi napakarami kong dala.
"You're Celestia's daughter?" tanong ng aking katabi.
"Yes I am," mataray na sambit ko kaya tumango siya at ngumisi sa akin at ganun rin ako sa kanya.
The airplane goes up kaya naman pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sariling makapagpahinga dahil pagod ako. Dala ko lahat ng aking inukit at lahat ng aking pininta para naman hindi ako mabored sa bahay.
Ilang oras rin ang byahe bago ako nakarating sa Cebu kung saan doon kami nakatira. Inaantok akong bumaba at nakita ang suplado kong kapatid na nakaantabay sa kanyang kotse. I waved at him at mabilis na tumakbo para yakapin siya.
"Mi amor," aniya at hinalikan ang aking noo. "Welcome home," dagdag niya sa magiliw na boses.
"It feels good to be back," ani ko sa masayang boses at ngumiti sa kanya na tumango.
Sumakay ako sa kanyang kotse at nasasabik na akong makita ang tatlo kong aso. Oh my god! I really missed them. Ang dami ko pa namang binili na dog food para sa kanila, tumango ako sa aking kapatid at mabilis niyang minaneho ang kayang sasakyan.
"How are you?" tanong niya.
"I'm good naman, it's so relaxing there at I always think about something," ani ko sa maliit na boses at sumandal sa upuan.
"Mom missed you a lot. If you'll saw her face when you said you're going home, it's priceless," aniya kaya naman ngumisi ako.
Mabilis kaming nakarating sa aming mansyon, malaki ang bahay namin dito. Isa pa, dito rin nakatira ang aking Lolo ngunit sa mismong bahay niya siya nakatira. Bumaba ako at inayos ang aking dress na hanggang ankle ko ang haba.
"Mommy! Daddy!" sigaw ko kahit pa nasa gate pa lamang ako ng mansyon namin.
Nakita ko ang nagmamadaling paglabas nilang dalawa, tumawa ako at parang batang tumakbo para yakapin silang dalawa. I giggled at sumiksik sa kanilang dalawa.
"Mommy..." bulong ko at niyakap si Daddy. "My handsome, Daddy..." ani ko sa masayang boses.
"We missed you," ani Daddy at hinalikan ang aking noo. "Kagabi ka pa namin hinihintay." dagdag niya kaya ngumuso ako at yumakap pa sa kanya.
It feels so good na kasama ko na sila sa wakas. Kapag kasi mag-isa ako ay ang dami kong iniisip. Ngunit kapag nandiyan sila, nagiging payapa ang puso't isip ko. Hay. How can I forgot you, Kevin? How?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top