EPILOGUE

Epilogue:

I'm here in the airport waiting for her arrival. Sinabi sa akin ni Diego na maayos naman ang lagay ni Celestine at naging matagumpay naman ang operasyon niya. Sa isiping 'yun ay mas napanatag ang aking loob dahil hindi ko ata kakayanin kung may mangyari sa kanya. Ayokong maghintay na lamang sa wala, gusto kong maging ligtas s'ya sa operasyon.

Matagal niya nang sinabi sa akin na aalis s'ya kasama ang mga magulang niya. Ang alam ko ay hindi pa rin sila maayos ng kanyang Mommy ngunit kinakausap ko s'ya na kung puwede magpatwad na s'ya. Ang totoo nag usap na kami ni Miss Celestia at mas naliwanagan ako, hindi naman ako nagtanim ng galit sa kanya.

At kung tutuusin ay nagpapasalamat ako sa kanya. Dahil sa kanya ay mas naging matured kami ni Celestine na may tamang oras para sa lahat. We grow separately at the same time nahanap namin ang mga kulang sa aming mga sarili. I admit na naging possessive ako kay Celestine kaya mas lalo akong na-guilty dahil alam ko kung gaano ako kademanding noong araw.

"Dad, wala pa po ba si Mommy?" tanong ni Mikael habang hawak ang banner na s'ya mismo ang gumawa para kay Celestine.

"Maghintay na lang tayo ng ilang sandali, parating na rin ang Mommy mo." Ginulo ko ang kanyang buhok at napangiti naman s'ya.

Ilang sandali lang ay narinig na namin ang eroplanong sinasakyan ni Celestine. Umayos ako ng tayo at huminga ng malalim, maaga pa lamang ay nandito na kami sa airport dahil sa sobrang excited ni Mikael ay umaga kami nakapunta.

Tinignan ko ang escalator kung saan bababa sila Celestine. Kinagat ko ang labi ko at inayos ang shades na suot ko. Tinignan ko si Jason na tahimik na naghihintay habang hawak ang malaking banner na ginawa niya lang kanina lang.

"There she is!" Si Mikael nang makita na ang Lolo ni Celestine.

Bumilis na naman ang tibok ng aking puso. Parang ito ang unang pagkakataon na magkikita kaming muli ni Celestine. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari sa kanya o kung naalala niya pa ba ako. Napailing na lang ako sa aking sarili dahil ilang libong senaryo na naman ang naisip ko.

"Mommy!" Si Mikael at nagtatatalon na sa unahan. "Daddy! Nandiyan na si Mommy!"

Simula rin ng malaman ni Mikael na si Celestine ang kanyang ina ay mas naging malapit s'ya dito. Hindi ko na sila mapaghiwalay kaya hinayaan ko na lang rin at baka namiss lang ni Mikael ang magkaroon ng isang ina at masaya ako.

"Senyor," magalang na bati ko sa matanda na tinapik lamang ang aking balikat.

"Glad you're here," nakangiting sambit niya at kasunod ang mga pinsan ni Celestine kasama sila Haze.

Tumagos ang aking tingin sa babaeng nakasuot ng makapal na coat. She's wearing a shade at animo'y may fashion show dahil sa tindig at postura nito. Lumunok ako nang ibaba niya ang salamin at nagtama ang aming paningin.

Hindi na ako makapaghintay at mabilis na naglakad para yakapin s'ya. I heard her soft chuckle at naramdaman ko ang yakap niya pabalik. Napapikit ako at hinalikan ang kanyang ulo, tinignan ko pa 'yun dahil nakasuot s'ya ng bonnet.

"You missed me that much huh?" Aniya at napatingin kay Mikael. "Baby!"

Yumakap si Mikael sa kanya at nakita kong lumuha pa ang anak ko. Mabilis kong binuhat si Mikael para mas makita niya si Celestine. Ngumiti sa akin ang Daddy ni Celestine habang ang kanyang asawa ay nanatiling pormal ang tingin sa akin.

"I have something to tell you," aniya kaya napatingin ako. "Pumunta muna tayo sa mall."

Nagtataka ko s'yang tinignan ngunit hinawakan niya lang aking braso at akala mo ay hindi sumailalim sa isang operasyon. Hinayaan ko na lang s'ya at agad s'yang pinasakay sa kotse ko habang ang kanyang mga magulang at pinsan ay sa isang malaking SUV.

"How are you? Wala ka bang nararamdaman or epekto ng gamot sa'yo?" Tanong ko at hinawakan ang kanyang hita.

She smiled. "Wala naman. I rest for almost 2 months kaya masasabi kong maayos ako," aniya at pinisil ang aking kamay.

Nakarating kami sa mall at nauna pa s'yang bumaba sa'kin. Hindi ko makita ang kabuuan niya dahil nakasuot s'ya ng isang itim na coat. Hinawakan ko ang kanyang baywang at sabay kaming pumasok sa mall.

"Mom, saan po tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Mikael habang nakahawak sa aking kamay.

Celestine winked at him kaya napailing na lang ako. Pumunta kami sa grocery store katabi ng bilihan ng mga damit ng baby. Kumuha ako ng stroller at nakita si Celestine na kinakausap si Mikael habang hawak ni Mikael ang cellphone ni Celestine.

"Let's go?" Tanong ni Celestine at nasa gilid niya ay si Mikael na hawak ang cellphone.

"What's with the phone?" Tanong ko at hinawakan ang baywang niya.

"Wala naman. Pinahawak ko lang kay Mikael," nakangising sambit niya at tinulak ang cart.

Dumaan kami sa bilihan ng diaper, nagtataka ko s'yang tinignan at narinig ko ang hagikgik ni Mikael. Kumuha s'ya ng baby wipes at dalawang diaper at hinagis sa akin. Sinalo ko 'yun at nilagay sa cart, tuloy-tuloy ang lakad niya at panay naman ako sunod sa kanya.

"What do you think about this? The  baby pink pacifier or the light pink pacifier?" Tanong niya at mukhang seryoso naman s'ya.

"Uh, the light pink I think." Tumango siya at nilagay sa cart ang gamit.

Nakita kong nakatapat sa akin ang cellphone na hawak ni Mikael, kumunot ang noo ko. He smiled at me at tumango, I shook my head at agad na sumunod kay Celestine.

"What?" Natatawang tanong niya nang itanong ko kung bakit kami nandito sa section ng mga dress ng pang baby.

"Seriously? What are we going to do with the diapers, baby wipes, and other baby stuff? Mikael is too big to wear diapers, right?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "And what about the stroller, the camera, and that pink dress?"

Tumawa si Celestine kaya inis akong tumingin sa kanya.

"Babe, hindi mo pa ba nahuhulaan?" Tanong niya at namaywang sa aking harapan. "Oh, wait can you get that pink shoes?"

Tinuro niya ang isang sales lady na nakatingin sa akin. Tinignan ko si Mikael na kagat na ang labi at halatang pinipigilan ang tawanan ako. I sighed at agad na kinuha sa sales lady ang isang box ng sapatos. Tumigil ako nang may mapagtanto. I looked at her and she's smiling while holding her cellphone, obviously she's filming me kanina pa.

"Now, open that box." Ngumisi s'ya at tinignan ako. "Go ahead, open it."

Nagtataka ko s'yang tinignan at tinignan ang box. Hindi ko alam kung anong kabaliwan na naman ang naisip niya. Binuksan ko ang box at may isa na namang box, binuksan ko ang box at isa na naman.

"Celestine!" Iritadong tawag ko ngunit mas lalong lumakas ang tawa niya habang nakatapat sa akin ang camera ng cellphone niya.

"Can you please be fast? Kanina pa ako naghihintay," mataray na sambit niya at nakita kong tumawa si Mikael sa gilid niya.

Apat na box bago ko makuha ang isang pulang box. Nanatili ang kunot sa aking noo at agad na binuksan ang box, tinignan ko s'ya na kagat ang labi at inatras ang cart na naglalaman ng baby stuff.

"What... Y-you're.." gulat na tanong ko nang makita ang isang pregnancy result at isang ultrasound.

Nakangiti lang s'ya habang nakatingin sa akin. Tinignan ko ang staff at lahat sila sa akin. Suminghap ako at agad s'yang binuhat, tumawa s'ya ng malakas at agad ko rin s'yang binaba para tignan ang kanyang tiyan. Fuck, bakit ngayon ko lang tinignan ang tiyan niya.

"I'm going to be a Daddy again?" Naluluhang sambit ko at lumuhod para halikan ang kanyang tiyan ng paulit-ulit.

She smiled sweetly. "I'm pregnant and yes, you're going to be a Daddy again, Miguel." Niyakap niya ako at napaluha na lamang ako sa sobrang saya na nararamdaman ko.

Truly that I was born for her. Born to protect her, born to be her happiness, born to be her light, born to be the father of her child, and lastly because I was Born For Her.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top