Season 1 Epilogue

Ilang minuto na ang nakakalipas mula ng matapos ang aming performance at puro senior yera na ang nagpe-perform sa stage. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang nginig ng aking mga tuhod. Para sa akin, it was really one of the best performance na nagawa ko.

"Frost may tanong ako." Pagsasalita ko at napatingin sa kanya na kasalukuyang umiinom ng tubig.

Inubos niya muna ang laman ng bottled water bago ako tignan. "What?" He asked.

Napakagat ako sa ibabang labi ko pero gusto ko talaga itong itanong. "'Diba naikwento ko sa'yo ang tungkol sa taong nag-inspire sa akin na pumasok dito sa Music Academy," tumango si Frost talagang nakikinig siya. "Ikaw ba 'yon?"

Malakas ang kutob kong si Frost iyon! Hindi diya ngingiti sa bagay na iyon kung wala siyang alam or hindi siya iyon. May tiwala ako sa guts ko.

"Paano mo naman nasabi na ako 'yon?"

"Kasi ngumiti ka! Hindi ka ngingiti kung wala lang!" Medyo napalakas ang sigaw ko kaya mahinang napatawa si Frost. Akala tuloy nung iba rito sa back stage ay nagtatalo kami. "Sorry! Don't mind us,may pinag-uusapan lang kami."

"Kung gusto mo yung totoo, hindi ako iyon Betty. Si Jiroh 'yon," Seryoso niyang sabi sa akin. "Natawa lang ako dahil totoo nga na maliit lang ang mundo. Baka kayo ni Jiroh ang magkatuluyan sa huli."

Ngumiwi ako, "Eeeew! Mas gusto pa kita ke'sa kay Jiroh." Kinikilabutan ako sa idea.

"Talaga?"

"Oo kasi mas kilala kita! Tsaka mas close kitang kaibigan! Tsaka ano ka ba, bawal mahulog ang loob ng kahit sino dito sa Music Academy... Remember the forbidden rule?" Mahaba kong pagpapaliwanag. Napansin ko ang bahagyang pag-iiba ng ekspresyon ni Frost. Problema neto?

"Sa bagay." Pinatunog na lang ni Frost ang walang laman na bottled water.

Kinabukasan ay nakumpirma ko na si Jiroh nga ang taong iyon at hindi si Frost, may patunay pa siyang litrato na naka-save sa kanyang cellphone.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol doon!" Inis kong sabi habang kumakain kami sa cafeteria. Kahit tapos na ang midterm performance ay kailangan pa rin namin pumasok for a week dahil anytime ay ibibigay na ang grade namin for this semester.

"I thought you knew?" Sabi niya habang ngumunguya. "Sa tingin mo ba magiging sobrang friendly ko sa'yo kung hindi kita namumukhaan?" Oo nga naman, simula pa lang ay sobrang papansin na nitong si Jiroh.

Instead na patulan siya ay napangiti na lang ako. Kung hindi naman kasi dahil kay Jiroh ay hindi ko gugustuhing maging isang performer. Nakakatuwa lang isipin na naging magkaibigan kami ni Jiroh ng hindi ko nalalaman ang tungkol doon.

"Cindy, tawag kayo sa principal's office." Pagsasalita ng isang estudyante, I don't know her name pero mukha student assistant siya sa office.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko. "Cindy, huwag ka ng magbait-baitan ah! Ipatikim mo sa Betty na 'yan kung paano gumanti ang isang na-bully!" Sabi sa akin ni D.J, kahit hindi sabihin iyon ni D.J ay iyon talaga ang aking gagawin.

"Kung kaikangan mo ng pruweba Cindy nandito ako! Kaya kitang ipagtanggol at sabihin ang lahat ng pambu-bully na ginawa ni Betty." Sabi naman ni Lisa at nag-okay sign ako.

Bumuga muna ako ng isang buntong hininga bago naglakad paalis. They cheered on me na mas lalong nagpalakas ng loob ko. Papunta ako sa may Principal's office ngayon ng may mga kamay na biglang humatak sa akin-- Si Betty.

"Subukan mo lang magsalita, Cindy." Nabigla ako sa taas ng pride niya, mapapahamak na siya ngayon pero sinusubukan niya pa rin akong sindakin na akala mo ay tatalab pa rin sa akin.

"Talagang magsasalita ako Betty. Ano kaya ang magiging parusa mo?" I stepped forward towards her at napaatras siya ng kaunti. Sinong natatakot sa aming dalawa ngayon?

"Look I'm sorry tungkol sa nangyari! Ayokong magkaroon ng bad records dito sa Music Academy dahil hahatakin no'n ang rank ko pababa!" Tuluyan siyang natakot at ngayon ay sinusubukan niya akong pakiusapan.

I smirked at her, this time ako naman ang maninindak sa'yo Betty gaya ng araw-araw mong ginagawa sa akin. "Sana sinabi mo 'yang mga salita na 'yan sa una mo palang na pagkakamali, Betty. Hindi ako kasing bait tulad ng iniisip mo. Ilang beses kitang pinagbigyan... But not this time."

Naglakad ako paalis para mauna sa Principal's office. "Cindy! Cindy!"

"Magkita na lang tayo sa Principal's office." Nakangiti kong lingon sa kanya.

***

Nasa office kaming dalawa ni Betty kaharap si mrs. Lenny Rodriguez na siyang principal ng buong school. Hanggang balikat ang buhok nito at masa mid 40's niya palang. Medyo bata pa siya dahil siya ang pumalit sa dating principal na kanyang ina.

"So kaya ko kayo pinatawag dahil nakatanggap ako ng report galing kay Henry that nagkaroon kayo ng problema sa midterm performance. Totoo ba ito?"

"Yes."

"No."

Napailing ako, hanggang ngayon ay nagmamatigas pa rin si Betty. Ang tigas ng mukha.

"Now, who's peaking the truth?" Humigop ng kape si Mrs. Lenny habang kalmadong nakatingin sa amin.

"Ma'am! Maraming na-bully si Betty sa school na ito and they can stand together with me na totoong masama ang ugali niyan!" Pagpapaliwanag ko. Ngayon lang ako lalaban, aaminin ko, gusto kong gantihan si Betty.

"Whoah! You're such a reputation wrecker Cindy! Wala kang pruweba na sinaktan kita!" Sigaw ni Betty pabalik sa akin.

"Stop shouting girls," Kalmadong sabi ni Mrs. Lenny kaya napatigil kaming dalawa. "Alam mo ba miss Betty na nakatanggap din kami ng report na sinabotahe mo ang performance nina Cindy nung Preliminary performance by destroying her costume."

"Hindi po iyon totoo." Napabuga ako ng hininga. Ang kapal ng mukha.

"Nakalimutan mo na rin yata Betty na may CCTV cameras tayo sa school. Recorded ang ginawa mong pambu-bully kay Cindy kahapon. Sa second floor ng vocal department?" Nabato si Betty sa kanyang kinauupuan dahil hindi niya alam ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi niya alam ang susunod niyang sasabihin lalo na't ayan na ang pruweba na kanyang hinihingi.

"Alam ko rin ang ginawa mo nung preliminary performance ngunut pinalampas ko iyon dahil hindi nag-report si miss Gonzales about the issue." Sabi ni mrs. Lenny.

"But ma'am! I didn't mean to do it! Siya ang nanguna--"

"Ano Betty! Hanggang ngayon ay pagtatakpan mo pa rin ng kasinungalingan 'yang kasalanan mo? Nandiyan si Henry, si Frost, si Lisa! Kaya nilang patunayan na totoo lahat ng bagay na iyan." I shouted dahil sa totoo lang... Naiirita ako sa ginagawa ni Betty. Huli na nga sa akto, ayaw pa umamin.

Sa huli ay napaamin ni mrs. Lenny si Betty tungkol sa kanyang kasalanan. "As a consequence for your act Betty, magkakaroon ka ng bad record sa student profile mo at wala kang makukuhang grades sa midterm performance." It's mean... 0 ang score ni Betty kahit na ang ganda ng kanilang performance.

"Sobra naman yata 'yan!" Betty shouted.

"Pero sa tingin mo ba ay hindi sobra ang pambu-bully ng isang estudyante miss Cojuanco? You already a grown up lady pero hindi mo naiintindihan kung gaano kahirap ang ma-bully and our school never tolerate that kind of situation."

Sa huli ay napatawan nga si Betty ng parusa na bagsak siya sa midterm performance. I hope... I'm really hoping na sana ay mag-iwan ito ng isang leksyon sa kanya.

Bullying is not a funny thing, hindi lahat ng tao ay nakakaya ang bullyinh gaya ng nagagawa ko. Marami ang made-depress dahil dito. Maliit na pambu-bu-bully or malaki... It was still a bullying.

***

Ilang araw ang lumipas at pare-parehas kaming nakaabang sa ranking, saktong 9:00 am ay ilalabas ang official ranking for midterm performance. Popularity ranking at mamayang alas-3 ng hapon ibibigay ang grades namin.

"Kinakabahan ako!" Malakas na sigaw ni Lisa habang nakatingin kami sa laptop ni Jiroh. Last time kasi ay wala sa ranking si Lisa.

Ako, si Lisa, si Jiroh, Lucas at D.J, kami ang magkakasama para abangan ang ranking.

Saktong alas-nueve ay nag-update ang page ng Music Academy, ni-reload ito ni Jiroh at lumabas ang ranking namin.

Agad na nakita namin ang rank ni D.J

Rank# 3- Diana Jane Reyes

"Grabe D.J! Tumaas ka ng rank!" Malakas naming sigaw at inalog ang kanyang balikat. This time she made it, without the help of her brother... Just her pure talent.

Wala na rin ang pangalang Frost Cervantes sa ranking. It means, hindi na talaga estudyante si Frost ng Music Academy and I smiled with that idea. Sobrang good luck sa career na pinili ni Frost. He is now chasing his own dream.

Rank# 9- Betty
Rank# 11- Jiroh
Rank# 18- Cindy
Rank# 23- Lucas
Rank# 31- Yngrid
Rank# 63- Lisa

Napasigaw kami lahat nung makita namin na mag-rank si Lisa at maging siya ay napaluha sa balitang ito.

"Congrats sa ating lahat! We all manage na makapasok sa ranking!" Sigaw ni Lucas at nagyakap kaming lima. Just an indeed squad goals for us. "Pero Cindy... Ikaw lang ang bumaba ang rank."

From rank 12 to rank 18.

"Okay lang 'yon, masyadong mataas ang rank 12 para sa akin at pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag nung bumaba ako kaunti." I'm being honest with that. Masyadong nakaka-pressure sa ganoong kataas at mahigpit ang labanan. Mas malaki ang tsansa na bumaba ka ke'sa tumaas ka.

"Let's celebrate this!" Malakasna sugaw ni Jiroh. "Let's go to the club, may alam akong bagong buk--"

"Huwag na!" Sabay-sabay naming tutol. Jiroh was really a party goer.

We grabbed our bag, inayos ang uniform namin at plano naming kumain lima sa cafe Adjura to celebrate this good news with Frost.

Hindi ko alam pero ang laki ng pinagbago ng buhay ko dahil sa paaralang ito. I able to meet this wonderful squad, learn music techniques, learn how to play instruments, help me to improve... A lot! A better version of myself.

This is Music Academy and our first semester... Ends here.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top