EPILOGUE
"Balita ko ay magkakaroon kayo ng reunion sa sabado?" Nasa kusina ako ng bahay at mahigpit siyang yumakap sa likod ko at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat.
Saglit akong napatigil sa paghihiwa ng baboy. "Bakit mo naitanong, wala ka bang balak na payagan ako?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.
Mas isiniksik ni Dela Torre ang kanyang mukha sa aking leeg. "Hindi! Mas gusto ko nga iyon dahil makikita mo na ulit ang mga kaibigan mo after a couple of months. Ilang buwan din tayong nanatili sa US," Dual citizen itong si Dela Torre kaya naman nakapagbakasyon kami ng matagal sa ibang bansa. "Ang bango mo."
"Bolero! Puro pawis nga ako, mamaya ka na mangharot. Magluluto muna ako." Sabi ko sa kanya.
"Hindi na!" Biglang inagaw sa akin ni Dela Torre ang kutsilyo kaya napatingin ako sa kanya. "Magpahinga ka na lang, ako na ang gagawa nito." Tututol sana ako kaso kilala ko na rin si Dela Torre, matigas ang bungo ng lalaking ito at paniguradong hindi niya naman ako susundin.
I sighed as a a forfeit, pumunta ako sa lababo upang hugasan ang aking kamay. Nadaan ako sa sala ng bahay at napatingin ako sa mga photo album. Mas gusto ko pa rin talaga na pini-print ang mga litrato kaya may mga photo album dito, ke'sa naman sa ina-upload na lamang sa social media.
Binuklat ko ang mga pahona nito.
Naalala ko na naman bigla ang mga nangyari sa akin nung nag-aaral pa ako sa Music Academy. Matapos ang final performance ko nung first year ako ay tuluyan na rin nabuwag ang forbidden rule.
Napag-alaman kasi na hindi naman talaga hadlang ang relasyon para makagawa ng magagandang musika. At isa pa, hindi lang ako ang patagong nakikipagkita sa kung sino-sino... Marami kami. Nagkataon lang na kaming dalawa ni Dela Torre ang nahuli.
Nung nabuwag ang forbidden rule ay napagpatuloy ko ang pag-aaral sa Music Academy. Maayos akong nakatapos at third year na ako nung naging kami na ni Dela Torre, he courted me a year bago ko binigay ang oo ko dahil worth it naman. Mas kilala na namin ang isa't-isa ngayon.
Ang sarap lamang balikan ng mga alaala na sobrang nagmarka sa puso ko. Ang daming up's and down's sa buhay ko pero lahat iyon... May natutunan ako. Isa na rin akong kilalang performer dito sa Pilipinas ngunit mas sikat ang kaibigan kong si DJ because she is well known internationally. Deserve niya iyon, magaling naman talaga si DJ.
Hindi ko namalayan na ilang minuto ko pa lang tinitignan ang mga litrato sa photo album, ang sarap kasi balikan ng mga alaala. Ang isa sa pinakabinabalikan ko ay ang wedding picture namin ni Dela Torre, that was the most memorable day of my life.
Napatigil lang ako nung may biglang humalil sa pisngi ko. "Dela Torre, ano ba!"
"Food is ready. Masyado kang abala diyan," Wika niya napasigaw ako nung bigla akong buhatin ni Dela Torre na parang ikakasal.
"Dela Torre, ano ba! Ibaba mo 'ko!" Natatawa kong sabi pero natawa lang din ang mokong.
"Ayoko, ayokong napapagod ang prinsesa ko." Binuhat niya ako hanggang sa kusina at sabay kaming kumain. Kuntento ako sa buhay ko ngayon... At masaya.
***
Araw na ng sabado at ngayon na rin ang reunion namin, nakasuot lamang ako ng kulay asul na dress at tinulungan ako ni mama na ayusin ang aking buhok. Simplicity at it's finest. Na-e-excite ako dahil makikita ko na ulit sila DJ, I miss my friends so much! They are the reason kung bakit ako nakapagtapos ngayon dahil tinulungan nila ako na ipaglaban ang mga bagay na ipinaglaban ko. Sinuportahan nila ako hanggang sa huli.
"Ready?" Tanong ni Dela Torre habang nakasuot siya ng pambahay.
Kumunot ang aking noo, "bakit hindi ka pa bihis?"
"Well, ihahatid lang naman kita doon. I want you to have a quality time with your friends. Baka kapag nandoon ako ay mahati lang ang atensyon mo and gusto kong mag-enjoy ka kasama ang mga kaibigan mo. You better catch up with them. Napangiti ako sa paliwanag ni Dela Torre. Kahit kailan ay iniintindi niya talaga ako. Maloko si Dela Torre nung una ko skyang makilala pero sobra ang pagma-mature niya, habang tumatagal ay mas lalo siyang nagiginganly sa paningin ko.
Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya pabalik. Hinatid niya lamang ako sa gate ng school namin and I gave him a peck of kiss sa pisngi. "Mag-text ka kapag pauwi ka na, susunduin kita."
"A'right."
"Tandaan mo ang paalala ko sa'y--"
Hindi ko na pinatapos ang kanyang sinasabi at ako na ang nagtuloy. "Have fun. Oo, mag-e-enjoy ako. Bye."
"Misis Cindy Gonzales- Dela Torre... May nakakalimutan ka yata." He smirked at napabuntong hininga ako. Nahihiya pa rin ako kapag binabanggit niya ang pangalan ko na ngayon ay karugtong na ang apelyido niya.
I gave him another kiss on lips perp mabilis lang. "I love you." Hindi na nakakahiyang sabihin ang salitang iyon lalo na't mag-asawa na rin naman kaming dalawa.
"Ang sarap pa rin sa tenga kahit ilang beses mo ng sinasabi, I love you too." Sabi niya at tuluyan na siyang umalis.
Hinarap ko ang main gate ng Music Academy, wala itong masyadong pinagbago at maraming alaala ang nandito sa lugar na ito.
I remember how I entered here first as an unexperience student. Itong school na 'tp ang humubog sa akin. Together with my friends, narating ko ang bagay na mayroon ako. Totoo nga ang kasabihan na 'hardworks will never betray you.' Matitikman mo talaga ang tamis ng bagay na pinaghirapan mo sa huli.
Nagtungo ako sa activity center kung saan gaganapin ang event. Kahit madilim sa paligid at malayo pa lang ako ay dinig na dinig ko ang malakas na music galing sa AC.
Nabigla ako nung biglang may tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako. "Oh my-- Jiroh! Long time no see!" Nakipagbeso ako sa kanya.
"Akala ko nag-enjoy ka na sa Amerika e, akala ko hindi ka na sisipot sa reunion." Natatawa niyang sabi kaya napatawa na rin ako.
"Pwede ba 'yon? Gusto ko na nga kayong makita e, by the way congrats!" Jiroh just won a prestigious Violin competetion sa Singapore last week. He win the title dala-dala ang pangalan ng ating bansa.
"Thanks." Pahambog niyang sabi. Same old Jiroh, he still the most gago person that I've known.
Pagkarating namin sa venue ay saglit kaming pumirma sa attendance and yumakap agad sa akin si DJ nung makita niya ako. "Gosh! Cindy, na-miss kita!"
Napatingin ako kay DJ and napailing ako dahil mas babae na siya mag-ayos ngayon ke'sa sa akin. Naalala ko pa dati na ayaw na ayaw niyang magsusuot ng maiiksing damit pero eto siya... Naka-dress.
Masaya kaming nagkwentuhan pero ang pinakapinag-usapan ay ang bagong kasal na si DJ at Lucas. I already have a hunch na baka sila ang magkatuluyan sa huli dahil sobrang click sila sa maraming bagay at hindi naman ako nagkamali. "Ikaw ba Jiroh, kailan ka ba mag-aasawa?"
"Teka! Bakit ako lang! Pati rin naman si manang wala pang asawa." Pagbabalik niya kay Lisa.
"Paano mag-aasawa si Lisa e hinihintay ka niyang magtino kasi nga..."
"Fuck boy ka!" Sabay-sabay naming sabi kaya napatawa kaming lahat.
"Grabe kayo. Fuck boy agad? Hindi ba pwedeng ini-enjoy ko lang ang pagiging teen ko." Depensa ni Jiroh sa kanyang sarili.
"Gosh, you're already 26 years old. Don't act like you are a hot bachelor in the town, hindi bagay." Nangingiwing sabi ni Lisa.
"Excuse me, twen-TEEN six. So basically, teen pa ako..." Ayan na naman sila sa bangayan nilang dalawa na nagpapatawa sa amin. Gosh! I miss this gals so much at na-miss kong tumawa ng ganito kalakas na nagagawa ko lang naman kapag sila ang kasama ko.
Dumating si Frost kasama ang half brother niyang si Henry at umupo sa table namin. "Pagtabihin ninyo si Cindy at Frost! Pagtabihin ninyo ang love team." Tukso ni Jiroh.
Dati ay naaasar ako kapag tinutukso nila kaming dalawa kahit kami na ni Dela Torre pero ngayon ay tinatawanan ko na lang din. Naka-move on na rin naman si Frosf sa pagkakagusto niya sa akon, walong taon na rin naman ang lumipas.
Masaya silang tinutukso kami at hinayaan ko na lang, sanay na ako. They really expected na kami ni Frost ang magkakatuluyan but I find my own happy ending on someone. This is reality, maaaring magkagusto ka sa taong hindi mo inaasahan at hibdi porke't nauna ang isang tao... Siya na. Wala sa tagal 'yan bagkus ay nasa effort 'yan.
"Kinakabahan ako." Bulong sa akin ni Frost kaya napatawa ako.
"Ano ba kaya mo 'yan, we planned this so well, go!" Pagpapalakas ko ng kanyang loob.
Umalis si Frost at na-excite kaming lahat sa mangyayari. Namatay ang ilaw at may spotlight na tumutok sa stage kay Frost na kasalukuyang nasa stage. Simula kasi nung maging isang tunay na architect si Frost ay hindi na namin ito narinig na kumanta.
Napatigil ang lahat ng tao na nandito sa reunion at napatingin kay Frost. Pumalakpak kami nila DJ to cheer him on.
***
Everything
©Michael Buble
[Dapat mayroong isang GIF o video rito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
Tumugtog ang instrumental nito at napapalakpak kami ng kamay.
You're a falling star, you're the get away car.
You're the line in the sand when I go too far.
You're the swimming pool, on an August day.
And you're the perfect thing to say.
Just like the old times, ang ganda pa rin ng boses ni Frost. Ito yung boses na hindi mo pagsasawaan pakinggan sa maghapon. Punong-puno ng emosyon ang kanyang pagkakanta hindi tulad nung unang mag-perform siya, emotionless.
And you play it coy but it's kinda cute.
Ah, when you smile at me you know exactly what you do.
Baby don't pretend that you don't know it's true.
'cause you can see it when I look at you.
Biglang may nabuhay na spot light sa isang babae at para kaming teenager na kinikilig nila DJ. Eto ang plano ni Frost, ang mag-dedicate ng kanta para kay Betty. Ooops! Hindi ako, kun'di ang tunay na Betty.
Hindi ko nga inaasahan na magkakagustuhan sila but eto ngayon, nasasaksihan ko kung paano mangharana si Frost kay Betty.
Tila gulat na gulat si Betty at napa-ayiie ang lahat ng tao na naririto.
[Chorus:]
And in this crazy life, and through these crazy times
It's you, it's you, you make me sing.
You're every line, you're every word, you're everything.
Pagdating sa chorus ay naglakad si Frost patungo sa direksyon ni Betty. Kinuha niya ang kamay ni Betty at hinila papunta sa stage.
You're a carousel, you're a wishing well,
And you light me up, when you ring my bell.
You're a mystery, you're from outer space,
You're every minute of my everyday.
Napapakanta ma rin ako sa aking kinatatayuan dahil totoo naman nakakadala ang boses ni Frost at isa pa! Sobrang nakakakilig kaya ang classical Music na kinakanta niya ngayon.
And I can't believe, uh that I'm your man,
And I get to kiss you baby just because I can.
Whatever comes our way, ah we'll see it through,
And you know that's what our love can do.
Nagtama ang mata ni Betty at bahagyang sinuntok ni Betty ang dibdib ni Frost kaya napatawa si Frost. Kaming tatlo naman nina DJ ay kulang na lang ay magsabunutan dahil sa sobrang kilig. Matagal din ang paghahanda ni Frost para sa surprise na ito and I know... Madaming lakas na loob ang inipon niya para dito.
Natapos ang kanta at nagpalakpakan kaming dalawa. Naluluha naman si Betty dahil sa tuwa. "Big boy na si Frost." Biglang sabi ni Jiroh kaya napatawa kami nina DJ.
Akala ko ay tapos na ang palabas kaso ay biglang nagsalita si Frost. "Ikaw ang naging sandigan ko Betty nung mga panahong durog na durog ako, binuo mo ulit ang sarili ko... Ang basag kong puso."
Malakas kaming nagtitilian dahil sa mga sinasabi ni Frost. Masaya ako para sa kanila.
Mas ikinabigla naming lahat nung biglang lumuhod si Frost. Wala na! Nagwala na kami nila DJ at Lisa, wala na kaming pakialam kung masira ang make- up sa mukha namin dahil talaga namang nakakakilig itong nasasaksihan namin. Feeling teenager ulit kami.
"Betty, will you marry me?"
Napatahimik kaming lahat at hinintay ang mga salitang lalabas sa bibig ni Betty. Napatakip si Betty ng kanyang bibig at halatang nagpipigil ng pag-iyak. "Y-yes." She answered at napasigaw kaming lahat.
Nakangiti akong pinagmamasdan sa stage. Nakuha ko na ang happy ending ko, deserve din nilang dalawa na sumaya at masaya ako na nahanap na ni Frost ang happy ending niya.
Natapos ang eksena na ginawa ni Frost at puro kantyaw ang ginawa namin nung makabalik na sila sa puwesto namin.
"Ikaw ha! Wala sa plano natin ang proposal na iyon!" Sabi ng kapatid niyang si Henry na tinawanan lang ni Frost. Napatingin ako kay Frost at napatingin din siya sa akin. Ngumiti ako at nag-thumbs up.
"Guys! Tara sa photobooth, picture tayo! Minsan na lang tayo makukumpleto oh!" Aya ni Lucas kaya napatakbo kami sa photobooth.
Pang-animan lang ang photobooth na ito ngunit pinagkasya namin ang aming mga sarili. Si DJ, Betty, Lisa, ako, Frost, Henry, Lucas, Zach, Yngrid at Jiroh. Hindi ko inaasahan na sila ang mga tao na magiging totoong kaibigan ko.
Marami man kaming pinagdaanan sa Music Academy pero pinatatag nito ang aming pagkakaibigan.
Inaasahan ng lahat na ang kwento ko ay kwento ng pag-ibig. Nagkakamali kayo, kwento ito kung paano ko inabot ang aking pangarap. At hindi porke't hindi naging kami ni Frost ay hindi na masaya ang katapusan. Masaya ako sa piling ni Dela Torre, masaya si Frost ngayon dahil engage na sila ni Betty, masaya ang mga kaibigan ko... Happy ending pa rin naman ito, hindi nga lang sa inaasahan mong paraan.
"Okay guys! Ready na? Wacky ha! One... Two... Three!"
I am Cindy Gonzales at ito ang aking kwento sa loob ng Music Academy. Ikaw, ano ang kwento mo?
END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top