Chapter 9 "His territory"
Sa kabila ng pagpupuna na ginawa sa amin ni miss Rose ay nakakabigla na nakakuha pa rin kami ni Frost ng mataas na marka. Halos lahat naman sa section namin ay nakakuha ng mataas na marka kaya nakakatuwa.
"Akala ko talaga ay mababa ang makukuha ko sa unang pair activity" Nakahawag sa dibdib kong sabi kay D.J na para bang nakahinga ng maluwag. Nung naibigay kasi sa akin ang papel ko ay 92 ang nakalagay dito.
"Congrats! Hindi naman kasi overall performance ang binigyan ng grado ni ma'am. Ang inobserbahan niya ay ang breathing nating lahat dahil iyon ang may koneksyon sa ipinaliwanag niya last time" Napatango-tango ako sa pagpapaliwanag ni DJ. Mabuting bagay pala na pinagtuunan namin kahapon ni Yngrid ang breathing ko.
Tapos na ang klase naming lahat, may ilang mga teachers na nagbigay ng assignment pero more on research lang ito kaya madali na lang. Hello! Usona kaya ang google at copy paste method. "Manlibre ka naman Cindy! Nakapasa ka oh" Sabi sa akin ni Lucas at mahinang tinunggo ang aking balikat.
Ihahatid ko kasi silang dalawa ni DJ sa may gate, napag-alaman kong sa University tower nag-i-stay 'tong dalawa na ito at may sarili silang dalawa na condo unit. They are not live in to clarify some things, magkaibang condo unit 'yon. "DJ akala ko ba nakatira ka sa bahay ng parents mo?"
"Hassle mag-back and forth tsaka kay kuya yung unit na 'yon hinihiram ko lang." Pagpapaliwanag sa akin ni DJ. "Cindy 'wag mo ibahin yung usapan, manlibre ka na. Ang taas ng grade mo, oh! Libre! Libre!"
Ayun habang naglalakad kami ay sumisigaw si Lucas at si DJ ng ganyan. "Oh sige, pero sa tuhog-tuhog lang tayo ah. Alam ninyo naman na may weekly budget ako at sakto lang yung binibigay ng parents ko"
"Okay lang 'yon! Matagal na akong hindi nakakakain sa tuhog-tuhog" Sabi ni DJ at umakbay sa aming dalawa ni Lucas, sobrang boyish niya talaga kumilos. "Tara! May alam akong masarap na tuhugan malapit lang sa may convenience store sa kanto."
Naglakad na kami patungo doon at enjoy na enjoy sa pagkain. Pero hindi ko maiwasang mailang lalo na't maraming ibang estudyante ang nakatingin sa amin. Paano ba naman ay suot-suot namin ang aming uniporme. "Huwag mo na lang pansinin iyan, ito ba ang unang beses mo na lumabas ng school habang suot-suot ang uniform mo?" Pagtatanong sa akin ni Lucas.
"Ganyan talaga 'yan Cindy, karamihan sa kanila ay tingin sa atin ay mayayabang. Masasanay ka rin." Dugtong ni DJ na sarap na sarap sa pagkain ng kikiam.
Habang kumakain kami ay napansin ko si Jiroh na naglalakad at mukhang nagmamadali pabalik sa school, may bitbit siyang dalawang plastik ng supermarket at mujhang nag-grocery. Nung nakita ko ang kanyang mukha ay naalala ko yung stress ball na kanyang ipinahiram sa akin na lubha naman talagang nakatulong. "Uy guys, wait pang may lalapitan lang ako."
"Oh sige, pero huwag kang tatakas Cindy ah! F.O na kapag tumakas ka" Medyo hindi ko pa naintindihan ang sinabi ni DJ dahil punong-puno ang kanyang bunganga.
Nung malapit na sa amin si Jiroh ay mabilis ko itong hinarang. Nabigla pa siya nung nakita niya ang aking mukha. "Oh Cindy ikaw pala 'yan!" Nakangitiniyang sabi.
"Ah Jiroh, gusto ko lang sana na ibalik 't--"
"Alam ko Cindy ang kapal ng mukha ko pero pwede bang ihatid mo ito sa boys dorm? Room 305. Nagmamadali lang talaga ako." Sabi niya at inabot ang dalawang plastik at wala naman akong ibang nagawa kun'di tanggapin ito.
"Uy teka lang Jiroh, kumakain pa kami, eh."
"Please Cindy, urgent lang. Hinihintay na ako ng mga ka-Dota ko, pakihatid na lang sa room 305. Huwag mong kalimutan! Sige na ba-bye na!" Tumakbo na paalis si Jiroh at no choice akong naiwan na bitbit yung dalawang plastik. Mukhang nag-grocery si Jiroh.
Lumakad na ulit ako papalapit kanila DJ. "Ano 'yang inabot sa iyo nung weird na lalaki na 'yon?" Pagtatanong sa akin ni Lucas.
"Wala. Pinapahatid lang niya 'to kapag bumalik na ako sa loob ng Music Academy." Pagpapaliwanag ko sa kanila at napatango ang dalawa, nagpatuloy sila sa pagkain dahil gaya nga ng kasabihan, masarap ang libre.
Nagpaalam na ako kanila Jacob at DJ matapos naming kumain at bumalik na sa Music Academy, bandang alas-singko na rin kaya mangilan-ngilan na lamang ang estudyante na aking nakikita na naglalakad paalis. Tumungo ako sa boys dorm na nasa left wing ng school.
"Out limits ang mga babae rito." Pagsita sa akin ng guard na nagbabantay sa boys dorm.
"Manong guard pinapaabot lang 'to ng kaibigan ko," Itinaas ko ang hawak kong mga plastik upang makita niya. "Saglit lang naman po ako sa loob at wala akong balak magtagal."
Hello! Kahit pa sabihin na puro matitinong lalaki ang nandito sa loob ng Music Academy, lalaki pa rin sila 'no! And boys will always be boys. "Eto po ang I.D ko, sure naman po ako na lalabas ako sa boys dorm na 'yan! After kong i-deliver ito, sibat na agad."
Inabot ko ang I.D sa guard at sinabihan niya ako na kailangan kong bumalik agad kung hindi ay ire-report niya ako sa mga teachers. Pumasok ako sa boys dorm, sumalubong sa akin ang lobby ng dorm nila na kulay asul ang kulay ng dingding at karamihan ng musical instrument ay gitara at drums, unlike sa girls dorm lobby na kulay pink at violin and piano ang instrument ja nasa lobby.
"Room 305. Room 305..." Inuulit-ulit ko sa utak ko habang dumadaan sa lobby. Bumukas ang elevator at pagkabukas ng pinto ay si tumambad sa akin ang mukha ni Henry. "Uy babaeng bintangera! Nagkita ulit tayo."
Natuwa naman ako sa pagbati na ginawa sa akin ni Henry dahil kahit papaano ay alam kong natatandaan niya ako although ilang beses pa lang nagkukrus ang mga landas namin. "Oh Henry ikaw pala!" Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Nice meeting you again, anong ginagawa mo rito sa dorm ng mga lalaki?" He curiously asked. "May boyfriend ka bang dinadalaw?"
Mabilis pa sa alas-kwatro na umiling ang ulo ko. "Wala akong boyfriend 'no! Alam mo naman na bawal ang relasyon sa school na ito."
"Sa bagay. So, bakit ka nga nandito?"
"Ay may kaibigan kasi akong humingi ng pabor, pinapadala niya itong grocery sa room niya kasi may urgent siyang inasikaso." Jusko! Anong urgent sa pagdo-dota? Bwisit na Jiroh 'yan, sa oras talaga na magkita kami ulit eh sisingilin ko siya sa sobra-sobrang istorbo na ginagawa niya sa akin ngayon.
"Ah okay! Baka gusto mong sumama sa akin na tumambay sa malapit ma cafe?" Pagtatanong niya sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganito kabait ang isang Henry Dizon. Yung kahit na nakikita na ang mukha niya sa buong Pilipinas eh sobrang down to earth niya pa rin.
"Next time na lang, kakakain lang namin sa tuhog-tuhog ng mga kaibigan ko kaya busog pa ako eh." Pagtanggi ko.
"Okay. So next time na lang, how I wish makakain din ako ng mga ganoon sa buhay ko" Natatawa niyang sabi at naglakad na paalis. Hindi pa ba siya nakakakain ng street foods?
Ipinagsawalang kibo ko na lamang ito at nagmamadaling pumasok sa elevator at pinindot ang button papunta sa third floor
Yung ibang kalalakihan eh napapatingin sa akin. Eh, sino ba naman kasing matinong babae ang tutungo sa boys dorm ng mag-isa? Baliw ka talaga Cindy.
Pagkabukas ng elevator ay nagmadali akong hinanap ng room 305 dahil sobrang awkward ng lugar na ito para sa akin. "Iwan ko na lang kaya sa tapat ng pinto itong mga grocery na 'to? Kaso parang ang rude ko naman kapag ganoon tsaka si Jiroh naman ang naka-dorm dito."
Pinindot ko ang doorbell at humintay ng taong lalabas. Halos magda-dalawang minuto ma ngunit wala pang lumalabas. "Ang tagal nama--"
Naputol ang aking pagrereklamo ng biglang biglang bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang napakalamig na titig ni Frost. Biglang umatras ang tapang ko at napaayos ako ng tindig ng tayo.
"Ikaw ba yung cook na sinasabi ni Jiroh?"
"H-ha?" Literal na napa-jawdrop ako sa kanyang tinuran. Ilang ulit ako napakundap-kundap ng mata bago mag-sink in sa akin ang kanyang sinabi. "Hindi! Bakit naman ako magiging tagaluto eh pinapadala lang 'to ni Jiroh dito sa dorm room niya."
"It's not his room, sa second floor ang kwarto ni Jiroh. He said to me na may dadating na tagaluto dito sa dorm na dala-dala yung groceries," Napatingin ako sa dalawang plastik ng grocery na hawak ko. Bwisit nauto ako ni Jiroh. "So you need to cook for me Betty."
"Cindy." Pagtama ko sa kanya. "Magtatatlong linggo na tayong magkaklase pero hindi mo pa rin ako tanda."
***
Ang sabi ko sa sarili ko ay hindi ako magtatagal dito sa boys dorm, pero dahil sa kalokohang ginawa ni Jiroh ay nandito ako sa dorm room ni Frost... Pinagluluto siya.
Habang hinihintay kong uminit ang mantika ay saglit akong napaglibot-libot sa kwarto niya, ang una kong napansin ay ang mga house designs na nakasabit sa dingding. "Ang ganda naman nito. Ikaw nag-drawing?"
He just looked at me, the same cold stare as always. "Wala kang pakielam."
Bumalik na lang ako sa mini kitchen, "Tsk sungit. Parang nagtatanong lang eh" Mahina kong bulong sa aking sarili. Kumpara sa kwarto ng kapatid kong si Caleb, 'di hamak na mas malinis at mas organize ang mga gamit ni Frost.
Simpleng fried chicken lang ang aking niluto dahil iyon lang naman ang madaling gawin in a short span of time. Bawal kasi akong magtagal dito dahil baka kung ano ang sabihin nung guard. "Frost, bakit parang iba yung pagkanta mo doon sa activity ke'sa sa pagkanta mo nung nakita kita sa 8th floor ng Music department?"
Ako na ang nagbukas ng topic kahit sobrang nakakatakot ang malamig niyang titig. Hindi kasi ako komportable na masyadong tahimik, I'm extrovert so gusto ko parating may kausap.
"You're on my territory Betty. You don't have the right to ask. Magluto ka diyan then leave."
"Cindy nga kasi! Betty ka ng Betty!" Medyo inis kong sabi habang binibiling ang manok.
"Yeah whatever, you're still annoying." Sinuot niya ang kanyang headset at komportableng umupo sa sofa. Grrrr! Siya na nga 'tong nanghihingi ng pabor, siya pa 'tong may ganang magalit.
Naluto ko na yung manok at pinatong ko na ito sa lamesa kasabay ang kanin. Nagpatong ako ng dalawang pinggan kaso, "Stop! Anong ginagawa mo?"
"Naghahain 'di mo ba nakikita? Naghahain ako kasi kakain na tayo." Proud kong sabi habang sumasandok ng kanin.
"Tayo? Kailan kita binigyan permiso na sumabay sa akin sa pagkain?"
"Ako ang nagluto kaya dapat lang na makakain ako!" Reklamo ko sa kanya.
"You're still on my territory at ayokong may kasabay kumain. You may leave now, your job is done Betty." Cindy nga kasi. Wow! Siya na nga 'tong humingi ng pabor! Ano siya amo?
Ipaglalaban ko pa sana ang karapatan ko kaso ay masama ng tumitig sa akin si Frost kaya padabog akong tumayo. "Nagrereklamo ka? Bayad ka kaya wala kang karapatang magreklamo."
"Ewan ko sa'yo! Laklakin mo 'yang manok" Lumabas ako ng kwarto niya na umuusok ang ilong dahil sa galit.
Anong sinabi niya? Bayad ako? Eh kahit nga pisong duling eh wala akong natanggap mula sa kanya kaya anong sinasabi niyang bayad ako? Grrr! Nakakapang-init ng dugo, may dumaig kay Caleb sa pambibwisit sa akin.
Pasakay na ako ng elevator ng makatanggap ako ng text galing sa unknown number. Nung mabasa ko ang text ay mas lalong nasira ang araw ko.
Hi Cindy, Jiroh to. Yung binayad ni Frost sa pagluluto mo eh pinang-dota ko. Thank you!
Wow talaga! Biglang naging libre ang service ko! "Kasalanan mo 'to Jiroh, makakabawi din ako sa iyo"
Pagkapabas ko eg muli kong pinagmasdan ang kabuuan ng boys dormitory. "Isa ka pa Frost, makakabawi din ako sa inyong magkaibigan kayo."
Ngayon ay naniniwala na ako na may lahing demonyo ka Frost.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top